12th: Surprise?

70.3K 965 71
                                    


(A.N: Guys, here's the link for my other story... Kindly read it and vote... Thanks! Mwaahh!

https://www.wattpad.com/136590685-our-24-hours-love-story-short-story-completed)

__________________________________________________________________________________

Halos isang oras na yata ang nakalipas mula nung pumasok ako pero mula kanina ay nakatunganga parin ako sa mga bulaklak na nakalagay ngayon sa mesa ko. Ilang libong beses ko narin yatang binasa yung note nito pero parang gusto ko paring paulit-ulit na basahin.

"My Leanne... The closer I get to you, the happier I am... See you later sweety... Don't skip your meal...-Iñigo..


Lord, totoo po ba talaga itong mga ito o panaginip lang?"parang timang na tanong ko at tila wala sa sariling tumingala pa sa kisame habang kikip sa dibdib ang bulaklak at note na bigay ng binata. Hindi ko mapigilang mapangiti nang muli kong maalala ang mga sinabi ni Iñigo kahapon...


"Liligawan kita My Leanne hanggang sa maging akin ka. Hindi ko maitatanggi yung mga sinabi mo kasi totoo lahat ng iyon.. Pero Leanne, what I felt for you was different. Wag mong itulad ang sarili mo sa kanila. Alam ko na mahirap paniwalaan, but can you just give me the chance to prove myself to you? Hindi ako sanay sa ganito pero gagawin ko parin 'coz I know you deserve it. I know that this may sound rude, but I really wanted you to be mine My Leanne. So please.... Please allow me... or just... give me a chance..."


"Gravity!! Leanne Gabrielle Martines, why so lucky? Sinong mag-aakala na ang lalakeng laman lang lagi ng pantasya mo noon ay sasabihan ka ng ganun? Tapos, pinadalhan ka pa ng mga bulaklak at sweet note ngayon! Gosh! Hihimatayin yata ako!" kinikilig na bulalas ko.


Kasalukuyang nasa meeting si Iñigo ngayon at mag-isa ko lang ngayon sa office kaya okay lang kahit na magsisigaw pa ako ngayon dito sa kilig. Pero nang maalala ko na may CCTV nga pala dito ay bigla akong napatuwid ng upo at natawa na lang sa sarili.


Inspired akong magtrabaho maghapon at halos hindi na namalayan ang oras. Kanianang lunch break nga ay kung hindi pa ako dinaanan ni Angel ay makakalimutan ko na namang maglunch. Daig ko pa nga daw yung naka-drugs sabi pa nito dahil nakangiti ako maghapon. Kung alam lang niya kung bakit, tiyak na magsisisigaw iyon sa kilig! Hindi ko pa kasi magawang ikwento dito ang mga nangyari kahit na tinadtad niya ako ng messages magdamag dahil gusto ko munang namnamin mag-isa ang lahat.


"4:15pm na pala.." bulong ko nang mapatingin ako sa orasan sa may desktop ko.


Napangiti ako.


Anytime kasi ay alam kong darating na ang boss ko dahil nagtext ito kanina na 4:00pm daw matatapos ang meeting nito.


Tumingin ako sa salamin upang i-check kung ayos pa ba ang itsura ko para naman pagdating ni Iñigo ay fresh na fresh ako. At nang makuntento ako ay nakangiti na akong bumalik sa trabaho.


As if on cue, biglang bumukas ang pinto at unti-unting niluwa nito ang dahilan kung bakit ako inspired magtrabaho ngayon.

I'm inLUST with my BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon