The Auditions

Por DiabolicalWriters

20.6K 747 221

Más

The Auditions
Buhay ng Patay
Hindi Ko Maintindihan
De 'Ja Vu
Orgmate
Please Stay
Renascence
Sa Jeep
The Game That I Just Played
The Gift
Sacrifice
Please, Take Care of Him...
The Lakhan
Those Days...
First Love Never Die
The Calm After the Storm
Longing for Love
Paano Ba Maging Isang Manunulat?
Gusto kong maging isang Doktor
Chat
Just a dream
Tamed
Dear Mr. Kupido
Unheard
Bakit?
Daring the Devil
Sa Lilim ng Saksing Puno
Unspoken
The Star Gazer Boy
Closure
Blissful Pains
All She Had
The Saviour and the Predator
What Summer Brings
Waking Up
Secret and Lies
Rooftop
black cat
First Anniversary
Withered me
The Art of Making Love
My Key To Survive
Best Man
Thirteen
Attack on Eren
Surpresa ng Maynila
Ang Kwentista
Demonyang Babae
How to Break Them
Flight
Alas Tres
Field Trip
Love Race
Swimming is Fun
Memento Mori
Dama De Noche
Ikaw Parin
Anew
Painful Vacation
Munting Tinig
Wake Up No More
The Vast Bird Bath
Ang Sepulturero
Consequence of Loving Him
Litrato
Wild Awake
Kung Sana
Oras Na
World of Chances
The End
Georgina
Sa Pag-uwi ni Kuya
Playlist
Erlking
Naupos na Boses
Kung Kailan
Of The Beast And The Flyings
PAINT MY HEARTACHE
Morose Ecstacy
Berto
Hummingbird Heartbeat
Tunog ng Dagat
Ang Alamat ng Ulan
last piece for tonight's feast
Mamatay Ka Na Sana
I love you, Goodbye
Melba and Her Happily Ever After
Transparent
Lianna
Broken
Pag-iral
Love and Sacrifice

Pangitain

274 11 4
Por DiabolicalWriters

Genre: Mystery-thriller


Tumatakbo ako sa isang madilim na madilim na eskinita. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito, ngunit alam kong may sinusundan ako. Pabilis nang pabilis ang aking pagtakbo pati na rin ang aking paghinga, tila ba may gusto akong habulin ngunit blangko pa rin ang aking isip. Pilit kong iniisip kung ano, at kung sino ngunit walang rumerihistro sa aking utak. Takbo lang ako nang takbo, pilit ko nang pinapatigil ang aking sarili ngunit hindi ko ito magawa. Tila ba hindi ko na pagmamay-ari ang katawan na ito at may iba ng kumokontrol dito.

Hanggang sa sawakas ay napatigil ako sa aking paglalakad ngunit bigla akong napapikit sa sobrang liwanag ng ilaw na tumapat sa aking mukha. At pagmulat ko ng aking mga mata ay nakarinig ako ng isang malakas na ingay. At ang buong paligid ay bigla na lang naging pula. Napatingin ako sa aking harapan at nakita ko siyang nakahandusay sa kalye. 'Hindi maaari...' mahinang bulong ko sa aking sarili. Napalayo ako sa kanya habang umiiyak at umiling-iling, 'HINDI MAAARI!'

Nagising akong pinagpapawisan at hinahabol ang aking paghinga. Hingal na hingal akong napaupo sa aking kama. Isa na namang masamang panaginip, sinabi ko sa isip ko. Tiningnan ko ang aking orasan na nakasabit sa dingding ng aking kwarto, 6:20 na pala ng umaga. Kailangan ko ng bumangon upang pumasok sa skwelahan.

Lumabas na ako ng aking kwarto at mabilis kong naamoy ang niluluto ng aking Ina sa kusina, agad akong napangiti. Bigla akong ginutom sa aking naamoy, sinangag na kanin, naaamoy ko rin ang hotdog at itlog na mukhang niluluto pa lang. Mabilis akong bumaba sa aming hagdan. Agad ko namang nakita si Papa na nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape. Nang makita ako ni Papa ay nginitian niya ako, "O gising ka na pala anak, halika na at maupo. Kumain na tayo, baka ma-late ka pa," sinabi niya at kinuhanan ako ng plato, kutsara at tinidor.

Matapos kaming kumain ay naligo na ako at nag-ayos na ng gamit. Mabilis lang lumipas ang oras at 7:20 na. 7:30 ang klase ko, ngunit napakalapit lang ng bahay sa skwelahan kaya hindi na ako nale-late sa klase, lalo pa at isang eskinita lang ang dadaanan bago makarating sa aming skwelahan.

Nagpaalam na ako sa aking mga magulang at hinalikan na sila sa pisngi, ganun na rin sa aking nakababatang kapatid. Nagsimula na akong maglakad palayo sa kanila at binuksan na an gaming gate. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi isipin ang aking napanaginipan. Isa na namang pangitain. Ngunit ngayon ay kakaiba. Dahil ngayon ay kitang-kita ko na ang kanyang mukha. Nagsitaasan ang aking mga balahibo. Sana hindi iyon totoo. Sana...

Nakarating na ako sa aming silid. Nakita ko ang aking mga kaibigan at agad silang tinabihan. Binati nila ako at kinulit ngunit wala ako sa lagay ng loob para makipagkulitan. Hinayaan naman nila ako at hindi na pinansin. Naglakbay ang aking imahinasyon sa nakaraan. Inalala ang mga pangitaing nakita ko na noon. Muling nanumbalik ang lungkot sa akin. Hindi ko ginustong makakita ng mga pangitain. Gusto kong maging normal na tao. Ngunit ipinanganak na akong ganito at hindi ko na ito mababago pa.

Naalala ko ang aking totoong mga magulang, bata pa ako noong nanaginip akong may maaaksidenteng sasakyan na malapit sa amin. Isang buong pamilya, ang madidisgrasya ngunit mabubuhay ang isang batang babae. Noong napanaginipan ko 'yon ay puro blangkong mukha ang mga nakita ko. Wala akong ideya na kami na pala iyon. Na kami na pala ng pamilya ko ang nasa pangitain na 'yon. At huli na ang lahat nang matuklasan kong totoo ang panaginip. Dahil patay na sila. Patay na ang mga totoo kong magulang.

Matagal bago bumalik ang pangitain ko. Taon ang lumipas. At sa matalik na kaibigan ko naman iyon. Alalang-alala ko pa iyon. Sa beach. Nanaginip akong may malulunog na babae, ngunit ang buong akala ko ay isang masamang panaginip lamang iyon. Dahil nakalimutan kong nakakakita nga ako ng mga pangitain. Ang tanga-tanga ko dahil natuloy pa rin kami sa outing naming magkakaibigan. Dahil isinantabi ko ang masamang panaginip na iyon. Iyon pala ay sa araw na iyon ay mawawalan na naman ako ng isang mahal sa buhay.

Napapikit ako sa aking mga naalala. Napakasakit. Napakasakit balikan ang mga alaalang iyon. Binigyan ako ng abilidad upang makakita ng pangitain ngunit hindi ko naman ito nagamit. Wala man lang akong nailigtas sa kanila. At ngayon, nakakita akong muli ng pangitain. Gusto kong pigilan ang mga mangyayari, ngunit...

"Uy sis, mauna na ako ha? Paalam!" Saad ng aking kaibigan at naglakad ng palayo sa amin.

Hindi ko namalayang alasais na pala ng hapon at pauwi na kami. Madilim na ang paligid. Masyado akong nalunod sa aking isipan, na isang buong maghapon na akong wala sa sarili. Nakalabas na kami sa gate ng aming skwelahan. Ngunit nakita ko ang aking kaibigan na papasok sa eskinita na dinadaanan ko papuntang skwlehan. Kinabahan ako. Kinilabutan. Hindi maaaring siya ang nasa pangitain. Dahil kitang-kita ko kung sino...

Mabilis akong napatakbo papunta sa kanya. Sa isang madilim na eskinita. Takbo na ako nang takbo, bumibilis na ang pagtibok ng aking puso. Kailangan kong maabutan ang aking kaibigan. Ngunit napatigil na lang ako nang may isang malaking truck na ang aking nasa harapan. Nasilaw ako sa ilaw nito at napapikit. Narinig ko ang malakas na pagtama sa 'kin ng truck. Tumilapon ako sa kalsada. Tumalsik ang maraming dugo at sa isang iglap ay napuno ng dugo ang paligid.

Seguir leyendo

También te gustarán

402K 593 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
173K 6.6K 55
(ʀᴇɪɴᴄᴀʀɴᴀᴛɪᴏɴ sᴇʀɪᴇs 1) Lalaine died in a car accident on her way to her sister's shop. but when she woke up she was already on the rooftop, she tho...
5.4K 385 23
Veranell Laxinne is a well-known heiress of the Laxinne family. Her father, a military general, and her mother, a famous lawyer, have provided her wi...