Kenque University(completed)

By RushanleiDryst

3.3K 123 4

Welcome to Kenque University! More

N O T E
P R O L O U G E
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
S P E C I A L N O T E
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Explanation
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Announcement
Special Chapter I

Chapter 93

8 0 0
By RushanleiDryst

••Hera POV••

"Veux, Vien! Sandali lang!" Sigaw ko habang pilit na hinahabol sila. Sumipol ako kay Emerald pero mukang naapektuhan ng sugat niya ang kaniyang matalas na pandinig.

Umakyat ako sa mga puno upang mas paiikliin ang layo namin pero tumigil ang ilaw sa lumang gusali ng unibersidad. Halos umulit sa aking isipan ang sakit at mga pangyayari dito.

"Bakit ka tumigil, Hera?" Napatingin ako sa direksyon ni Vien. Nakapasok siya sa gusali at parang hinihintay lang ako.

"Bakit, Vien? Bakit mo iyong nagawa?"

Ngumiti ito sakin. "Bakit hindi ka muna pumasok at lumapit saakin, hmm?"

Huminga muna ako ng kaonti bago madahan umapak muli. Para kong naririnig ang sigaw ng aking mga kaibigan.

Nang makapasok ako, pumunta siya sa pataas sa tuktok ng gusali.

"Vien, saglit naman..." Napansin ko si Veux na parang nagtatago sa ilalim ng hagdan at nanghihina. Lumapit ako kay Veux at nakita ang tamlay sa kanyang mata.

"Sdoof lliw eb everes." bulong ko rito at lumabas nag mga pagkain para sakanya. Tinapik ko ito sa noo at naiintindihan ko ang sitwasyon niya. Wala siyang magawa kundi sundin ang mga sinasabi ng amo niya.

Sumunod nako kay Vien pataas. Nakaupo ito sa gilid at may apoy na nakaayos sa gitna.

"Nagtataka ka marahil bakit nangyayari ito... Eh sa simula palang ako ang pumilit sayo tapos ako pa nag gumugulo sa unibersidad."

Akmang lalapit pa sana ako sakanya ng pinigilan niya ako."Diyan!-- Diyan ka lang, Hera."

Umupo ako sa lapag. "Ituloy mo na ang iyong sasabihin."

"Herause Saren, natatandaan mo ba ang mga pangyayari dito?"

Kumunot ang noo ko. "Paano mo nalaman?"

"Tinanong ko kung natatandaan mo pa ba!" Biglang may tumama na patalim sa aking kamay. Napangiwi ako ng bumaon ito sa lapag.

"Hindi ko alam kung paano mo nalaman pero walang araw na nakalimutan ko ang mga nangyari noon."

Lumuluha itong humarap sakin. "Sobrang saya nila, Hera. Masaya sila habang kwinekwento ka saakin! Halos nagselos ako sa pagtrato nila sayo tapos maabutan ko pa silang--"

Nanlamig ang buong katawan ko. Lumaki ang nakapalibot na aura kay Vien at naging itim ang lahat.

----

"Hera? Gumising ka na please, malapit na niya tayong abutan."

Napahawak ako sa ulo ko. Para itong binibiyak sa sakit. Tumingin ako sa gilid ko at halos napaluha ako ng makita si Jules.

Nakahawak naman sa balikat ko si Stirk at nasa harap namin si Aera.

Hindi ko na napigilan na yakapin silang lahat. Nagulat ang mga ito pero hinayaan nila ako.

"Ayos ka lang ba Hera? Akala namin patay kana! Halos hindi kana humihinga kanina," Saad ni Stirk.

Tumango lang ako at akmang magsasalita pero walang boses na lumabas sa aking bibig.

Hinihingal nila akong binaba sa isang silid at hinarangan ito. Humawak ako sa kamay ni Aera ng makarinig ng kalabog. Gumanti naman ito sa higpit ng paghawak na parang inaalo ako.

Ngumiti siya sakin. "Magiging okay lang ang laha--"

Naputol ang sinasabi ni Aera ng may biglang matalas na sibat ang tumagos mula sa pintuan. Napuno ng takot ang mata ko at hinawakan ang sibat.

Tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Nagmamadali ko siyang hinatak at inihiga sa lapag. Gusto kong gamitin ang abilidad ko ngunit hindi ako makasalita.

Hinawakan ni Aera ang aking kamay. "Hera... Hindi ako nagsisising tulungan ka-akk"

Tumingin ako sa dalawang kasama namin at nakita ko ang sakit sa mata nila. Hinila na nila ako palabas ng bintana para makawid sa kabilang silid. Kasabay ng ulan ang aking pagdaramdam pero muli ako nakaramdam ng takot ng makita ko ang pamilyar na pigura.

Patuloy kami sa pag takbo ng biglang may mga sumulpot na halimaw sa harap namin.

"Mauna na kayo, Jules! Susunod ako!"

Gusto kong pigilan si Stirk pero parang may sariling isip nag aking mga paa at hindi ito humihinto.

Hinila ako ni Jules sa isang silid muli at sinarado ito gamit ang kaniyang abilidad.

"Hera, makinig ka..."

Para akong walang naririnig at patuloy sa pagluha at pagdadalamhati. Mas naririnig ko ang patak ng ulan, ang marahas na hangin, ang kulog.

Nakikita kong nagsasalita si Jules pero wala akong maintindihan. Parang may bumubulong sakin. Wala ako maintindihan. Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako. Natatakot ako.

"Hera?"
"Hera!"
"HERA!"
"HERAUSE SAREN!"

"Tumahimik kayo!" sigaw ko at nasaksak ko ang isang patalim kay Jules.

Hindi ko alam kung saan ito galing. Nanginginig ko itong binitawan habang nakatingin kay Jules. Nakahawak siya sa kanyang dibdib at agad ko sinira ang damit ko upang takpan.

"J-Jules! Hindi ko alam, bakit ba ito nangyayari? Hindi ko sinasadya!"

Natataramta kong diniinan ang mga dugo na umaagos galing sakanya. Mabibigat na hininga nag ginawa ko at pakiramdam ko na may nakasabagal sa aking paghinga.

Hinawakan ako ni Jules sa muka." Hera, hindi mo ito kasalanan... Gumising kana. "

" Ha? "

Ngumiti siya sakin ng maliit. "Matagal na itong tapos, Hera. Gumising ka na bago ka pa mapahamak..."

"Hindi ko maintindih--"

"Huwag kang mananatili sa iyong panaginip, Hera. Huwag mong takasan ang reyalidad."

Biglang lumiwanag ang paligid na nakapalibot saamin.
---
Dumilat ako sa linawga at nakita ko na halos ilang pulgada nalang ang distansya ng patalim saakin na hawak ni Vien. Mukang nagulat ito at umurong patalikod.

" Pero paano--? "

Mabilis akong tumayo at hinablot ang patalim bago ito tinapon sa kung saan. "Huwag mo akong ikulong sa ilusyon mo, Vien. Tapatin mo ako ng harapan."

Tumawa ito. Kinilabutan ako ng madama ang pait sa tawa nito. "Hera, Hera, Hera... Alam ko ayun ang tawag nila sayo? Hindi ko makakalimutan ang pangalan na pumatay sa mga kaibigan ko!"

Mga kaibigan niya? Parang may pumitik sa aking isipan ng sabihin niya iyon. Huwag mong sabihin na siya si Vien na tinutukoy noon nila Jules?

"Ikaw yun Vien na sinasabi nila Jules noon?"

"Kahit anong talino mo Hera, hindi mo man lang napansin?" bara ni Vien. Napakamot nalang ako ng noo dahil di niya ko masisisi at madami akong prinoproblema simula noon.

"Pero bakit mo ito ginagawa, Vien?"

"Pinatay mo sila Hera! Kung hindi nila pinuntahan noon, hindi siguro sila mamatay." Sigaw nito aakin at para akong natauhan.

'Kung hindi ko lang siguro sinabi sakanila, sabay sabay siguro kami ngayon dito sa unibersidad.'

"Pero yun aking ama-"

Napaiwas ako sa patalim na binato niya. "Ikaw at ang iyon ama Hera! Kayo ang pumatay sakanila! Nasa mga ugta mo ang kanyang dugo kaya hangga't nabubuhay ka dito, hinding hindi ako tatahimik!"

"Ganito nalang ba tayo, Vien? Pano ang pagkakaibigan natin nila West?" nanghihinayang na sabi ko sakanya.

"Palabas lang yon! Hindi ka dapat nandito Hera!"

Umatake ito paabante saakin. Pumitik ako ng tumarak ito sa akin tagiliran. Mukang nagulanta siya ng hindi ako umiwas.

Napaubo ako ng dugo pero agad ko itong pinunasan at hindi pinakita ang emosyon. Nanatili akong nakayakap sakaniya. "Naiintindihan ko. Gawin mo na ang lahat ng gusto mo sakin, Vien... pero huwag mong idamay ang mga ibang nilalang."

"Hera, hindi ka tinulungan ng ninoman noong nanghihingi kayo ng tulong pero bakit mas pinipili mo silang protektahan? Bakit mo prinoprotektahan ang unibersidad?!"

Ngumiti ako sakanya. "Ganyan din ang nasa isip ko noon ngunit iba na ang pamamalakad ng unibersidad noon at iba na ang mga nilalang."

Umiling lang ito sakin at tinarak muli ang patalim. Hindi ko na napigilan ang pagluwa ko ng dugo sa gilid ng damit niya pero hindi ako umali sa pagkakayakap.

"Bitawan mo ko, Hera!Alis sabi!" Tumingin ako sa muka niya at nakita ko ang mata niyang lumuluha.

Pinunasan ko iyon at hinawakan ang muka niya. "Isa ka sa mga pinakamalapit sakin... Kaya pasensya na kung nasaktan kita ng hindi ko napapansin. Matagal na iyong nanyari kaya ibig sabihin na matagal ka na din nagdudusa. Pasensya na, Vien."

Lumakas ang kaniyang pag iyak at binitawan na ang patalim. Gumanti siya sa yakap at halos hindi ko maintindihan ang kaniyang mga sinasabi.

"P-Pasensya na, Hera. Hindi ko sinasadya... Maniwala ka! Nadala lamang ako ng galit at kalungkutan. P-patawarin mo sana ako..." sigaw nito sa muka mo. Umupo ako ng maayos at tinulak siya bahagya.

"Pagtapos moko saksakin, ganun nalang yon?" pagbibiro ko sakanya. Pinilit kong tumawa pero lumabas lang ang dugo. Napahawak ako sa bibig ko at umiwas ng tingin.

"WAAAHHHH HERA HUWAG KANG MAMAMATAY!"

"Sira ba ulo mo? Kanina hinihiling mo na mamatay ako tas ngayon wag mamatay? Saan ako lulugar?"

-------------------TO BE CONTINUED-------------------
A/N:
🍦STAY HEALTHY MINA-SAN AND ILY! 🤟

Continue Reading

You'll Also Like

10.5M 480K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
16.2K 1.7K 73
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
95.4K 3.1K 54
Isang dalagang makapangyarihan ang nagpanggap bilang isang normal na estudyante
99.5K 2.3K 24
Im Caroline Hope Echizen, heiress of Echizen Academy, Na mag papanggap bilang Hope Garcia upang maprotektahan ang aking sarili at ang aking pamilya...