OPERATION: PRETEND TO BE HIS...

By ryohann_a

41.6K 1.1K 42

Kath has a best friend named Alex. Knowing that Alex has been through a lot with his ex-girlfriend, he wants... More

DISCLAIMER
CHARACTERS:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4:
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Epilogue

Chapter 23

1.2K 39 2
By ryohann_a

Chapter 23:

Narinig ko ang malakas na tawanan nila mama sa baba. Bumisita si Alex, kanina pa siya nandoon sa baba. Tumingin ako sa malayo, hindi ko akalain na aabot kami sa ganito. Akala ko kakalimutan niya na ako pero nagulat ako nang sumulpot siya kanina sa bahay. Ewan ko kung ano nakain ng mokong at biglang dumalaw rito.

Ayokong iwasan siya dahil malapit na ang alis niya. Pero mas ayokong hayaan sarili ko mapalapit sa kaniya lalo. Pero wala eh, hindi ko siya matiis.

"Babe." Hindi ko alam pero hindi ako lumingon.

Yumuko, naramdaman ko na umagos ang mga luha ko. Iyong tampo at sakit na naramdaman ko no'ng mga nakaraan araw, sumabog na.

"Kath." He smiled at me.

"Date tayo."

Hinaplos niya ang pisngi ko.

"Bawal tumanggi."

Nilibot ko ang mga mata ko at nandito kami malapit sa seashore.

"Kath, nagpaalam na ako kayla mama."

Hindi ako kumibo. Naramdaman ko ang pagsandal niya sa balikat ko.

"Ayoko sanang umalis pero hindi pwede. Matagal ng planado ang pag-alis namin. Pero hindi ko alam na matutuloy pala 'yon kaya hindi ko agad nasabi."

Hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan ako iiyak?

Bakit puro sakit na lang ang natatanggap ko?

"Babe, ipangako mo sa akin na magiging teacher ka. Alam kong gustong-gusto mong magturo sa mga bata."

Pinilit kong ngumiti at hinaplos ang mga pisngi niya. Ramdam ko na nasasaktan din siya.

"P-Pangako, ikaw rin. Pangako mo sa akin na magiging ganap na nurse ka." He hugged me tightly.

Puro tawanan ang nangyari sa buong maghapon namin. Naramdaman ko ulit iyong Alex na minahal ko. Nagawa kong ulit na ngumiti at sumaya sa sitwasyon namin pareho.

Isang araw... Dalawang araw... Tatlong araw... At ngayon ang ikaapat.

"Ayaw mo ba babe? Akin na lang ito." Iniripan ko siya. "Alex, gusto kong isipin mo na hindi tayo nagpapanggap o ano." Dahilan para masamid siya.

"H-Ha?"

Tumawa ako sa reaksyon niya.

"Tayo na." Niyakap niya ako.

Pero kahit anong gawin ko, alam kong pati siya. Hindi masaya ang nararamdaman. Nalulungkot kami pareho. Matagal kaming nakayakap sa isa't isa habang iniisip ang mabilis na pagtakbo ng araw.

"Alex, sana kapag pwede na. Bumalik ka rito sa Pilipinas." Matagal niya akong tinitigan.

"Susubukan ko." Hinalikan niya ang noo ko.

Halos ilang araw akong umaalis sa bahay namin. Wala rin naman akong pasok dahil tapos na ang school year. Kaya no'ng dumating ang ika-anim na araw ay talagang kumikirot na ang dibdib ko.

"Nurse pa rin ba ang gusto mo?" Ngumiti siya at tumango. Hinagis niya ang piso sa wishing well.

"Balak kong magdoctor din." Ngumiti ako at sobrang saya para sa kaniya.

Masaya ako na alam na alam niya talaga kung ano ang gusto niya sa buhay.

"Ikaw ba?" Ngumiti ako.

"Gusto kong mag-volunteer na magturo ng libre sa ibang lugar dito sa Pilipinas." Inakbayan niya ako.

Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko.

"Alam ko na matutupad lahat iyon." Huminga ako nang malalim. 

"Bakit ba sinasabi mong hindi ka na babalik ng Pilipinas?" Natigilan siya sa biglaan kong tanong.

"Pinamana na sa akin ni daddy ang business niya roon sa Canada kaya alam kong maliit ang chance na makakabalik pa ako."

Tumango ako, hindi naman kasi applicable sa lahat ang salitang "kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan." Madaling sabihan 'yan kapag wala ka naman sa situation na naiipit ka.

"Kath, may ibibigay ako sa iyo." Pumunta siya sa likod ko at sinuot sa akin ang kwintas. Gold ito ah?

"Sariling pera ko ang pinambili ko kasi baka hindi mo tanggapin." Pinisil niya ang pisngi ko.

"Gusto ko na palagi mo akong kasama sa lahat ng laban mo sa buhay." Marahan niyang hinalikan ang kanan at kaliwa kong kamay.

At ito.

"Gusto ko na sana hangga't 'di ka pa nakakahanap ng taong mamahalin mo ulit, isuot mo ito."

Marahan niyang sinuot ang diamond na singsing sa kaliwang kamay ko, sa ring finger. Napansin ko na hindi siya umaangat ng tingin. Nanatili na nakayuko siya, umangat siya ng tingin sa akin at niyakap ako.

Mabilis na namuo ang mga luha sa mata ko. Bakit ba kung kailan na okay na kami ay may bagong pagsubok na naman? Ang malala pa nito ay aalis na si Alex bukas.

"I love you, my pretty girlfriend." Hinampas ko siya sa braso.

"I love you too." Lumapad ang ngiti nito at pinudpod ng halik ang buong mukha ko.

Hanggang sa bumigat na ang nararamdaman ko nang naglakad na kami pauwi. Naramdaman ko rin ang mabigat na hakbang niya.

"Huwag ka nang sumama bukas para ihatid kami sa sakayan. Ayokong makitang umiiyak ka habang aalis ako."

Hindi ako kumibo, hinalikan niya na ako sa noo at sa huling pagkakataon narinig ko ulit ang salitang gusto kong palaging naririnig mula sa kaniya.

"I love you so much, babe."

Halos mataranta ako nang makita ko ang oras.

"9 AM NA?! 9:30 ANG ALIS NG SASAKYAN NILA ALEX PAPUNTANG AIRPORT!"

Mabilis akong nag-asikaso at nagpaal

am na kayla mama. Halos bumilis ang pintig ng puso ko sa nakita kong oras. 9:20 na!

Patakbo akong lumabas ng bahay at sumakay ng tricycle at nagpahatid sa bus station.Halos mawalan ako ng pag-asa dahil nakita kong 9:35 na. Jusko. Mabilis akong nagbayad kay kuyang tricycle at nagmamadaling tumakbo.

Mabilis na nagtama ang mga mata namin at napatitig sa isa't isa. Mabilis akong tumakbo at niyakap siya nang mahigpit. Mabilis kong narinig ang sarili kong hikbi.

"Palagi kang mag-ingat doon ah? M-Mahal na mahal kita."

Tumango siya, mabilis na umagos ang mga luha niya. Napansin kong yumuko siya at inayos ang sintas ng sapatos ko. Rinig na rinig namin ang pigil na hikbi namin.

Ang sakit, sobrang sakit.

"A-Alex, hihintayin kita." Mabilis niya akong niyakap at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"K-Kung hindi ako makabalik, palagi mong tatandaan na nandito ka palagi." Tinuro niya ang dibdib niya.

"P-Palagi mong tatandaan na ikaw ang inspirasyon ko at dahilan kung bakit patuloy akong l-lumalaban."

Pareho naming binitawan ang isa't isa.

"Hinihintay na ako ni mom sa airport. Pinauna ko siyang pumunta roon para hintayin ka rito. Akala ko sinunod mo ang sinabi ko."

Umiling ako at humikbi. Mabilis niyang pinahid ang luha ko. Mas lumuha ako nang halikan niya ako sa labi nang marahan at matagal.

"Good luck to my future teacher, I l-love you so much. I hope our paths cross again in the future. At kapag dumating iyon, h-hinding-hindi na kita papakawalan pa."

Nagsimula na siyang talikuran ako at naglakad papalayo. Pero naramdaman ko ang paghinto niya nang sumigaw ako

"I l-love you too, my future nurse. M-Maghihintay ako! Palagi kitang hihintayin!"Kumaway siya at sumakay na ng bus. Para akong nadurog sa huling pagkakataon.


Goodbye, Alex. 

Itutuloy....

Continue Reading

You'll Also Like

718K 31.4K 76
THE STORY AND IT'S TRANSLATION IS NOT MINE!! For offline purpose only What? Ke Ruan transmigrated into a book that he had read and became the vicious...
64.5K 1.8K 22
READ BIO BEFORE READING THIS Jungkook and Tzuyu are married and they both love each other. What could go wrong with this lovely couple? Their marria...
3.6M 152K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
15.8K 799 45
"I own you...." His raspy voice.... Damn! He was young but dominant. But who am I kidding, I don't think dominance comes with age. ...