The Auditions

By DiabolicalWriters

20.6K 747 221

More

The Auditions
Buhay ng Patay
Hindi Ko Maintindihan
De 'Ja Vu
Orgmate
Please Stay
Renascence
Sa Jeep
The Game That I Just Played
The Gift
Sacrifice
Please, Take Care of Him...
The Lakhan
Those Days...
First Love Never Die
The Calm After the Storm
Longing for Love
Paano Ba Maging Isang Manunulat?
Gusto kong maging isang Doktor
Chat
Just a dream
Tamed
Dear Mr. Kupido
Unheard
Bakit?
Daring the Devil
Sa Lilim ng Saksing Puno
Unspoken
The Star Gazer Boy
Closure
Blissful Pains
All She Had
The Saviour and the Predator
What Summer Brings
Waking Up
Secret and Lies
Rooftop
black cat
First Anniversary
Withered me
The Art of Making Love
My Key To Survive
Best Man
Thirteen
Attack on Eren
Surpresa ng Maynila
Ang Kwentista
Demonyang Babae
How to Break Them
Flight
Alas Tres
Field Trip
Love Race
Swimming is Fun
Memento Mori
Dama De Noche
Ikaw Parin
Anew
Painful Vacation
Munting Tinig
Wake Up No More
The Vast Bird Bath
Ang Sepulturero
Consequence of Loving Him
Litrato
Wild Awake
Kung Sana
Oras Na
World of Chances
The End
Georgina
Sa Pag-uwi ni Kuya
Playlist
Erlking
Naupos na Boses
Kung Kailan
Of The Beast And The Flyings
PAINT MY HEARTACHE
Morose Ecstacy
Berto
Hummingbird Heartbeat
Tunog ng Dagat
Pangitain
Ang Alamat ng Ulan
last piece for tonight's feast
Mamatay Ka Na Sana
I love you, Goodbye
Melba and Her Happily Ever After
Transparent
Lianna
Broken
Love and Sacrifice

Pag-iral

281 6 0
By DiabolicalWriters

Genre: Mystery


Ang halimuyak ng mga libro ang sumalubong sa akin sa bukana ng pintuan ng club room. Sinulit ko na ang pagtingin sa loob habang hinihintay ang mga ka-myembro ko para sa isang maliit na pagpupulong. Tatlong magkakahanay na makikitid na istante ng aklat ang nakapuwesto sa kanang bahagi ng kuwarto. Isang mahabang lamesa sapat para sa sampung katao naman ang nasa gitna habang nakapalibot naman sa kaliwang pader ang mukhang antigong mga mesang kabinet. Maayos na nakalagay rito ang ibang mga librong marahil ay hindi na nagkasya sa mga istante. May iilan ring panulat na nakalagay roon sa isang kulay itim na baso. Napansin ko rin ang nag-iisang mesang malapit sa bintana kung saan nakaupo ang isang thermos katabi ang mga nakataob na tasa sa bandeha. Dumungaw ako sa may bintana at binati ako ng mga malalabong at mababangong bulaklak ng yellow bell na nakapirme sa 'di kalayuan kasabay ng preskong hangin. Tanaw ko mula rito ang malawak na lupang inilaan para sa araling isports.

Hindi ko na naiwasan ang mapangiti. Magiging madalas na ang pamamalagi ko rito. Kinakabahan man ay sobrang tuwa at pananabik pa rin ang kasalukuyang nararamdaman ko. Bagong salta pa lamang kasi ako sa writing club na ito. Hilig ko ang pagbabasa at pagsusulat kaya walang pag-aalinlangan akong sumali rito. Pangarap ko rin na maging isang magaling na manunulat at magandang daan ito para mas lalong mahasa ang aking pagsulat.

Maya-maya pa'y nakarinig ako ng mga nangungusap na taong papalapit sa silid gawa na rin na nakalimutan kong isara ang pinto. Saka sabay-sabay na nagsilitawan ang mga hinihintay ko.

"Oh, Genie! Ang aga mo naman", pabirong bati sa akin ng isang lalaking may pagka-chubby ang pangangatawan; siya si Kuya Samuel, ang presidente ng club namin.

Isang maliit na tawanan ang sumunod sa kanyang sinabi. Ginatungan naman ito ng isa pang lalaking may suot na salamin sa mata: si Kuya Nikko, ang bise president ng club. "Syempre! Gano'n talaga. Nagpapa-good shot sa'tin. 'Di ba?"

Ang pagbaling niya sa akin ang naging hudyat na sa akin nakadirekta ang kanyang pangungumbinsi sa kanyang naturan. Sinagot ko na lamang siya ng isang maliit na tawa.

"Oh siya, siya. Magsimula na tayo at nang matapos na ito", ani Ate Katy sabay ngiti sa akin. Siya naman ang sekretarya ng club at ang pinamalapit sa'kin dito. Una ko siyang nakilala sa isang patimpalak na idinaos sa isang sikat na online writing site noong mga panahong nasa hayskul pa ako. Nagkataon na pareho kaming nasa iisang siyudad at sumakto pang ang napili kong kolehiyo ay siyang kasalukuyan niyang pinapasukan. Naging katulong ko siya sa paghasa ng aking kakayahan sa larangan ng pagsusulat.

Nagsimula na ang aming pulong nang makaupo ang lahat. Naging sentro ng usapan ang pagpapakilala sa dalawang bagong myembro ng club: ako at si Jessa. Masigla ang aura ni Jessa at makikinita ang pagiging positibo niya sa kanyang mga kilos. Inilantad rin ang mga aktibidades na ginagawa sa club partikular ang writing workshop na ginaganap linggo-linggo tuwing Miyerkules ng hapon. Ipinaliwanag rin ang mga toka ng bawat myembro sa paglilinis at pag-aayos ng club.

Matapos ang pormal na pagpupulong ay nauwi na sa kuwentuhan ang lahat. Mabilis naman akong naging malapit sa kanilang lahat lalo na sa kasama kong bagong salta. Masayang kasama si Jessa. Dadalhin at dadalhin niya ang kondisyon ng usapan hanggang sa maramdaman mo ang magaan niyang pakikisama. Samantalang ang tatlong nasa posisyon ay nagkaroon na ng sarili nilang seryosong pag-uusap. Magkakambal naman sa kalokohan sina Christian at Mario at ang madalas nilang inaasar ay si Kiko. Napuno ng kasiyahan at tawanan ang club nang araw na iyon.

Kalagitnaan ng academic year nang mga panahong abala kaming lahat sa pagrerebyu para sa namimintong pagdating ng midterms week. Kasama ko ngayon si Jessa pabalik sa club at katulad ng dati'y makulit at masayahin pa rin ito. Naging matalik kaming magkaibigan dahil palagi kaming magkasundo kahit na hindi man tugma ang aming mga personalidad. Nagkaroon na rin kami ng iilang mga tampuhan pero sinisigurado naman naming naaayos iyon.

Bakante ang club room nang madatnan namin ito. Nagpatawag kasi ng emergency meeting si Kuya Samuel para sa isang seminar na dadaluhan namin sa Maynila tungkol sa pagpa-publish ng libro. Diretsong naupo si Jessa sa may lamesa habang nagtungo naman ako sa may bintana para magtimpla ng kape. Ang kaso ay walang mainit na tubig kaya nagpainit muna ako sa thermos.

"Genie, alala mo ba 'yung alamat na tungkol sa club natin", pang-uusisa sa akin ni Jessa.

Nanumbalik sa akin ang pag-uusap namin ni Ate Katy bago pa man ako sumali sa club na 'to. Ipinagtataka ko noon kung bakit kakaunti lamang ang myembro ng club namin. Ikinuwento sa akin ni Ate Katy na may kababalaghang bumabalot sa club room na ito. Na may sumpang ang sinumang kasapi ng club na ito ay mamamatay sa oras na buksan nila ang isang pinagbabawal na kahon na nakatago sa lumang locker na nakalagay sa sulok ng kuwarto. Kaya naman ilag ang mga estudyante dito.

"Bakit mo naman natanong", pagbabalik ko sa kanya ng usapan.

Matagal bago niya ako ulit sinagot. "Gusto kong makita 'yon", may ngiti pa rin sa kanyang labi nang sabihin niya iyon ngunit imbes na mahawa ay gumapang ang pangingilabot sa aking mga braso. Napayakap ako sa sarili ko.

"Alam mo, hindi magandang ideya 'yang iniisip mo", pagpapaalala ko sa kanya. Hindi naman sa naniniwala ako sa alamat pero may kutob pa rin ako na hindi dapat namin gawin ang maaari naming magawa ngayon.

"Hindi ka ba naku-curious? Sa totoo lang, sumali ako sa dito para malaman kung ano ang nakatago dito sa club room. Hindi naman kasi totoo 'yang mga alamat-alamat na 'yan. At saka titingnan lang naman natin e", sa pagtatapos ng kanyang pagsasalita ay tumayo siya para lapitan ako at naglambing na samahan siya.

Labag man sa aking kalooban at sa hindi malamang dahilan, pumayag ako.

Naglakad kami patungo sa sulok ng kuwarto kung saan nakatayo ang lumang locker na pinaniniwalaang pinaglalagyan ng kahon. Maswerteng hindi ito nakakandado kaya agad namin itong nabuksan. Isang plumang selyadong nakalagay sa loob ng isang kahong yari sa salamin ang tumambad sa amin. Nagkatinginan kaming dalawa, parehong nabalot ng pagtataka sa nakita. Anong ginagawa ng isang normal na ballpen dito?

Narinig namin ang pangungusap ng dumating naming mga kasapi. Nilingon namin silang lahat. Nang makita nila kami ay pare-pareho silang natigilan. Gulat at takot ang bumalot sa kanilang mga mukha.

"A-anong ginawa n'yo", naguguluhang tanong sa'min ni Ate Katy. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pagkabigo sa aming dalawa ni Jessa. Dama ko rin ang pagkunot ng sarili kong noo sa aming ginawa.

Biglang sumara pabagsak ang pinto ng club room kung saan lahat kami ay napabaling. Mabilis na nagtungo doon si Kiko para buksan ito kasunod ng mga natitira pa ngunit hindi niya nagawa. Sunod na nangibabaw ang pasigaw na pagwawala ni Kiko. Alam naming siya ang may pinakamahina ang loob sa aming lahat. Mabilis siyang dinaluhan ng presidente at bise presidente kahit na sila rin ay 'di na mapakali. Sinubukan rin nina Christian at Mario na sabay buksan ang pinto. Pareho na nilang hinahagis ang mga katawan nila para lang mabuksan ito. Tila ba wala na silang pakialam kung masira man ito. Sa kasamaang palad ay hindi pa rin ito natitibag.

Ano bang nangyayari? Natatakot na ako sa mga nakikita ko sa kanila. Napalingon na rin ako kay Jessa na ngayo'y mahigpit nang nakakapit sa aking braso at nanlalamig sa pawis. Maging ang sarili ko ay nararamdaman kong naliligo na sa kaba at panginginig.

Hanggang sa makarinig kami ng pagkabasag ng salamin mula sa lumang locker kung saan lahat kami ay muling napabaling. Pare-pareho kaming naghintay sa susunod na mangyayari. Nanghina na lang ang mga tuhod ko nang masaksihan ang paglutang ng plumang kanina lamang ay selyadong nakakulong sa salaming kahon.

Totoo ba ang alamat na iyon? Mamamatay na ba kaming lahat dito? Nauubusan na ako ng lakas subalit naramdaman ko ang paghila sa akin ni Jessa patayo. Kapagdaka'y tumulong na rin si ate Katy sa amin.

Nagsiksikan kami sa ibayong parte ng kuwarto salungat sa kinalalagyan ng lumulutang na pluma. Nakapokus ang paningin ko dito. Natatakot sa kung anong pwedeng mangyari. Ang katotohanang lumilipad ang isang bagay na hindi naman dapat lumilipad ang nagbigay sa akin ng lakas para maniwala na tunay ang kababalaghang bumabalot sa club room na ito. Hindi mawala ang pangingilabot sa aking katawan.

"Ayoko pang mamatay. Ayoko pa. Ayoko... ", sunud-sunod na bulong ni Jessa ang umalingawngaw sa aking tainga. Ayoko ring mamatay. Natatakot ako.

Isang libro ang maliksing lumipad patungo sa direksyon ng pluma ngunit tumigil din ito bago pa makaabot. Ang posisyon ni Kiko matapos ihagis ang libro ang nadatnan ng mga mata ko nang lingunin ko siya. Sunod noon ay ang pagsabog ng kanyang ulo sa harapan naming lahat. Tumilamsik ang kanyang dugo sa iba't-ibang parte ng aming mga katawan. Unti-unting bumagsak ang kanyang katawan padapa sa sahig. Nangilid ang luha sa aking nanlalaking mga mata. Tila ba gusto kong sumigaw ngunit hindi ako makahinga. Sumisikip ang dibdib ko. Naunahan ako ni Jessa sa pagsigaw na sinundan ng paghagulgol ni Ate Katy. Pare-pareho kaming takot. Ano bang nangyari? Paano nangyari iyon?

Napunta ang atensyon namin kay Christian at Mario nang umalis sila sa kanilang mga puwesto. Pareho silang kumuha ng silya at layon nilang basagin ang bintana upang doon kami lumabas para makatakas. Pero katulad ng nangyari sa libro ay tila may pwersang humaharang dito. Malakas silang nabalibag sa kabilang pader at tumarak ang dalawang paa ng mga upuan sa kanilang mga katawan. Napapailing na ako sa mga nangyayari. Gustuhin ko mang ipikit ang aking mga mata para magtago ngunit natatakot ako na baka sa pagmulat ko'y ako na ang susunod.

"Hindi! Buksan n'yo 'to! Tulong! Tulungan n'yo kami", parang mauubos na ang boses ni Kuya Samuel sa lakas ng kanyang sigaw habang sinusubukang buksang muli ang pinto. Sunud-sunod na kabog rin ang pinakakawalan niya rito, nagbabaka-sakaling may makarinig na mga tao mula sa labas.

Sa labas. Ang mga tao sa labas. Hindi nga ba nila naririnig ang nangyayari dito? Nakulong nab a kami dito sa loob? Pinagmasdan ko ang plumang patuloy na lumulutang sa ere. Ano bang klaseng hiwaga ang mayroon ito? Nakapanlulumo. Wala man lang akong magawa dahil hindi ko maintindihan.

Maya-maya'y tumigil ang pag-iingay ni Kuya Samuel at nagsisi ako nang lingunin ko siya. Bagsak na rin ang hati niyang katawan sa sahig. Pugot ang kanyang ulo at lumuluwa ang mga mata. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Nasusuka ako pero wala akong maisuka. Umiikot na ang sikmura ko sa nakikita sa paligid.

"Genie.. I'm sorry. Sorry."

Kanina ko pa naririnig na paulit-ulit na sinasambit ni Jessa ang mga katagang iyon na animo'y nag-oorasyon. Nakaupo siya sa sahig at nakasandal siya mesang cabinet habang yakap-yakap ang mga tuhod. Pilit niyang ibinababa ang ulo para hindi makita ang mga hindi kanais-nais na tanawin.

Tama. Kasalanan niya ang lahat ng ito. Kung hindi niya ako pinilit ay hindi mangyayari ito. Ngunit alam kong kasalanan ko rin dahil hindi mangyayari ito kung hindi ako pumayag. Sana man lang ay maibalik ng mga katagang iyan ang oras nang sa gayon ay maitama namin ang mga mali at maiwasan ang brutal na pangyayaring ito.

Isang malakas na sigaw naman ang kumuha ng atensyon ko at nasaksihan ko kung paano tinapos ni Ate Katy ang sarili niyang buhay. Halos isigaw ko na ang pangalan niya ngunit naghihikahos ang aking boses. Kanina pa pala ako lumuluha. Takot man ako ay hindi ko naiwasang lumapit sa kanya. Gumagaralgal ang aking boses nang tawagin ko ang pangalan niya. Umiiling ako, hindi makapaniwalang nangyayari ito. Nanginginig ang aking kamay na hinawakan ang ballpen na isinaksak niya sa kanyang dibdib.

"Genie!" Sumulpot sa harapan ko ang mukha ni Kuya Nikko. Hinawakan niya ang parehong balikat ko. "Genie, kailangan mong kumalma! Genie!", patuloy ang pagyugyog sa akin ni Kuya Nikko. "May magagawa pa tayo."

"Wala na sila.", nanghihinang sabi ko habang patuloy pa rin sa pagtangis.

"At nandito pa tayo", may tono ng pag-eengganyo sa boses ni Kuya Nikko. "Buhay pa tayo."

Nabuhayan ang loob ko sa kanyang sinabi. Oo nga at buhay pa kami. Bakit nga ba buhay pa kami? Nagsimulang umandar ang takbo ng utak ko, inaanalisa ang bawat nangyari.

At saka humantong ang lahat sa iisang sagot. Wala kaming ginawa kaya buhay pa kaming tatlo: Ako, si Jessa at si Kuya Nikko. Wala kaming ginawa. Hindi namin sinubukang tumakas, hindi namin sinubukang lumaban, at hindi rin naming sinubukang magpakamatay. Pero kung magpapatuloy na wala kaming gagawin, masasabi bang buhay kami? Habang-buhay na ba kaming makukulong sa club room na 'to na na parang isang bangungot?

Nag-isip ako ng malalim. Naramdaman ko ang pagsalubong ng aking mga kilay. Pagkatapos ay diretsong tumingin sa kinaroroonan ng plumang lumulutang sa ere at saka ako nagkuyom ng mga kamao.

Continue Reading

You'll Also Like

87.1K 138 45
I don't own this story Credits to the rightful owner πŸ”ž
113K 5.5K 57
Ivory known as Alvara is a abandoned child, one day she woke up in different world and realized that she reincarnated in the novel that she last read...
380K 6K 23
Sa pagpasok ni Jude sa mansyon ng mga Velasco ay mabubuksan ang mga panibagong sikreto ng nakaraan. Mga hindi pa rin mapigilan na kataksilan at ang p...
182K 3K 50
ON-GOING Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid...