Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES...

By maritinaajam

559 41 0

SS#2 Lia Amelia Alcazar, a woman who is always confused by things she doesn't understand. Things that confuse... More

PROLOGUE
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FORTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT

CHAPTER FORTY - NINE

5 0 0
By maritinaajam

C-49

A/N: Hi guys! Here's an update for you guys HAHAHAHA surprise :)))


"Babalik ka rin sa 'kin, Lia..."



Nabalik ang atensiyon ko sa kaharap nang marinig ko. Nagsalubong ang kilay ko habang pinagmamasdan ko siya. Nakita ko rin sa aking gilid ang tila pag-iling na lang ni Adriel.



"Alam mo? Kung babalik man ako..." I smiled.  "'Yon ay dahil ipapamukha ko sa 'yo na hindi ikaw ang magiging dahilan para hindi ko mahanap ang lalaking dapat sa 'kin! At Ipapamukha ko rin sa 'yo na ang kagaya mong cheater ay hindi magiging rason para sa pagdudusa ko. I admit, iniyakan kita... but just because ang mga taon na mayroon ako kasama ka, nasayang... na those years, ginagago mo na pala ako nang hindi ko alam!"




"Please, Lia! I know I made a mistake and I'm willing to do whatever you want me to do. Nasasabi mo lang din 'yan kasi galit ka and I totally understand that------"




"Shh, Claude." I cut him off.  "Advance happy father's day to you na lang," nakangiting pagbati ko. Mabilis kong hinila si Adriel na hindi na nililingon pa si Claude kahit pa naririnig ko ang pagtawag niya sa 'kin.


Mabilis na lang akong naglakad habang tahimik lamang si Adriel na sumusunod sa 'kin. Niluwagan ko ang pagkakahawak ko sa kaniya dahil sa napansin kong klaseng higpit ng hawak ko sa kaniya. Gusto ko na lang humingi ng pasensya dahil wala akong kahit na anong reklamong naririnig mula sa kaniya. Alam kong masakit ang pagkakahawak ko kaya nag-guilty tuloy ako.



"Release your frustration, Lia. I won't mind," bigla'ng bulong ni Adriel dahilan upang tumigil kami sa mismong pintuan nila na dapat ay bubuksan ko na.



"Adriel... as what I've said, okay?" Humarap ako sa kaniya. "I won't use you just for my own sake. Sa ginawa at pinamukha sa 'kin ni Claude, enough reason na 'yon para mas makalimutan na siya."


"And as what I've said as well, Lia... I'm willing," seryosong aniya.



Magsasalita pa sana ako ngunit hindi na natuloy nang binuksan na niya ang pintuan papasok sa bahay nila. And as I expected, lahat sila nakatingin sa pagdating namin na may nalilitong itsura dahil na rin siguro sa itsura nitong kasama ko.


"What happened to your face, son?" Nag-aalalang tanong ng mommy niya.


"Nadulas lang po," pagrarason niya. "Anyway, we'll go ahead muna dahil gagamutin pa ni Lia 'tong nasa mukha ko."


Nagugulat man ngunit mabilis akong napatango. Hindi nakaligtas sa 'kin ang mapanuring tingin ni Raylene. Umiwas na lamang ako at pinili na magpaalam sa kanila at muling hinila si Adriel papasok sa kuwarto niya. Hindi ko rin alam kung bakit dire-diretso lang ang paghahanap ko na hindi man lang nagtanong kay Adriel kung nasaan ang kuwarto niya. Basta nang makita ko ang isang pintuan, animong awtomatikong ito ang silid niya.


"Saan nakalagay 'yung mga gamit? Gamutin na natin 'yan..." Inilibot ko ang paningin ko at hindi naman din ako nahirapan sa paghahanap. "Umupo ka na muna d'yan. I'll get the kit muna."



Nang makuha ko na ang kit, nagsimula na mamayani ang katahimikan sa pagitan namin. Sa sobrang tahimik, tanging ang tunog ng mga paghinga lang namin ang naririnig. Bakit naman kasi nakipagsuntukan pa 'to? Tingnan mo tuloy ang nangyari. Grabe at sa harapan ko pa talaga? Paano na lang kung mas malala pa ang makuha niya? Kahit kailan talaga ang iksi ng pasensya niya.



"A-Araaay! Dahan-dahan naman, Lia," nagrereklamong aniya.


"Ay sorry..." Hindi ko napansin na sa sobrang pag-iisip ko, madiin na 'yung pagpahid ko.



"Kung labag sa loob mo ang gamutin ako... puwede ka naman magsabi. Ang sakit kaya!" Aniya na animong batang nagrereklamo. Hindi ko tuloy napigilang pagtaasan siya ng kilay.


"Ay aba! Sino ba kasing nagsabi sa 'yong makipagsuntukan ka? Ayan tuloy napala mo. Tapos magrereklamo ka? Eh malamang masakit talaga..." Dinampian ko muli ang pasa na mayroon siya na ikinareklamo muli niya. "Ano? Sa susunod kasi habaan mo 'yung pasensya mo! Kung hindi ka nakipag-away, hindi mo sana nararanasan lahat 'to!"


Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tila frustated kong tono. Sumama tuloy ang tingin ko nang mapansin ko ang nakatitig na mata ni Adriel. Ano namang iniisip nito?



"A-Anong? Bakit ganiyan ka makatingin---------."



"I'm sorry! Mukhang pinag-alala pa kita," seryosong sabi niya.


Nanlaki naman ang mata ko. "H-Hoy! Anong nag-aalala? Kapal mo ah. Hindi kaya," pagdedeny ko.


Tumango-tango siya. "Okay. Sabi mo eh." Napakunot ang noo ko nang may malungkot na tono ang pagkakasabi niya at bahagya pang yumuko.



"A-Ano---Hoy! Napano ka na d'yan? Angat mo nga mukha mo! Hindi ko magamot..." I held his chin up ngunit ang bwiset, mukhang balak pa akong pahirapan. "Ano ba, Adriel! Parang sira naman oh. Kapag ako nainis, iiwan kita dito't ikaw papagamutin ko sa sarili mo!"


"Go," mahinang sagot niya. "Naiintindihan ko naman kung ayaw mo akong gamutin. Napilitan ka lang kaya ka nandito. Bakit pa nga ba ako aasang mag-aalala ka sa 'kin? Hay Lia! Hindi pa ba ako nasanay?"


Anak ng... Naalog ba ulo nito kaya ganito umasta?  Para siyang ano... para siyang nagpapasuyo. Like what the hell? This is not him ha.


"Alam ko naman na kahit mas malala pa ang abutin ko... syempre hindi ka pa rin mag-aalala. Like sino ba naman ako? Kaya sige na, kaya ko na 'to..." Napataas naman ang kilay ko nang subukan niyang agawin sa 'kin ang bulak ngunit inilayo ko. "Ano ba? Akin na 'yan. Kaya ko naman."


"Malakas ba pagkakasuntok ni Claude kaya ganito ka umasta?" Umangat naman ang tingin niya at sinamaan ako ng tingin. I know you're just playing along, Adriel. Sasabayan kita. "Akala ko pa naman mas malakas naging suntok mo sa kaniya but it turns out-----"



"Bulagta nga 'yung magaling mong ex," bigla'ng aniya sa may pagyayabang na tono.


"Ows? Bakit parang napuruhan ka pa yata? May pa 'Like sino ba naman ako?' ka na ring nalalaman..." Sinubukan kong gayahin ang sinabi niya kanina na mas ikinasama ng tingin niya. "Oh ano? Bakit mo 'ko tinitingnan nang ganiyan? Kasi totoo----"



"Gusto ko lang naman marinig mismo sa bibig mo na kahit papaano, nag-aalala ka sa 'kin," inis na pagrereklamo niya.



Napatigil ako nang bahagya sa mabilis niyang sinabi. Bakit naman umamin agad 'to. Pagtitripan ko pa nga eh.


"But it turns out you're really not------"



"Ano pa't nandito ako kung hindi naman pala ako nag-aalala?" I cut him off. "Hindi mo ba naisip na kung wala akong pake sa 'yo, kanina pa lang mismo bago tayo pumasok, hinayaan na sana kita..." Nakita ko ang bahagyang pag-irap niya na ikinangisi ko nang bahagya. "I'm worried, okay? Hindi man halata pero nag-alala ako sa 'yo."


Mabilis akong napasinghap nang mabilis niyang inilapit ang mukha niya sa 'kin. Mabilis kong iniharang ang kamay ko upang hindi tuluyan maglapit ang mga katawan namin.


"You really made me do that cringe things and words first bago ka umamin ha. Mahirap bang magsabi na lang agad at huwag na ideny?" Tila naiirita niya pang sabi.


Mabilis akong lumayo sa kaniya. "Umamin na ako't lahat-lahat pero nagrereklamo ka pa rin? Inaaning mo ba ako?!"



He slightly chuckled. "Sorry. You're just cute whenever you're annoyed."


Inirapan ko na lang siya at niligpit ang mga ginamit ko. Mukha namang maayos na siya. Napipikon na naman niya ako eh. Nang maibalik ko na ang mga ginamit ko, nakita ko naman si Adriel na nakaharap sa salamin at sinisipat ang sarili.


"That jerk! Ang hina niya sumuntok pero nagkaroon pa rin ako nito?" Tila bulong niya sa kaniyang sarili na ikinatawa ko nang bahagya.



"Kasalanan mo naman. Pinatulan mo pa eh kaya 'yan 'yung inabot mo," paninisi ko na lang sa kaniya.



Masamang tingin na lang ang ipinukol niya sa 'kin bago muling namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin siya tapos sa pagsipat ng mukha niya kaya napagdesisyunan ko na lamang tumayo at lumapit sa pinto para lumabas.



"Gusto mo bang tadtarin ka ng mga tanong sa labas?" Pagbabasag niya sa katahimikan.


Mabilis ko naman binitawan ang door knob at lumayo sa pintuan. Tama nga naman dahil panigurado ako lang at ako ang tatanungin kung bakit pagkabalik namin ni Adriel dito sa loob, may bangas na ito sa mukha.


"Baka kasi hinahanap na ako ni Lea," pagrarason ko na lamang.


"Alam niyang ako ang kasama mo. Pero kung willing ka naman sumagot sa kanila, puwede ka naman na lumabas," prenteng aniya na nakaupo na pala sa kaniyang kama.


Hindi na lang ako sumagot at umupo sa sofa sa loob ng kuwarto niya. May nakita akong t.v kaya mabilis akong pumunta ro'n na hindi na nagpapaalam sa kaniya. Binuksan ko ito at bumungad sa 'kin ang balita tungkol sa pamilyar na babae.



"Teka... 'Di ba ito 'yung..." Napatingin ako kay Adriel na nakatitig na rin pala sa screen ng t.v


"Mukhang pagbabayaran na niya nang matagal ang mga kasalanan niya," seryosong aniya. Nagtataka naman akong ibinalik ang tingin sa harapan. Naramdaman ko naman ang pagtabi niya sa 'kin.


"Celine... just found guilty?" Nalilito kong pagbabasa bago bumaling kay Adriel na seryoso lamang nanonood.



Sa pagmamasid ko ngayon sa mukha ni Adriel, wala akong nababakas na kahit anong emosiyon. Ano ba ang nangyari? Sa ganitong itsura ni Adriel, alam kong ayaw niyang malaman nang kung sinong kasama niya ang totoong naiisip o nararamdaman niya. Ngunit kahit na ganoon, hindi  ko man nakikita ang tunay niyang emosiyon ngunit nararamdaman ko sa kaniya na masaya siya sa napapanood niya.


"She've been committed a lot of crimes..." Nanlaki ang matang napatingin ako kay Adriel. "She's also connected  sa pagkawala noon ni Prince na turns out anak din ni Claireez."


Napatakip ako nang bahagya. "I... don't know what to say..." Tinanggal ko ang pagkakatakip ko sa aking bibig. "Tama ba... 'yung narinig ko?"



Shit! Sabi na nga ba! Akala ko guni-guni ko lang pero may pagkakahawig nga sila ni Claireez! Akala ko nagkataon lang since base sa nalalaman ko, si Claireez ang nag-aalaga sa bata. Well, I didn't get the chance to see the kid pa pero nakita ko naman si Prince sa picture. Pinakita sa 'kin ni Claireez 'yon during her birthday celebration.


"She deserve what she's experiencing right now..." Nakita kong napayuko ito. "Ang dami niyang dinamay na inosenteng tao para lang sa kagustuhan niyang gumanti.."



"She's your ex girlfriend, right?" Wala sa sariling tanong ko na dahilan upang iangat niya ang kaniyang tingin sa 'kin. "I mean... How are you? Knowing na 'yung taong 'yon, minsan mo na rin minahal."



