27th: It's official.. :)

24.1K 333 25
                                    

"Waaaaaaaaaahhh! O-M-G!! So it's really official? Kayo na nga talaga ni Sir?" eksaheradang tili ni Angel. Agad ko namang tinakpan ang bibig nito dahil napapatingin na sa amin ngayon ang mga tao sa canteen.

Kasama ko itong naglalunch break ngayon at katatapos ko lang ikwento dito ang nangyari ng nakaraang araw. Two days kasi itong naka vacation leave kaya hindi ko ito agad na-update sa mga nangyari sa amin ni Iñigo.

"Kailangan talagang sumigaw ng ganyan? Yang bibig mo!" bulyaw ko naman dito.

"Eh sa kinikilig ako eh anong magagawa nila?" balewalang sagot naman nito. "Pero teka, teka, hayaan mo nga sila. Ituloy mo lang ang kwento.. Dali!!" kinikilig na dagdag nito.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Ayun... nung sinabi niya na mahal na talaga niya ako..... hindi na ako nagpakipot pa.... Sinabi ko na ano...  mahal ko narin siya..." pigil ang kilig na kwento ko.

Muli ay napatili na naman ito. Hinampas hampas pa nito ang lamesa na parang nasisiraan habang hindi binibitawan ang kamay ko. "Gravity! I can't believe it! At last! Nagka-aminan na kayo! So pa'no na? Kailan at saan ang kasal? Waaaah!! Flower girl ako ah!"

"Saglit nga.. Kasal agad? Di ba pwedeng 'bf-gf' muna? Saka yung kamay ko te, halos hindi na makadaloy ang dugo sa higpit ng hawak mo oh."kunwa'y pagsusungit ko dito upang pagtakpan ang kilig na nadarama ko. Sa totoo lang ay kanina pa parang pinipilipit ang bituka at kalamnan ko sa sobrang kilig.

"Pasasaan ba't doon din naman ang pupuntahan niyan! Wag ka ngang choosey!"biro nito.

Muli naman akong napangiti sa sinabi nito. "Pero girl, ganito pala yung feeling no? OA man pakinggan pero pakiramdam ko nasa cloud nine ako... Ang sarap!"tila nangangarap na saad ko at bahagya pang pumikit. Alam ko na mukha akong tanga ngayon pero wala akong pakialam. Masaya ako, PERIOD!

Dinig ko naman ang pagbungisngis ni Angel. "Naku te, hindi halata sa itsura mo ngayon na inlababo ka nga. Haha! Pero alam mo kung ano ang mas masarap dyan?" biglang tanong nito.

"Ano?"takang tanong ko.

Unti-unti naman nitong inilapit ang mukha nito saka seryosong bumulong, "Yung marating mo ang langit kasama siya. Goshh.. Mas heaven yun te!" sagot nito bago tumawa ng malakas.

Unti-unti namang nanlaki ang mga mata ko nang maintindihan ko ang ibig nitong sabihin.

"Gravity! Ang halay mo talagang babae ka! Haha!" bulalas ko saka muling tumingin sa paligid. Baka kasi may makarinig sa amin, nakakahiya!

"Haha! Sinasabi ko sayo girl, titirik mata mo!" pambubuyo pa nito. Kita kasi nito ang pamumula ng pisngi ko dahil sa sinabi nito.

Tila na-imagine ko naman ang sinabi nito. Unti-unti akong napangiti nang may kung anong pumasok sa isip ko. "Girl, ahhmmm, pwede magtanong?" nahihiya man ay nilakasan ko nalang ang loob ko. Si Angel lang naman 'to kaya ayos lang.

"Parang nararadar ko na kung ano ang itatanong mo inosenteng babae. Pero gusto ko paring marinig. Haha! Anyway, ano yun?" nakabungisngis na tanong nito.

"Pero promise me hindi mo ko tatawanan?" nakalabing sabi ko. Kita ko na kasi na parang natatawa na ito kahit na hindi pa nito naririnig ang nais kong itanong.

"Haha! Pipigilan ko promise! Dali na!" pambubuyo parin nito.

Huminga muna ako ng malalim bago nakayukong nagsalita, "Talaga bang..... ano... hmmmm... mas-"

"Masarap ang SEX?"putol nito sa sasabihin ko.

Muling nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa paligid dahil baka may nakakarinig sa amin. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makita ko na wala namang nakapansin sa sinabi nito.

I'm inLUST with my BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon