13th: Unexpected VISITOR..

72.2K 1K 56
                                    

A.N: Hi guys! Happy 43k reads! Grabe, I didn't expect na aabot sa ganito yung reads ng IILWMB promise.. Kasi akala ko ibabaon ko nalang ito sa baul ehh... Hahaha.. Lols.. Kaya dahil overwhelmed ako, medyo hinabaan ko ang next chapter at sana po magustuhan ninyo...

Super thank you po! I love you all! Mwaaahh! :)

Anyway, please also read my other story entitled OUR 24 HOURS LOVE STORY.. (Here's the Link: https://www.wattpad.com/136590685-our-24-hours-love-story-short-story-completed )

__________________________________________________________________________________

Nagdesisyon muna kaming kumain dahil sabi ko dito ay mahaba-haba pa ang byahe bago kami makarating sa amin. Pero patapos na kaming kumain ng maalala ko na kailangan ko pa nga palang mamili ng mga sangkap na gagamitin namin bukas para sa mga lulutuing handa. Dati ay sa Tarlac na ako namimili tutal ay kaunti lang naman ang binibili ko at hindi rin naman gaanong marami ang hinahanda namin, pero dahil nagtext ang Nanay ko na may darating daw na mga bisita, nagdesisyon ako na ngayon nalang mamili. Nagprisinta din kasi si Iñigo na samahan akong mag-grocery kaya sino ba naman ako para tumanggi di ba?


Mabilis ko namang tinapos ang pag-gogrocery para hindi kami masyadong gabihin sa daan. Nakapila na kami sa may cashier ng mapuna ko ang malimit na pagsulyap kay Iñigo ng mga kahera sa iba-ibang lane pati narin ng ibang customer. De javu. Parang kahit saan yata ito pumunta, laging pinagtitinginan!


"Akala yata nila, artista ka. Halos mabali na yung leeg nila sa kakasulyap sayo oh.." nakalabing sabi ko dito.


"Hayaan mo lang silang tumingin. Sa iyo lang naman ako nakatingin eh."banat nito sabay kindat.


Syempre pa, kinilig na naman ako pero hindi lang pinahalata. Kunwari'y inirapan ko lang ito.


Nang nasa counter na kami ay inunahan agad niya ako sa pagbabayad. Pero sinabihan ko yung cashier na wag kunin yung card nito dahil ako ang magbabayad. Nagtataka man yung cashier pero nginitian ko nalang ito. Masyado na kasing abuso kung ito pa ang magbabayad sa mga pinamili ko eh ihahatid na nga niya ako sa amin.


Nagpapacute naman na isinoli ng babae ang card ni Iñigo pero hindi ito tinanggap ng binata.


Naguguluhang tumingin sa aming dalawa ang cashier. Tiningnan din nito ang medyo mahaba nang pila saka sinulyapan ang kasamang bagger na nagkibit-balikat lang.


"Don't mind her miss. I-swipe mo na yan kasi naiinip na yung ibang customer." nakangiting sabi nito sa cashier na tila nahipnotismo at wala sa sariling tumango-tango nalang.


Pinanlakihan ko ito ng mata at akmang magrereklamo pa sana nang mapatingin ako sa mga babaeng kasunod namin na nakasimangot habang nakatingin sa akin. Hinayaan ko na lang ito dahil mukhang hindi din naman ako mananalo dito. Maging sa pagbubuhat ay hindi narin niya ako pinatulong at sinabing magaan lang naman daw ang mga ito kaya hinayaan ko nlang din.


"Ang arte naman nito. Siya na nga ang nililibre nung gwapo, siya pa ang may ganang umayaw. Kung ako lang yun... hmmp!" narinig kong bulong nung isang babae sa kasama nito bago kami lubusang makalayo.

I'm inLUST with my BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon