Forgotten Seal Of Promises

By marisswrites

4.8K 387 6

|| fourth installment of "habit series" || Constantine Dominguez failed his qualifying exam in a course that... More

Forgotten Seal Of Promises
Introduction
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Finale

Chapter 60

106 5 0
By marisswrites


"D-Destinee . . ."

Oras na banggitin ko 'yon, bumaba ang palad niyang kanina'y nakahawak sa ukit ng pangalan ni Desiree, kasabay ng paglingon niya sa akin. Bahagyang nakaawang ang bibig na para bang ang huling bagay na inaasahan niya ngayon ay ang makita ako.

Ang laki ng pinagbago niya. Hindi ko maipaliwanag kung ano 'yon pero ramdam at kitang-kita ko ang mga pagbabago sa kan'ya. Pero hindi ko na 'yon inintindi pa dahil ang saya-saya ngayon ng puso kong makitang nandito na ulit siya. Makalipas ang mahabang panahon . . . nandito na siya ulit.

Sa wakas . . . nakita ulit kita.

Sana hindi niya ako nakalimutan.

Sana . . . naaalala niya lahat ng pinagsamahan namin noon.

Sana . . . hindi mangyari ang kinatatakutan ko.

Lumunok ako bago sinubukang humakbang papalapit sa kan'ya pero mabilis siyang yumuko nang bahagya at naglakad papalayo sa akin nang mabilis. Hindi ko man lang magawang kumilos o sundan siya ng tingin dahil hindi ko inasahan 'yon.

H-Hindi na ba niya ako nakilala?

Hindi ba niya gustong . . . makita ako?

A-Ayaw na ba niyang makita ako? Kaya ba base sa expression niya, halatang hindi niya inasahang makikita niya ako dito?

Ilang minuto pa ang nagdaan bago ako nagkaroon ng lakas ng loob para gumalaw at maglakad para sundan siya. Alam kong sa puntong ito, hindi ko na siya aabutan pero wala na akong pakialam. Kung kailangan kong pumunta sa dating bahay nila, kahit na alam kong hindi na sila ang may-ari n'on, gagawin ko . . . makita lang ulit siya.

Nang tuluyan na akong makalabas ng columbarium, wala na siya. Sinubukan ko siyang hanapin sa buong lugar pero napuntahan ko na halos lahat, hindi ko pa rin siya nakita.

Bumagsak ang dalawang balikat ko bago napatingin sa bulaklak na hawak.

Bakit ba ako nandito?

Nagbuntonghininga ako bago tumalikod at naglakad pabalik sa loob ng columbarium. Gagawin ko na muna ang dahilan ng pagpunta ko rito bago ang lahat. Pagkatapos kong madalaw si Desiree, dederetso ako sa paghahanap kay Destinee.

Nang makarating ako sa harap ng vault ni Desiree, may mga bulaklak nang nakalagay doon. Siguro'y mga inilagay ni Destinee kanina nang dumalaw siya. Nagbuntonghininga ako bago kuhanin ang mga bulaklak sa bouquet para ilagay kasama ng mga nandoon na pero napalingon ako sa katabing vault na may katulad ng puting bulaklak na na kay Destinee. Kumabog ang dibdib ko nang makita kung kaninong pangalan ang nakaulit doon.

Winona Y. Esquivel

Umawang ang bibig ko nang mapagtantong last year lang nang mamatay si Mrs. Winona. Pero kailan pa nandito ang urn niya? Sa loob ba ng isang taong wala ako rito para dumalaw kay Desiree, bumalik si Destinee at hindi niya alam na wala ako rito?

Matapos kong makapagbigay galang kay Mrs. Winona at Desiree, nagpaalam na ako para gawin ang susunod kong dapat gawin. Nag-drive ako kaagad papunta sa lumang bahay nila.

Noong huling pumunta ako rito, three years ago, isang malaking pamilya na ang nakatira dito.

Sa kabuuan ng byahe ko papunta sa lumang bahay nila, hindi ko mapigilang mas bilisan pa ang pagmamaneho sa kaba na, kung nandoon man sila, baka hindi ko sila maabutan. At habang papalapit ako nang papalapit doon, pabilis din nang pabilis ang tibok ng puso ko.

Nang makarating ako sa harap ng lumang bahay nila, mabilis akong nag-park at lumabas ng sasakyan. Pero bago pa man ako makahakbang ng isa papalapit doon, bumukas na ang gate at lumabas doon si Sir Alejandro, kasama si Destinee na nakahawak sa braso niya. Malapad ang ngiti ng mag-asawa na may-ari na ngayon ng dating bahay nila—mukhang inihatid sila papalabas.

Matapos nilang magpaalam, nalipat sa akin ang atensiyon nilang dalawa. Halatang hindi gusto ni Destinee na nandito ako . . . at bukod sa naiisip kong hindi na niya ako kilala o ayaw niya na akong makita pa talaga . . . hindi ko maintindihan kung bakit.

May nagawa ba ako?

Napalunok ako't napaayos ng tayo nang naglakad papalapit sa akin si Sir Alejandro. Mabagal na sumunod sa likod niya si Destinee, nakaiwas ang tingin sa akin. Masakit pero sa ngayon, wala na akong ibang gustong isipin kung hindi . . . dapat maging masaya ako.

Kasi nandito siya.

Kasi buhay siya.

Kasi patuloy niyang nilalabanan yung mga pagsubok sa buhay niya.

Pero bakit ang hirap?

"Constantine." Malapad ang ngiti ni Sir Alejandro nang lumapit siya sa akin saka ako niyakap. "It's been years. Kumusta?"

Kumalas kami sa yakap saka ako sumagot. "M-Maayos naman ho."

Tumango-tango siya. "Balita ko, nagdo-doctor ka na?"

Napakunot-noo ako. "Ho? K-Kanino n'yo nabalitaan?"

Ngumiti siya. "Sa mama mo." Nagbuntonghininga siya bago lumingon kay Destinee. "Bumalik kami dito noong isang taon para ilipat ang urn ni Winona sa tabi ni Desiree. Dumalaw kami sa hospital kung saan siya nagtatrabaho at doon niya nga naikwento na nag-aaral ka raw sa Manila para maging doctor."

Napalunok ako't nakaramdam ng galit nang malaman lahat ng 'yon. Bakit . . . bakit hindi man lang sinabi sa akin ni Mama?

"B-Bakit ho hindi ko nalaman?"

Ngumiti siya bago lumingon kay Destinee na nakayuko ngayon. "Hindi niya pinasabi."

Napakunot-noo ako lalo nang dahil do'n. Hindi ko na ngayon maialis ang tingin kay Destinee matapos kong marinig 'yon.

"I also thought that it was the best thing to do—to not let you know—for your own sake," dagdag ni Sir Alejandro.

Nag-iwas ako ng tingin sa dami ng emosyon na nararamdaman ko ngayon. Sa tagal ng panahon na naghihintay ako ng update tungkol sa kanila, mayro'n naman na pala pero pinili nilang ilihim sa akin?

"Bakit? Bakit naging para sa akin 'yon?"

Tinapik niya ang balikat ko bago siya naglakad papalapit kay Destinee. "Mag-usap na muna kayong dalawa, anak. Maghihintay ako sa hotel. Hmm? Stop running away. It's time." Humawak siya sa ulo nito saka ngumiti.

Nagbuntonghininga si Destinee bago pinanood si Sir Alejandro na maglakad papalayo sa kan'ya, saka ito pumasok sa sasakyan nila. Lumunok ako bago binuksan ang pinto ng shotgun's seat.

"D-Destinee . . ."

Lumingon siya sa akin. Ramdam ko ang kaba niya habang nakatitig sa akin bago bumaba ang tingin sa nakabukas ng pinto ng sasakyan ko. Ilang segundo pa akong naghintay bago siya muling nagbuntonghininga saka naglakad papalapit sa akin. Nang dumaan siya sa harap ko para pumasok sa loob ng sasakyan, naamoy ko ang pamilyar na amoy niya—wala pa ring pinagbago sa dati. Gano'n na gano'n pa rin.

Isinarado ko ang pinto bago naglakad papunta sa kabilang side para sumakay sa driver's seat. Pagsarado ko ng pinto, naramdaman ko na kaagad ang kaba ngayong dalawa na lang kaming magkasama. Napalunok ako bago ini-start ang engine saka nagsimulang mag-drive.

Tahimik lang kaming dalawa sa buong byahe. Habang siya, deretso lang ang tingin sa labas ng bintana, paulit-ulit ko naman siyang sinusulyapan mula sa rearview mirror. Sa dami ng emosyon na nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung anong uunahin ko. Gusto kong maging masaya, tutal, 'yon naman ang unang sinabi kong gusto ko—na magiging masaya ako, makita ko lang siyang maayos.

Pero ngayong nakita ko na siya, hindi matanggap ng sarili ko na . . . sinadya niyang hindi magpakita . . . na hindi ipaalam sa aking nandito siya.

Bakit?

"S-Saan mo ba ako dadalhin?"

Napalunok ako bago ibinalik ang tingin sa daan nang marinig siyang magsalita. Hindi ako sumagot dahil pakiramdam ko, hindi ko kayang magsalita nang deretso. Sa dami ng nararamdaman ko ngayon, para akong iiyak bigla oras na magsalita.

Nag-park ako sa parking space ng malapit na coffee shop na nakita ko. Nagmadali ako sa pagtanggal ng seatbelt at pagbukas ng pinto para lumabas. Gusto ko sana siyang pagbuksan ng pinto pero hindi ko na nagawa dahil nang lumabas ako, lumabas na rin siya. Iwas ang tingin niya sa akin nang pumasok kami sa loob at makaupo sa bakanteng table. Um-order lang kami ng iced americano para sa akin at caramel macchiato para sa kan'ya. Pagkatapos n'on, wala na ulit nagsalita sa amin.

Nang mai-serve ang order namin, tahimik pa rin kami. Hindi niya pa rin ako tinitingnan, katulad ng ginawa niya sa buong byahe papunta rito. Sa huli, wala na akong ibang nagawa kung hindi ang basagin ang katahimikan at maunang magsalita.

"A-Anong nangyari?"

Oras na sabihin ko 'yon, umangat ang tingin niya sa akin. Sa dami ng pagkakataon para makita ko nang maayos ang mukha niya kanina, ngayon ko lang 'yon nagawa.

Halos walang pinagbago. Pumuti siya, pumayat, pero mas lalong gumanda. Dahil ba mas marunong na siyang mag-ayos ng sarili ngayon? Pero kung tutuusin, halos pareho lang naman ng ayos niya dati ang ayos niya ngayon. Nakabagsak ang kulot niyang buhok habang may clip sa magkabilang gilid ng ulo. Yung bangs niyang medyo makapal noon, manipis na ngayon.

Ang ganda mo pa rin. Mas lalo kang gumanda ngayon, Destinee.

Nagbuntonghininga ako kasabay ng pag-iwas ng tingin. "B-Bakit hindi mo pinaalam sa akin na . . . umuwi ka pala rito noong isang taon?"

Lumunok siya bago muling yumuko. "What right do I have to let you know my whereabouts? I barely remember what we had."

Nag-init ang sulok ng mga mata ko matapos marinig ang huling sinabi niya.

"I . . . I might remember parts and moments . . . but not everything." Nag-angat siya ng tingin sa akin. "I'm not even sure if the person you loved the moment when we're together is me . . . o yung alter ko . . . yung kapatid ko."

Hindi ako nakapagsalita. Tuluyan nang may bumara sa lalamunan ko, dahilan para mas mahirapan akong kontrolin ang nararamdaman ko ngayon.

"Alam mo naman, 'di ba? The personality I had when we met again was not mine. It was Desiree's."

Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga. "Pero ramdam kong ikaw 'yon. Ilang beses kong ipinagpilitan sa 'yo noon . . . na ikaw yung Destinee ko . . . yung taong minahal ko noon."

Ibinaba niya ang tingin sa mga kamay niyang naglalaro ang mga daliri sa ibabaw ng lamesa. "You can't blame me for having these emotions. I barely survived the years in Switzerland. I couldn't find who I really was. I don't know who I am and up to this day, I still don't know if I'll be able to find me—the Destinee before the storm."

Napabuntonghininga ulit ako. Naiintindihan ko lahat ng sinasabi niya kaya kahit na gaano man ako nasasaktan ngayon, hindi ko magawang pagtuunan 'yon ng pansin dahil alam kong grabe ang paghihirap niya sa nagdaang mga taon nang wala ako—nang mag-isa siya.

"C-Can I, at least, know what happened there?" I gulped. "To . . . to you? To your . . . mom?"

Kuminang ang mga mata niya dahil sa mga luhang nangilid kasabay ng maliit na ngiting ibinigay ng labi niya.

"She . . . she asked for assistance from Dignitas. And . . . since she's very ill, they . . . helped her."

Matapos niyang sabihin 'yon, pumatak ang mga luha mula sa mga mata niya. Wala akong ibang magawa kung hindi ang hayaang umawang ang bibig matapos marinig ang isang salita na hindi na dapat ako nagulat na maririnig ko sa kan'ya ngayon.

Dignitas . . .

Switzerland . . .

"She couldn't recover from the major depressive disorder that she has and the dissociative identity disorder. Her heart is full of regrets from the way she lived . . . and from the way that she made her own family live. She, most especially, regrets everything that happened to Desiree . . . and the outcome of it."

Hinayaan ko siyang punasan ang mga luha mula sa mga mata niya. Hinayaan ko siyang ilabas ang lahat ng nararamdaman niya. Hindi ko akalain na magagawa rin 'yon ni Mrs. Winona sa kanila. Ang lakas ng tiwala kong pareho silang magiging maayos at babalik dito . . . pero nagkamali ako.

"I've only been living for 27 years . . . but I already received 2 suicidal letters from my family. How can I even live normally after that?"

Marahan akong napailing matapos marinig ang huli.

Two suicidal letters . . . both from her very own family. How could she survive that? Dapat bang magulat akong makitang mukhang maayos siya ngayon sa harap ko?

"But I'm still trying because that's what Mama wants . . . to live my life the way I want because for years with her, I never did that. But how can I know how to live my life the way I want? I don't know what I want. I don't know everything about me yet. I'm still figuring everything out about me. Paano ko gagawin yung huling bagay na hiniling niya sa akin?"

It was a devastating sight to see her break down in front of me for everything that has happened to her family. A part of me is thinking that she might be blaming herself . . . but a part of me has hope that the suicidal letters that they left her made her live.

I want to know what they told her to be here right now . . . but it's not possible for me to ask. Sa ngayon, gusto ko lang malaman niya na handa akong manatili para sa kan'ya.

Nandito na ako. Hindi na siya magiging mag-isa pa sa laban niya.

Hindi na ako mawawala pa . . . kahit kailan.

Continue Reading

You'll Also Like

4.5K 245 31
Bryan Arellano is her first crush and love. Her cute and tiny little heart beats only for him. In her early age, she knew it was love even when the f...
2.4K 551 32
When they met, Elliezabeth Mayumi seems like she already found the missing half piece of her life. REGENERATE BAND SERIES 1 [08-14-20]
1K 208 32
Kevin Lorenzo, a secretive but faithful man, has to go through his worst in order to to live his best days with the woman he chose to be with. (07/16...
1.1K 16 1
Crescent Park Series #2 She's bad at love-that's the only reason Consuelo can think why all the boyfriends she had broke up with her. At nang makabal...