22nd: Confused 3.0

31.7K 415 39
                                    

"Uwian narin sa wakas!"di mapigilang bulong ko saka marahang inunat ang mga kamay at paa ko.


Pakiramdam ko ay parang ang bigat ng ulo ko sa dami ng mga nangyari maghapon.


Maagang natapos ang presentation ng Marketing kanina dahil may biglaang lakad daw si Iñigo. Nagpaalam din ito sa akin na may emergency daw itong pupuntahan kaya baka hindi muna matutuloy ang lakad namin mamaya.


Hinayaan ko naman ito dahil ramdam ko na parang wala din ako sa mood lumabas ngayon. Parang mas gusto ko munang magpahinga at matulog sa bahay.


Nagliligpit na ako ng gamit nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napangiti naman ako nang makita kung sino ang tumatawag.


"Haloo?" nakangiting sagot ko.


"Sunduin kita ngayon.. Pero.. Okay lang ba saiyo?" sagot naman ni James sa kabilang linya.


"Bakit parang may tunog na pag-iinarte ang tanong?" pang-aasar ko dito.


"Haha.. Ehh.. You know.. Baka kasi may nauna na naman sa akin sa schedule mo at mapahiya na naman ako.." sagot naman nito.


Napangiti na naman ako. Parang nakikita ko kasi ang nakalabing itsura nito ngayon.


"Asus.. yan tayo ehh.. Oh siya, dalian mo dahil nagliligpit na ako ng gamit. Antayin kita." I replied before I ended the call.


Pero wala pa mang ilang segundo ang lumilipas nang biglang mag-ring ang intercom. "Hello?" wala sa sariling sagot ko dahil nasa shina-shut down kong computer ang atensyon ko.


"Hi Ma'am! Nandito po yung future bf ko." pilyang sagot ng receptionist na si Pia sa kabilang linya. Matagal nang may-crush ang dalaga kay James pero hindi ito pinapansin ng binata dahil hindi daw niya tipo ang mga babaeng mahilig magpakita ng motibo.


"Ha?" nagulat na sagot ko. "Nandyan na si James?"


"Yes Ma'am. And gosh.. Ang fresh niya tingnan! Sarap! Pwede ko na ba siyang iuwi? Hihi."maharot na sabi pa nito saka impit na tumili.


"Haha. Go ahead and ask him."pagsakay ko naman dito.


Dinig ko naman ang bahagyang pag-irap nito. "Hmmp! Eh Ma'am, kahit yata mag-tumbling ako sa harap ng best friend mo, hindi niya ako papansinin. Buti ka pa, effortless pero willing sunduin."himutok nito.


"Kaw talaga. Anyway, pasabi nalang na bababa na 'ko. Thank you."sagot ko saka kinuha ang mga gamit ko at nagmamadaling bumaba.


HIndi pa man ako lubusang nakakalapit sa customer's lounge ay nakita ko na agad ang nakangiting si James na agad naman akong sinalubong. "Bakit ang bilis mo?" I mouthed.


Madali naman nitong naintindihan ang sinabi ko. "Actually kanina pa ako nandyan sa ibaba. HIndi nga lang ako pumasok agad para in case mapahiya ulit ako, hindi masyadong halata." paliwanag nito nang lubusan na itong makalapit sa akin.

I'm inLUST with my BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon