The Auditions

By DiabolicalWriters

20.6K 747 221

More

The Auditions
Buhay ng Patay
Hindi Ko Maintindihan
De 'Ja Vu
Orgmate
Please Stay
Renascence
Sa Jeep
The Game That I Just Played
The Gift
Sacrifice
Please, Take Care of Him...
The Lakhan
Those Days...
First Love Never Die
The Calm After the Storm
Longing for Love
Paano Ba Maging Isang Manunulat?
Gusto kong maging isang Doktor
Chat
Just a dream
Tamed
Dear Mr. Kupido
Unheard
Bakit?
Daring the Devil
Sa Lilim ng Saksing Puno
Unspoken
The Star Gazer Boy
Closure
Blissful Pains
All She Had
The Saviour and the Predator
What Summer Brings
Waking Up
Secret and Lies
Rooftop
black cat
First Anniversary
Withered me
The Art of Making Love
My Key To Survive
Best Man
Thirteen
Attack on Eren
Ang Kwentista
Demonyang Babae
How to Break Them
Flight
Alas Tres
Field Trip
Love Race
Swimming is Fun
Memento Mori
Dama De Noche
Ikaw Parin
Anew
Painful Vacation
Munting Tinig
Wake Up No More
The Vast Bird Bath
Ang Sepulturero
Consequence of Loving Him
Litrato
Wild Awake
Kung Sana
Oras Na
World of Chances
The End
Georgina
Sa Pag-uwi ni Kuya
Playlist
Erlking
Naupos na Boses
Kung Kailan
Of The Beast And The Flyings
PAINT MY HEARTACHE
Morose Ecstacy
Berto
Hummingbird Heartbeat
Tunog ng Dagat
Pangitain
Ang Alamat ng Ulan
last piece for tonight's feast
Mamatay Ka Na Sana
I love you, Goodbye
Melba and Her Happily Ever After
Transparent
Lianna
Broken
Pag-iral
Love and Sacrifice

Surpresa ng Maynila

121 4 0
By DiabolicalWriters

Genre: General Fiction


Sa kalagitnaan ng tag-init ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nagmamadaling lumabas si Samantha para kunin ang kaniyang mga damit na nakasampay sa kanilang bakuran. Hindi alintala sa kaniyang mabasa basta lamang ay makuha ang kaniyang mga damit, Sayang nga naman ang sabon na ginamit niya rito kung mababasa lang din naman ng ulan at malamang kung mangyari iyon ay mangangamoy kulob ito kinabukasan.

Nangangatog itong pumasok ng kanilang tahanan at itinabi ang mga damit na kaniyang iniligtas mula sa ulan.

"Nako anak basang basa ka! Hala sige maligo ka na doon at baka ika'y magkasakit pa." sabi ng kaniyang Nanay Ising

Nagtungo na si Samantha sa kanilang baro-barong banyo na sementado lamang ang sahig, kapos pa ang pader at tanging tela lamang ang nagsisilbing pinto nito

Hindi naman malaking problema ito sa dalaga sapagkat silang dalawa lang namang magina ang nakatira sa bahay. Samantalang ang kaniyang ama'y hindi kailanman niyang nakita. Ang bahay na kanilang tinutuluyan ay minana lamang ng kaniyang ina mula sa mga magulang nito kaya mapapansing luma na ang bahay at ang ibang parte nito'y inaanay na rin, wala naman silang magagawa kundi pagtiyagaan na lamang ito dahil kapos palad lamang naman sila.

Matapos maligo ng dalaga ay niyaya na siya ng ina kumain ng hapunan.

'Tuyo't itlog na naman ang nakahain sa hapagkainan' sa isip isip ng dalaga

Ilang beses na nga ba nila itong ulam? Mas maigi na nga ito kaysa sa talbos o minsan ay kamote lamang. Ayos lang naman sa dalaga kahit pa paulit-ulit pa nila itong ulam ngunit ngayon ang mas ikinasasama ng loob niya ay ang pagsabi sa kaniya ng ina na hindi na siya makakapag-aral pa ng kolehiyo sa susunod na pasukan. Hanggang highschool lamang daw ang kaya nito.

"Pasensiya ka na anak." Sabi pa nito at hinawakan ang kamay ng anak

Tuluyan nang bumuhos ang luhang kanina niya pa ikinukubli. Pangarap pa man din niyang maging isang titser subali't ngayon ay mukhang malabo na ito mangyari.

Matapos nilang kumain ay hinugasan kaagad ni Samantha ang mga pinggan at natulog na mabigat ang dibdib.

Kinabukasan ay nagpunta si Samantha sa bahay ng kaniyang kaibigang si Bengkoy. Bernado naman talaga ang pangalan ng kaibigan sadyang natutuwa lang ang dalaga kung Bengkoy ang tawag niya rito.

"Ano naman yang ikinalulungkot mo diyan Samantha?" tanong ni Bengkoy

"Bengkoy, mukhang ikaw na lamang kasi ang makakatupad ng pangarap nating makapunta sa Maynila."

Nagsimula na namang mamuo ang luha sa mga mata ng dalaga.

"Hindi na raw ako mapag-aaral ni ina, Alam ko namang hindi sapat ang kaniyang kinikita sa pagtitinda ng mga kutsinta't bibingka."

Nalungkot naman ang binata sa sinabi ni Samantha. Bata pa lamang silang dalawa ay pinangako na nila sa isa't isa na sabay silang aapak sa semantadong daan ng ka-maynilaan. Malaki nga naman kasi ang gastos kung pag-aaralin ng kolehiyo si Samantha dahil wala namang ubersidad na mapagaaralan doon sa kanilang probinsya na matatagpuan sa bulubundikin ng Coldillera. Gusto sana ng dalaga na sa Maynila magaral kasama si Bengkoy dati kasi ay meron silang kapit-bahay na doon nag-aral at ngayo'y matagumpay na doctor.

"Ikaw Bengkoy, tutuloy ka pa ba ng Maynila?" tanong ni Samantha

"Ah-eh, oo. Nagpadala ng sulat sa amang sa akin kahapon at sabi niya na doon na daw kami manirahan sa Maynila nila inay at Benjo para may kasama ako habang ako'y nag-aaral sa doon"

Malamang nga ay kakayanin ng pamilya ni Bengkoy na manirahan sa Maynila. Nagta-trabaho kasi sa barko ang ama nito na lumilibot pa raw sa mga karatig bansa ng Pilipinas.

"Mukhang mapagiiwanan na ako dito sa bundok ah." pabirong sabi ng dalaga

"Pag ako'y naging matagumpay na arkitekto ay pangako ko sayong susunduin kita dito." Nakangiting sabi ni Bengkoy

Hindi man sabihin ni Bengkoy ay alam ni Samantha na may pag tingin sa kaniya ang binata, at ganoon rin naman ang kaniyang nararamdaman para dito.

"Hintayin mo ako dito Samantha"

Isang linggo matapos mag pangako-an sa isa't-isa ay umalis na ang buong pamilya ni Bengkoy patungong Maynila

Nagdaan ang ilang araw, linggo, buwan at taon ay walang Bengkoy na nagpakita, ngunit hindi pa rin nawawalan ng tiwala si Samantha na babalik ang kaniyang kaibigan.

Sapagka't limang taon na ang nakalipas ngunit ni minsan ay walang Bengkoy na bumisita man lang. Nagsumikap si Samantha, tuwing umaga'y nagtrabaho sa sakahan ni Aling Tonya at tuwing hapon nama'y nagtitinda pa ng bibingkang gawa ng kaniyang ina makaipon lamang ng pera para lamang makapunta at manirahan sa Maynila.

Labag man sa kalooban ng kaniyang ina na siya'y lumuwas pa-Maynila ay wala na siyang magagawa dahil buo na ang desisyon ng dalaga. Gusto sanang isama ni Samantha ang ina ngunit ayaw rin naman nito dahil may inaabangan din naman daw ang matanda. Inaabangan nito ang ama ni Samantha at baka daw ito'y magbalik sa kanilang tahanan.

Tumuloy na ang dalaga sa pagluwas sa Maynila dala-dala lamang ang iilang damit, pera at kapirasong papel na laman ang address ng kaibigang si Bengkoy, hiningi pa nga niya ito sa kamag-anak ng kaibigan noong nakaraang araw.

Nang makarating siya ng Maynila ay hindi pa siya makapaniwalang nakatapak na din siya sa lugar kung saan pinangako nilang magkaibigan na sabay nilang pupuntahan ang nakakalungkot lang ay ngayon siya lang ang magisang lilibot doon. Nakanda-wala wala pa ang dalaga makapunta lamang sa bahay ng kaniyang kaibigang si Bengkoy mabuti na lamang ay may isang matanda lalaki ang nag bukas loob na tumulong sa kaniya.

Nakapag kwentuhan pa ang dalawa habang nasa daan. Naikwento ng matanda na galing lang din daw ito sa probinsya at hindi na muling nakabalik doon dalawang dekada na din ang nakalilipas.

"Mang Estor, maraming salamat ho ah" sabi ni Samantha nang makarating na sila sa nais puntahan

"Walang anuman iha" sabi pa ng matanda

Akmang tatalikuran na ni Samantha ang matanda nang nag habol pa itong mag tanong

"Saan ka nga pala galing iha?" tanong pa nito

"Sa Apao,Abra" tugon ng dalaga

Napatango na lamang ang matanda at nagsimula nang magkalad palayo. Si Samantha nama'y pumunta na sa tapat ng bahay ng kaibigang si Bengkoy at nag aalangan na kumatok dito.

Malaki ang bahay kung titignan ito at halata pang gawa sa matitibay na materyales at sementado pa ito. Mukhang nakaangat na sa buhay ang kaibigan. Maya- maya pa ay lumubas ang isang matipunong lalaki na nakabihis pang mayaman. Ramdam ni Samantha na ito ang kaibigang si Bengkoy.

Wala pa ring pinagbago ang kaibigan ganoon pa rin ito kaguwapo katulad noon.

Akmang lalapit na sana si Samantha nang may nakita siyang magandang babaeng lumabas din mula sa bahay na iyon lumapit ang babae at nagiwan ng isang matamis na halik sa pisngi ni Bengkoy.

Nakita pa ni Samantha na napangiti ang kaibigan as ginawa ng babae.

"Daddy! Daddy!" sabi ng isang bata na lumapit kay Bengkoy. Agad namang binuhat ni Bengkoy ang bata at pinasan pa ito sa likod niya.

Napaluha na lamang ang dalagang si Samantha. Kaya naman pala'y hindi na bumalik ang kaibigan dahil may sarili na itong pamilya. Nagsumikap pa man din siya para lang ito'y makita. Bakit pa nga ba babalik ang kaibigan sa lugar nila kung maganda na ang buhay nito sa Maynila.

Nakapag desisyon ang dalaga na umuwi na lamang pabalik ng kanilang probinsya ano pa nga ba ang gagawin niya doon kung may iba na palang kinakasama ang taong pakay niya.

Si Aling Ising ay lumuwas ng Maynila. Isang buwan na kasi mula noong umalis ang anak niyang dalaga sabi nito sa kaniya ay ilang araw lang ito doon. NGUNIT ISANG BUWAN NA ANG NAGDAAN.

Pumunta ito sa address ni Bengkoy dahil ito lang naman ang taong pakay ni Samantha sa Maynila. Ngunit laking gulat niya nang malamang wala doon at kahit kalian ay hindi nagpunta doon ang dalaga.

"Aling Ising, Sigurado po ba kayo na tama ang nakuhang address ni Samantha?" tanong ni Bengkoy

"Oo Bengkoy, Sigurado ako bigay pa nga iyon ng tiyahin mo" nanginginig na sabi ni Aling Ising

"Ha-hanapin mo ang anak ko Bengkoy"

Hindi nila alam ay naka matiyag sa kanila ang dalaga. Araw-araw itong naka abang sa labas ng bahay ni Bengkoy at naabutan niya namang na andoon ang ina. Ayaw niya naman itong pag alalahanin ngunit ayaw niyang umuwi sa kanilang walang laman ang bulsa kaya naninilbihan ito sa pamilihan ni Mang Estor. Hindi niya inakalang mayaman pala ang matanda dahil wala naman ito sa kaniyang itsura nang una silang magkita.

Nahihiyang lumapit si Samantha kay Bengkoy at kaniyang ina.

"Nay" tawag niya pa

Napalingon si Aling Ising at napaiyak na lamang nang makita ang anak. Nanatiling nakatulala si Bengkoy at pinagmamasdan lamang ang mag-ina

"Anak, bakit hindi ka na umuwi?" umiiyak pang sabi Aling Ising

Pinapasok ni Bengkoy sina Aling Ising at Samantha sa loob ng kaniyang bahay. Dito ay kinwento ni Samantha ang nangyari sa kaniya dito sa Maynila.

"Nay, ipapakilala ko po kayo sa tumulong sa aking si Mang Estor" sabi pa ni Samantha

Nagka-patawaran na din ang magkaibigan dahil sa hindi pag tupad ng pangako ni Bengkoy sa dalaga. Naka buntis pala ito noong siya'y nagaaral pa at natuon lahat ng kaniyang panahon sa sariling pamilya. Kilauna'y umalis na din ang mag-ina at tumungo na sa tinutuluyan ni Samantha sa bahay ni Mang Estor.

Tamang tama ang dating nila at naroon ang matanda.

"Hernesto?" tanong ni Aling Ising nang makita ang matanda

Nanlaki ang mata ni Mang Estor nang makita ang kaniyang dating asawa.

"Bakit hindi ka na bumalik sa Abra?, ang sabi mo'y mag tatrabaho ka lamang dito sa Maynila"

Hindi makapaniwala si Samantha na ama niya pala ang taong tumulong sa kaniya. Kahit na pa malaki ang pagkukulang ng matanda sa kanilang mag-ina ay tinaggap pa din nila ito ng buong puso. Nasaktan man siya nang makita ang kaibigan niyang minsan niyang minahal ay may sariling pamilya na, mas masaya naman siya ngayon na nabuo na ang kaniyang pamilya.

~~~

"Eh paano mo po nakilala si papa?" tanong ng anak ni Samantha na si Aleya na limang taong gulang na

Kasalukuyan kasi niyang kinekwento dito ang kwento ng buhay niya. Napatawa ng marahan si Samantha dahil sa tanong ng bata at mukhang imbis na patulugin ang bata ay mapuyat niya pa. Dahil isang oras niya na ikinekwento dito kung paano siya natutong mangarap, masaktan, mawalan ng pagasa, at natutong umibig ng lubusan.

Continue Reading

You'll Also Like

315K 471 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
4.3M 168K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
7.2M 230K 12
Special chapters/AUs that are written during my Write with Me session in KUMU! Join me for spoilers, polls, and prizes! Kumu: @gwy.saludes
183K 5.8K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West