Forgotten Seal Of Promises

Da marisswrites

4.7K 387 6

|| fourth installment of "habit series" || Constantine Dominguez failed his qualifying exam in a course that... Altro

Forgotten Seal Of Promises
Introduction
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 59
Chapter 60
Finale

Chapter 58

42 2 0
Da marisswrites

   

Tulad ng sinabi ni Crissa, sinihatid ko na muna siya sa condo niya bago kami dumeretso ni Jo sa restaurant kung saan may naka-reserve na table para sa aming dalawa. Nag-order kaming dalawa ng dinner meal habang nagkukwentuhan tungkol sa sarili naming mga buhay.

"Pasensiya na kay Crissa, hindi ko naman idea 'to. She just wants me to meet new people since she thought that dwelling on my failed relationship will never do anything good to me," sabi niya pagkarating ng dinner namin.

Tumawa ako nang mahina. "It's okay. Gan'yan talaga si Crissa. Ayaw niya lang na may nagho-hold back sa atin mula sa nakaraan. I understand, though."

She smiled at me. "So, something from the past is holding you back, too? From . . . living normally and happily?" she asked before taking a bite from her steak.

Umiling ako. "She's never left in the past. No one's holding me back from the past. I have always carried her with me up to this day. And I will continue to carry her in the future. So, no. No one's holding me back from the past."

Umawang ang bibig niya bago tumango-tango. "Well, I thought you're like me, too. Na . . . may failed relationship ka rin na hirap maka-get over." She chuckled awakwardly before sipping from her iced tea.

Umiling ako bago sumubo ng karne. "Nope. My last relationship was the best. And I am still in a relationship with her. It's just that . . . it's long distance now."

Tumango-tango ulit siya. "Crissa told me that you're single. Maybe she's wrong." She chuckled. "I'm sorry if I got it all wrong. Don't worry, this is just a dinner, right?"

I smiled. "Wala namang mali. Isa pa, idea naman lahat ni Crissa 'to. She's just too concerned about our wellbeing kaya ginagawa niya 'to. It's okay. Aside from that, we can be friends."

She smiled back, slightly chuckling. "Yup. Friends."

She continued asking me things about my relationship with Destinee. Of course, I told her the best memories I had with her. Hindi ko na ikinwento pa ang mga huling nangyari dahil hindi ko naman kwento 'yon para ikwento sa iba. Lahat lang ng may kinalaman sa akin ang mga binanggit ko.

Nang matapos, inihatid ko siya sa bahay niya bago ako nagpaalam na uuwi na rin. We also got each other's number since we decided to be friends. Para rin wala masabi si Crissa.

The following day, masama ang tingin sa akin ni Crissa nang magkita kami sa room dahil magkaklase nga kami. Humalukipkip siya bago lumapit sa akin.

"You lied to her!"

Napakunot-noo ako. "Ano?"

"Sinabi mong in a long distance relationship ka. Gago, ginawa mo pa akong sinungaling, wala ka naman nang girlfriend, apat na taon na, ah?" bulyaw niya.

Nagbuntonghininga ako bago ibinaba ang bag sa upuan saka humarap sa kan'ya. "Hindi ako nagsisinungaling. Hindi kami naghiwalay ni Destinee bago siya umalis. Maayos kaming dalawa noong huling beses na magkita kami no'ng birthday niya kaya hindi ako nagsisinungaling."

Nag-iwas siya ng tingin bago nagbuntonghininga. "Apat na taon na, Constantine. Palayain mo naman ang sarili mo sa nakaraan."

Napalunok ako nang may maramdaman na kung anong masakit sa lalamunan dahil sa sinabi niya. Nagbuntonghininga ako nang tumingin ulit siya sa akin nang masama.

"Hindi na siya babalik. Kung babalik pa siya sa 'yo, noon pa niya dapat ginawa. Kung babalik pa siya . . . nagparamdam sana kaagad siya sa 'yo. Hindi ka niya hahayaang maghintay sa walang kasiguraduhan kung may balak pa siyang magpakita ulit sa 'yo."

Habang sinasabi niya ang mga salitang 'yon, parang paulit-ulit niya rin akong sinasaksak dahil alam ko . . . totoo 'yon. At sa bawat linyang binibitiwan niya, lalong pumupula ang mga mata niya.

"Hayaan mo lang kasi akong maniwala kasi buhay ko 'to—"

"Buhay na tinulungan naming bumangon noon nang matagal na nalugmok sa pag-alis niya. Buhay na ibinangon namin hindi para manatili sa kung saan ka nadapa, Constantine."

Lumunok siya kasabay ng pagpatak ng mga takas na luha. Mabilis niya itong pinunasan bago nagbuntonghininga.

"Alam kong dapat wala na akong pakialam katulad ng iba nating mga kaibigan pero hindi ko kaya na umaasa ka sa wala. Hindi ko kayang pinipigilan mo ang sarili mong gawin ang mga gusto para sumaya dahil lang iniisip mo na any time, babalik din siya para sa 'yo. Constantine, apat na taon, hinayaan ka namin. Sana naman, this time, hayaan mo ang sarili mong sumaya nang totoo . . . nang hindi nakadepende sa taong hindi na nagpaparamdam pa sa 'yo."

Tumalikod siya at nagsimula nang maglakad palayo nang magsalita ako, dahilan para tumigil siya.

"Paano kung hindi pa siya okay? Paano kung hanggang ngayon, gano'n pa rin ang kondisyon niya?"

Lumingon siya sa akin nang nangingilid ulit ang mga luha. "Hindi mo siya kargo. Hindi habang-buhay, maghihintay ka sa taong hindi naman tinutulungan ang sarili para maging maayos. Hindi ikaw ang makakatulong sa kan'ya kung hindi ang sarili niya. Kaya kung sa loob ng apat na taon, hindi pa rin maayos ang lagay niya, sa tingin mo, worth it pa yung paghihintay mo? Hindi niya tinulungan ang sarili niya. Isn't it enough to answer your questions?"

Hindi ako nakasagot.

"I don't want to invalidate her but if I want to feel better, I'll help myself to be better. Napapagod din ang mga tao sa paligid niya. Kaya kung hindi niya tutulungan ang sarili niya, I don't think she's worth it of all the time you waited for her."

Nagbuntonghininga ako dahil alam ko ang mga dahilan kung bakit niya 'to ginagawa.

"And you think I'm worth it?"

Umawang ang bibig niya, halatang hindi inasahan ang sinabi ko.

"You think that after all those years that you've waited for me, sa tingin mo, worth it ako?"

Lumunok siya bago nag-iwas ng tingin.

"I know what you feel, simula pa noon. Hindi naman ako manhid. Nakikita at napapansin ko lahat ng ginagawa mo para sa akin. Alam ko kung bakit ginagawa mo 'yon pero dahil gusto kong manatili ka bilang kaibigan ko lang, hindi ko pinansin. Nagbulag-bulagan ako kasi ayaw kong . . . masaktan ka. Kasi Crissa . . . hindi ko na kayang magmahal ng iba."

Sunod-sunod na gumalawa ng mga balikat niya kasabay ng pag-agos ng mga luha mula sa mga mata niya. Mabuti na lang, iilan pa lang kami sa loob at karamihan pa rito, wala namang pakialam sa amin kaya nakakapag-usap kami nang ganito.

"You never tried so how could you say that you can't?"

"Dahil ayaw ko na. Dahil tapos na akong magmahal ng iba. Subukan ko man, alam kong hindi ko na magagawa. Uuwi at uuwi pa rin ako sa taong . . . minahal ko sa buong buhay ko. Gustuhin ko man na maging ikaw na lang 'yon para mas madali ang buhay ko, hindi ko magawa . . . kasi kaibigan kita. Kasi hanggang doon lang yung kaya ko."

Mas lalong bumuhos ang mga luha niya bago siya tumalikod sa akin at naglakad palayo—palabas ng room. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang panoorin siyang gawin 'yon dahil alam ko . . . nasasaktan siya ngayon . . . dahil sa akin.

___

This chapter has been stucked on my laptop for so many months already, akala ko wala na akong unposted chapters. Mayro'n pa pala. :D


Continua a leggere

Ti piacerร  anche

6.6K 321 68
|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother...
544K 9.3K 27
(๐‹๐”๐‚๐Š๐˜ ๐ƒ๐ฎ๐จ๐ฅ๐จ๐ ๐ฒ ๐๐จ๐จ๐ค ๐Ÿ) Siya si Vanessa Alcantara, ang magiging "Lucky Date" for one day ng super sikat at pinagkakaguluhang pop star...
107K 3.5K 32
Free-spirited, rebellious and slightly bad girl slash cosplayer Princess Leia or Preia meets the neat-freak, all-serious, smart and handsome Lance Au...
629K 15.9K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Aรฑasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...