9th: Bitter-sweet kisses..

76.8K 1K 41
                                    

(A.N.: This update is for you DarkAngel1819 dahil natuwa ako sayo... :)
And to everyone, thank you for reading! Mwaaah...)

----------------------------------------------------------------

Is this real or am I just dreaming??

Pero bakit ramdam na ramdam ko ang init ng mga labi nito?

Gosh... Ganito pala...

I closed my eyes and feel the pleasure..

Naramdaman ko nalang ang lalong paghigpit ng pagkakayakap nito at ang unti-unting pag galaw ng mga labi nito.

My head went black. Feeling ko may kailangan akong gawin.

I heard him moan when I started to follow his movements and put my hands on the back of his head.

Para akong nakalutang. Ganito pala ang pakiramdam pag totoo na talaga niya akong hinahalikan at di lang panaginip.

I know he can feel that I am trembling right now but I don't care. I just wanted to enjoy the sweet sensations he is giving me.

"Oh My Leanne.... What did you do to me..."he murmur and looked into my eyes intently.

Hindi ko din maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang lakas talaga ng tibok ng puso ko. Para akong hinihingal na hindi ko mawari. Sa tuwing tinitingnan ko ang mata nito ay lalo akong naguguluhan. I can see something in his eyes which I can't explain.

"W-why Inigo?"bukod tanging nasabi ko na sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang ibig kong sabihin.

"Why why?"tila naguluhan ding tanong nito.

Napapikit ako. Di ko talaga maisip kung ano ang sasabihin ko. 'Wahh.. Bahala na!'

"Why did you kiss me?"dirediretsong tanong ko at pilit itinatago ang kaba ko.

'Naka naman.... ang tapang mo magtanong Gab!' bulong ko sa sarili ko.

He cleared his throat first before he replied, "I think, I like you Leanne..." seryosong sagot nito at unti-unting hinawakan ang kamay ko.

Pakiramdam ko ay nanlaki ang ulo ko sa narinig ko. "W-what? You like who? Y-you like m-me? W-why? I mean, bakit?"utal-utal na sagot ko dahil talagang hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

Masisisi ba niya ko? Siya si Inigo.. Ang lalakeng laman ng pantasya ko gabi-gabi.. Ang lalakeng araw-araw na nagpapatuliro ng isip ko... Tapos ngayon ay maririnig ko na 'He likes me?"

Ohww come'on! Harinawang mahabagin!! Birthday ko ba at may ganitong surprise sakin si Lord? O baka naman nasa Reality show ako, at ako ang napiling biktimahin? Baka mamaya lang ay lilitaw na dito si Michael V. at sisigaw ng "Yari ka!!"

I scanned the place baka sakaling may makita akong hidden camera.

"Hey, My Leanne, why? Bakit anong hinahanap mo?"anito and touched my face and looked into my eyes.

Umiling lang ako but didn't say anything. Still, I'm speechless.

"Anyway, to answer your questions, honestly ako man ay hindi ko alam kung bakit. Kung kailan ito nagsimula, di ko rin alam. All I know is, you're always on my mind My Leanne. Kahit gaano ako kabusy, hindi pwedeng hindi kita maalala. Minsan nga ay hindi ako makapagtrabaho ng maayos kasi ikaw ang laman ng isip ko. Nakakatawa nga eh, kasi madalas kong sabihin sa lahat ng empleyado ko na "Let's keep this relationship strictly professional. I prefer not to mix business with pleasure" tapos ngayon, ako ang bumabali sa rules ko na iyon. Tinanong mo ako kanina kung bakit, ngayon ibabalik ko sa'yo, Why Leanne? Why did you do this to me?Anong gagawin ko ngayon? Pa'no kong babaliin ang rules na ako mismo ang gumawa?" madamdaming pahayag nito.

Hindi ko parin alam kung ano ang sasabihin ko. Natulalana ako dito. Ano nga ba ang dapat kong sabihin? That I like him too since the first day I saw him? Na laman ito ng pantasya ko and he makes me wet? My Gosh... Di ko yata kayang sabihin yun. Hayyysss! I did'nt expect this to happen. Kuntento naman na ako dati na patingin-tingin lang dito sa tuwing may iuutos ito. Recently lang naman kami medyo napapadalas ng pagsasama eh pero kahit na ganun ay hindi ko parin inaasahang may mangyayaring ganito.

"Leanne, are you alright? Galit ka ba? Say something please bago pa ako makaramdam ng sobra-sobrang kahihiyan dito", anito na may halong pagpapaawa ang tono.

Ang arte ko diba? Alam ko naman na gusto ko sya matagal na pero di ko naman maamin. Hayyys! Bahala na nga! Aminin na ang dapat aminin!

Lumayo muna ako ng bahagya dito bago nagsalita dahil baka di ko mapigilan ang sarili ko at mayakap ko na ito ng tuluyan ng hindi pa nakakapagsalita.

"Err, Inigo kasi ano... Ahmmm, you know, I—"

"Igo! I missed you!"biglang singit ng kung sino sa likuran ko.

Tumingin ako sa likod at nabungaran ko ang isang balingkinitan at magandang babae na nagmamadaling lumapit sa amin.

"S-sonny! What brings you here?" gulat na tanong dito ni Inigo pero ng tila natauhan ay agad itong sinalubong.

"Sonny? Is this Sonny? Ito ang best friend nito na pinuntahan nito sa France? So, hindi lalake si Sonny?' takang tanong ko sa sarili ko and silently scanned her. (See photo attached for Sonny's profile)

She's stunning kahit na mukhang kulang ito sa tulog. No wonder why they seemed so close with each other. Naalala ko tuloy yung araw na umalis si Inigo ng Pinas para samahan ito. Ang ganito kagandang babae nga naman ay mahirap hindian.

Maya-maya lang ay kitang kita ko ang paghalik nito sa labi ni Inigo. Napataas ang kilay ko. ''Pag best friend, dapat may kissing scene? Ayos ah. Friends with benefits lang ang peg? Hmp!' himutok ko.

Nakakainis!

Katatapos lang ng kissing scene namin tapos bigla ibang labi na naman ang hinahalikan nito?

Anong kalokohan naman daw 'yun?

Kaya bago pa ako tuluyang mabanas ay napagpasyahan ko nalang na bumalik uli ng CR.

"Excuse me po Ma'am and Sir." Mahinang pagpapaalam ko at walang lingon-lingon na dumiretso sa CR.

Ilang minuto din kong nagtagal doon. Kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi ko dala ng inis. I need some air pero masyado pang maaga para lumabas.
Nag-inhale exhale muna ako ng ilang ulit bago nagpasyang bumalik sa desk ko.

Paglabas ko ay padabog akong naupo sa upuan ko. "May pa-I like youI like you pa syang nalalaman tapos nung dumating lang yung Sonny na yun etsapwera na ko? Ayos ka rin talaga Inigo! Nakakainis ka! Ni hindi mo na nga napatapos yung sasabihin ko eh. Pero buti nalang!"nakalabing himutok ko.

Buti nalang at hindi ko pa naamin sakanya lahat kundi ay mas lalo akong naging katawa-tawa sa paningin nya. Gusto kong umiyak na hindi ko mawari. Daig ko pa yung nasampal ng malakas sa nangyari. Yung tipong nasa cloud9 na ako dahil sa mga narinig ko sakanya kanina tapos bigla akong nalaglag nung umeksena na ang babaeng iyon? Ang sakit kaya! Wow diba?

Pero para saan naman kaya ang mga pinagsasabi nito kanina? Is he sincere? Does he really like me? O pinaglalaruan lang niya ako?

I really wanted to cry but when I remember his kisses, my anger subsides a little. I touched my lips. Parang nararamdaman ko pa ang mga labi niya na nakadapo sa mga labi ko.

'Hayys! Erase, erase! Magtigil ka na nga muna Gab! Wag ka muna magpauto agad sa lalakeng yun!' sermon ko sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim para mahimasmasan ako ng kaunti. Limang minuto rin halos ang lumipas ng maramdaman ko na kumakalma na ako kaya nagsimula na akong magtrabaho.

'Well Inigo, deadma ka ngayon!' deklara ng isip ko pero hindi ko naman alam kung hanggang kailan ko magagawang panindigan yun. :(

___________________________________________________________________________________

(A.N: PS: Guys, please do support my other story "OUR 24 HOURS LOVE STORY".. Short story lang po ito pero completed na.. Just leave you're comments afterwards if you liked it or not.. hahaha... Thanks po.. mwaah!!

I'm inLUST with my BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon