21st: Bebot # 2

53.6K 569 79
                                    

Maaga akong nakapasok ngayon at hindi gaya nung mga nakaraang linggo na halos wala akong energy sa umaga, ngayon ay napakasigla ng pakiramdam ko. Aminado naman ako na malaking tulong dito ang araw-araw na pangungulit sa akin ni James na mag-jogging.



Napangiti ako nang maalala ang binata.


Halos tatlong linggo narin pala niya akong pinipilit bumangon sa umaga para mag-exercise. Minsan ay sinasadya ko na huwag agad bumangon kahit na gising na ako para pilitin niya ako at magprisintang magluto ng breakfast para lang pumayag akong bumangon.


Masarap kasi itong magluto at kung hindi lang kami nag-eehersisyo sa umaga ay tiyak na mananaba ako sa kanya.


"Mukhang maganda ang gising natin ah. Lapad ng ngiti ehh!"


Napaangat ang tingin ko kay Angel na hindi ko namalayang nakatayo na pala sa harapan ko.


"Oh hi girl! Naligaw ka?" tanong ko dito. Ilang araw ko rin itong hindi nakita dahil pinadala ito sa Cebu para umattend ng seminar. Napromote kasi ito as head of Marketing Department kaya medyo naging busy ito.


"Ayy sorry po.. Dapat pala 'Madame' na ang tawag ko sa'yo.. Good morning Madame.. Napasyal ka po?" nakabungisngis na dagdag ko na ikinasimangot naman nito.


Padabog na umupo ito sa harap ko. Mukhang may problema ito at halatang kulang din ito sa tulog base narin sa eye bags nito na hindi nakuhang takpan ng concealer.


"Madame ka jan.. Nakakainis nga bakit ba kasi natanggap-tanggap ko pa yung position na 'yun.. Grabe girl! Ilang lingo palang ako dun, haggard na ako! Mantakin mo yung halos 20 hours active yung phone ko at 4 hours nalang ang tulog ko.." sumbong nito.


"Makakapag-adjust ka rin. Wag mo kasing madaliin. Ganyan naman lagi sa simula."pangungumbinse ko dito.


"How could I adjust? Sa dami ng trabahong iniwan nung malditang Anita na 'yun, pakiramdam ko kahit buong araw yata akong magtrabaho, hindi parin ako matatapos!"


Biglaan kasi ang pagreresign ng pinalitan nito sa posisyon dahil biglaan itong nabuntis at hindi na nagawang mag-turn over ng maayos kaya si Angel na ang sumalo ng mga back-log na iniwan nito.


Gusto ko namang matawa dito. "Oh diba iyan naman ang matagal mo nang inaantay? I already told you the pros and cons of being a Marketing Head pero sabi mo, okay lang lahat at handa ka dahil mas importante sa iyo ang increase at incentives na mare-receive mo. Sabi mo pa nga diba 'friend, I'm willing to scarifies my love life for that position!" panenermon ko dito at ginaya pa ang tono nito nung sinabi nito ang mga salitang iyon.


"Eh kasi naman magkaaway kami ni Peter nang mga panahong iyon kaya ko lang nasabi yun." katwiran nito.


Tinaasan ko naman ito ng kilay. "So ngayong okay na ulit kayo, ayaw mo na?"


She sighed. "Girl, yung trabaho okay lang.. Kaya pa naman.. Kaso, yung mga araw na hindi ko siya nakikita dahil hindi ko siya maisingit sa schedule ko, yun yata ang ikaka-loka ko! Miss na miss ko na sya at pakiramdam ko tigang na tigang na ako dahil ilang linggo na kaming walang sex!" eksaheradong sabi nito.


Tuluyan na akong natawa sa sinabi nito. "Loka-loka ka talaga girl! Yang bibig mo, baka marinig ka ni Sir, nakakahiya!"


Tila nahimasmasan naman ito at tumingin sa pinto. "Anong oras ba siyang darating?" tanong nito saka tumingin sa relo, "maaga pa kaya okay lang." dagdag nito saka bumungisngis.


Napailing nalang ako sa kanya. Lukaret talaga ito kahit kailan.


"Pero girl, totoo nga. Ang bigat pala sa pakiramdam pag matagal kang walang sex." dirediretsong sabi nito at umaktong hirap na hirap nga. Natawa na naman tuloy ako.


I'm inLUST with my BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon