The Auditions

By DiabolicalWriters

20.6K 747 221

More

The Auditions
Buhay ng Patay
Hindi Ko Maintindihan
De 'Ja Vu
Orgmate
Please Stay
Renascence
Sa Jeep
The Game That I Just Played
The Gift
Sacrifice
Please, Take Care of Him...
The Lakhan
Those Days...
First Love Never Die
The Calm After the Storm
Longing for Love
Paano Ba Maging Isang Manunulat?
Gusto kong maging isang Doktor
Chat
Just a dream
Tamed
Dear Mr. Kupido
Unheard
Bakit?
Daring the Devil
Sa Lilim ng Saksing Puno
Unspoken
The Star Gazer Boy
Closure
Blissful Pains
All She Had
The Saviour and the Predator
What Summer Brings
Waking Up
Secret and Lies
Rooftop
black cat
First Anniversary
Withered me
The Art of Making Love
My Key To Survive
Best Man
Thirteen
Attack on Eren
Surpresa ng Maynila
Ang Kwentista
Demonyang Babae
How to Break Them
Flight
Alas Tres
Field Trip
Love Race
Swimming is Fun
Dama De Noche
Ikaw Parin
Anew
Painful Vacation
Munting Tinig
Wake Up No More
The Vast Bird Bath
Ang Sepulturero
Consequence of Loving Him
Litrato
Wild Awake
Kung Sana
Oras Na
World of Chances
The End
Georgina
Sa Pag-uwi ni Kuya
Playlist
Erlking
Naupos na Boses
Kung Kailan
Of The Beast And The Flyings
PAINT MY HEARTACHE
Morose Ecstacy
Berto
Hummingbird Heartbeat
Tunog ng Dagat
Pangitain
Ang Alamat ng Ulan
last piece for tonight's feast
Mamatay Ka Na Sana
I love you, Goodbye
Melba and Her Happily Ever After
Transparent
Lianna
Broken
Pag-iral
Love and Sacrifice

Memento Mori

155 7 0
By DiabolicalWriters

Genre: Spiritual


Unti unti kong minulat ang aking mga mata...

Nadatnan ko ang aking sarili na nakahiga sa isang pulang kama. Puno ng kandila ang paligid, iyon lamang ang nagbibigay liwanag sa kabuuan ng kwarto.

Para akong nakalutang sa hangin. Hindi ko maramdaman ang aking puso.

"Sorry!" Isang babaeng may kulay abong buhok ang sumulpot sa gilid ko.

"Hindi mo pa talaga oras eh, nagkaron lang ng technicalities sa pagsundo sayo. Lakad lakad muna tayo habang inaayos pa ang signal."

Sinundan ko siya.

Bigla na lamang akong nakarinig ng tawanan, mga pag-iyak. May mga sumisigaw, may bumubulong.

"Huwag mong intindihin ang mga iyan. Mga alaala mo yan nong nabubuhay ka pa."

Nanigas ang buo kong katawan. Tama nga ako.

"Ito na ba ang kabilang buhay?"

"Yup!"

Tumigil kami sa tapat ng nag-iisang pinto. Muli niya akong hinarap.

Ngumiti siya sa akin at nakipag kamay.

"Ako si Q isang tagahatol. Maligayang pagdating sa purgatoryo!"

***

Isang daanan na walang katapusan. Tumigil kami sa tapat ng isang poste ng ilaw. Hindi ito nakasindi.

"Anong ginagawa natin dito?"

Ngumiti lamang siya.

Umilaw ang bumbilya mula sa poste. Kasabay nito ay ang pagpasok ng isang eksena sa aking isipan.

Isang bata. Isang pamilyang masayang naghahapunan. Nagkwe-kwentuhan.

Nang matapos silang kumain, pumasok ang mag-asawa sa kanilang kwarto. Pinipilit ng lalaki na makipag siping sa kanya ang kanyang asawa, ngunit iniiwasan siya nito. Nagalit ang lalaki. Sinamapal, at itinulak niya pahiga sa kama ang kanyang asawa. Pilit na tinanggalan ng damit at pinaghahahalikan.

Patuloy pa rin sa pagpupumiglas ng babae.

Sa maliit na siwang mula sa pinto, nanunuod ang bata. Walang emosyon ang kanyang mga mata. Umalis siya pasumandali. Nang bumalik ay may dala na itong kutsilyo.

Pumasok siya sa silid, sinaksak ang Ama.

