The Auditions

By DiabolicalWriters

20.6K 747 221

More

The Auditions
Buhay ng Patay
Hindi Ko Maintindihan
De 'Ja Vu
Orgmate
Please Stay
Renascence
Sa Jeep
The Game That I Just Played
The Gift
Sacrifice
Please, Take Care of Him...
The Lakhan
Those Days...
First Love Never Die
The Calm After the Storm
Longing for Love
Paano Ba Maging Isang Manunulat?
Gusto kong maging isang Doktor
Chat
Just a dream
Tamed
Dear Mr. Kupido
Unheard
Bakit?
Daring the Devil
Sa Lilim ng Saksing Puno
Unspoken
The Star Gazer Boy
Closure
Blissful Pains
All She Had
The Saviour and the Predator
What Summer Brings
Waking Up
Secret and Lies
Rooftop
black cat
First Anniversary
Withered me
The Art of Making Love
My Key To Survive
Best Man
Thirteen
Attack on Eren
Surpresa ng Maynila
Ang Kwentista
Demonyang Babae
How to Break Them
Flight
Alas Tres
Field Trip
Love Race
Swimming is Fun
Memento Mori
Dama De Noche
Ikaw Parin
Anew
Painful Vacation
Munting Tinig
Wake Up No More
The Vast Bird Bath
Ang Sepulturero
Consequence of Loving Him
Litrato
Wild Awake
Kung Sana
Oras Na
World of Chances
The End
Georgina
Sa Pag-uwi ni Kuya
Erlking
Naupos na Boses
Kung Kailan
Of The Beast And The Flyings
PAINT MY HEARTACHE
Morose Ecstacy
Berto
Hummingbird Heartbeat
Tunog ng Dagat
Pangitain
Ang Alamat ng Ulan
last piece for tonight's feast
Mamatay Ka Na Sana
I love you, Goodbye
Melba and Her Happily Ever After
Transparent
Lianna
Broken
Pag-iral
Love and Sacrifice

Playlist

101 7 0
By DiabolicalWriters

Genre: Romance


Lalaki

5:00 PM, Sunday

I needed some amnesia.

Nakapaa, nakahood, may hawak na tungkod na bigay ni Tammy, at nakashades. Malamig man sa talampakan pero mas masarap maglakad sa dalampasigan pag nakapaa. Nasa bulsa ko ang ipod kaya naman nang makahanap ng magandang pwesto, eh, sumalampak na ako sa buhanginan para makapag-soundtrip.

Lil Eddie: "What is the reason, when you really could have any man you want..."

John Legend: "Love your curves and all your edges. All your perfect imperfections..."

Hanggang sa biglang may humila sa earphones ko.

Babae

5:30 PM

Pagabi na kaya naman hindi na ako nagtagal sa park na madalas naming tambayan ni Arthur, ang matalik kong kaibigan. Naglakad-lakad ako papunta sa lugar kung saan tanaw ang sunset. Hanggang sa mapansin ko si hoodie boy. Tinanong ko s'ya kung tagarito ba s'ya dahil ngayon ko lang s'ya nakita, pero hindi s'ya sumagot. Hanggang sa malaman kong naka-earphones pala s'ya. At fumu-full volume ang drama n'ya.

Kaya naman...

Lalaki

6:00 PM

Nasayang ang mood na dala ng playlist ko. Medyo FC rin itong si Pearl. 'Yon ang pakilala niya sa akin. Nakiupo siya sa buhanginan, inilagay n'ya agad ang kaliwang earphone sa tenga n'ya at nang mapakinggan na Photograph ni Ed na ang tugtog... hindi n'ya na napigilang makikanta.

"...You can keep me inside the pocket of your ripped jeans..."

Kulang nalang ipagdasal ko siya sa mga santo ng mga singers. Sisirain ko na sana ang trip n'ya nang bigla s'yang magsalita.

Babae

6:16 PM

"I just broke up with my boyfriend. Nanghihinayang lang ako dahil huli na noong ma-realize kong meron palang taong mas mahalaga para sa akin." sabi ko kay Frank, iyon ang pakilala niya sa akin.

Lalaki

6:18 PM

Wirdo siya. Bigla nalang s'yang nagkwento tungkol sa break-up daw nila ng boyfriend n'ya, pati na rin 'yong "forever friend" n'ya--kahit wala naman talaga akong pakialam doon. Aalis na sana ako at iiwan siyang mag-isa pero narinig ko nalang na humahagulgol sa s'ya sa tabi ko. I am actually a psychologist by profession, at isang bagay lang ang alam ko--kailangan niya ng kasama.

"Baka gusto mong magkwento. Open up. That's how you heal."

Babae

6:26 PM

"Sigurado ka?" Tumigil na ako sa kakaiyak at sumang-ayon nalang kay Frank.

"Bakit ka pala naka-shades, lakas-trip, eh."

"I'm blind."

What the? Wait. Hindi ko na-process 'yon. "Ano, Frank? Ano kamo?"

"Bulag ako."

Lalaki

6:28 PM

"Long story... Too long that this night would be futile kung ikukwento ko pa sa iyo. Akala ko naman alam mo na 'yon dahil sa tungkod ko," sabay hanap sa tungkod.

"Ah, eto ba?" iniabot n'ya sa akin ang tungkod na itinapon n'ya pala sa likuran ko kanina nang una s'yang tumabi sa akin.

"Akala ko, trosong malnourished."

"Ha. Ha." sarkastikong sagot ko.

"Biro lang! Eto naman oh. Anyway, bakit may "T" sa cane mo?"

"Galing kasi 'yan kay Tammy."

"Awww! Cutie patuti. Eh, anyare sa inyo?"

"Wala ka na do'n."

"K-dots."

Babae

6:something

Ang lakas pa naman n'yang magpayo ng, 'Open up. That's how you heal.'

"May girlfriend ka ba?" tanong ko para magsimula ng bagong topic.

"Huh?"

"Bingi ka ba"

"Bastos ka ba?"

"Ooohh! Hep-hep! Sabi mo open up."

"Sorry." mahinang sagot ni Frank.

"Eh, ano na nga? May girlfriend ka ba?"

"Wala. I never had one. Masyado akong naging busy sa paghihintay."

"Sinong hinihintay mo? 'Yong Tammy?"

"Oo." sagot niya.

"Nako ha. Okay lang bang kalimutan mo muna s'ya kahit ngayong gabi lang?"

"Paano?"

"I have my own sets of miseries and you have yours. I think we should, perhaps, pretend--kahit mag-pretend lang--na carefree. Ako na ang una mong girlfriend. Oha, hindi mo kailangang manligaw. Narito na ang isda, kusang lumalapit sa hook. Handang ialay ang gills n'ya para makahinga ang naghihingalo mong chuvachuchu."

"Nasususka ako."

"Kasyado mo!" sabay hampas ko sa balikat ni Frank.

"Biro lang."

Nakita ko s'yang ngumiti. Napangiti rin tuloy ako.

Lalaki

6:32 PM

"Uy, ano tawagan natin?" tanong ni Pearl.

"Malay ko."

"Oh sige. Dahil napaka-active mo sa 'pseudo-jowaan-moment' natin, honey-pie-muffin-kakanin-puto-bum-bu-rum-bum-bum-bu-rum-bum-bass nalang ang tawagan natin."

Hindi ko alam kung ano'ng problema ng isang 'to. "Gusto mong maglibot? Kung ano-ano na nasasabi mo, eh."

"Oh-to-the-Em-to-the-Gee! At last, naghatid ka rin ng magandang pangitain. Halika, bilis! Tara sa park!"

Babae

7:20 PM

Tumayo agad ako, nagpagpag ng buhangin, at dinampot ang tungkod ni Frank. "Oh ano na? Tumayo ka na rin! Bilis!" iniabot ko ang kamay ko.

"Teka, nasa'n na 'yong tungkod ko?" sabay kapa niya sa tungkod niya.

"Nasa akin na. Humawak ka sa kamay ko, dali," tinulungan ko s'yang tumayo.

Malapit na kami sa Park noong nagsimula ulit akong magsalita. "Alam mo dati... Lagi kaming pumupunta ni Arthur sa park tapos may nilalaro kami."

"Dapat ba akong magselos dahil ako ang boyfriend mo sa mga oras na ito at hindi ka dapat nagkukwento tungkol sa ibang lalaki? Ano ba 'yong laro n'yo nung Arthur?" tanong ni Frank nang makarating na kami sa park.

Umupo muna kami sa isang bakanteng bench, inalalayan ko siya.

"Ganito. Magsisimula tayo sa isang tanong. Tatanungin muna kita. Tapos, s'yempre, sasagutin mo. After mo sumagot, ikaw naman ang magtatanong. Tapos, ulit-ulit na. Gano'n. Gets mo?"

"Kahit anong tanong?" dugtong ni Frank?

"Oo."

"Bawal mag-pass?"

"Isang beses lang. Game?"

"Game."

Ako muna ang nagtanong.

"Bakit ka mag-isa sa tabing-dagat kanina?"

"I needed some amnesia. Bakit mo ako binulabog kanina?"

"Bulabog agad?"

"Ako ang nagtatanong." sabi ni Frank.

"Eh, kasi nga po, mag-isa po kayo. Tapos naka-shades ka pa with matching hoodie. Na-curious lang ako. Bakit ka nabulag?"

"Pass. Kung binigyan ka ng gift na i-relive ang isang parte ng buhay mo, saang pagkakataon ka babalik?"

"Bongga! Serious question!"

"Kung binigyan ka ng gift na i-relive ang isang parte ng buhay mo, saang pagkakataon ka babalik?"

"Ulit-ulit? Bawal akong mag-commercial? Nako ha. Oh sya... Siguro, gagamitin ko 'yong gift before I die. Tapos, babalikan ko 'yong araw na ipinanganak ako. Para naman I can live my life better. Or at least, I can make wiser decisions in my life. Ikaw? Same question." Sabi ko.

"Hmmm. Pa'no ba? Ipapamigay ko nalang iyong gift. Baka kapag inulit ko ang mga pangyayari sa buhay ko, hindi ko na ulit makilala 'yong mga taong mahahalaga sa akin. Friends... Mentors... Tammy..."

"Hugot pa more!"

"Bakit mo ako napagtripang isama sa mga kalokohan mo?" tanong niya.

"Ah, eh, ewan. Pwede bang manghiram ng sagot mo? I needed some amnesia. Break na kami ni Jake tapos... Nabalitaan ko pa na malapit nang bawiin ni God sa akin ang "forever friend" kong si Arthur."

"Baka naman nakunsumi sa iyo kaya nagkasakit."

"Che!" umirap ako at sumimangot bago magtanong ulit. "Bakit ka NGSB?"

"Pass."

"Oy! Nagamit mo na 'yong pass mo!"

Umismid siya bago napilitan sa pagsagot. "Sabi ko nga sa 'yo kanina, 'di ba, inubos ko sa paghihintay sa 'better time' ang oras ko. Hanggang sa lumipas ang panahon. Sinubukan ko namang umamin kay Tammy, pero nahuli na pala ako. Naging sila ng bestfriend kong si--"

"Gano'n ba..."

"Hindi mo ako pinatapos." Pahayag niya.

"Ang haba ng sagot mo, eh."

"Bakit kayo nag-break ng boyfriend mo?" panibagong tanong niya.

"I realized someone's more worth fighting for."

"Sino? Si Arthur?"

"Ako na dapat ang magtatanong." sabi ko. "Pero tama ka, si Arthur nga."

"Ta..."

"Shh! Bakit ka natatakot umamin kay Tammy?"

"Dahil sobrang naging malapit kami. I am her human diary. Baka hindi siya maging masaya sa gagawin ko. I never wanted her to think that I only took our friendship for granted. Bakit mo nasabing mas kailangan mong ipaglaban 'yong Arthur?"

"Because I hate mysteries, but he made me love them. He is weird. Nagdadasal 'yon sa tuwing may makakasalubong kaming ambulansya. We are opposites. He's the one who does not have the qualities of the prince charming I dreamed as a child. He reflected the flaws I have been trying to hide. But he accepted me for who I am. I am his soul mate, he was mine. Cheesy no? Kaso sinagot ko si Jake dahil sa katangahan. Nasaktan ko si Arthur kaya simula noon, lumayo na si Arthur sa akin. Tapos kung kailan pwede na ako... tsaka naman s'ya 'yong hindi pwede. Do you know how much it shattered me?"

"No." pabulong ang sagot niya. "I don't care."

"You don't care?"

"Ako na dapat ang magtatanong." Sabi ni Frank.

"Shut up." Sabi ko ng may diin.

"Bakit hindi nalang 'yong Jake ang pinagka-abalahan mo ng oras, eh kukunin na nga ni God 'yong kaibiga--"

"Shut up."

"Patapusin mo ako."

Napapikit ako ng mariin at napahimas sa pagitan ng dalawa kong kilay. "Ayoko na. Tapusin na natin 'to."

"Bakit si Jake?"

"Kasi hindi duwag si Jake--"

"Hindi duwag si Arthur."

"Duwag s'ya! Hinintay ko s'yang umamin pero wala s'yang ginawa."

"Tama na." sabi ni Frank.

Lalaki

Time check: Oras na para kalimutan ang lahat.

Ayoko na. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad kahit alam kong kahit anong oras ay pwede akong madapa dahil wala sa akin ang cane ko. Narinig ko ang pagsunod ni Pearl kaya naman kinapa ko ulit ang ipod. Full volume.

Sam Smith: "You lift my heart--" Next.

The Script: "Going back to the cor--" Next.

Nina: "Someday you'll gonna realize... One day you'll see this through my eyes..."

Yeah, that's more like it.

Binilisan ko pa ang lakad kahit natatalisod na ako sa daan.

Hanggang sa may sigaw na tumalo sa earphones ko. Humarap ako sa kanya kahit 'di ko naman na s'ya kayang makita.

Babae

Time check: Ayoko nang magpanggap.

"ARTHUR!" hindi ako nakatiis. Hindi ko napanindigan ang kasunduan naming dalawa.

Napaharap siya. Alam kong narinig n'ya ako kahit na may nakasuot na earphones sa tenga n'ya. "'Di ba may amnesia tayo? Ako si Frank at ikaw si Pearl. Ano bang mahirap intindihin do'n, Tammy?!" sigaw ni Frank... ni Arthur.

"Ikaw? Bakit mo 'to ginagawa?" tanong ko, not minding his previous question.

"Dahil hindi pwede! Mamamatay na ako, Tammy!"

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Arthur.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit ako at niyakap ko siya,. Basang basa na ng luha ang mukha ko, nakikita n'ya kaya ito?

Bumulong ako sa kaliwa niyang tenga. "Mahal na mahal kita, Arthur."

Hindi s'ya gumalaw noong una, pero sinuklian n'ya rin ang yakap ko nang lumaon. Napapaos siyang bumulong.

"Mahal na mahal rin kita, Tammy."

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 23.4K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
93.2K 4.4K 51
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
1M 47.9K 107
Hiding their identity is a must for a gangster. She has a mission. Her mission is to find the one who killed her fiance and best friend and that's t...
11.1K 807 26
Esmeray is a money-loving woman but hard-working person who have many jobs and barely sleeps. One night after leaving her last job, she got in a car...