15th: Awkwardness...

54.4K 792 42
                                    

(A.N.: Here I am again, walang sawang nagpapa-thank you sa lahat ng readers ng IILWMB..  50k reads na po!!! aaYihhh...

Super thank you sainyo kasi pinapakilig niyo ako.. hahaha.. XD

Keep on reading guys and I will assure you that you'll not be disappointed.. Ayy mali.. Sometimes, di pala maiiwasan na madisappoint kayo lalo na kung mas bet niyo para kay Leanne yung isang leading man pero mas puma-pabor naman sa isa pa yung eksena.. Di ba?? hahahaha.. Ganyan talaga guys.. Isa-isa lang dapat.. Tama???

Oh sya... eto na po yung update na inaantay niyo.. Sorry kung maikli... Bawi nalang po ako next chapter...  Promise!! Busy lang po kasi sa work... Pero sana po you'll still enjoy it kahit na medyo masabaw ang update na to... hahaha... Mwaaaahh!! :)


Papalit-palit ang tingin ko ngayon kay Iñigo at James. Nandito kami ngayon sa may sala at parang mga ewan na nakaupo lang. Ang tahimik! Nakakaloka..


Huminga ako ng malalim. Ano ba ang dapat kong sabihin?


"Oh Gab, naipakilala mo na ba sila sa isa't-isa?" biglang singit ni kuya bago ipatong yung dala nitong miryenda para sa amin. Sinimangutan ko lang ito dahil parang nakakaloko ang ngiti nito bago umalis.


"Kain muna kayo.."tanging nasabi ko saka sabay na inabot ang plato sa dalawa.


Hindi ko alam kung paano ko pag-seserve ang dalawa dahil awkward kung uunahin kong bigyan ang isa kaya hinayaan ko nalang na kanya-kanyang kumuha ng pagkain ang mga ito.


Pero laking gulat ko ng halos sabay nilang iabot sa akin ang plato nila na may lamang pagkain.


"You should eat My Leanne.."narinig kong malambing na sabi ni Iñigo.


"Kain ka na Queen."sabi naman ni James saka ako nginitian.


Palipat-lipat kong tiningnan yung plato na inaabot ng dalawa. Sa totoo lang ay nagutom ako sa byahe at pag-iyak kanina kaya lang ay hindi ko alam kung kaninong plato ang kukunin ko. Parehong spaghetti lang naman ang binibigay nila pero nakakahiya naman kung kukunin ko yung isa dahil baka magtampo naman yung isa pag hindi ko kinuha yung binibigay niya.


Plano ko na sanang kunin yung dalawang plato na inaabot nila nang biglang lumapit si Lilet. "Tito, tito, penge po ko ghetti. " sabi nito saka kumapit sa braso ni James at tinuro yung spaghetti na hawak niya.


Nakita kong napakamot sa batok si James saka nakangiting inabot kay Lilet yung platong ibibigay sana niya sa akin.


Tunawanan ko naman ito saka kinuha ang pagkaing inaabot ni Iñigo. "Kumain ka narin." nakangiting sabi ko sa binata.


"Okay lang. Makita lang kitang nabubusog, busog narin ako."banat naman nito.


Kunwari'y inirapan ko ito, "Tikman mo na dali. Masarap ang spaghetti ni nanay."


"Subuan mo nalang ako."paglalambing nito na ikinapula ng pisngi ko. Kung dalawa lang sana kami, malamang, kaya kong gawin iyon. Kaso, ang daming matang nakatingin sa amin ngayon kaya hindi ko kaya!

I'm inLUST with my BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon