23rd: the Boss' POV

39.8K 425 72
                                    

Gusto ko nang umuwi. 


Naiinis ako at nanghihinayang sa oras na nasasayang ko dito.


Nandito ako ngayon sa hospital kasama ang parents ni Sonny kung saan ito naka-confined ngayon.


Her mother told me that she's here because she tried to kill herself at buti nalang ay naagapan daw agad.


I was shocked and worried kaya nung tinawagan ako ng nanay nito kanina ay dali-dali akong sumugod dito sa hospital.


Pero nang malaman ko ang rason kung bakit nito ginawa iyon ay biglang nagbago ang mood ko. Lalo na nang malaman ko na damay pala ako doon.


She found herself pregnant and she told her mom that it was mine. Ayaw ko daw itong panagutan kaya mas ginusto nitong magpakamatay nalang.


I was pissed and so disappointed with her because of that. Of course we both knew who the father is and I have no idea why she said those stupid lies. Hindi ko pa nga lang ito nakakausap ng masinsinan dahil hindi ito iniiwan ng nanay nito.


Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Hindi ko akalain na makakayanan ni Sonny na ipasok ako sa sitwasyong ganito.


Noon pa man ay pinapayuhan ko na siya na kilalanin muna ang lalakeng kinakasama dahil baka matulad lang ito sa long time boy friend nito na niloko lang ito. Pero hindi ito nakikinig at sa halip ay sinabing kaya nitong protektahan ang sarili kaya wag nalang daw akong makialam dahil busy din naman daw ako sa panliligaw kay Leanne. Hinayaan ko nalang ito dahil alam ko naman na hindi ito makikinig sa akin.


Kilala ko kung gaano ito ka-stubborn at habang pinipigilan ay lalo lang sumisige. Ninang ko ang nanay niya at mula pagkabata ay magkaibigan na kami kaya kilalang kilala ko na ito.


'No.. Mali pala.. Because after what she did, hindi ko pala siya lubusang kilala..' sarkastikong bulong ko sa sarili ko.


Napukaw ang atensyon ko nang tawagin ako ng nanay ni Sonny.


"Iho, nagising na si Sonny. Ang sabi niya pwede ka muna daw umuwi para makapagpahinga ka naman. Ako nalang muna ang magbabantay ngayon sakanya. Bumalik ka nalang bukas."nakangiting sabi nito.


Mula't-mula ay mabait na talaga ito sa akin. Sa totoo lang ay parang ina narin ang turing ko dito kaya kahit naiinis ako sa ginawa ng anak nito ay hindi ko makuhang idamay ito sa inis ko.


"Ninang, kayo nalang po muna siguro ang magpahinga. Kanina pa po kayo nagbabantay dito. Wag po kayong mag-alala, ako muna ang bahala kay Sonny."magalang na sagot ko dito.


"Sabi niya kasi..." pagdadalawang isip nito.


Here we are again... Dahil sa sobrang kabaitan nito, lagi nalang itong sunod-sunuran sa anak nito.


"Ako na po ang bahala tita. We also need to talk. Nagpareserve po ako ng isa pang room sa kabila para hindi na po kayo umuwi. Nagdala narin po si Tita ng mga gamit ninyo doon so you don't have to worry. Just take a rest tita, I know you've been stressed lately."nakangiting sabi ko saka marahang inakay ito.

I'm inLUST with my BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon