30th part 2: Happy 1st year!

19.1K 244 25
                                    

Isang taon ang mabilis na lumipas.

Eto parin kami, 12:01 AM, magkatabi habang nanonood sa mga nagfafiredance sa di kalayuan.

After ng first monthsary namin noon, nakaugalian na naming patuloy na salubungin nang magkasama ang araw ng monthsary namin. Kadalasan ay sa apartment kami nagsecelebrate at nagkukulitan hanggang sa mag-umaga. Kaya monthly din akong nagfa-file ng leave of absence dahil hindi na din niya ako pinapapasok sa umaga. Mahihirapan din daw kasi kaming magtrabaho kung pareho kaming puyat.

Iba nga lang ngayong araw dahil pumatak na sabado ang anniversary namin kaya hindi ko kinailangang magleave sa trabaho at dahil wala ding pasok kinabukasan, we decided to go out of town and end up here in Boracay.

I looked at him and saw happiness in his eyes. I know that our feeling is mutual because I am also very happy not just today, but almost everyday.

Kahit isang taon na ang lumipas, hindi parin nababawasan ang pagmamahal ko dito. Bagkus, lalo pa yatang lumalalim.

"What are you thinking honey?" nakangiting tanong nito.

"Ikaw."I replied.

Natawa naman ito. "So ano naman daw ang iniisip ng maganda kong girlfriend tungkol sa akin? Don't tell me rated SPG yung iniisip mo ha? Sabagay, okay lang sa akin."biro nito.

"Loko ka talaga! Hindi no!"tumatawang sagot ko.

"Eh ano pala? May problema ba honey? Gusto mo na bang magpahinga sa room mo? Aren't you happy?"biglang nag-alalang tanong nito saka ako inakbayan.

Umiling naman ako. "Wala naman akong problema honey. It's just that, masyado lang akong masaya kasi magkasama tayo ngayon. Alam mo yung isang taon na pala tayo? Ang bilis diba? Pero yung nararamdaman ko, parang ganun parin...."

Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. My tears started to fall. Tears of joy.

Agad niyang pinunasan ang mga luha ko. Muli naman akong nagpatuloy, "Sabi nung ibang write ups na nabasa ko noon, sa simula lang daw ng relationship yung romance. Yung sweetness daw ninyo sa isa't-isa, may expiration yan. Kaya nga nauso yung "walang forever" eh. Pero naisip ko, tayo kaya ganun din? Kasi, one year na tayo pero ganito parin tayo. Yung feelings ko for you stays the same. Parang...... Parang mas lumalala pa nga eh! I feel like I am loving you more and more each day and it frightens me. Really... Kasi, baka masyado akong malunod sa pagmamahal ko sayo tapos hindi ko na kayaning bumangon pa 'pag wala ka na."madamdaming pahayag ko.

Hindi ko tiyak kung guni-guni ko lang pero nakita kong kuminang ang mata nito.

Is he.... crying too?

"You don't have to be frightened honey. Kasi ako man, ganyan din ang nararamdaman ko. Nakakatawa nga kasi dati hindi ko man naisip na mararamdaman ko ito. Damn! Daig ko pa ang teenager! I hate cheesy movies kasi feeling ko noon, niloloko lang nila ang mga viewers. Lagi nalang happy ending. For me, there is no such thing as "happy ever after." Sa fairy tale lang yun at matanda na ko for that damn thing. In my past relationships, I always fucked up. Kaunting problema lang, tinatapos ko na. Minsan nga, I just fucked them and then left them with nothing. I was a bad boy before I met you... And thank you for changing my perception and for making me realize that cheesy movies are true."

"Honey.. Nabibingi ako..." wala sa sariling sagot ko. Napangiti naman ito at niyakap ako. I hugged him tighter.

Napukaw ang pagmomoment namin nang may marinig kaming nagtatalo sa di kalayuan. Isang babae at lalake.

Wala akong suot na salamin o contact lenses kaya hindi ko makita nang malinaw ang mukha ng mga ito. Pero nagulat ako nang banggitin ni Inigo ang pangalan nang isa sa kanila.

I'm inLUST with my BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon