The Five Bad Boys and I

Od diwatangbae

258K 7.3K 625

FORMERLY "HIS SWEETEST DOWNFALL" - - - - - Date Started: December 20, 2014 Date Finished: June 20, 2015 Major... Více

Author's Note
Dedication
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Epilogue

Chapter 50

2.5K 85 2
Od diwatangbae

ARIA's POV

Pinipilit kong mag concentrate sa inaaral ko pero hindi ko maalis sa isip ang nangyari sa sementeryo Move on na Aria, move on na nga 'di ba?

Second week of November at malapit na ang entrance exams. Naghahanda na rin ako para sa application ko sa Harvard.

"Naka-post na sa bulletin board ang mga names ninyo at ang rooms ninyo para sa NCAE. You may look at it after your class." sabi ni Ms. Javier.

Pagkatapos ng klase sa hapon dumiretso ako sa board at tiningnan kung saang room ako. Marami na ang nag tingin kaninang umaga kaya ako na lang ngayon. Yung iba naman kasi nagpapahanap na lang sa mga kaibigan nila. Tinitingnan nila kung magkakasama sila sa iisng room kaya excited. Ako naman sigurado nasa may padulo, alphabetical kasi ang arrangement at pinaghalo na nila ang boys at girls at ang lahat ng sections.

"Nakita mo ba iyong akin?" may nag tanong sa akin sa likuran ko.

Hunarap ako sa nagsalita para tingnan. Laking gulat ko ng makita ko si Hans. Si Hans pala 'yun. Nanlaki sa gulat ang mga mata ko at napa yuko. Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa board at nakatuon habang nag hahanap kaya ang katawan niya ay malapit ng dumikit sa akin.

"Nakita mo na ba iyong sa'yo?" tanong ni Hans at tumingin sa akin.

Nagkatitigan kami mata sa mata. Bakit parang sobrang lapit na namin sa isa't isa? Bigla niya akong hinalikan sa labi. Ang lambot ng labi niya. Ang tamis. Dahil hindi naman talaga ako marunong humalik ay nakagat ko ang lower lip niya at napa-aray siya. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at nahimasmasan. Itinulak ko siya at tumakbo palabas ng building.

"Aria! Sandali lang." hindi ko siya nililingon. Agad akong pumara ng taxi para agad akong maka-uwi.

"Aria! Aria!" sigaw ni Hans pero naka-alis na ako.


HANS's POV

"Naka post na sa bulletin board ang mga names ninyo at ang rooms ninyo para sa NCAE. You may look at it after your class."

Balak ko sanang tingnan kung saang room ako kaso noong time ng recess sobrang dami namang estudyante na nagtitingin. Halos dumugin na yung bulletin board, kaya sabi ko lunch time na lang. Lunch time mas dumami ang tao. Halos isang oras na punung-puno ang tapat ng bulletin board. No choice ako kundi tingnan yun pag pauwi na.

Nagkaroon kami ng konting meeting para sa City Meet at agad kaming pina-uwi dahil laban na namin bukas para raw makpagpahinga at makapag relax kami.

Nadatnan ko si Aria na nagtitingin din sa bulletin board. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at pwumesto sa likuran niya habang hinahanap ang pangalan ko. Sa dami namin, kaya maliliit ang font.

"Nakita mo ba iyong akin?" tanong ko kay Aria.

Agad ko namang nakita ang pangalan ko pero hindi na lang ako nagpa halata para hanapin pa rin niya. Trip ko lang siyang kulitin ngayon, pero iba ang nangyari sa inaasahan ko. Namula siya bigla nang mag tama ang mga mata namin at nagkatitigan kami. Bigla ko siyang hinalikan at naramdaman kong tumutugon din siya kaso bigla biyang nakagat ang ibaba kong labi. Hindi sinasadyang maitulak ko siya ng mahina. Itinulak niya ako papalayo sa kaniya at tumakbo palabas ng building.

"Aria sandali lang!" hindi niya ako pinapakinggan.

Agad siyang pumara ng taxi at sumakay. Shit! This is bullshit! Bakit ko kasi siya hinalikan? Hindi ko napigilan ang sarili ko na gawin iyon kay Aria.
Bwisit! Shit! Shit! Shit talaga!

Pag talikod ko para magmadaling pumunta sa parking area ay nakita ko si Kyle na nakatayo sa harapan ko at gulat na gulat ang itsura.

"Kyle." umiling-iling lang si Kyle at pumunta kami sa rooftop.

"Eh di inamin mo rin ang totoo." sabi niya sa akin.

"Na?"

"Na may gusto ka kay Aria na nasasaktan ka at nag-seselos ka kay Gerard."

"Hoy tumigil ka ha! Wala ako sinabing ganun." sabi ko.

"Eh ano na plano mo ngayon?" tanong ni Kyle sa akin matapos kong sabihin sa kaniya lahat.

"Aaminin ko ang nararamdaman ko sa kaniya. Nandun na eh. Mag-sosorry ako. Okay lang kung hindi niya ako maintindihan at matanggap. Prepared na ako para dun." sagot ko kay Kyle.

Hindi ko alam pero, nakita ni Kyle ang buong pangyayari. Hindi ko na maitanggi sa kanya kaya inamin ko na lang. Hindi ako umuwi sa bahay namin sa halip ay sa bahay naming lima ako nag-stay. Naabutan ko pa doon si Gerard, sinabi ko na lang na nag-away kami ni Dad kaya ako dito matutulog. Ayokong makita si Aria dahil hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya. Sa school naman kasi nag-iba na ang sitting arrangement. Kila Gerard at Cassandra lang ang hindi nag-iba kasi iyon ang utos ng principal.

After NCAE na ako umuwi sa bahay dahil bagong dating din lang sila Papa at Tita Rose kaya nagkayayaang pumunta ng ilog. Ayoko rin namn na magtaka sila bakit wala ako sa bahay at walang kasama si Aria. Sa isang hidden paradise kami nagpunta na kung tawagin ay Morillo's Hidden Paradise. Nasa bundok kasi ang ilog at talagang tago at liblib.

Halata kong sa kotse pa lang ay iniiwasan na ako ni Aria. Mabuti na lang at isang kotse na lang ang dinala para hindi awkward sa aming dalawa kung kami pa ang magkasabay. Pick-up car ang dinala namin kaya doon ako sa labas kasama si Papa at si Kuya Arman na hardinero at taga-ayos ng mga sira sa bahay. Si Aria at Tita Rose naman sa loob ng sasakyan at ang asawa at dalawang anak ni Mang Arman. Si Kuya Jun naman ang driver.

Pag dating sa ilog iwas na iwas pa rin si Aria sa akin. Hindi ako kinakausap at kinikibuan man lang. Nahihiya naman akong maunang mag-approach sa kaniya.

Nauna kaming maligo ni Dad dahil nagluluto pa ng pananghalian sila Mang Arman, Kuya Jun, Tita Rose at ang asawa ni Mang Arman. Napansin ko si Aria na nakalublob na rin sa ilog at lumalangoy-langoy sa kabila. Parang infinite pool ang style kasi nito. Nilagyan lang ng mga malalaking bato para maging harang. Maganda ang pagkaka-style sa ilog.

After 25 minutes okay na kaming lahat. Aahon na sana ako pero nakita ko si Aria na naka-upo lang at naka yakap sa sarili. Nag dalawang isip ako na lapitan siya pero parang may iba sa kaniya.

Ah bahala na! Magalit man sya tatanggapin ko, kasalanan ko naman eh. Nilapitan ko si Aria. Hindi siya lumayo sa akin. Tumingin lang sya.

"Aria ayos ka lang ba?" tanong ko habang papalapit sa kaniya.

Napansin kong namumutla siya at nanginginig. Nilalamig na siguro siya sa matagal na pagkababad. Niyaya ko siya paahon pero hindi siya gumagalaw.

"Tara na nilalanig ka na oh." bigla niya akong hinawakan sa kamay at nag-salita siya.

"Hindi ako maka-lakad." natakot ako sa sinabi ni Aria kaya agad ko siyang binuhat at iniahon sa ilog.

Iniupo ko siya sa may dahon ng saging at pina-stretch ko ang paa niya sa kaniya saka siya binalutan ng towel. Ang sabi niya ay masakit at mahirap daw igalaw ang legs niya. Pinupulikat yata. Hindi na ako nag-dalawang isip na hilutin ang paa at hita niya.

"Okay na ba?" tanong ko.

Tumango lang isya at dahan dahang tumayo at iniwan ako para puntahan sila at kumain. Alas tres ng hapon kami umalis sa ilog at ala singko nakarating na kami sa bahay.

Nagbaba lang kami ng gamit at nag banlaw na ng katawan. Si Aria dumiretso sa kwarto niya. Hindi ko kaya ng ganito. Hindi ko na kaya na iniiwasan nya ako. Naglakas ako ng loob na puntshan sya sa kwarto nya. Pag bukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Aria. Nagulat din sya sa pag bukas ko ng pinto dahil aktong kakatok pa lamang sya.

"Salamat nga pala kanina." sabi niya.

Pumasok kami sa kwarto ko at nagkaroon na ng complete awkward silence pagka-imik nya.

"Una na ako."

"Sorry!" sabi ko? "Aria sorry I didn't mean to kiss you. No. I mean. I mean it but..."

"What?" medyo nag tataas na siya ng tono. Wala nang atrasan ito.

"Aria listen to me first please?"

"Bakit mo ako hinalikan?" tanong nya.

"Aria kasi..."

"Akala ko ba kapatid kita? Akala ko ba magkapatod tayo? Pero Hans bakit ganun? Bakit may halik sa lips? Hindi kita maintindihan, pamilya tayo 'di ba?"

"No. No Aria."

"Ha?"

"No! Hindi tayo magkapatid! Hindi tayo pamilya!" sigaw ko.

"Pero bakit? Ayaw mo ba na maging kapatid ako? Akala ko ba okay na tayo dun? Heto nanamn ba ulit?" medyo nagtataas na rin sya ng tono.

"Ayoko Aria!"

"Pero bakit?"

"Ayoko maging kapatid at kapamilya ka dahil mahal kita Aria!"

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

172K 3.9K 47
She's one of the boys, but that doesn't mean that she's in love with a girl. It's not how you act or how you dress up... It's what you feel.
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
35.9K 2.2K 113
"I have a Story for you, Once Upon a time when i was sixteen.. I mastered fencing, I am the First Born Sandoval." -Mia Jasmin Binez Sandoval ©Maecel_...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...