"Huwag mo na ulit sasaktan si Mama."

***

"Hindi ako ang sumira sa pamilya namin."

Nilingon ko yong nagsalita. Nasa likod namin siya. Duguan.

Yong lalaking namatay. Narito na siya.

Ngumisi si Q.

"Lahat sila. Puno ng kadiliman ang puso." Wika ni Q.

Nakaramdam ako ng lungkot para sa pamilyang iyon.

Napagtanto ko na lamang, na silang tatlo ay may kanya-kanyang pananagutan sa pagkasira ng kanilang pamilya. Pero nagsimula ito sa pagtataksil ng asawang babae.

Kung nakuntento lamang siya. Kung hindi na siya naghanap pa ng iba. Hindi sana siya manlalamig sa asawa. Hindi sana ito nagalit sa kanya, hindi sana siya sinaktan nito. At hindi rin mamamatay sa kamay ng sariling anak.

***

"Anong lugar to?! Ayoko dito!"

Isang batang babae na galit na galit at nagwawala.

"Andrea."

Ngumiti si Q nang hawakan niya yong bata.

"Bitawan mo ko! Sino ka ba?!"

Hinigit ni Q ang braso ng bata habang patuloy pa rin ito sa pagpupumiglas.

"Ang sakit talaga sa ulo ng mga ganitong klase ng tao. Maingay! Basura ang tinahak na buhay!"

Itinulak ni Andrea si Q.

"Manahimik ka jan! Anong basurang sinasabi mo? Hindi mo ba ako kilala? Wala ka sigurong ideya kung gaano kayaman ang pamilya namin!"

Nanonood lang ako sa kanila nang bigla akong tignan ni Q. Ngumisi siya.

Nakaramdam ako ng kaunting hilo, sa ikalawang pagkakataon, may alaala akong naaaninag sa paningin ko.

Isang malusog na sanggol ang isinilang sa isang pribadong ospital. Kumpleto ang buong pamilya sa pagsalubong sa kanya sa mundo.

Nagkakasiyahan ang lahat. Ipinangako sa kanyang ibibigay ang lahat ng kanyang kahilingan.

Lumaki itong sunod sa layaw. Nakukuha niya kung anuman ang hingin. Pinakapaborito niya sa lahat ng ito ay ang magagarang damit na ipinagyayabang sa mga kaklase't guro.

Sarado ang isipan ni Andrea sa ibang bagay. Tanging mga luho lamang ang iniisip.

Hanggang sa isilang ang kanyang kapatid. Napansin ni Andrea na, hindi na siya ang paborito.

"Palagi nalang yang batang yan ang inaatupag ninyo. Ako pa rin ang unang anak, dapat sa akin lang ang lahat!"

Inisip niyang inaagaw ng kanyang kapatid ang atensyon ng kanilang mga magulang.

Kasakiman. Inggit. At pagkabulag sa mga materyal na bagay.

"Mamili kayo, itatapon niyo yang batang yan o magpapakamatay ako!"

Nanlabo ang paningin ko...

Nakita ko si Q na buhat buhat si Andrea. Nakapikit ito, tila ba natutulog. Pero may luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata.

"Bakit siya namatay?" Tanong ko.

Umiling si Q. Nakangiting pinagmasdan ang bata sa kanyang bisig.

"Pinigilan siya. Pinatulog nila si Andrea. Ilang minuto, paggising niya, napansin niyang wala ang mga magulang niya sa silid. Umiyak siya't nagpatiwakal."

Tinignan ko si Andrea. Nang gawin ko iyon ay tila ba nakapasok ako sa panaginip niya...

"Anak, mahal na mahal ka namin. Lumaki lang ang pamilya natin dahil sa pagdating ng kapatid mo, pero hindi ibig sabihin non ay kakalimutan ka na namin. Ikaw pa rin ang princess namin. Wag mo 'yong kakalimutan."

Nagmulat ng mata ang batang si Andrea.

"Sorry po Mommy, Daddy. Sorry Baby. " Iyak nito.

Ibinaba siya ni Q. Tinakpan niya ng kanyang kamay ang mukha.

"Hindi ako naging mabuting anak. Hindi ako naging mabuting Ate. Sorry po..." Pagpapatuloy niya.

Lumuhod ako't niyakap siya.

Wala akong sinabi. Hinayaan ko lang siyang umiyak. Kailangan niya ito. Sa huling pagkakataon, gusto kong iparamdam sa kanya ang pag-aalala ng isang nakatatanda.

Saglit lang, napansin kong nakayakap na lamang ako sa hangin. Wala na si Andrea.

"Tara na?" Anyaya ni Q.

Tumango ako.

***

Hindi ako nakakaramdam ng pagod. Wala ring pumapasok sa isip ko. Hindi ko maalala kung sino ako.

"Pwede ko bang tanungin kung ano ang pangalan ko?"

"Naitanong mo na kaya wag mo nang tanungin kung pwede." Tumawa siya ng mahina atsaka umiling.

"Hindi ko maaaring sabihin sayo. Hindi ko pwedeng pakielaman ang mga alaalang rerehistro jan sa memorya mo."

Hindi na ko ulit nagsalita.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad nang biglang may kumalabit sa akin sa kaliwang balikat.

"Hi!" Bati ng isang dalaga sa akin.

Gayundin, may kumalabit sa aking kanang balikat.

"Hello!" Bati naman ng isang binata.

Nagtaka ako sa lapad ng ngiti nila.

Kung nandito sila, nangangahulugan iyon na wala na rin sila sa mundo ng mga nabubuhay diba? Bakit parang masaya pa sila?

"Hello Miss!" Lumapit yong binata kay Q.

"Wag mo kong lalapitan! Amoy sunog ka!" Sigaw ni Q.

"Ako nga pala si Johann, pwede ko bang makuha ang number mo?"

Lumapit yong isa pang babae don sa Johann at piningot niya ito.

"Hanggang dito ba naman sa purgatoryo naglalandi ka?!"

"Aray ko Lai! Tama na masakit! Aayos na ako!"

Binitawan na nong Lai ang tainga ni Johann.

Ngumiti sila sa akin. Ang weird pero puno ng kalungkutan ang mga mata nila kahit na ba malapad ang ngiting ibinibigay nila sa akin.

***

Matalik na magkaibigan ang dalawa. Matalino si Johann at sobrang sipag naman ni Lai.

Kilala sila sa pagiging mabait, matulungin at dalawa sa pinaka-responsableng estudyante ng mababang paaralan.

Maayos ang naging buhay ng dalawa. Nasasandalan nila ang isa't isa sa t'wing may problema. Pamilya. Ang kanilang pagkakaibigan. Pag-aaral. Yon lamang ang nagpapatakbo sa makulay na buhay ng dalawa.

Maraming nagsasabi na malayo ang mararating nila. Ipinagmamalaki sila ng lahat.

Ito ang perpektong buhay na pinapangarap ng marami. Yoon bang nasa tama ang mga bagay bagay. Walang mabigat na problema, ika nga nilang dalawa, 'positive lang.'

Naging malabo na ang mga sumunod na eksena. Ang huli ko nalang na nakita, ay ang burol nila Johann at Lai, kung saan marami ang umiiyak.

"Namatay kami sa sunog." Ani Johann.

Bumalik ang madilim na paligid sa aking paningin. Nakita kong muli sila Q.

"Ang tanga kasi nitong si Johann. Mantakin mo ba namang mag-iwan ng nakasinding kandila? Edi anong nangyari? Nasunog kami! Bobo talaga." Lintanya ni Lai.

Niyakap siya ng binata. Sumubsob ito sa balikat niya.

"Sorry na. Hindi na mauulit."

Hindi ko alam kung nagpapatawa ba itong si Johann.

"Talagang hindi na mauulit leche ka! Patay na tayo eh! Haha! Tsaka, aksidente yong nangyari. Narinig ko kagabi si Mama nong kausap niya yung mga pulis sa ibaba, ang sabi nagsimula daw talaga ang sunog don sa kapitbahay natin. Kaya wag ka ng makonsensya jan."

Niyakap siya pabalik ni Lai.

"Atsaka ayos na rin ito. Nilisan man natin ang mundo, at least kasama ko ang best friend ko sa pagtawid."

Ako na marahil ang huling makakakita ng kanilang ngiti. Paalam Johann, paalam Lai.

***

Naglakad kaming muli ni Q papunta sa kawalan. Ganun pa rin, madilim pa rin ang daan. Wala pa rin akong ideya kung saan kami papunta at kung kailan niya ako hahatulan.

Nabigla nalang ako nang makakita ako ng elevator sa tabi. Huminto kami ni Q. Nang bumukas ang elevator, nakita ko ang isang lalaki-hindi.

"Henley Cervantes?" Tanong ko nang mamukhaan ko siya.

"Hello Pogi." Ngumiti siya sa akin.

Si Henley Cervantes ay isang sikat na komedyante. Bading.

Pumupunta siya sa tahanan kung saan dinadala ang mga tulad niyang Senior Citizen na at tinalikuran na ng kanilang pamilya. Pinapasaya niya ang mga tao roon. Nagdo-donate din siya sa mga bahay ampunan at simbahan. Isa siyang napakabuting tao.

Pamilyar ang puso ko sa kanya, tila ba naging malaking parte siya ng buhay ko, naging malaking bahagi ng paglalakbay ko sa mundo.

"Namatay siya nang dahil sa sakit. Matanda na si Henley kaya't sumuko na ang katawan niya. Pero ayos lang iyon, natapos niya na ang misyon niya sa mundo." Ani ni Q.

Lumabas siya sa Elevator. Niyakap niya kami ni Q.

"Maraming salamat sa serbisyo mo sa akin ah?" Hinawakan niya ang ulo ko.

Hindi ko siya nasagot. Nagtataka rin ako kung bakit ganoon na lamang karami ang alam ko tungkol sa kanyang gayung hindi pa naman ipinapakita sa akin ni Q ang alaala ni Henley.

Kanya namang ibinaling ang tingin kay Q.

"Wala akong pinagsisisihan sa mga ginawa ko. Masaya ako sa buhay na naranasan ko. At maluwag kong tinaggap ang kamatayan. Hanggang sa muli..."

Ngumiti si Q, pinindot niya ang Elevator. Bago lumisan si Henley, tinignan niya pa ako at kanyang sinabi...

"Balikan mo ang Mama mo, Carlo."

Nang banggitin niya ang pangalang iyon ay labis na sumakit ang aking ulo. Ito na ba yun? Makikilala ko na kung sino talaga ako? Ang pangalan ko ba ay Carlo?

***

Pagbangon ko, isang pamilyar na silid ang aking nakita.

"Namiss mo ba ang kwarto mo?" Si Q.

"Anong ginagawa ko dito?"

"Diba gusto mong malaman kung paano ka namatay?"

Bumaba kami sa unang palapag ng bahay. Nakita ko doon ang mga larawan namin ni Henley, kasama si Mama.

"Naaalala ko na."

Personal Assistant ako ng Artistang si Henley Cervantes. Tinulungan niya kami ni Mama. Kinupkop niya kami. Noong una ay nanilbihan kami sa bahay niya bilang mga katulong.

'Nong makaipon kami'y, nakapagpatayo kami ng sarili naming bahay. Ginawa akong P.A ni Henley. Sinasama niya ako sa lahat ng kanyang pinupuntahan.

"Aalalayan ko kayo ng Mama mo hanggang sa abot ng aking makakaya. Malaki na ang nagawa niyo para sa akin, kayo na ang naging Pamilya ko." Tanda kong sabi niya nong minsang magkausap kami.

Sa tulong ni Henley, nabigyan ko ng magandang buhay ang Mama ko. Akala ko noon masaya na si Mama sa kung ano ang meron kami.

Akala ko kuntento na siya sa akin na anak niya. Pero hindi pala ganun kasaya si Mama kapag kaming dalawa lang ang magkasama sa buhay.

Isang gabi nung umuwi ako galing sa shooting ni Henley, naabutan kong walang tao sa bahay.

Nag-alala ako. Nasaan si Mama?

Kahit na sobrang pagod ay lumabas akong muli para hanapin siya. Hindi ko na inabala si Henley para tulungan ako, dahil alam kong mas pagod iyon sa akin.

Tinatawagan ko ang Cellphone ni Mama pero walang sumasagot. Nagtetext ako sa kanya pero hindi niya ako nirereplyan.

Malayo na ang nalakad ko. Kung kani-kanino na ako nagtanong. Karamihan sa kanila ay hindi raw napansin si Mama. Gabi na nang makarating ako sa tapat ng isang Hotel.

Naabutan kong palabas si Mama. Pero hindi siya nag-iisa. May kasama siyang lalaki at naghahalikan sila.

Nakaramdam ako ng sobrang sakit. Nanangis ako. Bakit ganito Ma? Bakit mo nagawa ito?