Nagulat na lang ako nang marinig ko ang tila mahinang tawa niya na mababakasan at mararamdaman mo ang lungkot. Bakit habang pinagmamasdan ko siya'y pakiramdam ko na hindi pa rin siya nakakamove on? Bakit sa nakikita ko, iba ang sakit na nararamdaman niya ngayon?


"To answer that question? Honestly, I don't know what would I feel towards her." Tumingin siya sa harapan. "I genuinely loved her, Lia, I really do... but it turns out that I was just part of her plan too."



Wala sa sarili rin akong napatingin at pinakatitigan ang maamong mukha ng ex ni Adriel. Sa nakikita ko sa kaniya, hindi ko nakikitaan ang mukha niya na nagsisisi siya. Pakiramdam ko, hindi siya nakokonsensya o nag-guilty sa nangyari na dahilan kung bakit nakakaramdam ako ng inis ngayon. She may have  reasons pero hindi dapat siya dumating sa punto na gagamit siya ng ibang tao at mandadamay para sa sariling interes. Now that I'm watching her right now, nasa isip ko na she really deserves what she's experiencing now. Mabulok sana siya sa kulungan.


"Bakit mo pinatay?" Narinig kong tanong na ikinagulat ko bago napatingin sa remote na hawak ko na pala. "What are you thinking?"


"I-Im so....Eh kasi naman! Nakakainis siyang tingnan knowing na halata sa mukha niya na wala siyang pinagsisihan sa mga ginawa niya. Ang sama niya pala talaga na pati ikaw, dinamay niya pa at pati na rin sila Claireez lalo na 'yung bata! At anong naisip niya't sinaktan ka niya? Naku ang ganda nga niyang babae pero ang tanga magdesisyon sa buhay. Sinaktan niya lang 'yung taong nagmamahal sa kaniya. Eh ako nga oh, nagmahal ako pero naloko pa rin ako ng mga bwiset. Nakakagigil!" Napapadiyak na lamang ako sa inis.


"H-Hey! Calm down, Lia..." Hinihingal akong napatingin sa kaniya. "You don't have to get mad kasi okay na rin naman ako. Nakamove on na ako, matagal na... and I hope, you will too."


I'm happy to know that ngunit napairap na lamang ako nang may maalala ako tungkol sa kaniya. Naalala ko bigla 'yung mga naririnig ko tungkol sa kaniya.



"Psh! If I know, Adriel... Maraming babae ang naging ways mo para makamove on." Tumayo ako sa sofa bago siya pinakatitigan na naka-angat ang tingin sa 'kin. "Don't deny it, Adriel. Mapupunta sa hell ang sinungaling."



"Hoy hindi ah," mabilis na aniya. "Hindi ko alam kung bakit pati sa 'yo, nakaabot 'yang ganiyang tsimis tungkol sa 'kin. Basta malinis konsensya ko, Lia."



Umangat naman ang isang kilay ko. "Oh? Ba't deffensive ka? Kung hindi naman pala totoo then there's nothing to be explain of.."


"There is, Lia..." Dahan-dahan siyang tumayo hanggang sa magpantay na ang aming tingin. "Inaamin k------"


"Oh see? Umamin ka pa." I cut him off.


"What if patapusin mo muna ako?" Napairap na lang ako sa kawalan. "Oo nga't may katotohanan din naman 'yung iba sa mga nasagap mong balita. I've dated so many girls before... hindi ko na madedeny 'yon."



Iniharap ko ang aking palad sa kaniya. "Ops! Tama na pagpapaliwanag. Umamin ka na rin naman so bakit ka pa magpapaliwana-----"



"Hindi ko gawain ang pagsabayin ang mga babae at mas lalong hindi lang 'yon for fun lang..." Dahan-dahan kong naramdaman ang paghawak niya sa aking kamay. "At para rin sa ikakalinis din ng pangalan ko... mas lalong hindi ako nang-iiwan, okay? Ako pa nga ang iniiwan at si Celine ang isa sa magpapatunay."



Napabuntong-hininga na lang ako sa narinig bago ko sinusubukang bawiin ang kamay kong mukhang walang balak niyang bitawan. Ano namang trip nitong tao na 'to? Oo na nga 'di ba? Hindi na siya babaero. Nagbigay pa siya example eh.



"May gusto ka pa bang malaman? Hmm? Lia?" Aniya sa tila nanlalambing na tono. What the fuck?



"Tsh! Bitawan mo na kamay ko. Naniniwala na ako," tila napipilitang sabi ko pa




Muli kong pinilit bawiin ang kamay kong hawak niya ngunit hindi pa rin niya binibitawan instead... inilagay niya ang kamay ko at ipinulupot niya ito sa kaniyang braso.



"Ano namang trip mo?" Irita kong tanong.



Don't tell me na lalabas kami na ganito? No way! Ano na lang iisipin nila? Ano ba kasing trip nitong tao na 'to't ayaw bitawan 'yung kamay ko? Kung alam ko lang na ganito, dapat hindi ko na lang inopen 'yung topic na 'yon.




"Isa rin sa dahilan kung bakit sinubukan kong makipagkilala sa ibang babae ay para mahanap ko rin 'yung tamang tao," dugtong na aniya.



Kumunot naman ang noo ko. "Oh tapos? Anong connect kung bakit hanggang ngayon, hawak mo pa rin kamay ko?"



Ngunit imbis sagutin ako'y dahan-dahan na lang niya akong hinila papunta sa pinto ng kuwarto niya. Napailing na lang ako sa kadahilang wala na rin naman ako magagawa lalo na't mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay kahit pa nakapulupot naman na ang kamay ko sa braso niya.



"I think this is the right time that I've been waiting for," bigla'ng aniya.



"Huh? Bakit? Ano bang hinihintay mo?" Nalilito kong tanong.


Naningkit ang dalawa kong mata nang makita ko ang sinserong ngiti mula sa kaniyang labi. Sinserong ngiti na hindi ko inaasahang masisilayan ko. Kanina lamang ay mabigat ang naging pag-uusap namin ngunit ngayon, tila ba na parang gumaan bigla ang aura na ibinibigay niya.



"Huy! Napaano ka? Anong trip mo't nakangiti ka naman d'yan? Ano bang hinihintay mo?" Nalilito ko na talagang tanong.



"Ikaw," sinserong aniya.



Nangunot ang noo ko nang pansamantala niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa kaniyang braso bago siya nakangiting humarap sa 'kin. Ako? Bakit nadamay naman ako?



"Akala mo ba'y susundin ko ang sinabi mo?" Mas kumunot ang noo ko sa narinig ko. "Gamitin mo man ako o hindi, ako pa rin ang magiging dahilan para mas makalimutan mo ang walang kuwentang lalaki na 'yon."



"Adriel..." Napabuntong-hininga ako. "I made myself clear naman na 'di ba? Na using others would never be part of my option."



"I know but as what I've said, I'm willing," pagpupumilit na aniya.



"Ayon na nga, Adriel. You're damn willing at 'yon ang ayaw at ikinaiinis ko..." Bakit ba hindi na lang siya sumang-ayon sa gusto ko? "Ayokong gamitin ka. Hindi mo deserve na gamitin. Huwag mo na akong pilitin na pumayag sa gusto mo dahil sa ginagawa mo, para mo na rin akong iginagaya sa ex mo."


Bahagya naman siyang nanahimik. Natigilan siya nang bahagya na animong ngayon niya lang yata narealize ang gusto niyang mangyari. Dahil kung ipipilit niya ang gusto niya, ano na lang ipinagkaiba ko sa ex niya? And to think of it, mas naiirita ako lalo sa gusto at  mismong sa kaniya



Napakunot ang noo ko nang makita ko ang bigla'ng pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi. Ano na bang nangyayari sa taong 'to? Pabago-bago naman yata siya ng mood? Naiinis ako rito pero ang bwiset, nginitian lang ako.



"I'm sorry if I made you think that way..." Bahagya niyang hinawi ang hibla ng buhok ko. "Ngunit hindi ka magiging siya, Lia... Iba siya at mas lalong iba ka. Alam ko naman 'yon.



"'Yon naman pala't nagkakaintindihan tayo------"



"You're different, Lia," he suddenly said.
He stopped for a bit..


"Different that I could willing to handle everything kung ikaw din naman ang nag-iisang dahilan," he seriously said.


✓Vote
✓Comment
✓Thank you!
✓See you sa next update!

















Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...