20th: Confused 2.0

41.5K 499 44
                                    


Nakangiti akong pumasok ng gate. Kumaway pa ako kay Iñigo bago tuluyang pumasok sa loob ng apartment. Pagbukas ko palang ng pinto ay agad na akong sinalubong ng seryosong mukha ni James.


"Hi!" nakangiting bati ko dito.


Hindi ito sumagot, sa halip ay tumingin ito sa wall clock. Na-gets ko naman agad ang ibig nitong sabihin. Late na kasi akong umuwi.


"King...." lambing ko agad dito saka nginitian ito ng ubod tamis.


"Wag mo akong gamitan ng ganyan ngayon Leanne Garielle."kunwa'y pagsusungit nito. Alam kasi nito na ganito akong ngumiti sa tuwing may kasalanan ako at humihingi ako ng sorry sa kanya.


Lalo ko naman itong nginitian. "Opo na. Alam ko na mali ako kasi late na akong umuwi. Kaya sorry na po.. Pero ito, dala ko naman yung pasalubong mo oh.." inabot ko na dito ang dala kong Leche flan.


"Sa susunod na uuwi ka pa ng ganito ka-late, di ka na makakapasok.." kunwa'y nakasimangot na sagot nito pero bigla namang kinuha ang Leche flan na hawak ko.


"Wow ahh.. Feeling mo naman talaga bahay mo to at ako pa ang babawalan mong umuwi dito?" natatawa ng biro ko dito. Alam ko na okay na ulit kami.


Malakas na tumawa naman ito at hindi na nagkomento pa. Hinila na niya ako sa kusina at niyayang kainin ang dala kong Leche flan. I know his weakness, and I'm proud of it.


Enjoy na enjoy naman ito habang kumakain at panay ang ngiti nito. Masaya din kaming nagkwentuhan. Ang sabi nito ay ilang araw pa raw itong maglalagi dito dahil mukhang kailangan daw niya akong bantayan na tinawanan ko lang. Tawa kami ng tawa pero nang mapatingin ako sa mga mata niya, may nakita akong emosyon na tila ngayon ko lang nakita.


Biglang napalis ang ngiti ko. Hindi ko tiyak sa sarili ko pero parang may naramdaman akong lungkot nang mapatingin ako sa mata niya. Gusto ko sana itong tanungin pero parang awkward naman kaya nagpasya akong baliwalain nalang.


Nang maubos namin ang leche flan ay ito na ang nagprisintang magligpit at maghugas ng pinagkainan namin. Sasamahan ko pa sana ito pero binawalan na niya ako at sinabing kailangan ko narin daw magpahinga dahil masyado nang gabi at maaga pa akong papasok bukas. Nakangiting sumang-ayon nalang ako at sinabing aakyat na sa kwarto upang magpahinga. Tumango naman ito bilang pag-sang-ayon kaya nagmamadali na akong pumasok sa kwarto.


Habang nakahiga na sa kama ay naalala ko yung naging 'date' namin kanina ni Iñigo. Napaka-sweet at maasikaso nito. Hindi na tuloy ako nagtataka kung bakit napakaraming babaeng nahuhumaling dito dahil bukod sa napaka-gwapo nito ay napaka-bait pa. Plus factor pa yung "yummyness" nito kaya complete package talaga!


Mula't-mula naman ay mabait na ito sa akin. Pilit ko lang itong binabalewala upang mapigilan narin ang sariling mahulog dito lalo na't aminado ako na pinagpapantasyahan ko ito.


Pero paano na ngayon? Kakayanin ko parin kayang pigilan ang sarili ko?


I'm inLUST with my BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon