The Auditions

By DiabolicalWriters

20.6K 747 221

More

The Auditions
Buhay ng Patay
Hindi Ko Maintindihan
De 'Ja Vu
Orgmate
Please Stay
Renascence
Sa Jeep
The Game That I Just Played
The Gift
Sacrifice
Please, Take Care of Him...
The Lakhan
Those Days...
First Love Never Die
The Calm After the Storm
Longing for Love
Paano Ba Maging Isang Manunulat?
Gusto kong maging isang Doktor
Chat
Just a dream
Tamed
Dear Mr. Kupido
Unheard
Bakit?
Daring the Devil
Sa Lilim ng Saksing Puno
Unspoken
The Star Gazer Boy
Closure
Blissful Pains
All She Had
The Saviour and the Predator
What Summer Brings
Waking Up
Secret and Lies
Rooftop
black cat
First Anniversary
Withered me
The Art of Making Love
My Key To Survive
Best Man
Thirteen
Attack on Eren
Surpresa ng Maynila
Ang Kwentista
Demonyang Babae
How to Break Them
Flight
Alas Tres
Field Trip
Love Race
Swimming is Fun
Memento Mori
Ikaw Parin
Anew
Painful Vacation
Munting Tinig
Wake Up No More
The Vast Bird Bath
Ang Sepulturero
Consequence of Loving Him
Litrato
Wild Awake
Kung Sana
Oras Na
World of Chances
The End
Georgina
Sa Pag-uwi ni Kuya
Playlist
Erlking
Naupos na Boses
Kung Kailan
Of The Beast And The Flyings
PAINT MY HEARTACHE
Morose Ecstacy
Berto
Hummingbird Heartbeat
Tunog ng Dagat
Pangitain
Ang Alamat ng Ulan
last piece for tonight's feast
Mamatay Ka Na Sana
I love you, Goodbye
Melba and Her Happily Ever After
Transparent
Lianna
Broken
Pag-iral
Love and Sacrifice

Dama De Noche

150 6 0
By DiabolicalWriters

Genre: Fantasy


Ilang beses ko nang nasaksihan kung paano ito nagbigay buhay, at sa tuwing nasasaksihan ko kung paano ito magmilagro, hindi ko maiwasang mamangha.Tanda ko pa nung una ko itong nakita.

Naglalaro ako sa isang parke ng makaamoy ako ng isang napakahalimuyak na amoy, hinanap ko kung saan ito nagmumula, hanggang sa mapadpad ako sa isang burol. Kapansin-pansin ang isang matayog na puno.

Napakaganda, isang Dama De Noche. Lumapit ako at sa isang iglap nagsilaglagan ang mga dahon nito, humalimuyak ang napakabangong amoy mula sa puno.

Tumingala ako at ako'y nasilaw sa liwanag nanagmumula sa puno. Labis akong nagtaka nang unti-unting lumalayo ang liwanag mula sa puno, para itong tao na naglalakad palayo. Mas maliwanag pa ito sa sikat ng araw. Sinundan ko ito hanggang sa huminto ito sa madamong parte ng parke.

Tumapat ito sa isang naghihingalong kuting. Lumapit ako upang mas lalo ko itong makita. Kumalabog ang puso ko nang maamoy ko ang bango ng puno ng Dama De Noche, nakakapag-taka, masyadong ng malayo ang bahagi ng parkeng ito mula sa puno, napaka-imposible na umabot pa rito ang halimuyak ng puno. Umihip ang malakas na hangin at mas lalo itong nagliwanag, nakakasilaw. Pumikit ako at sa muli kong pagdilat wala na ang liwanag.

Napatingin ako sa kuting, malaya itong tumatakbo at masiglang-masigla, nakakamangha.

Hindi ko inintindi ang aking nasaksihan, marahil gawa lang iyon ng malikot kong imahinasyon.

Pagtuntong ko sa edad na pitong taong gulang, muli ko itong nakita sa hindi inaasahang pagkakataon.

Nagkaroon ng malubhang sakit ang aking kapatid. Hindi namin alam kung ano ang dapat naming gawin.

''Masyado pa siyang bata, hindi ko kakayanin kung sakaling mawala siya sa'tin.''

Naghina ako bigla, ayokong makitang nahihirapan ang magulang ko.

Lumakad ako patungong kapilya.

"Panginoon, pakiusap huwag niyo po muna kuhain ang kapatid ko, pakiusap."