"Kahit na hindi na natin siya kasama, mananatili ang Papa mo sa puso't isipan ko."Iyon ang sabi niya sa akin noon.

Nanginig ako. Nangangatog ang aking mga tuhod. Sobrang galit. Hindi ko maipaliwanag, ang sakit sakit.

Nang matapos sila sa paghahalikan, napatingin sa akin si Mama.

"C-Carlo?" Nanlaki ang mga mata niya.

Hindi na ako nagbitaw ng kahit na isang salita sa kanya. Tumawid ako ng kalsada, hindi ko namalayang may paparating pala na truck.

"ANAK KO!" Iyon na ang huli kong narinig bago ako makarating dito sa purgatoryo.

***

"Carlo, kamusta ka na?" Narinig ko si Mama.

Pumunta kami ni Q sa kanyang kwarto, nakita kong umiiyak si Mama.

"Hindi ko alam kung paano pa ako makakabawi sayo. Patawarin mo ako. Anak, bumalik ka na sa akin. Hindi ko kaya ng wala ka. Mahal na mahal kita anak. Hindi na ako uulit pangako. Patawad anak naging mahina ako, balikan mo si Mama please."

Nakaramdam ako ng awa. Gusto ko pa sana siyang bigyan ng isa pang pagkakataon, pero hindi ko alam kung paano ko iyon gagawin. Nasaktan niya ako ng sobra, pero Mama ko pa rin siya.

Sinubukan kong hawakan ang balikat niya, hindi niya ito naramdaman.

"Pinapatawad na kita Mama. Wag ka na pong umiyak. Mahal na mahal din po kita." Sinabi ko pa rin kahit na alam kong hindi niya ako maririnig.

"Gusto mo bang muling mabuhay?"

Tinignan ko si Mama.

Naalala ko ang poot sa mukha nong lalaki na pinagtaksilan ng kanyang asawa at pinatay ng sarili niyang anak. Ang lungkot sa mata ni Andrea nang mapagtanto niyang hindi siya naging mabuting bata. Ang pagtanggap sa kanilang naging kapalaran nina Johann at Lai. At ang ngiti sa mga labi ni Henley, tanda ng kasiyahan dahil maayos niyang naisagawa ang misyon niya sa buhay.

Pero ako... Gusto kong bigyan pa ng isang pagkakataon ang Mama ko.

Bawat isa sa kanila ay may mga taong pinapahalagahan. Dito nila iniaalay ang kanilang buhay. At ako. Nabubuhay ako para kay Mama. Nangako akong hindi ko siya iiwan.

"Oo." Wala sa sarili kong sagot kay Q.

Ngumiti siya sa akin. Niyakap niya ako.

"Maging masaya ka sana sa desisyon mo, Carlo."

***

"Maligayang pagbabalik."

Nang marinig ko iyon, sa pangatlong pagkakataon, ako'y mumulat.

Alam kong nasa Ospital ako. Pero hindi ako pasyente. Nakaupo lang ako sa gilid ng isang kwarto. Tinginan ko ang nakasulat.

'Emergency Room'

"Carlo!" Nakita kong paparating ang ilang mga kaibigan.

"Anong balita sa Mama mo? Okay na ba siya?"

Labis akong ngtaka sa tanong nila.

"Ano bang nangyari?"

"Hindi mo ba matandaan? Nahuli mo ang Mama mo na may ibang lalaki. Naglayas ka sa inyo, sobrang nagalit ka sa kanya, at hindi niya iyon kinaya, nilason niya ang sarili niya Carlo."

Lumabas ang Doktor mula sa ER.

"Ikinalulungkot po namin, patay na ang Mama mo Iho."

Wala akong marinig. Alam kong umiiyak at niyayakap nila ako.

Nakita ko si Q sa loob ng ER. Nasa gilid siya ni Mama. Si Mama na maputla, hindi na gumagalaw, hindi na humihinga.

Tinignan ako ni Q. Tila ba ibinulong niya sa akin mula sa pwesto niya ngayon...

"Nasa kabilang buhay na siya Carlo. Sayang, nagkasalisi kayo."

Continue Reading

You'll Also Like

93K 4.4K 51
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
239K 355 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
351K 11.1K 34
Date Started: April 30 2023 THE TWO RED FLAGS MET!🚩🚩 Isa lang akong ordinaryong babae na di alam kung anong patutunguhan sa buhay. Tahimik lang nam...
62.4K 102 45
I don't own this story Credits to the rightful owner 🔞