The Auditions

By DiabolicalWriters

20.6K 747 221

More

The Auditions
Buhay ng Patay
Hindi Ko Maintindihan
De 'Ja Vu
Orgmate
Please Stay
Renascence
Sa Jeep
The Game That I Just Played
The Gift
Sacrifice
Please, Take Care of Him...
The Lakhan
Those Days...
First Love Never Die
The Calm After the Storm
Longing for Love
Paano Ba Maging Isang Manunulat?
Gusto kong maging isang Doktor
Chat
Just a dream
Tamed
Dear Mr. Kupido
Unheard
Bakit?
Daring the Devil
Sa Lilim ng Saksing Puno
Unspoken
The Star Gazer Boy
Closure
Blissful Pains
All She Had
The Saviour and the Predator
What Summer Brings
Waking Up
Secret and Lies
Rooftop
black cat
First Anniversary
Withered me
The Art of Making Love
My Key To Survive
Best Man
Thirteen
Attack on Eren
Surpresa ng Maynila
Demonyang Babae
How to Break Them
Flight
Alas Tres
Field Trip
Love Race
Swimming is Fun
Memento Mori
Dama De Noche
Ikaw Parin
Anew
Painful Vacation
Munting Tinig
Wake Up No More
The Vast Bird Bath
Ang Sepulturero
Consequence of Loving Him
Litrato
Wild Awake
Kung Sana
Oras Na
World of Chances
The End
Georgina
Sa Pag-uwi ni Kuya
Playlist
Erlking
Naupos na Boses
Kung Kailan
Of The Beast And The Flyings
PAINT MY HEARTACHE
Morose Ecstacy
Berto
Hummingbird Heartbeat
Tunog ng Dagat
Pangitain
Ang Alamat ng Ulan
last piece for tonight's feast
Mamatay Ka Na Sana
I love you, Goodbye
Melba and Her Happily Ever After
Transparent
Lianna
Broken
Pag-iral
Love and Sacrifice

Ang Kwentista

155 8 0
By DiabolicalWriters

Genre: Kwentong Pambata


Sa isang gilid ng Luzon ay may isang bayan na malapit sa dalampasigan ang nagngangalang Maligaya. Bagamat uso na ang tablet, phablet, android phones, smart phones, internet, ay hindi pa rin naabot ng ganitong modernisasyon ang bayan ng Maligaya. Masyadong mahirap marating ang bayan na ito. Kakailanganin pang lakarin ang dalawang bundok sa loob ng tatlong araw at dalawang gabi bago makalabas. Wala ring malapit na daungan ng bangka at aabutin pa ng limang araw at apat na gabi sa laot bago makarating sa susunod na isla.

Tahimik lamang ang bayan ng Maligaya. Ang pangunahing hanap-buhay ng mga tao ay pangingisda at pangangaso sa kakahuyan. At dahil nga malayo sila sa kabihasnan ay umiikot lamang sa mismong bayan ang kanilang mga paninda at pera. Halos hindi na nga uso ang pera sa kanila. Mas nananaig pa rin sa bayan na ito ang palitan.

Bagamat kulang sa halos lahat ng aspeto magmula sa edukasyon, pangkalusugan hanggang pangkabuhayan ang bayan ng Maligaya ay masaya ang mga taong nakatira rito.

Masaya sila sa tuwing may bagong kasal at silang sa bayan nila. Masaya sila kapag mabait ang dagat at binibigyan sila ng maraming isda. Masaya silang binibiyayaan sila ng lupa ng mga malulusog na pananim.

At ang pangunahing naging libangan ng mga tao rito ay ang pagpapasa ng kwento ng mga nakakatanda sa mga bata. Walang pormal na edukasyon sa bayang ito. Hindi rin sila sigurado kung ang mga nalalaman nila ay ganoon din sa mga nalalaman ng mga tao sa labas. Wala ni isa sa kanila ang nakakatanda kung gaano na ba sila katanda. Walang nakakaalam kung tama ba ang pagsulat nila sa mga letra o kung paano ba ito basahin. Walang orasan na magsasabi ng tamang oras. Tanging ang basehan lamang nila ay ang liwanag ng araw at bituin. Ang kayang basahin ay ang ekspresyon na pinapakita ng mga mata nila at sinasabi ng mga galaw nila.

Sa tabi ng dalampasigan ay may isang lumang kubo kung saan nakatira ang sinasabing pinakamatanda sa bayan-si Ta Usten. Sa bahay ni Ta Usten madalas magtungo ang mga bata tuwing katirikan ng araw. Doon ay nakikinig sila ng mga kwentong nagmula pa sa ninuno nila. Mga kwento ng pagsasama ng mga tao sa bayan. Kung paano nila nalampasan ang isang mapanirang bagyo, tagtuyot o sakit na halos pumatay sa lahat. Saan nakuha ni Arimo ang pilat sa mukha n'ya. Anong ginawa ni Breso nang mabutas ang bangka n'ya sa gitna ng laot. Paanong nagkatuluyan ang mga magulang ni Samin.

Araw-araw ganoon ang kaganapan sa bahay ni Ta Usten. Araw-araw laging nakikinig ang mga bata sa mga kwento nitong paulit-ulit. Sa mga kwentong hindi nila sigurado kung totoo ba o habi lang.

Sa gitna ng mga batang masayang nakikinig kay Ta Usten ay ang tanging batang walang bahid ng pagkamangha, pagkatuwa o pagkatakot ang ekspresyon. Ang tanging nakikita lamang sa mukha nito ay pagtataka. Pagtataka dahil hindi n'ya maintindihan ang lahat.

Paano nga naman maiintindihan ng batang si Kamir ang kwento kung pinanganak itong bingi? Isang kapansanan na kahit kailanman ay hindi malalaman at maiintindihan ng mga taga Maligaya. Hindi nila maintindihan kung bakit hindi lumilingon si Kamir kapag tinatawag 'to. Kung bakit hindi ito nagsasalita na bunga lamang ng pagiging bingi ng bata.

Bakit ba kapag binubuka ni Kamir ang bibig n'ya ay walang lumalabas na boses?

Ang akala nila ay nanunudyo lamang ang bata. Na gusto lamang nitong maging kakaiba kaya ganoon ang ginagawa nito. Gumagawa ito ng isa pang kwentong ililipat sa bagong henerasyon kung saan ito ang bida. Si Kamir na walang boses.

Mas marami pang haka-haka ang mga tao sa kalagayan ni Kamir. Naroong isinumpa ng dagat ang ama ni Kamir na si Krusan dahil sa matagalan nitong pangingisda sa dagat. O ang ina nitong si Gahel dahil may mga halaman itong kinuha sa gubat na hindi dapat. Naroong kinuha daw ng gubat ang boses ni Kamir bilang kabayaran sa pag-alis ni Dolugon sa bayan ng Maligya. Kung anong kinalaman ni Kamir kay Dolugon, tanging gubat lamang ang nakakaalam.

Hindi man lang sumagi sa isipan ng mga taga Maligaya na baka hindi sila naririnig ni Kamir. Na sa tuwing binibuka nito ang bibig ay umaasa ito may lalabas na tinig. Gabi-gabi ipinagdarasal nito sa tapat ng dagat at gubat na sana maintindihan nito kung anong ibig sabihin ng mga ibinubuka ng bibig ng nanay nito. Na mawala na ang kahihiyan at pagkabigo sa mukha ng tatay nito.

Ngunit kahit kailan hindi na nadinig pa ng gubat at dagat ang kahilingan ni Kamir.

"Gusto n'yo bang marinig ang pakikipaglaban ni Ohutayo sa halimaw ng gubat?" tanong ni Ta Usten sa mga bata sa mabagal at hingal na boses.

"Sige Ta Usten!" Halos sabay-sabay na pagpayag ng ilang bata na tinulan ng iba pa.

"Gusto ko yung pagpunta ni Yehita sa kabilang isla!" tutol ng isang bata.

"Ako na magsasabi. 'Di s'ya makakapunta. Masisira bangka n'ya," singit naman ng isa pang bata.

"Kay Ohutayo na lang kasi!"

"Narinig ko na 'yan!"

"'Di 'wag kang makinig!"

Naririndi na ang matanda kung paano papatahimikin ang mga bata. Hindi nila alintana ang isang batang tahimik sa gilid na si Kamir.

Habang patuloy sa pagtatalo ang lahat, si Kamir naman ay abala sa paghahabi ng sariling kwento sa utak nito.

Dahil hindi magawa ni Kamir na makipagkomunikasyon sa mga tao sa paligid ay gumawa ito ng sariling enterpretasyon ng mga bagay-bagay. Sa paningin at pang-unawa nito ay nagkukwentuhan ang mga bata at si Ta Usten. Sa isipan nito masaya ang lahat. Kasiyahang kasama ito at naiintindihan nito. Bagamat walang tunog.

Nang matapos ang pagkukwento ni Ta Usten ay masayang nagsiuwian na ang mga bata. Nagtakbuhan sila at nag-unahan na makapunta sa kani-kaniyang bahay. Sa isipan ay gusto nilang maging sila ang mga taong naging bida kwento. Iniisip na isang araw ikukuwento rin ang naging buhay nila sa mga bata.

Habang ang ibang bata ay mabilis na tumatakbo si Kamir naman ay dahan-dahang naglalakad. Inoobserbahan ang lahat ng nasa paligid. Ayaw na may isang detalye na makawala sa kanyang isipan. Kailangan lahat malinaw.

Nang makarating ito sa bahay ay agad na pumunta sa likod at kinuha ang balde na pinaglagyan ng mga dugo at hasang ng isda. Madalas na pinapalibing ito ng nanay nito sa kakahuyan. Pero sa halip na ilibing ay yung mga hasang lamang ang nililibing ni Kamir. Ang dugo ng isda ay may iba s'yang pinaggagamitan.

Sa hindi kalayuang bahagi ng kakahuyan. Isang lugar na hindi pinupuntahan ng mga taga Maligaya ay may isang kuweba. May iilang butas sa loob ng kweba na sapat para maging maliwanag ang loob. Hindi rin naman gano'n kalawak ang loob nito. Tanging mga bato lamang ang lama.

Sa loob ng kwebang ito ay naroon ang mga kwentong isasalin ni Kamir sa susunod na henerasyon. Sa panahon na magiging kasing tanda na s'ya ni Ta Usten at s'ya na ang magkukwento sa mga bata.

Ibinaba ni Kamir at balde sa gilid at idinawdaw ang malilit na kamay sakay gumuhit sa batong nagsisilbing haligi ng kweba. Walang mga letra na makikita sa mga bato. Tanging mga imahe na naglalarawan sa kung ano ba ang nakita ni Kamir. Walang pangalan. Walang mga salitang nakakabighani sa pandinig. Mga larawan lamang. Bagamat hindi ito katulad na katulad ng kung ano ba ang nakita ni Kamir, makikita pa rin sa bawat guhit ng larawan ang isang kwentong may isinasalaysay.

Araw-araw ganito ang gawain ni Kamir. Araw-araw din s'yang nangangarap na isang araw hindi na lamang s'ya ang makakakita ng mga ginuhit n'ya kung hindi maging ang buong bayan.

- - - -

Isang araw, pababa na si Kamir sa bayan at kitang-kita n'ya mula roon ang mga batang masayang naliligo sa dagat dahil sa init ng panahon. Natutuwa ang mga batang naliligo dahil kakaiba ang laki at hampas ng alon-mas malaki at mas kakaiba kaysa sa normal na mga araw.

Hinahabol ng mga bata ang tubig ng dagat at hindi napansin na tila paatras nang paatras ang mga alon sa dalampasigan. Habang si Kamir sa kabilang dulo ay nangunot ang noo at nanlalaki ang mga mata sa takot nang makita sa gitnang bahagi ng dagat ang isang napakalaking alon. Napakalaki na tila kayang tabunan ang buong bayan ng Maligaya.

Agad na bumaba si Kamir ng bundok at pilit na naghuhumiyaw ng babala para sa lahat. Isang babala na walang makarinig.

Hinigit ni Kamir ang kamay ng unang taong nakita at pilit sinabi ang nakita pero nagalit lamang ito. Sinubukan pa n'ya sa ibang tao pero lahat sila ay nagalit. Ang ilan pa ay sinigawan s'ya. Hindi nila pinapansin ang sukdulang takot na nakasulat sa buong mukha ni Kamir.

Nakarating na si Kamir sa bahay ni Ta Usten. Alam n'yang 'yon na ang huling pag-asa n'ya. Kapag si Ta Usten kasi ang nagsalita lahat ay nakikinig. Humihinto ang mga tao para maintindihan ito.

Agad na pumasok si Kamir sa loob ng bahay ni Ta Usten at hinila ang kamay nito. Dahil sa kantandaan ni Ta Usten, hindi na nito magawang makapaglakad nang maayos at mabilis para makasabay sa batang si Kamir.

"Kamir, ano bang problema? Bakit ka ba nagkakakaganyan?" tanong ni Ta Usten na para bang magsasalita si Kamir para sagutin s'ya.

Pagdating sa bintana ay walang ibang ginawa si Kamir kung hindi ang ituro ang bintana. Pilit na ibinuka ang bibig at pilit nagsalita sa kalamidad na nagbabanta pero wala talagang lumalabas.

Sa huli hindi rin s'ya pinansin ni Ta Usten. Umiiyak na umalis si Kamir at nagpunta sa bahay nila. Sa isip n'ya kung hindi n'ya maililigtas ang buong bayan, ililigtas na lang n'ya ang pamilya n'ya.

Ngunit wala roon ang mga magulang n'ya. Mas lalong kinain ng takot at histerya ang buong pagkatao ni Kamir. Hindi n'ya alam kung saan n'ya hahanapin ang mga ito. May oras pa ba para mahanap ang mga ito?

At dahil bata si Kamir. Dahil hindi s'ya sila Ohutayo, Yehita at iba pang magiting na taga Maligaya ay kinain ng takot si Kamir. Takot para sa sariling buhay. Takot sa lahat ng alam n'yang mangyayari.

Sa huli, pinili ni Kamir ang tumakbo at iligtas ang sarili. Pinili n'ya ang iwan ang lahat. Mas nanaig ang kaduwagan na bumabalot sa kanya.

Tumakbo nang tumakbo si Kamir papunta sa kweba. At doon ay umiiyak na pinanood n'ya ang lahat. Kung paanong kinain ng mga malalaking alon ang buong Maligaya. Ang pagpupumilit ng iba na makaligtas. Ang ilan na nagpakabayani para iligtas ang karamihan pero wala pa ring nagawa. Nakita n'ya ang pag-iyak ng mga bata, pagbubuwis ng buhay ng mga ama't ina.

Lahat ng pangyayari ay kitang-kita n'ya at nakatatak sa kanyang memorya. Mga imahe na kung paanong nawala ang buong Maligaya sa harap n'ya.

Kitang-kita rin n'ya sa utak n'ya ang imahe n'yang walang ginawa kung hindi manood.

Sa loob ng ilang araw nanatili si Kamir sa loob ng kweba. Nakatitig sa mga kwentong iginuhit n'ya. Pilit tinitingnan sa mga bilog at guhit na ginawa n'ya ang mukha ng mga taong mahal na mahal n'ya.

Sa huli ay may naisip s'yang huling paraan para manatili ang kanilang bayan at mga tao rito.

Lumabas s'ya ng kweba at naghanap ng isang matulis na kahoy bago bumalik sa kweba. Gamit ang kahoy ay sinugatan n'ya ang sarili at ginamit ang sariling dugo para gumuhit.

Iginuhit n'ya ang lahat ng natatandaan n'ya. Mula sa masasayang alaala hanggang sa dulo-sa kung paano nagtapos ang lahat. Alam ni Kamir na wala nang kahit isang taga Maligaya na makakakita ng kwento n'ya. Pero alam n'yang isang araw may makakakita sa mga larawan n'ya at ang taong 'yon ang muling magbubuhay kahit alaala lang ng bayan nila.

Nang matapos si Kamir ay hinang-hina na s'ya. Hindi na n'ya kayang tumayo o gumuhit pa. Halos maubusa na rin s'ya ng dugo sa dami ng sugat n'ya. Muli n'yang tiningnan ang mga ginuhit na larawan at binasa ang kwento n'ya. Ang kwento ng bayan n'ya bago ipinikit ang kanyang mga mata.

Continue Reading

You'll Also Like

63.3K 107 45
I don't own this story Credits to the rightful owner 🔞
1.2M 23.4K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
1M 48K 107
Hiding their identity is a must for a gangster. She has a mission. Her mission is to find the one who killed her fiance and best friend and that's t...
11.2K 810 26
Esmeray is a money-loving woman but hard-working person who have many jobs and barely sleeps. One night after leaving her last job, she got in a car...