Umihip ang malakas na hangin at labis akong nagtaka kung paano ito nangyari. Napasinghap ako nang maamoy ko ang isang pamilyar na amoy. Sinundan ko kung saan nanggagaling ang mahalimuyak na amoy hanggang sa makarating ako sa silid ng kapatid ko, pumasok ako sa loob. Napasinghap ako nang muli kong makita ang nakakasilaw na liwanag at ito'y nakatapat sa nakahigang katawan ng kapatid ko. Lalong lumakas ang hangin at sa isang iglap naglaho ang liwanag, napatingin ako sa kapatid ko na bigla na lang napaupo at labis na hinihingal. Isa lang ang alam ko sa oras na yun, ligtas na ang kapatid ko.

Nagdiwang ang buong pamilya namin. Nagtipon-tipon ang lahat ng kamag-anak namin sa isang Bundok. Habang sila ay nagsasaya naisipan kong maglibot, hindi na ako nagpaalam, umalis ako at naglakad-lakad hanggang sa mapadpad ako sa isang hindi kaaya-ayang bahagi ng bundok.

May mahabang ilog na punong-puno ng basura, at may mga punong wala ng sanga, at halos lahat ng aking nakikita ay sira na. Anong nangyari?

Napapikit ako, hinayaan kong lumandas ang luha sa aking mata. Kung may magagawa lang sana ako.

Napadilat ako nang maamoy ko na naman ang isang pamilyar na amoy, at sa aking pagdilat labis akong nasilaw, wala akong makita. Sadyang nakakasilaw ang liwanag na nanggagaling sa langit, muli kong pinikit ang aking mata at paglipas ng ilang segundo muli kong idinilat ang aking mata, hindi ako makapaniwala sa aking nakita.

Malayang umaagos ang ilog na sobrang kintab sa linis. Ang mabangong hangin na humahaplos sa dahon ng bawat puno. Pinagmasdan ko ang kapaligiran, napakagandang tanawin. May mga paru-paro na lumilipad at dumadapo sa mga nagagandahang bulaklak. Ang kanina'y isang hindi kaaya-ayang tanawin isa na ngayong paraiso.

"Hemera, kakain na tayo." Naputol ang pagbabalik-tanaw ko sa nakaran nang tawagin ako ni Ina'y.

Huminga ako ng malalim, labing dalawang taon na ang nakalipas mula nang huli ko itong nakita, sa sobramg tagal na ay hindi ko na alam kung parte ba ito ng imahinasyon ko o talagang totoo ito.

"Nabalitaan niyo na ba ang nangyari sa Bundok Amenthrys? Nasunog ang bundok sa hindi malamang dahilan." Seryosong kwento ng aking Ita'y.

Siguro dahil sa init ng panahon kaya ito nasunog.

Mabilis kong inubos ang pagkain ko, mahuhuli na ako sa aking klase.

"May mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ng siyensya. May mga bagay na hindi kayang sagutin ng bawat tao kung bakit ito nangyari. Tulad na lang ng pagkasunog ng Bundok Amenthrys na hanggang ngayon hindi pa natin alam kung paano ito nangyari. Siguro mananatili itong misteryo. Yun lang sa araw na ito at maaari na kayong umalis."

Niligpit ko na ang mga gamit ko. Ewan ko ba pero tumatak sa isipan ko ang sinabi ng aking Guro.

"Kamusta ang araw mo Hemera?" Salubong sa'kin ni Ina.

"Maayos naman po."

"Isa na namang misteryo ang bumalot sa mga tao. Nasunog ang Bundok Hale at halos wala ng natirasa bundok sa hindi malamang kadahilanan. Ang nakakapagtaka pa rito ay parehas na parehas ang pagkasunog nito sa Bundok Amenthrys. Ano kaya ang nangyari sa dalawang bundok?" Napasinghap ako at pinatay ko agad ang aming telebisyon.

"Ginagawa nilang malaking bagay yan, siguro kaya iyan nangyari dahil sa init ng panahon, o baka naman yan na ang ganti ni Inang kalikasan?"

Ganti ni Inang kalikasan?

Mabilis lumipas ang araw, mabilis din nawala sa isipan ng mga tao ang misteryo na nangyari sa dalawang bundok.

"Ang ganda rito grabe, napaka-presko ng hangin."

Pinagmasdan ko ang bawat nakangiting mukha ng mga kaklase ko. Andito kami sa Bundok Cristal, naglilibang.

"Halika na't maglibot tayo."

Habang inaakyat namin ang pinakamataas na parte ng bundok naramdaman namin na umuga ang lupa.

"Anong nangyayari?" Kinakabahang tanong ng isa kong kaklase.

"Ah!"

Lalong lumakas ang pag-uga ng lupa. Nawalan kami ng balanse. Rumihistro ang takot sa aming mukha ng nahati sa dalawa ang lupa.

"Hemera!" Yun ang huli kong narinig bago ako mahulog sa bangin.

Ang init.Minulat ko ang aking mata, sobrang sakit ng buong katawan ko. Pinagmasdan ko ang buong paligid. Napasinghap ako nang makita kong nasusunog ang buong kapaligiran.

Nakagat ko ang aking labi nang may maamoy ako, ang amoy na yun.

Napapikit ako nang may tumamang nakakasilaw na liwanag sa aking mukha, pilit kong idinilat ang aking mata. Ang liwanag.

Bawat matamaan ng liwanag ay nasusunog.

Bakit ganito? Bakit sinisira ng liwanag ang buong bundok? Ibig sabihin ang liwanag din ang nagsira sa Bundok Amenthrys at Hale?

"Ah!" Ang sakit, ang init.

Nasusunog ang buong katawan ko.

"Ah!" Pinikit ko ang aking mata, ito na ba ang katapusan ko?

Humahangos akong napaupo. Isa ba iyong panaginip? Tinignan ko ang buong katawan ko, walang bakas ng pagkasunog.

Naramdaman kong humaplos ang napaka-bangong hangin sa balat ko. Teka asan ako? Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang puno ng Dama De Noche sa harapan ko.

"Hemera." Labis akong nagulat ng lumiwanag ang buong puno kasabay nito ang paglagas ng bawat dahon mula sa puno, isa sana itong magandang senaryo ngunit may mali, dahil nagsasalita ang puno. Isa ba itong panaginip?

"Bakit mo iyon ginawa?" Kailangan kong lakasan ang loob ko.

"Dahil ito'y nararapat sa tao. Masyado silang makasarili, dapat lang silang parusahan."

"Ngunit sa iyong ginawa mas lalo mo lang sinira ang kalikasan."

"Ito lang ang paraan upang bigyan ng leksyon ang tao. Naging mabait ako sa kanila, alam mo yan Hemera, ilang beses mong nasaksihan kung paano ako nagbigay pag-asa, ngunit anong ginawa nila?"

Tumulo ang luha ko, hindi ako makapaniwala sa nangyayari.

"Kung ganun sisirain mo ang buong mundo?"

"Hindi, binigyan ko lang ng pagsubok ang tao, iyon na ang huli." Napatingin ako sa puno.

"Nilikha ang tao para alagaan ang bawat nilikha ng Maykapal, ngunit kabaliktaran ang ginawa ng tao. Sana magtanda na ang lahat ng tao, dahil sa susunod wala na akong ititira." Napangiti ako. Lumapit ako sa puno at hinaplos ito.

"Maraming salamat."

"Oras na para bumalik ka sa lugar mo Hemera."

Sa isang iglap pumalibot sa akin ang mga dahon ng Dama De Noche, lalong lumakas ang hangin at inangat ako nito sa lupa, napapikit ako, napakasarap sa pakiramdam.

"Anak, Hemera gumising ka na." Idinilat ko ang aking mata.

Puti, puro puti ang kapaligiran. Walang duda nasa Ospital ako.

''Anong nangyari?''

''Nasunog ang Bundok Cristal, at tulad ng mga naunang bundok hindi rin alam ng nakakarami kung paano ito nangyari, ang mahalaga ligtas kayo anak.''

Ibig sabihin totoo ang lahat nang aking nasaksihan? Hindi ito isang panaginip.

"Anak." Niyakap ako ni Ina, huminga ako ng malalim.

"Ina, asan ang mga kaklase ko?"

"Ligtas sila Anak."

Napatingin ako sa bintana malapit sa higaan ko. Umuulan, napangiti ako. Alam kong pagkatapos ng malakas na ulan may isang napaka-gandang bahaghari ang dadating. Isang pag-asa pagkatapos ng kalamidad.

Siguro ganun talaga, may mga bagay na mahirap intindihin, may mga bagay na dapat hinahayaan na lamang. Dahil sa bawat pangyayari sa buhay ng tao magsisilbi itong aral sa bawat isa.

Continue Reading

You'll Also Like

7.2M 230K 12
Special chapters/AUs that are written during my Write with Me session in KUMU! Join me for spoilers, polls, and prizes! Kumu: @gwy.saludes
63.7K 107 45
I don't own this story Credits to the rightful owner šŸ”ž
1.2M 30.6K 64
"Love is like war,easy to begin but very hard to stop." Alastair Gray McKlein- a wealthy young-man guy with an epitome of God except to his personali...
4.3M 168K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...