The Auditions

By DiabolicalWriters

20.6K 747 221

More

The Auditions
Buhay ng Patay
Hindi Ko Maintindihan
De 'Ja Vu
Orgmate
Please Stay
Renascence
Sa Jeep
The Game That I Just Played
The Gift
Sacrifice
Please, Take Care of Him...
The Lakhan
Those Days...
First Love Never Die
The Calm After the Storm
Longing for Love
Paano Ba Maging Isang Manunulat?
Gusto kong maging isang Doktor
Chat
Just a dream
Tamed
Dear Mr. Kupido
Unheard
Bakit?
Daring the Devil
Sa Lilim ng Saksing Puno
Unspoken
The Star Gazer Boy
Closure
Blissful Pains
All She Had
The Saviour and the Predator
What Summer Brings
Waking Up
Secret and Lies
Rooftop
black cat
First Anniversary
Withered me
The Art of Making Love
My Key To Survive
Best Man
Thirteen
Attack on Eren
Surpresa ng Maynila
Ang Kwentista
Demonyang Babae
How to Break Them
Flight
Field Trip
Love Race
Swimming is Fun
Memento Mori
Dama De Noche
Ikaw Parin
Anew
Painful Vacation
Munting Tinig
Wake Up No More
The Vast Bird Bath
Ang Sepulturero
Consequence of Loving Him
Litrato
Wild Awake
Kung Sana
Oras Na
World of Chances
The End
Georgina
Sa Pag-uwi ni Kuya
Playlist
Erlking
Naupos na Boses
Kung Kailan
Of The Beast And The Flyings
PAINT MY HEARTACHE
Morose Ecstacy
Berto
Hummingbird Heartbeat
Tunog ng Dagat
Pangitain
Ang Alamat ng Ulan
last piece for tonight's feast
Mamatay Ka Na Sana
I love you, Goodbye
Melba and Her Happily Ever After
Transparent
Lianna
Broken
Pag-iral
Love and Sacrifice

Alas Tres

146 6 1
By DiabolicalWriters

Genre: Horror


Walang tigil ang pagkawala ng mga luha ni Denia habang iniinda ang paulit-ulit na pagtama ng latigo sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan. Hawak iyon ng isang lalaki na nasa kaniyang harapan. Humakbang ito palapit sa kaniya kaya umurong siya at napalupagi na lamang sa isang sulok sa madilim na kuwartong iyon.

"Hindi ka na nararapat pang mabuhay. Dapat sa 'yo ay mamatay. Unti-unti kang mauubusan ng dugo."

Natatakot siya.

Kinakabahan.

At nahahabag na siya sa sarili.

"Alam mo bang hindi sapat ang nararanasan mo ngayon sa kasalanang ginawa mo?" patuloy pa ng lalaki.

Narinig pa niya ang pagtawa nito bago muling pinadapo sa kaniya ang latigo. Napahiyaw siya sa sakit nang tumama iyon sa kaniyang dibdib.

"Tama. Sumigaw ka lang sa sakit. Umiyak ka. Napakaganda sa pandinig ng bawat hikbi mo."

"Si-sino ka ba? Ano'ng kasalanan ko sa 'yo?"

Sa halip na sumagot ay naramdaman ni Denia ang malamig na kamay nito sa kaniyang binti. Hinila siya ng lalaki at nagmistula siyang basahan sa sahig na iyon. Tila nanlamig ang kaniyang kalamnam sa kilabot na nararamdaman. Punong-puno ng dugo ang kaniyang kasuotan at kumakalat na iyon sa sahig na nadadaanan niya.

"Oras na para pagbayaran mo ang kasalanan mo, Denia."

Nanindig ang balahibo ni Denia nang banggitin nito ang pangalan niya. Huminto sila sa kabilang sulok ng kuwarto. Siya, na nananatili pa ring nakahiga sa sementadong sahig.

Mabilis siyang kumilos upang matakasan sana ang estrangherong lalaki ngunit bago pa man siya tuluyang makalabas sa pinto ay nahablot na ng lalaki ang buhok niya. Hinila siya nito at isinandal sa malamig na dingding. Kung hindi lang siguro nito hawak ang kaniyang buhok, marahil napalupagi na naman siya dahil sa sobrang panlalambot ng katawan.

"Wala kang karapatang mabuhay," bulong ng lalaki sa tainga niya. "Dapat ka na mamatay."

Sinubukan pa ni Denia na makawala mula sa pagkakahawak nito pero masyado itong malakas. Hinila nito pababa ang buhok niya dahilan upang mapatingala siya rito. Ngumiti ng nakakaloko ang lalaki kaya lalo siyang nahintakutan sa maaari nitong gawin.

"T-tama na. Pakawalan mo na ako." Habol ang hiningang pagsusumamo niya.

Hindi niya rin makita ang mukha nito dahil bukod sa madilim ay may nakaharang na buhok sa mga mata nito. Ngunit doble ang takot na naramdaman niya nang magkaroon ng hinuha kung sino ito.

"Mamamatay ka na."

Naramdaman ni Denia ang latigo na ipinulupot ng lalaki sa leeg niya. Hinigpitan nito iyon at tila anomang oras ay malalagutan na siya ng hininga. Hinaplos nito ang kaniyang braso. Ang mala-kristal na tubig na kumakawala sa kaniyang mata ay hindi tumitigil.

Wala nang salita ang nabuo mula sa bibig niya. Tanging ungol na lamang ang lumalabas.

Mayamaya pa'y pumailanlang sa buong kuwarto ang tawa nito habang dahan-dahang inaalis ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mata nito. Doon lang niya napansin ang dugo sa mukha nito.

"Denia, ngayon nakikilala mo na ba ako? Nakikilala mo na ba kung sino ako!?"

Napamaang siya nang makita ang mukhang iyon. Ngunit bago pa man siya makapagpakawala ng mga salita ay itinarak na ng lalaki sa puso niya ang hawak na kutsilyo. Naramdaman niya ang pagbaon niyon.

Sumunod ang kadiliman.

Habol ang hininga ni Denia nang magising siya nang oras na iyon. Tagaktak ang pawis na tila nakipaghabulan sa ilang kabayo. Awtomatiko namang napatingin siya sa paligid. Maliit na lamp shade lamang ang nagbibigay ng ilaw sa kaniyang silid. Nagmasid siya kung may kakaiba ba roon katulad ng nangyari sa katatapos lang na panaginip. Kagaya ng lalaking iyon na palagi na lang bumibisita sa kaniyang pagtulog.


Nanindig ang kaniyang balahibo dahil sa alaala ng animo bangungot na iyon. Ang mukha ng lalaking iyon na hinding-hindi niya malilimutan. Tila nararamdaman pa niya ang kamay ng lalaki sa kaniyang braso na para bang totoo lahat ng iyon.


Ang lumang orasan naman na nakasabit ay nagsasabing alas tres na ng umaga. Kaya pala ganoon na naman ang panaginip niya. Sumpa na yata iyon sa kaniya na tuwing sasapit ang oras na iyon ay papasukin ng lalaking matagal nang wala ang kaniyang panaginip.


Napasabunot siya, pagkatapos ay mahigpit na niyakap ang mga tuhod. Kinagat niya ang kuko sa kamay na naging habit na niya. Umalulong ang ilang aso sa labas na sinabayan pa ng pagkulog dulot ng masungit na panahon. Tila galit na galit ang langit. Mahahalata na ngayon ang takot sa panginginig ng katawan ni Denia. Maya't maya rin ang pagbaling niya sa paligid.


Gusto niyang umiyak ngunit walang luhang lumalabas sa mata niya. Pinagbabayaran na niya ang kasalanang kahit sino yata ay hindi siya mapapatawad.


"Dapat ka na mamatay."

Nababahala siya. Ngunit imbis na maiyak ay sumilay ang ngiti sa sulok ng kaniyang labi na sinundan na ng mahinang pagtawa.


"Panaginip." Humagikhik siya. "Panaginip lang iyon. Hindi mo ako mapapatay sa panaginip. Hindi mo kami mapapaghiwalay."


Tama, hindi ang lalaking iyon ang magiging dahilan ng paghihiwalay nila ng lalaking mahal niya. Nagmamadaling kumilos si Denia saka tumakbo palabas ng kuwarto. Makakabalik lamang siya muli sa pagtulog kapag nasigurado na niya ang isang bagay.


Bawat hakbang ni Denia ay umaalingawngaw sa bahay. Pababa na siya ng hagdan nang mamatay ang mga ilaw at muli na namang umalulong ang mga aso. Ngunit hindi iyon ininda ni Denia. Wala roon ang isip niya. Ilang beses na ba iyong nangyari sa kaniya? Sanay na siya.


Nangapa siya sa dilim upang mahagilap at makakuha ng alalay sa hagdan. Napaatras lang siya nang maramdamang sa malamig at may kalambutang bagay dumapo ang kaniyang palad-na gumulat sa kaniya sapagkat ngayon lang iyon nangyari.


Nagpatuloy si Denia at sa pagkakataong iyon, may humawak na sa mga braso niya.


Malamig.


Malambot.


At bahagyang mamasa-masa. Amoy kalawang.


"Denia..." Mahinang bulong ang narinig niya. Nagdulot ng lamig ang boses na iyon at bumangon ang kaba sa kaniyang dibdib. "Tulungan mo ako. Tulungan mo kami."


Muli siyang umatras at aksidenteng napaupo sa baitang ng hagdan. Mabilis ang mga pangyayari. Hindi na niya namalayang nahila na pala siya ng mga kamay na iyon pababa ng hagdan. Halos mabali na yata ang mga buto niya dahil sa pagtama niyon sa bawat baitang ng hagdan. Isang sigaw ang namutawi sa bibig ni Denia. Napaungol din siya nang makaramdam ng sakit ng katawan.


Pulos dilim pa rin ang paligid ngunit hindi siya maaaring magkamali sa nakikita. Isang babaeng nakaputi na may kahabaan ang buhok ang abala sa paghila sa kaniya.


Sa takot ay napasigaw siya. Humigpit pa lalo ang hawak ng babae kahit pinagsisipa na niya ito. Batid niyang wala itong balak na pakawalan siya. Patuloy ang panlalaban niya rito at patuloy rin ito sa ginagawa.


Umandap-andap ang mga ilaw. Tumigil ang babae sa ginagawa, pagkatapos ay tahimik lang na tumitig sa kaniya. Napansin pa niya ang dugo sa kasuotan nito pati na rin sa mga kamay.


"Kailangan mong pagbayaran ang mga kasalanan mo, Denia."


Napatitig siya sa mukha nito at sa pamilyar na sugat sa pisngi nitong may umaagos na dugo. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya sa natuklasan.


"N-Nanay."


"Dapat ka nang mamatay." Naglakad pa ang babae palapit. Sinubukan ni Denia na makabangon ngunit tila nakadikit na sa sahig ang katawan niya.


Nanginginig na siya habang pinapanuod ang ina na ngayon ay may hawak nang kutsilyo. Nakabukas ang bibig nito, nakangiti, na para bang masaya sa gustong mangyari sa kaniya.


Malapit na. Naglalaro sa isipan niya ang tawa nito. Kaunti na lang at babaon na sa katawan niya ang matalas na kutsilyong iyon. At magtatagumpay na ito na paghiwalayin sila ni Anton.


Si Anton!

Hindi niya ito maaaring iwan.


Bago pa man tuluyang tumarak sa katawan ni Denia ang kutsilyong hawak-hawak ng kaniyang ina ay nahagip ng kamay niya ang katabing silya saka ibinato rito. Ilang saglit pa'y tila bula itong bigla na lang naglaho. Muling lumiwanag. Ngunit ang mga dugo at bakat ng paa na kumalat sa sahig ay nangangahulugan na hindi kathang-isip lang ang katatapos na pangyayari.


Napasabunot siya nang mahigpit. "Hindi n'yo kami mapaghihiwalay ni Anton! Hindi kayo ang makakasira sa relasyon namin." Halos hininga na lang ang lumalabas sa bibig ni Denia habang nakatitig sa sahig.


At mayamaya pa'y para na naman siyang baliw na humagikhik. Pagkatapos ay kumilos na siya patungo sa isang silid. Nakahinga lang siya nang maayos nang matagpuang naroon pa rin sa silid na tinungo si Anton. Nakaupo ito sa kama at bahagyang nakatungo. Hindi talaga siya magsasawa na titigan ang lalaking ito.


Nilundag niya ito ng yakap. "Akala ko wala ka na. Akala ko iniwan mo na ako."


Nabakas ni Anton ang takot sa boses ni Denia. Humigpit naman ang yakap ni Denia sa binata ngunit itinulak lang siya nito.


"Alam mo bang nagpakita sa akin si Nanay? Sinaktan niya ako." Ipinakita niya ang kamay. "Itong dugo, kagagawan niya ito. At si Tatay, nagpakita na naman siya sa panaginip ko. Gusto nila akong patayin."


Iniikot niya sa buong silid ang paningin saka ito muling binalingan.


"Denia, itigil mo na 'to."


"Pero..."


"Tigilan mo na ang kabaliwang ito. Dapat lang na nagpakita sila sa 'yo. Pakawalan mo na ako." Itinaas ni Anton ang mga kamay na nakaposas. Nakita ni Denia ang dugo roon pati rin sa braso. Marahil sinubukan nitong makawala mula sa makalawang na bagay na iyon na nababahiran na ng dugo.


"Alisin mo na ito, Denia. Hayaan mo na ako," saad pa nito.


"Gusto mo na akong iwan? Hindi mo ba ako mahal?"


"Mahal kita. Ano ka ba? Mahal kita dahil kapatid kita. At mali itong ginagawa mo!"


May tila kumirot sa puso niya nang marinig ang mga salitang iyon. "Hindi!" ganting sigaw niya. Hindi niya ininda ang matalim na tingin ng binata. "Hindi mo ako iiwan. Dito ka lang sa tabi ko. Wala kang ibang pupuntahan."


"Nababaliw ka na ba? Kuya mo ako! At iyong pagpapakita sa iyo nina Nanay, dapat lang iyon dahil ikaw ang tumapos sa mga buhay nila. Kahit ako...hindi kita kayang mapatawad."


Tinitigan niya ito sa mga mata at tila ba hinigop siya nito patungo sa nakaraan. Unti-unting bumalik sa alaala ni Denia ang kahindik-hindik na pangyayaring iyon. Kung paano niya pinadapo ang kutsilyo sa katawan ng mga magulang. Ang mga dugo ng mga itong tumalsik sa kaniya. At lahat ng iyon ay nagawa niya upang masolo si Anton. Subalit batid niyang oras na malaman iyon ng ilan, kulang ang salitang kamatayan para mapatawad siya. Isa na siyang demonyo sa mata ni Anton at sa mata ng mga taong makakaalam ng sikretong iyon.


Lumandas ang luha sa kaniyang pisngi. "Pinatay ko sila dahil sagabal sila sa pagmamahalan natin. Hindi tayo magkapatid. Hindi tayo puwede maging magkapatid dahil mahal kita, Anton! Dahil gusto kita!"


Lumapit pa si Denia upang haplusin ang mukha nito, upang angkinin ang labi nito. Gusto niyang iparamdam ang pagmamahal niya rito. Lahat gagawin niya-kahit pumatay- makasama lang ito.


Nandidiri si Anton na umiwas bago pa man maglapat ang labi nila. "Kailan mo ba matatanggap na kapatid kita? Iba ang gusto ko."


"Iba?" Saglit siyang natahimik. "Ah, 'yong maputing babae na maganda? Iniwan ka na rin niya. Nalagutan siya nang hininga sa mga kamay ko. Wala na siya dahil sa akin ka nababagay."


Nagtangis ang bagang ni Anton sa narinig. Pinilit ni Anton na makawala sa posas upang pagbayarin si Denia sa mga kasalanan. Nagpumiglas ito at gustong-gusto na siyang sakalin sa mga sandaling iyon. Ang mga tingin nito'y nagliliyab sa galit.


"Nawala ka na talaga sa katinuan mo, Denia," galit na wika nito. "Halang ang kaluluwa mo."


Pumailanlang ang matinis na tawa niya sa silid saka ito binulungan. "Akin ka lang, Anton. Walang puwedeng umagaw sa 'yo mula sa akin dahil pagmamay-ari kita. Lahat ng magtatangka, papatayin ko."


Ipinagsawalang-bahala niya ang awang naramdaman nang mapagmasdan ang butil ng tubig sa pisngi ng binata. Dahan-dahan iyong lumandas sa pisngi ni Anton. Pinalis niya iyon.


"Magiging ayos din ang lahat. Lulubayan din tayo nina Nanay," aniya.


Nang hindi na nagsalita pa ito ay nagpasya siyang bumalik na sa kwarto upang ituloy ang naudlot na pagtulog. Ngunit bago iyon, minabuti niyang tumungo muna sa katabing silid.


Tahimik na rin sa labas na nangangahulugang tapos na ang ulan. Pero ang isip niya ay hindi na yata matatahimik pa lalo na't naroon siya ngayon sa pinangyarihan ng krimen. Nasamyo niya ang masangsang na amoy at mayamaya'y nakaramdam ng panlalamig. Inalis niya ang nakabalot na tela sa isang malaking freezer, at tumambad sa kaniya ang katawan ng kaniyang mga magulang. Nanuot sa kaniyang ilong ang malansang amoy at halos masuka na siya. Ilang linggo na rin iyong nakatago roon. Wala siyang balak na ilabas iyon.


Mula nang araw na mangyari iyon, ngayon lang niya natitigan nang husto ang mga bangkay ng magulang. Ang mga luhang kanina pang gustong kumawala sa mata niya ay hindi na nagpaawat pa.


"Patawad, 'Nay, 'Tay. Patawarin n'yo na ako," usal niya sa pagitan ng mga hikbi.


Ngunit ano nga bang magagawa ng mga luhang iyon? Hindi na niyon maibabalik pa ang dalawang buhay na siya mismo ang kumuha. Nalason ang buong pagkatao niya ng pag-ibig para sa kapatid. Unti-unti iyong kumalat hanggang sa napasok na rin pati isipan niya; hanggang sa hindi na niya alam ang ginagawa niya.


Inabot ni Denia ang malamig nang kamay ng ina, hinaplos-haplos iyon saka hinalikan. Gano'n din ang ginawa niya sa ama.


"Patawad ho. Malaking kasalanan ang ginawa ko ngunit hiling ko na sana ay matahimik na kayo. Sana ay lubayan n'yo na kami."


Habang patuloy ang paghingi ng tawad, nakarinig si Denia ng mga yabag ng paa. Habang tumatagal ay palakas nang palakas iyon palapit sa kinaroroonan niyang silid. Dalawa lang sila sa bahay at imposibleng si Anton iyon. Mabagal ang mga yabag kaya naman muling nabalot ng kaba ang kaniyang dibdib. Napakagat siya sa ibabang labi, pagkatapos ay dahan-dahang naglakad palapit sa pinto bitbit ang kahoy na dinampot sa malapit. Mabagal din ang paghinga niya na tila sinasabayan ang mga hakbang na naririnig.


Unti-unti niyang inilawit ang ulo upang makita kung kanino iyon nagmumula at ganoon na lamang ang takot niya dahil biglang natigil ang mga hakbang. Naalarma ang buong sistema niya dahil hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon.


Ilang segundong nanatili si Denia sa kinatatayuan. Pumaling siya kanan upang balikan ang mga magulang ngunit isang babae ang tumambad sa kaniyang pagharap bago maramdaman ang pagbaon ng matalas na bagay sa kaniyang katawan. Tila may napunit sa kaniyang kalamnan nang lalo pa nitong ibaon ang kutsilyo. Nakakatakot ang mga ngiting ipinapakita nito na nagsasalamin sa hitsura niya noong kumitil siya ng buhay.


Nakilala pa niya ang babae bilang kasintahan ni Anton.


Hindi siya makahinga.


Unti-unting namanhid ang kaniyang katawan. Sinubukan niyang sumigaw ngunit wala siyang nabuong salita. Umagos ang dugo mula sa kaniyang bibig hudyat na sinisingil na siya sa kasalanang nagawa, bago tuluyang hinila ng panghabang-buhay na pagtulog.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 47.8K 107
Hiding their identity is a must for a gangster. She has a mission. Her mission is to find the one who killed her fiance and best friend and that's t...
351K 11.1K 34
Date Started: April 30 2023 THE TWO RED FLAGS MET!🚩🚩 Isa lang akong ordinaryong babae na di alam kung anong patutunguhan sa buhay. Tahimik lang nam...
159K 2.7K 48
ON-GOING Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid...
4.3M 168K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...