2nd: Touch me....please!

128K 1.2K 41
                                    

Overtime na naman. Tsss. Kung kailan lutang ang utak ko, saka pa kailangang mag-over time.

May mga biglaang orders kasi mula sa mga branch ng Chaussure sa Singapore na kailangan naming tutukan ngayon.

Anyway, "Chaussure" ang pangalan ng company ni Iñigo. So from the word 'chaussure' which means shoes, our product was definitely shoes. And dahil sa husay magpatakbo ng kumpanya ni Iñigo, mayroon na itong 3 branches sa Pilipinas at 1 sa Singapore.

Meanwhile, I went to our pantry to search for some drinks.

I feel drained!

Isa sa kinakabilib ko sa kumpanyang ito, bukod sa gwapo ang boss ko ay maalaga ito sa mga empleyado. Bawat office ay may kanya-kanyang pantry and food supplies na pwedeng puntahan ng kahit sinong empleyado sa tuwing kinakailangan ng refreshments.

Gaya ngayon, di ko na kailangang lumabas para lang bumili.

'Nakatipid na naman si Inday!' nakangiting bulong ko.

I scanned the cabinet.

Ano ba ang gusto ko?

Coffee??

-nope.

Cup noodles?

-di rin.

Nagpunta ako sa ref.

Milk??

-Ayaw.

Gatorade??

-I guess not.

Cobra??

-definitely, no.

Chocolate?

-Hmmm, pwede na.

I was about to get the bottle of chocolate, when something catch my attention.

It was a chocolate drink with vanila and some ingridients which I don't have any idea what is. Meron itong note na nakasulat sa ibaba ng wine glass.
'Mexican Hot Chocolate Martini'?

"Wow, sounds delicious at mukha din namang masarap. Pwede ko naman sigurong tikman ito? Sabihin ko nalang kay boss mamaya paglabas niya na ininom ko. Bayaran ko nalang." bulong ko.

I was only about to taste it pero dahil masarap, di ko namalayan na naubos ko na pala lahat!

Nagulat nalang ako ng makarinig ng singhap sa likod ko.

"Bakit mo ininom yan?" gulantang na tanong ni Iñigo sakin.

Kinabahan tuloy ako.

"A-ahm, s-sir, este I-Iñigo, nauhaw kasi ako eh kaya naghanap ako ng maiinom. I saw this and parang ang sarap kasi kaya ano.. Ano.. Tinikman ko. Kaso, a-ang sarap kaya ayun, naubos ko pala! Don't worry, babayaran ko nalang. Sorry!" Nakayukong sagot ko.

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Nakakahiya!

I saw the amuzement in his eyes.

Mukhang pagtatawanan pa yata ako nito! Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng hiya! Pero ewan ko kung bakit, kasi maya-maya lang parang biglang uminit ang pakiramdam ko.

"Ahmm, its ok Lianne. But I guess, you need to go home already."

"W-why?" takang tanong ko. Ang dami ko pang dapat gawin, bakit ako uuwi?

"Believe me. You need to go home."

"Eh diba nga overtime tayo ngayon?" Takang tanong ko.

"Ok lang. I can manage. Umuwi ka na bago pa umepekto yung ininom mo." seryosong sagot nito.

Kinabahan ako. "Ininom? Bakit? Ano ba ito? Lason ba 'to?" tanong ko and raise the empty glass.

Ano bang meron 'to?

Pinakiramdaman ko ang sarili ko, bukod sa mainit sa pakiramdam, hindi naman ako nasusuka or something kaya feeling ko hindi naman lason yung nainom ko.

"Ofcourse not. Basta. Umuwi ka na." anito saka naglakad pabalik sa office nito.

Lalo tuloy akong naguluhan. Ano bang meron dito sa Hot choco na 'to at kailangan kong umuwi? I need an answer so I followed him.

"Uy, ano ba 'yung ininom ko? Mamamatay na ba ko?" tanong ko dito. Naiinitan kasi ako na 'di ko mawari.

'Teka lang Lord! Ayaw kong mamatay na Virgin!"

I heard him laugh. "Walang lason 'yun kaya hindi ka mamamatay. Basta wag ka ng makulit. Umuwi ka nalang bago mo pagsisihan na andito ka parin sa harapan ko hanggang ngayon."

Hindi ko ito pinansin. Nag-iinit talaga ako. Besides, parang unti-unting kumakapal ang mukha ko. And I don't know what's happening to me!

"Sabihin mo na kasi kung ano 'yun. Kasi bakit ang init ng pakiramdam ko?" takang tanong ko dito. Hinawakan ko pa ang pisngi ko. Feeling ko namumula na ako.

Nanlaki naman ang mata nito. "Sheez! Umeepekto na yata! Please go home." anito at hinawakan ako sa braso para bahagyang hinila palabas ng office nito.

Pero sa paghawak nito sa braso ko, parang may ibang dulot na kiliti ang pagdidikit ng balat namin.

So without thinking, I hold his hand.

I felt so weird! I wanted him to touch me!

"Bakit ang init talaga? And... Bakit ang sarap mong hawakan?" biglang tanong ko dito.

Napatingin naman ito sa akin and I saw uneasiness in his eyes.

"Kaya nga pinapauwi na kita eh!" gigil na sagot nito.

"Ang init! Ayaw kong umuwi. Gusto ko dito."nakalabing sagot ko.

Hindi ko alam pero parang wala na akong pakialam sa paligid. Hindi ko narin maisip na boss ko itong kausap ko ngayon.

Nawiweirduhan ako sa pakiramdam ko. Ibang init talaga ang nararamdaman ko ngayon. Seems like I want to do something but I'm not sure what is it. Basta ang sigurado ako, gusto kong hawakan niya ako!

"Okay, okay. Magkulong ka muna sa room ko. Baka pag umuwi ka, mapano ka pa sa labas. You're safe there basta wag ka lang lalabas." anito saka nagmamadali akong inakay papasok sa private room nito sa loob ng office nito.

"Wag lalabas? Bakit? Alam mo ang weird mo. Bakit ako magkukulong? Gusto ko dito. Gusto ko katabi kita." wala sa sariling sagot ko. Ewan ko. Hindi ko makontrol ang dila ko ngayon!

"Tsk! Eto na nga ang sinasabi ko eh! Bakit ba kasi ininom mo 'yun?" Muli ay tanong nito sakin.

"Masarap kasi. Sorry na please. Wag ka ng magalit. Hawakan mo nalang ako." sabi ko at niyakap ito. "hmm, Sir, ang sarap mo palang yakapin!"

"W-wait Lianne! Ahmm, you better stay inside muna ha?" anito saka bahagyang inalis ang kamay ko na nakayakap dito.

"Eh gusto kitang yakapin eh! Please. Hug me! Touch me! Kiss me! Come on!" pilit ko itong niyakap. Init na init talaga ako!

"Lianne, I wanted to do that. Really. Kaso, epekto lang yan ng ininom mo kaya ka nagkakaganyan ngayon. So please, habang kaya ko pang magpigil, stay inside." anito at pinagtulakan na ako sa loob ng kwarto nito.

"Hey! Don't leave me! I want you now! Come here! Sir! Iñigo! Touch me!" I shouted while slamming the door. Init na init talaga ako at di ako mapakali! I want him now!

"I need to do this Lianne dahil alam ko na pagsisisihan mo yan pag nawala na ang epekto ng ininom mo. By the way, Aphrodisiac yung ininom mo. After few hours, mawawalan din yan ng epekto." sagot nito habang nasa labas ng pinto.

Hindi nito binitawan ang pinto hanggang hindi ako tumitigil sa pagpipilit lumabas.Kaya ng mapagod ako, di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

I'm inLUST with my BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon