The Unreachable Wife

By Sweetmagnolia

7.1M 203K 21.1K

Anya Tejero was forced to return to a place she chose to forget for years, a remote town where her grandparen... More

Prologue
1- Certificate of No Marriage
2- Remembering The Boy
3- Do You Know Me?
4- This Is My Territory
5- It's Legal
6 - The Things You Owe
8-The Man Who Can't Be Moved
9- It Takes A Man And A Woman
10- Your Heavy Breakfast
11- My Faddy House Lady
12- My Husband's Game
13- Road To Our Memory
14- Thinking Of You
15- Sundate Special
16- Not In His Eyes
17- Troubled Hearts
18- A Day For You
19- The Closer We Get
20- Behind His Door
21- Listen To His Heart
22- Nothing In Return
23-Temptress In Distress
24-The Endless Heaven
25- Bundle of Hesitations
26- Fixing The Second Chance
27- Embracing Adversities
27- The Homely Faces
28-Love Breaks Distance
29- Heading Back to Spotlight
30- Someone to Shake Him
31- All You Need Is Not Fame
32- She Is My Home
33-Girl Talk and Football
34-Fame Hinders Things
35- Getting Into Her Reality
36- I'm Not His Everything
37- Love Extensions
38- Because of Harvey
39- The Drunkard
40- Surprise Decision
41- Maybe A New Day
42-A Man's Word
43-The Two Sides of Love
43-We Live By Love
44- The Place Where My Heart Belongs
45- Life Is A Never Ending Dream (Final)
EPILOGUE

7- Pride and Paris

136K 4K 219
By Sweetmagnolia


Tumingala ako upang pigilan ang mga luhang gustung-gusto nang tumulo.


He's worse than a beast! How could he talk to a woman that way?!


Nanginginig ang mga kalamnan ko sa galit. May ideya ba siya kung sino ang sinisigawan niya?! No one ever treated me like this before! Not even my family. But there he is, a nobody who freely yelled at me without even an amount of hesitation.


Di maibsan ang galit na humakbang ako papaalis. Ngunit natigilan ako nang mapansin kong tahimik na nakatayo lang pala si Maureen sa isang tabi. Guilt is all over her face. She must have heard everything.


Napangisi ako.


"Did you enjoy the show?" sarkastikong tanong ko. "Your man is ridiculous. Saying nonsense and stupid things even in front of her woman."


"M-Miss Anya-"


I didn't let her finish her words. Malalaki ang hakbang na naglakad ako pabalik ng sasakyan. Ibinulagsak ko ang pinto nito. Pagkaupo ko'y agad akong pumikit at paulit-ulit na huminga ng malalim. My teeth are still grinding in anger.


Nanginginig ang mga kamay na pinihit ko ang susian. When I'm about to step on the gas, biglang nagbukas ang kabilang pintuan. Nagulat ako nang basta na lamang sumakay si Maureen at naupo sa aking tabi.


"What are you doing here?" I asked with a very unwelcoming voice.


Tumungo siya at kiming pinagdikit ang mga kamay."Miss Anya... alam kong malaki ang posibilidad na baka hindi na tayo magkita ulit...kung kaya't sasamantalahin ko na ang pagkakataong ito na humingi ng tawad sa pagkakamaling nagawa ko-"


I laughed sarcastically. "Wala kang dapat ihingi ng tawad. In fact, ako pa nga ang dapat magpasalamat. If not for you, maybe I won't be who I am now."


"D-Di ako umaasang patawarin mo agad..." malumanay na wika niya. "Pero tungkol kay Lander, sana mawala na ang galit mo sa kanya. Nagkakamali ka ng iniisip tungkol sa kanya. Hindi siya masamang lalaki."


Tumaas ang isa kong kilay. "Of course you're here to defend him. Get out. I need to leave now. Kalahating araw pa ang ipagmamaneho ko."


Maamong tumingin siya sa akin. "Wala kaming relasyon ni Lander," mabilis na sabi niya.


Bigla akong natahimik. I looked her in the eyes but eventually I chuckled. "Sa tingin mo maniniwala ako? May anak kayo, nagsasama sa isang bahay tapos ngayon sasabihin mo wala kayong relasyon?"


She shook her head. "Hindi anak ni Lander si Harvey."


My brows furrowed.


"P-Patay na ang tatay ni Harvey."


Natahimik ako. I felt sorry to the kid for a while.


"Miss Anya.. makinig ka sana sa akin. Nilakasan ko na ang loob kong kausapin ka alang-alang kay Lander. Nung nakita mo kami ten year ago-"


I quickly gestured my hand to stop her. "I'm not interested. What happened in the past doesn't matter anymore."


"Pero wala siyang kasalanan. Ako ang may pagkakamali. Sinadya ko siyang halikan dahil alam kong nakatingin ka!" dire-diretsong pahayag niya.


Muli akong napakunot ng noo ngunit kasabay nito'y bigla akong nagkainteres makinig sa sasabihin niya. She noticed my eagerness to listen. She humbly looked down with wry smile and touched her fingers.


"M-Mga bata pa kasi tayo noon kaya madali pang magpadala sa lukso ng damdamin..." umpisa niya. "Humingi sa akin ng pabor noon si Lander na hiramin pansamantala ang bakanteng bahay ng lola ko. Hindi ko alam kung para saan pero pumayag ako sapagkat noong mga panahong yun ay matagal na akong lihim na nagkakagusto sa kanya. Nilinis ko ang bahay para sa kanya at sadyang hinintay ko ang pagdating niya..."


"Sobrang saya niya sa araw na yun... sabi niya parang sasabog ang kanyang dibdib kung hindi niya maihinga ang sayang nararamdaman. Dahil malapit niya akong kaibigan, ipinagkatiwala niya sa akin ang sekreto ng inyong relasyon. Wala siyang bukambibig kundi ikaw. Masayang-masaya siya sa paulit-ulit na pagbanggit ng pangalan mo habang naninikip naman ang dibdib ko sa inggit at selos. Hirap akong tanggapin na ang lalaking matagal ko nang lihim na gusto'y basta na lamang naagaw sa akin ng isang dayo..."


I remained speechless. Nakikinig nang walang reaksiyon ang mukha.


"H-Hanggang sa nakita kitang paparating. Bigla ko na lamang siyang hinalikan sa mga labi. Nagulat siya at sinamantala ko ang mga sandaling hindi siya nakagalaw na lalong idiin ang aking halik. Nang matauhan siya'y agad niya akong tinulak papalayo at nang nilingon ko ang kinaroonan mo'y wala ka na..."


"Hinintay ka niya hanggang madaling araw. At ang tanging nasabi na lamang niya nang hindi ka sumipot ay siguro'y hindi ka pinayagang makaalis ng iyong lolo... Pero simula nang ginawa ko yun matagal bago ulit nakipagkaibigan sa akin si Lander..."


"Ngayon naman ay dama kong mali ang pagkakaintindi mo sa sitwasyon namin ni Lander. Napangasawa ko ang matalik niyang kababata. Ang mister ko ang naging tagapangasiwa niya dito sa Villa Rafael habang nag-aaral siya sa Maynila-"


"What about his grandfather?" singit ko.


"Namatay siya dahil sa atake sa puso. Nangyari yun ilang araw lamang pagkaalis mo."


Nanahimik ulit ako habang pasimpleng napapalunok. Medyo tinamaan ang aking konsensiya.


"Minana lahat ni Lander ang pera't mga ari-arian ng kanyang lolo. Kapalit nito'y bigla siyang nagkaroon ng malaking responsibilidad na pamahalaan ang mga lupain nila. Huminto siya ng isang taon sa pag-aaral. Hindi niya magawang balewalain ang naiwang trabaho ng kanyang lolo dahil maraming mga trabahador ang umaasa dito..."


"Nang medyo naisaayos niya na ang lahat ay ipinasa niya ang pangangasiwa sa lupain sa aking mister. Itinuloy niya ang kanyang pag-aaral habang regular pa ring inaalam ang mga pangyayari dito. Siya rin ang bumili ng bahay at mga lupa ng iyong lolo't lola. Pati mga karatig lupa'y isa-isa niya ring binili hanggang sa mapasakanya na nga itong buong Villa Rafel.."


She looked at the house.


"Sa aming mag-asawa ibinilin ni Lander ang bahay na ito. Dito kami tumira kapalit ng kaisa-isang bilin na hayaan lamang sa dating ayos ang kuwartong ginamit mo. Nagkaroon siya ng magandang trabaho sa Maynila at balak sana siyang ipadala ng kumpanya sa Amerika hanggang..."


Natigilan ng ilang sandali si Maureen. Napalunok ito nang may mamasa-masang mga mata.


"H-Hanggang sa namatay sa aksidente ang aking asawa dalawang taon na ang nakakalipas. N-Nahulog ang minamaneho niyang trak sa bangin...Bumalik si Lander dito at siya na ang muling namahala sa Villa Rafael. Ipinangako niya rin sa puntod ng asawa ko na hindi niya kami pababayang mag-ina..."


"Imbes na sa kinalakihang mansiyon, ay mas pinili niyang dito tumira. Marahil ay dahil sa mga alaala mo. Nais na rin sana naming umalis mag-ina sa bahay na ito pero hindi siya pumayag. Wala rin kasi kaming mapupuntahan maliban sa aking nanay na kinukupkop na rin ang pamilya ng mga kapatid ko. Napalapit na siya kay Harvey at ganun din sa kanya ang anak ko. Dahil sa kanya, unti-unting nagagamot ang pangungulila ng bata sa pagkawala ng kanyang ama..."


She took a deep sigh.


"Y-Yan ang totoong pangyayari M-Miss Anya. A-At gusto ko ring malaman mo na sa loob ng sampung taon.... hindi na muling nagmahal ng seryoso si Lander."


Ilang saglit na nagkaroon ng katahimikan. Until I tapped the steering wheel and blew a big breath. Natural ang ngiting tiningnan ko siya.


"Are you done with your narration? I appreciate your story but I'm not really interested about it. You know why? Because nothing will change! Past is past. I have a very different world now na ako mismo ay di makapaniwala sa sarili ko kung ano nga ba ang ginagawa ko ngayon sa lugar na ito."


"Naisip ko lang na baka sakaling maayos nito ang hindi niyo pagkakaintindihan ni Lander."


I chuckled. "I'm not here to fix anything. I'm here to end everything."


I gestured to her the door.


"Sana pag-isipan mo itong mabuti. Intindihin mo na lang si Lander kung nakapagbitiw man siya ng matatalim na mga salita. Pero napakabait niyang tao, sigurado akong lalambot din ang agad ang dibdib niya pag muli mo siyang kinausap ng malumanay."


Hah! At ako pa ngayon ang magpapakumbaba!


Lulugo-lugong lumabas ang aking kausap. Pinaandar ko agad ang kotse. Mabilis ang aking takbo. I want to get out of this aweful place as soon as possible.


Unti-unting humupa ang galit sa aking dibdib. Kasabay nito'y ang paulit-ulit na pagtakbo sa aking isipan ng mga sinabi ni Maureen.


I realized many things.


His grandfather's death could be the reason kung bakit di niya ako hinanap agad. At nang magkaroon na siya nang panahon, maybe I didn't matter to him anymore kagaya rin ng kung ano ang naramdaman ko sa kanya.


He didn't had any serious relationship? Well just like me. I think we were both traumatized by our impulsiveness during youth.


And the biggest thing that I realized... Ako ang mas may nagawang pagkakamali. My decision was very immature. I'm beginning to understand and believe na totoo ngang may kinikimkim pa siyang galit sa akin.


Hays! But so what? Tapos na yun? Hindi na importante ngayon kung sino ang tama o mali! What we need is to annul that useless marriage!...


However right now I guess I'm the only one who needs it badly.


Bigla kong inihinto ang sasakyan. I recall Lander's angry face. Each of his words starts to sink in my head. Dahan-dahan akong kinabahan sa mga banta niya. I'm in the losing end here. Mas maraming mawawala sa akin pag nagkagulo kami.


What will happen to me now? Eto na ba ang umpisa ng pagguho ng pangalan ko.


Naalala ko pa ang pagsampal ko sa kanya. Binatukan ko ang aking sarili.


You're stupid Anya! How could you give him more reason to destroy you!


Paulit-ulit akong napailing. I can't sacrifice Paris over this petty war of the past. Yes, my pride is at stake and so with my chance in chasing my biggest dream.


Lakas loob na ibinalik ko ang sasakyan.


Fine! I'll apologize. I hold on to what Maureen said na lalambot din ang puso nito kapag kinausap ng malumanay. I'm ready to accept his terms and conditions! Maiksing panahon lang itong paglunok ko sa pride kumpara sa magiging kapalit nito. Ituturing ko na lamang itong kaparusahan sa naging maling desisyon ko nung kabataan ko.


I returned to his house. Maureen was cleaning the yard at agad na nagliwanag ang mukha niya pagkakita sa akin.


"Miss Anya!" sambit niya nang may abot tengang ngiti.


I remained stoic for a while... until I responded with an embarrassed yet humble smile.






Continue Reading

You'll Also Like

3M 249K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
266K 7.7K 41
Transferring to a new school is rough. Transferring to a new school in a different country is rougher. Transferring to a new school in a different co...
112K 3.1K 11
yandere!sukuna x reader jujutsu kaisen fanfiction - "supreme deities? gods? lords? kings? why would you worship these beings when you're bowing to me...
16.6K 266 11
BSD characters reacting to different images/videos etc. Potential Ships: Soukoku, Shin Soukoku, Ranpo, Kousano, Higugin/Tachigin