5th: he is coming...

109K 1.2K 56
                                    

This chapter is for you @bubblycutie.. thanks sa comment mo.. simple lang, pero napasaya mo ako... Ang babaw ko diba? Haha... mwaah!!

Comments pa more guys.. Thanks much!! :)

_________________________________________

Ilang minuto na ang nakalilipas mula ng ihatid ako ni Inigo sa apartment na tinutuluyan ko. Umalis din ito agad dahil may pupuntahan pa daw ito at sinabing babalik nalang after an hour para sunduin ulit ako.

Buti nalang umalis sya agad, dahil ngayon biglang nag-sink in sa akin ang lahat ng nangyari. Mula kasi ng umalis ito ay kanina pa ako nakatayo sa likod ng pinto, at hanggang ngayon, tila lutang parin ang pakiramdam ko.

"Nangyari ba lahat ng iyon o panaginip lang?"kausap ko sa sarili ko.

Parang biglaan eh. Parang kahapon lang, seryoso pa kaming pareho sa trabaho. Hindi man nga kami masyadong nagkikibuan, maliban nalang kung may iuutos ito o kaya ito mismo ang lumabas sa opisina nito at makipagusap saakin.

Pero kagabi, mula nung mainom ko ng di sadya yung hayop na Aphrodisiac na yun, nagbago na ang lahat!

Nahawakan ko siya.
Nayakap ko pa!
Kaso ang pinaka-matindi sa lahat, nakita na niya ang lahat sa akin!

Nakakahiya lahat ng nangyari pero imbes na mailang kami sa isa't-isa, ay naging close pa kami bigla.

Tapos mamaya, magbibaby-sit pa kaming dalawa? As in, kaming dalawa...

At pumayag naman daw ako? Anyare?

"Ava, matindi! Gab, gravi na iti!"

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Di ko kasi alam kung dapat ba akong matuwa o hindi sa mga naganap, at sa magaganap pa kung sakaling meron man.. haha!

Kasi, dapat ko bang ikatuwa na close na kami ng lalakeng pinagpapantasyahan ko sa araw at gabi? Ang lalakeng naging dahilan kung bakit ako natutong mag-imagine ng kung ano-anong sexy scenes? At kung may 'mangyari' man nga, at mapunta sa iba ang closeness namin, ako lang din ang lugi. Kasi, knowing him, "Naku Lianne Gabriel, mabubuntis ka lang pero wala kang mapapala!"panenermon ko sa sarili ko.

But on the other hand, tila kinikiliti naman ako ng maisip ko na pa'no kung may 'mangyari' nga sa amin.

"Pa'no ko kaya siya hahawakan? Ga'no kaya siya kalaki?"my naughty mind was starting to get wild again!

"Ganito kaya?"saka ako gumawa ng tila letter 'O' sa kamay ko.

"Or bigger?" I giggled.

"Ay mabuti pa at maligo ka nalang ulit Gab at nang mawala yang init na nararamdaman mo! Nagmemens ka na nga't lahat ang dumi pa ng isip mo!" sermon ko sa sarili ko at nagsimula ng maglakad papunta sa banyo.

Halos kalahating oras din ang lumipas bago ako matapos maligo. Hinagod ko lahat, nilibagan ang dapat libagan. Para fresh na fresh! At ng matapos ako, isa na naman ang pinoproblema ko.

'Ano kaya ang susuutin ko?'

Tiningnan ko ang mga damit ko sa cabinet.

Sa totoo lang, limitado lamang ang magagarang damit ko. Karamihan sa mga damit ko ay puro pang office attire at kaunti lamang ang "pang-gala". Halos kalahati pa ng mga ito ay puro bigay ng bestfriend ko. Hindi kasi talaga ako mahilig lumabas kaya kuntento na ako sa mga pambahay na damit kaya madalang lang din akong bumili kung di naman talaga kailangan.

Pero sa pagkakataong ito, tila pinagsisisihan ko na hindi ako nahilig magshopping. Kasi di ko alam kung ano susuotin ko!

"Ay bahala na nga!"sabi ko at kumuha ng pares ng damit at nagsimula ng magbihis.

I'm inLUST with my BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon