The Auditions

By DiabolicalWriters

20.6K 747 221

More

The Auditions
Buhay ng Patay
Hindi Ko Maintindihan
De 'Ja Vu
Orgmate
Please Stay
Renascence
Sa Jeep
The Game That I Just Played
The Gift
Sacrifice
Please, Take Care of Him...
The Lakhan
Those Days...
First Love Never Die
The Calm After the Storm
Longing for Love
Paano Ba Maging Isang Manunulat?
Gusto kong maging isang Doktor
Chat
Just a dream
Tamed
Dear Mr. Kupido
Unheard
Bakit?
Daring the Devil
Sa Lilim ng Saksing Puno
Unspoken
The Star Gazer Boy
Closure
Blissful Pains
All She Had
The Saviour and the Predator
What Summer Brings
Waking Up
Secret and Lies
Rooftop
black cat
First Anniversary
Withered me
The Art of Making Love
My Key To Survive
Best Man
Thirteen
Attack on Eren
Surpresa ng Maynila
Ang Kwentista
Demonyang Babae
How to Break Them
Flight
Alas Tres
Field Trip
Love Race
Swimming is Fun
Memento Mori
Dama De Noche
Anew
Painful Vacation
Munting Tinig
Wake Up No More
The Vast Bird Bath
Ang Sepulturero
Consequence of Loving Him
Litrato
Wild Awake
Kung Sana
Oras Na
World of Chances
The End
Georgina
Sa Pag-uwi ni Kuya
Playlist
Erlking
Naupos na Boses
Kung Kailan
Of The Beast And The Flyings
PAINT MY HEARTACHE
Morose Ecstacy
Berto
Hummingbird Heartbeat
Tunog ng Dagat
Pangitain
Ang Alamat ng Ulan
last piece for tonight's feast
Mamatay Ka Na Sana
I love you, Goodbye
Melba and Her Happily Ever After
Transparent
Lianna
Broken
Pag-iral
Love and Sacrifice

Ikaw Parin

188 7 2
By DiabolicalWriters

Genre: General Fiction


Bawat pagtipa ko sa aking gitara ay naririnig ko ang napakalamig niyang boses. Kesa ituon ko ang sarili ko sa aking pagtugtog ay palihim ko siyang tinitingnan.

Dinama ko ang pagsabay niya sa tono ng aking gitara. Ang sarap sa pakiramamdam para bang kami lang dalawa ang tumutugtog. Yung tipong walang ibang halong instrumento kahit sa likod namin ay nandoon ang iba naming kabanda. Wala akong ibang marinig kundi ang boses niya at ang mahina kong pagtipa.

Tumingin ako sa kaniya at nakita ko ang unti unting pagmulat ng kaniyang mga mata at deretsong tumitigtig sa mga tao sa harapan.

"Ikaw parin, ang hanap ng pusong ligaw...

Ikaw ang patutunguhan at pupuntahan..." Bigla kong narinig ang malakas na hiyawan ng mga tao.

Sinundan ko ang titig niya at parang biglang naninikip ang aking dibdib nang makita ang isang babae. Sigurado ako na siya ang tinititigan nito. Kita ko kasi ang pamumula ng pisngi nito kahit medyo madilim.

Umiwas na lang ako ng tingin at tinuon na ang sarili sa pag gigitara. Baka mamaya ay hindi ko kayanin at biglang mamamali ang aking pagtipa .

"Mula noon.... bukas...... at kailan man"pagkatapos niyang kantahin ang huling linya ng kanta ay patuloy ako sa pagtugtug ng gitara. Pahina ito ng pahina, hudyat na tapos na ang huling kanta.

Nang matapos ako ay doon ko lang narinig ng malinaw ang hiyawan ng mga tao.

"Isa pa! Isa pa!"yan lang naririnig kong sigaw ng mga tao dito sa bar. Ngumiti na lamang kami at umalis na.

Ngiting ngiti kaming lumabas ng bar dahil naging successful ang aming gabi. Napagusapan namin na kakain kami sa isang fast food chain ngunit agad namang nagpa alam si Mike.

Si Mike ay ang aming lead vocals at ang taong gusto ko. Ang kanina ko pang pinagpapantasyahan. Ang taong hanggang ngayon ay mahal ko.

Tumango na lang ang mga kasamahan ko at tuluyan ng lumakad palayo samin si Mike. Gusto kong malaman kong pasaan siya. Gusto kong malaman kung bakit siya hindi sasama sa amin.

Kaya agad akong nag paalam sa mga kabanda ko na magbabanyo. Dali-dali akong tumakbo sa kabilang daan papunta sa kotse ni Mike. Eto na lang ang naisip kung gawin at saka hindi din ako magtatagal dahil baka maghintay ang mga kasamahan ko.

Nang makalapit ako sa kinaroroonan ng kanyang kotse ay agad ko siyang nakita. Tumago ako sa malapit na sasakyan at doon sumilip.

Kung kanina ay parang nanikip ang dibdib ko, ngayon naman ay parang piniga na eto. Anong ginagawa ng babaeng iyon sa harap ni Mike? Bakit kasama ni Mike ang babaeng kanina niya tinititigan? May gusto ba ito doon?

Nakita ko ang pagbuka ng bibig ni Mike at may sinabi ngunit hindi ko ito narinig. Dahan dahan niyang pinagbuksan ng pinto ang babae at hinintay itong sumakay.

Hinang hina ako habang tinitingnan ang kotse niyang papalayo. Naalala ko yung mga panahong, hinahatid niya pa'ko sa school. He holds my hands, when he's driving. Nagdadrive-tru kami every morning. Iniisip ko pa lang na ginagawa niya yon sa iba ay parang ilang kutsilyo na ang sumsaksak sa puso ko. Unti-unti na 'kong namamatay sa tuwing iniisip ko yung mga ginagawa namin ay ngayon, ginagawa na niya sa iba.

Pinunasan ko ang mga luhang nasa pisngi ko at pumunta sa malapit na banyo. Pagkapasok ko ay agad akong naghilamos para mahimasmasan.

Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Kitang kita ko ngayon ang pagbabago ko. Matured na'ko. Pag aaral lang ang inatupag ko sa ibang bansa. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para may marating din, katulad ni Mike. Ginawa ko ang lahat para kay Mike.

Nakipaghiwalay ako kay Mike bago umalis papuntang ibang bansa. That means, he can like someone, he can court someone, he can kiss someone, he can love someone and he can marry someone. Pero ang sakit pala, ang sakit palang makitang may kasama siyang iba. Ang sakit isiping, hindi na ako yung mahal niya, at may iba na.

Nagretouch muna ako bago lumabas ng banyo para hindi halata na galing ako sa iyak.

Pagkalabas ko ay agad akong tumakbo sa kinaroroonan ng mga kabanda ko. Agad ko din namang nakita ang bukas na Van. Rinig na rinig ko ang malakas nilang tawanan, sa pwesto ko.

Habang tumatakbo ako ay nahagip ng mata ko ang papalapit na kotse. Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang unti unting bumagal ang lahat. Bigla biglang bumalik ang mga ala ala namin ni Mike. Narinig ko na lang ang malakas pagsigaw ng mga kabanda ko sa pangalan ko at ang pagbusina ng sasakyang malapit na sakin.

Bago ko maramadaman ang pag tama ng kotse ay may tinig akong narinig galing sa ala ala ko.

"Ikaw lang, Lyka. Ikaw lang ang mamahalin ko."

Hanggang ngayon Mike, Ikaw parin.

Naramadaman ko ang pagtulo ng luha ko then..... a total black out.

Pagkagising ko ay puting kisame agad ang nakita ko. Sigurado akong nasa ospital ako ngayon.

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil buhay pa ko o maiinis. Gusto ko na lang mamatay. Pakiramdam ko kasi wala ng saysay ang buhay ko kung hindi siya ang makakasama ko panghabang buhay.

Hababang nakatulala ako sa kisame ay may tumawag sa pangalan ko. Tumingin ako dito at nakita ang isang di kilalang lalaki. Kita ko sa mga mata niya ang saya pero ilang sandali ay napalitan ito ng awa.

"I'm sorry. Hindi ko alam na may tatawid. Hindi ko alam na may tao pala. Nagulat na lang ako ng makita kang malapit na. I'm really sorry. Please, wag mo kong ipakulong"halata sa mga mata niya ang takot at sincerity.

"Sana nga namatay na lang ako. Sana hinayaan mo na lang ako doon at umalis na"mapait akong ngumiti sa kaniya.

"You're crazy, Lyka! Of course, I wont do that!"tumulo ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan

"I'm crazy over him! Hanggang ngayon mahal ko pa din siya! Hanggang ngayon umaasa pa din akong magkakabalikan kami!" Iyak lang ako ng iyak sa harapan ng hindi ko kilalang tao.

Alam niya ang pangalan ko siguro dahil ng mga kabanda ko. Hindi ko siya ipapakulong. I wont.

Naramdaman ko na lang ang mga bisig niyang naka akap sakin. Niyakap niya lang ako hanggang sa tumahan at makatulog.

Weeks had passed at ngayong araw na ito ay makakalabas na'ko. Sa mga araw na nagdaan na nasa ospital ako ay laging naririyan si Jacob, ang taong hindi sinasadyang masagasaan ako. Sa mga araw na iyon ay naikwento ko na din ang storya ng pagiibigan namin ni Mike. Naging close na din kami. Mabait, makisig, matalino halos lahat na sa kaniya na, kaya madaling mahulog ang loob mo dito.

Ngayong araw na ito ay napagdesisyonan ko na puntahan si Mike at sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko. Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay ay hindi ko na pinansin ang mga taong nagaalala sa'kin at pumunta agad sa condo nito.

Pagabi na ng makarating ako sa condo ni Mike. Napakatrapik kasi.

Gulat na gulat ang ekspresyon ni Mike ng makita ako sa harap ng pintuan niya. Tinitigan ko lang siya at hindi nagsalita. Habang tinitingnan ko siya ay na aalala ko ang pinagsamahan namin.

Nagbago ang ekspresyon nito nang makita ang mga mata kong sunod sunod na may pumapatak na luha. Lahat gagawin ko para maging kami. Lahat gagawin ko para mahalin lang niya ko ng mahalin.

"B-bakit ka nandito, Lyka? Kakauwi mo lang galing sa ospital, ah." Noong ako ay nasa ospital ay hindi niya ako dinadalaw. Hindi ko na lang tinanung kung bakit at agad kong sinigaw ang mga gusto niyang sabihin.

"Mike! Mahal na mahal kita! Hanggang ngayon Mike, ikaw parin! Ikaw parin ang mahal ko! Simula nung nasa ibang bansa ako, ikaw pa din."umiwas ito ng tingin sakin

"Umalis ka na."mariin niya utos.

Umiling ako."No. I wont leave, Mike. Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo sinasabing hindi mo na ako mahal."mariin akong pumikit at pinigilan ang pagtulo ng mga luha.

Tumitig ako sa mga mata niya. "Tell me Mike. Say that you don't love me anymore. Pag nasabi mo yon aalis na'ko at hindi nakita guguluhin."umiwas siya sa mga tingin ko.

"Hindi na kita m-mahal, Lyka. M-Matagal na."hinuli ko ang tingin niya.

"Tumingin ka sa mga mata ko Mike. Do you still love me?"tatanggapin ko ang magiging sagot niya. Alam kong masakit pero kakayanin ko 'to.

Tumitigtig siya sa mga mata ko. "I. Dont. Love. You. Anymore. Lyka."sa bawat pagdiin niya sa mga salita ay unti unting bumabagsak ang mga luha ko sa sahig.

Tumakbo ako paalis doon habang humahagulhol. Nakisama ang ulan. Now I know. Alam ko na ang totoo at ang sakit. Truths does really hurts.

Napatigil ako sa pagtakbo ng may busina malapit sa akin. Paglingon ko sa sasakyan ay sobrang lapit ko na pala dito. Kesa sigawan ako ng driver ay agad itong bumaba.

"Lyka, ano ba!? Gusto mo na ba talagang mamatay!?" Its Jacob. Dinala niya agad ako sa loob ng kaniyang sasakyan.

"Ano bang nangyare? Ba't umiiyak ka? Ba't umalis ka agad sa bahay niyo?"hindi pa din ako tumigil sa paghagulhol pero dahan dahan ko ng sinabi ang nangyare.

Pagkatapos kong ikwento ay agad niya akong niyakap.

"Try me, Lyka. Ibaling mo ang tingin mo sa'kin. I'll help you to move on. Kahit panakip butas lang, matutunan mo din akong mahalin. Hindi ko gustong nakikita kang umiiyak at nagdudusa sa isang lalake."bulong niya na ikinagulat ko.

Kumawala siya sa yakap at tumingin sa mga mata ko."I'm serious Lyka. Mahal na kita. Masyado bang maaga? Pero anong magagawa ko yon yung nararamdaman ko. I'm sure about my feelings for you Lyka. Mahal na kita." Nakatulala lang ako habang nagsasalita siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Lyka! Come on! Make it fast! Baka ma traffic pa tayo"matawa tawa niyang utos sa'kin.

"Ba't kaya hindi mo 'ko tulungan dito? Ambigat bigat ng bitbit ko oh"hirap na hirap kong binibitbit ang mga gamit ko papuntang sasakyan niya.

"Sino bang nagsabi sayong magdala ka ng sandamakmak na gamit? Magbabakasyon lang naman tayo doon ng ilang linggo." Lumapit siya sa'kin at agad na hinalikan ang aking noo. "Ayaw kong nahihirapan ang baby ko."kinuha niya ang ibang gamit na dala ko.

"Bakit ba? Gusto ko ng madami, Jacob. Wag kang mangialam."I pouted.

Limang taon na ang nakalipas at si Jacob na ang kinakasama ko. Jacob and I are already married. Yes. Mahal ko na siya. Ginawa niya ang lahat para mahalin ko siya. Ginawa niya ang lahat para maging baliw ako sa kaniya. Ang saya saya ko na hanggang ngayon ay magkasama pa din kami.

"Lyka! Iiwan na kita dyan"biro niya.

Ngumiti ako sa kaniya at agad lumapit rito. "Wag mo kong iiwan." Sambit ko. Kinuha niya muna ang ibang gamit na dala ko at nilagay ito sa likod ng sasakyan.

"I wont and never. Biro lang yung kanina, baby. Tara na." Bago siya sumakay sa driver seat ay hinintay niya muna akong makapasok.

Buong byahe ay kwentuhan, tawanan at kantahan ang ginawa namin. Hindi na namin napansin ang oras. Hapon na ng makarating kami sa distinasyon.

Naririto kami ngayon sa beach resort ng kamag anak ni Jacob. Makakasama namin dito ay ang iba niyang pinsan pati rin ang akin. Masayang masaya kami nung hapon na yon, puno ng tawanan at ingayan lang yata ang maririnig mo.

Hanggang sa dumating ang gabi. Nagulat na lang kami nang makita namin si Mike na naglalakad pa palapit sa'min. Nakamove on nako sa kaniya, matagal na. Pero ito ang una naming pagkikita pagkatapus nung umamin ako sa kaniya. Hindi ko inaasahang makikita ko pa siya.

"Pwede ko bang hiramin si Lyka kahit sandali lang." Tanong nito na ikinalingon ko kay Jacob. Nakangiti lang si Jacob at tumango. Agad namang tumalikod si Mike nang makita niyang may sumang ayon. Bago ako umalis ay humalik muna ako sa pisngi ni Jacob.

Kinakabahan ako ngunit sumunod agad ako kay Mike. Malayo layo na ang narating namin. Ang maririnig na lang namin ay ang paghampas ng alon.

"Lyka."panimula niya."Ikaw parin."

"H-huh?"

Tumingin siya sa mga mata ko.Pagkalipas ng ilang taon nakita ko na naman ang malumaymay niyang mata.

"Ikaw parim ang mahal ko, Lyka. Hanggang ngayon ikaw parin. Kahit nung umalis ka papuntang ibang bansa, walang nagbago sa nararamdaman ko para sayo, Lyka. Sorry, dahil nasabi ko sayo noon na hindi na kita mahal. Pero Lyka I lied, mahal na mahal kita. Kaya ko lang nasabi yon dahil humina yung negosyo ko. Sabi ko noong umalis ka, pagbalik mo papakasalan kita pero kulang ang pera para sa pagaayos ng kasal. Nahihiya ako sa'yo. Umasa ako noong umalis ka sa harap ng condo ko na babalik ka, pero hindi. Naghanap ako ng magandang trabaho sa ibang bansa at ngayon may pera na'ko pinahanap kita. Now, I find you Lyka. I'm all yours."yayakapin niya sana ako ng biglang may humila sa'kin.

"We're already married, Dude."mariing sambit ni Jacob.

"N-no. H-hindi yan totoo. You want revenge, Lyka? Pwes wag Lyka, masakit na." Agad namang pinakita ni Jacob ang wedding ring namin.

Kita ko ang pagtulo ng luha ni Mike. Tinapik niya ang balikat ni Jacob.

"Ingatan mo siya, Pare."pagkatapos niya sabihin yon ay bumaling ang tingin niya sa'kin."Ikaw parin Lyka hind 'yon magbabago." Umalis siya na may luha sa kaniyang mga mata.

Continue Reading

You'll Also Like

185K 222 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞
20K 390 47
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
328K 485 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