14th: Back for good?

50.7K 759 22
                                    

(A.N.: Sorry po for this update.. Medyo sumingit lang po kasi ako sa PC dito kaya medyo nagmadali sa pagtatype..

In case may mabasa po kayong typo's, paki-comment nalang para ma-edit ko next time.. haha..

Wala din po sana akong planong mag-update ngayon kaso nakapag promise po kasi ako na ngayon ako mag-a-update kaya pinublish ko na ito... Pagpasensyahan nio nalang po muna.. haha..

Thanks much! Mwaaaahh.. ;) )

He hugged me tight.


I feel blank.


"I missed you Queen.." he whispered and hugged me tighter.


I don't know what to say. Should I hugged him too? Or should I say that I missed him too?


I wanted to speak pero tila may nakabara sa lalamunan ko.


Gusto kong umiyak.


Tiningnan ko si Nanay, pero nginitian lang niya ako.


Tiningnan ko din si Kuya pero ganun din ang ginawa nito.


"Surprise!" my brother said.


I closed my eyes. It was a surprise indeed.


I feel shocked not only because he came, but because he still remember me.


Gaano na ba yun katagal?


7 months?


Yeah.. It's been 7 months since the last time I spoke to him.


******Flashback******

Nakaupo ako sa may sofa at naglalaro ng games sa phone ng biglang dumating si James. Wala akong pasok sa trabaho.

Parang wala ito sa sarili. Naupo lang ito sa tabi ko pero hindi nagsalita.

"Oh King, napano ka?" nagtatakang tanong ko pero parang hindi niya ako naririnig.

Tiningnan ko ito, "Are you okay?" I asked again but still, he didn't answer.

Tiningnan lang niya ako. Tila may gusto itong sabihin sa akin pero hindi naman ito nagsasalita.

"May problema ka ba? O gusto mong magtitigan nalang tayo dito?" tanong ko ulit dahil parang wala talaga itong balak sumagot.

Maya-maya ay hinawakan nito ang kamay ko.

"Mahal mo ba ako?" biglang tanong nito.

Hindi ko napaghandaan ang tanong nito. Nagtatakang tiningnan ko ito, "H-ha?"tanging nasabi ko.

"Queen, uulitin ko, mahal mo ba ako?" tanong parin nito.

"Ano ba ang pinagsasasabi mo? Of course, I love you. Best friend kita eh!" nawiwierduhan man ay sinagot ko parin ito.

I'm inLUST with my BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon