6th: Baby-Sit on me....

97.4K 1.3K 56
                                    

Halos kalahating oras lang ang binyahe namin bago makarating sa bahay ng mga ito.

Ang akala ko nung una, sa bahay ng kapatid nito kami pupunta pero inihatid na pala nito sa bahay ni Inigo ang mga bata kaninang nagpaalam ito. Mas madali daw kasing kumilos kung nasa sariling bahay si Inigo.

At gaya ng inaasahan ko, magarang tahanan ang madaratnan ko. Ang laki pala ng bahay nito. Ang luwang ng garden sa labas na halatang alagang-alaga base narin sa lusog ng mga halaman at mga bulaklak. May swimming pool din ito na parang nakakaakit ang dating dahil sa linis at laki.

Di pa man kami lubusang nakakababa ng makarinig kami ng tili ng babae sa loob.

Nagtatanong na napatingin ako sa binata.

Pero imbes na magmadali, napuna ko ang pagtawa ni Inigo. "Tsk tsk tsk. They've started again."anito na di ko naman maintindihan.

Bumusina muna ito ng apat na ulit bago kami bumaba ng sasakyan. Tila signal iyon na andito na siya.

Bigla akong kinabahan. Tama ba itong pagpayag ko?

Ilang segundo lang ang nakakalipas ng may dalawang napaka cute na bata ang tumatakbo papunta sa amin na sinundan naman ng isang babae na tumatakbo rin.

Naagaw ang atensyon ko ng babae. Tantya ko ay kaedad ko lamang ito.

Natawa ako sa itsura niya dahil punong-puno ng pulbos ang halos buong katawan niya, at magulo rin ang buhok. Nang lubusan itong makalapit ay hingal na hingal pa ito bago nagsalita, "Ser, bote nakarateng na po kayo. Sosmeyo, henengal po ako sa mga batang ire! Daeg pa ang kete-kete sa lekot!"

Natawa kaming pareho ni Inigo dito. Tiningnan ko ang mga batang tinutukoy nito. Nakahawak na ang dalawa sa magkabilang kamay ni Inigo. Ang cute nilang tingnan lalo na sa malapitan! Parang kambal ang mga ito sa unang tingin dahil magkamukhang-magkamukha sila pero pag tinitigan ay dun mo palang mapapansin na mas matanda ng isa o dalawang taon ang isa.

"Uncle, lam mo po ba, she's not working po. Nititingnan po nya lang yung picture mo po dun sa room mo."inosenteng sabi ng isa sa mga ito. Tantya ko ay ito ang mas bata sa dalawa.

"Micko was right po uncle. We saw her."segunda naman ng isa pa at binelatan pa ang babae.

"Ay ser! Naglelenes man po talaga ako, kaso, nong mapatengen ako sa misa mo, andon yong pekchur mo po, kaya nelenes ko naden kase baka may alekabok na ba. Kaso po, pomasok yang se Necko saka se Mecko sa kwarto, sabe tenetengnan ko lang daw pekchur mo. Amenen ko po, tenengnan ko naman talaga, pero nelenes ko den naman. De man masyado matagal yung teteg ko sa pekchur mo, segoro mga wan minit lang." dirediretsong sagot nito with matching actions pa.

Napahagalpak na talaga ako ng tawa. Nakakaaliw silang tingnan. Dahilan upang mapatingin silang lahat sa akin.
"Sorry. Di ko mapigilan."tanging nasabi ko atpilit pinigilan ang pagtawa ko.

Ngumiti naman si Inigo at ipinakilala ako una sa mga bata. "Micko and Nicko, she's tita Lianne. Tita Lianne, this is Micko and Nicko."

"Hi handsome boys."bati ko sa mga ito at bahagyang pinisil ang pisngi nila.

Tinitigan lang ako ng ilang segundo ng dalawa. Akala ko, mapapahiya na ako dahil wala manlang silang reaksyon, pero laking tuwa ko ng malapad na ngumiti sa akin ang mga ito. "You're so pretty naman po Tita Lianne, diba kuya?"Micko said saka kinalabit ang kuya nito.

"Thank you."tanging sagot ko kay Micko.

Tumango-tango naman si Nicko. "Do you have a boyfriend po?"

Inubo ako ng bahagya sa tanong nito. Kakaloka tong batang to! "Ah, wala eh."kiming sagot ko.

Malapad namang ngumiti ito, "Really? Yes! Kasi, I like you."

I'm inLUST with my BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon