30th part 1: Happy 1st!

11.6K 162 0
                                    

"Happy 1st monthsary!" masayang bati ni Iñigo sa akin.

Kahit pupungas-pungas pa at bahagyang nagulat ay nakangiting niyakap ko siya..

"Happy monthsary honey.." I replied.

Exactly 12:01am nang nagtext ito sa akin kanina para sabihing nasa harapan ito ng apartment ko.

Pero ilang minuto din ang lumipas bago ko ito napagbuksan dahil mahimbing na ang tulog ko ng mga oras na iyon at hindi agad nabasa ang mensahe nito.

Kung hindi pa ito tumawag ay hindi ako magigising!

Hindi ko naman din kasi inaasahan ang pagdating nito kaya nang sagutin ko ang tawag nito kanina ay hindi ko din ito agad pinaniwalaan.

Pero nang marinig ko ang pagkatok nito na syang patunay na nasa harapan nga ito ng apartment ay doon na tuluyang nagising ang diwa ko at dali-dali na akong bumangon upang pagbuksan ito ng pinto.

Sa pagmamadali rin ay hindi ko na nagawang tingnan pa ang itsura ko at kung gaano kagulo ang buhok ko. Ni hindi ko narin naalalang palitan ang damit ko.

Isang life size teddy bear at bouquet of flowers ang agad na nabungaran ko sa pinto.

Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ko.

I am so touched.

Not because of his gifts but because of his gesture.

OA man kasing isipin pero talagang eksaktong 12:01 AM ang naging pagbati nito.

Pati ang pagpunta nito ngayon sa apartment ko upang batiin ako ng personal ay talagang nagpalakas ng tibok ng puso ko.

'A++++' for effort talaga!

Sa sobrang overwhelmed ay hinila ko ito papasok sa loob ng apartment at agad ginawaran ng nanggigigil na halik.

Huli na nang maalala kong bagong gising pala ako at hindi pa nagtu-toothbrush!

Tangka sana akong lalayo dito nang hawakan niya ang likod nang ulo ko upang pigilan ako.

"Why?"nakangiting tanong nito.

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Ilang segundo din ang lumipas bago ko nakuhang sumagot sa tanong nito.

"I just woke up and......"nahihiyang simula ko.

"And?" He asked again, half smiling.

"Ano k-kasi... Di pa ako n-nagtu-toothbrush.."mahinang dugtong ko.

I heard him chuckled a bit.

Napalabi tuloy ako at bahagya itong itinulak ngunit sadyang ayaw nitong lumayo.

Inangat nito ang mukha ko at mabining bumulong, "You look like a goddess now and I can't help myself not to do this..." anito saka ako ginawaran ng nakakaliyong halik.

Hindi ko na nagawang kumontra pa at sa halip ay buong pusong sinagot ang halik nito.

I forgot all my inhibitions and responded to his kisses as passionate as he did.

Sa ginawa kong pagpapaubaya ay lalong lumalim ang halik nito.

Kinalimutan ko na muna ang salitang "hiya" dahil ramdam ko sa sarili kong gusto ko ang ginagawa nito.

Halos hindi narin ako humihinga.

I can feel his left hand at the back of my head while the other one placed on my waist, pulling me closer and hugging me.

I hugged him tighter which made him moan.

Bigla tuloy akong napahinto sa pagaakalang nasaktan ko ito.

I'm inLUST with my BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon