16th: Contest?

53.5K 675 40
                                    


Time check, 3:42am.

Gosh.. Umaga na pala!

Halos hindi ko namalayan ang oras.. Gusto kong matulog pero hindi ko alam kung paano ko hahabulin ang antok.

Paikot-ikot lang ako sa higaan dahil baka makuha ko na ang antok ko, pero wala parin.



Sinubukan ko naring magbasa ng libro at nagbabakasakaling antukin ako pero nakuha ko nang matapos basahin yung librong napili ko pero wala paring epekto.



Sa tuwing pipikit kasi ako ay may naaalala ako..



Hindi parin mawala-wala sa isip ko ang huling sinabi ni Iñigo kanina sa may sala..



"Close kayo no? Parang medyo nakakainggit... actually, I feel jealous..." 

 --actually, I feel jealous...


Parang echo na paulit-ulit sa tenga ko ang mga salitang iyon.



"Yihh!!!"di ko mapigilang tumili. Honestly, kinilig ako sa sinabi niya.



Lalo na nung hawakan niya ang kamay ko kaninang hinatid ko sila sa guest room. Gosh! Hindi ko alam kung paano ko pinigilan ang sarili ko na yakapin siya!



Wala sa sariling niyakap ko ang teddy bear na nasa tabi ko pero napatigil ako nang maalala ko ang taong nagbigay sa akin nito.


Si James..


Nagbalik na si James..



Sa totoo lang ay namiss ko talaga siya kaya lang ay hindi parin mabura sa isip ko yung kaunting tampo ko sa hindi niya pagpaparamdam sa akin. Ganun nga ba talaga kahalaga ang sinasabi nitong inasikaso nito para kalimutan ako ng ilang buwan?


Pero masaya ako na nandito na siya ulit.. Kaya imbes na magtampo ay pinili ko nalang na magsaya kasi at least, nandito na ulit ang bestfriend ko.. Lalo na nung sabihin nito kanina na hindi na niya ako iiwan.. May mangungulit na naman sa akin, at syempre may kukulitin na naman ako..



Pero naguguluhan ako.



Close kasi kami talaga ni James at minsan pa nga ay sa apartment ko ito natutulog. Baka kasi anong isipin ni Iñigo kung sakaling makita nito na magkasama kami. Pinagseselosan pa mandin niya ito. Hindi din naman pwedeng baguhin ko ang treatment ko kay James nang dahil lang sa pinagseselosan ito ng binata. Unfair naman yata yun sa best friend ko.



Hayysss! Sumasakit ang ulo ko!



Pinikit ko nalang ulit ang mata ko at maya-maya lang ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako.





SAMANTALA.....

OTHER'S POV:

Kasalukuyang nasa kabilang kwarto sila James at Iñigo. Katabi lang ito ng kwarto ni Gab.



3:50am na pero hindi parin dalawin ng antok ang dalawa.



Hindi naman gaanong maliit ang guest room na ipinagamit sa kanila pero nagmistula itong maliit sa dalawa.



Single bed lang ang available sa kwartong iyon dahil si James lang naman dati ang madalas makitulog sa kanila. Pero dahil ayaw naman magtabi ng dalawa, they both decided na itagilid nalang sa dingding ang bed at sa lapag nalang maglatag ng higaan. Pero daig pa nila ang nandidiri sa isa't-isa dahil dalawang magkabilang dulo lamang ang inokupa nila samantalang napakaluwag ng gitna.



I'm inLUST with my BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon