25th: Dying inside..

29.8K 338 19
                                    

I was about to go home when I received a phone call from an unknown caller.

+639********* calling..

"Sino naman kaya ito?" tanong ko sa sarili ko.

Hindi ko kasi talaga nakaugalian na sumagot ng tawag mula sa hindi ko naman kakilalang numero. Baka kasi prank caller lang ito at naghahanap ng textmate o kaya naman ay budol-budol gang na magsasabing nanalo ang sim card ko sa kung ano-anong promo na never ko namang sinalihan. Nakasanayan narin ito ng mga kaibigan at kapamilya ko kaya kung sakaling may magpapalit man ng numero sakanila ay tinitext muna nila ako upang magpakilala dahil alam nila na hindi ako sumasagot kapag hindi ko kilala.

Hindi ko pinansin ang unang pagtawag nito at naglakad na palabas ng building. Nag-aabang na ako ng masasakyan ng mag-ring ulit ang phone ko.

"Siya na naman.."nakasimangot na bulong ko bago kinansela ang tawag.

Dalawang  ulit pa itong tumawag. Kaya sa ikaapat na ulit ay nagpasya na akong sagutin ito. Nakahanda na sana ang katakot-takot kong bulyaw dito nang maunahan niya ako sa pagsasalita.

"Is this Gab?" malumanay na tanong nang nasa kabilang linya.

Unti-unting nawala ang simangot sa mukha ko at sa halip ay napalitan ng pagtataka at bahagyang kaba. Kilala niya ako.

"Y-yes speaking. But..may I know who's this please?"magalang na sagot ko. Boses matanda kasi ang narinig ko sa kabilang linya.

"Siguro nagtataka ka iha kung bakit kita kilala. Anyway, ako nga pala si Elizabeth Yala. Mother of Sonny. I guess you already know my daughter?"

Hindi ako nakasagot. Lalo kasi akong nagtaka. Para saan ang tawag na ito ng nanay ni Sonny? 

"Sana wag kang matakot sa tawag kong ito. I just need to talk to you in person. Busy ka ba ngayon iha? Pwede ka bang makausap?" muling tanong nito.

Kahit nagtataka at bahagyang kinakabahan ay pumayag nalang ako.

'Mukhang mabait naman yung boses eh. Hindi naman siguro ako ipapa-salvage nun? Hindi rin naman siguro kidnap for ransom yun kasi hindi naman ako mayaman.. Hayys! Bahala na nga! Lord, kaw na po ang bahala sa akin..' piping bulong ko sa sarili ko habang nagbabyahe papunta sa restaurant na sinabi nito.

Madali ko lang natagpuan ang restaurant na sinabi nito kaya madali lang akong nakarating. Pero habang nglalakad papasok ay panay parin ang dasal ko dahil kinakabahan parin ako.

Pagpasok ko ay agad akong sinalubong ng waiter at nang sinabi ko ang pangalan ng nanay ni Sonny ay agad naman niya akong hinatid papunta sa table na nakareserve para daw sa amin.

Nang malapit na kami ay natanaw ko na may nakaupo na sa table namin na isang ginang na sa tantya ko ay siyang ina ni Sonny. Nang magtama ang mga mata namin ay nginitian niya ako and I smiled back.

'Mukha namang mabait..' muli ay bulong ko sa sarili ko. Nagpasalamat muna ako sa waiter bago ito umalis.

"Sorry to keep you waiting Ma'am. Mukhang kanina pa po kayo dito?" magalang na sabi ko. Napuna ko kasi na may mga pinagkainan na ito sa harap nito.

"Oh, you don't have to apologize iha. Gutom lang kasi talaga ako kaya sinadya ko na dumating ng maaga para makakain muna. Kung tutuusin nga ay ako ang dapat magpasorry saiyo kasi hindi na kita naantay. Pasensya ka na iha, kagabi pa kasi ako hindi nakakakain ng mahusay dahil sa pag-aalala sa anak ko." mahaba at bahagya pang nakangiwing paliwanag nito.

Napangiti naman ako kasi bigla kong naalala ang nanay ko sa pananalita nito. Pag nag-aalala din kasi sa amin ay hindi din halos makakain.

"Okay lang po yun Ma'am."nakangiting sagot ko. Unti-unti naring nawawala ang kaba ko.

I'm inLUST with my BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon