The Auditions

由 DiabolicalWriters

20.6K 747 221

更多

The Auditions
Buhay ng Patay
Hindi Ko Maintindihan
De 'Ja Vu
Orgmate
Please Stay
Renascence
Sa Jeep
The Game That I Just Played
The Gift
Sacrifice
Please, Take Care of Him...
The Lakhan
Those Days...
First Love Never Die
The Calm After the Storm
Longing for Love
Paano Ba Maging Isang Manunulat?
Gusto kong maging isang Doktor
Chat
Just a dream
Tamed
Dear Mr. Kupido
Unheard
Bakit?
Daring the Devil
Sa Lilim ng Saksing Puno
Unspoken
The Star Gazer Boy
Closure
Blissful Pains
All She Had
The Saviour and the Predator
What Summer Brings
Waking Up
Secret and Lies
black cat
First Anniversary
Withered me
The Art of Making Love
My Key To Survive
Best Man
Thirteen
Attack on Eren
Surpresa ng Maynila
Ang Kwentista
Demonyang Babae
How to Break Them
Flight
Alas Tres
Field Trip
Love Race
Swimming is Fun
Memento Mori
Dama De Noche
Ikaw Parin
Anew
Painful Vacation
Munting Tinig
Wake Up No More
The Vast Bird Bath
Ang Sepulturero
Consequence of Loving Him
Litrato
Wild Awake
Kung Sana
Oras Na
World of Chances
The End
Georgina
Sa Pag-uwi ni Kuya
Playlist
Erlking
Naupos na Boses
Kung Kailan
Of The Beast And The Flyings
PAINT MY HEARTACHE
Morose Ecstacy
Berto
Hummingbird Heartbeat
Tunog ng Dagat
Pangitain
Ang Alamat ng Ulan
last piece for tonight's feast
Mamatay Ka Na Sana
I love you, Goodbye
Melba and Her Happily Ever After
Transparent
Lianna
Broken
Pag-iral
Love and Sacrifice

Rooftop

135 7 2
由 DiabolicalWriters

Genre: Romance


Umupo ako sa gilid ng aking higaan at inabot ang picture frame na nakapatong sa bedside table. Dahan-dahan kong hinaplos ang larawan sa loob ng frame. Larawan ito ng pamilya namin noong maayos pa ang lahat. Noong kakikitaan pa ng sigla't liwanag ang mga mata't ngiti ni mama. Noong siyam na gulang pa lamang ako't punung-puno pa ng pag-asa. Noong nabubuhay pa si Papa.

Labindalawang taon nang nakalipas magmula noong barilin si Papa ng isang 'di kilalang lalaki sa tapat ng bahay namin. Isang normal na araw lang dapat 'yon. Ihahatid niya ako sa paaralan tulad ng nakagawian at aabangan ko naman siya pagkatapos ng klase dahil alam kong susunduin niya ako. Biyernes 'yon ng umaga't nangako pa siyang pupunta kami sa perya kinabukasan kasama si Mama.

Hindi ko sukat-akalaing sa isang kisap ng mata, sa isang putok ng baril ay magtatapos ang buhay ng aking pinakamamahal na ama.

Mahal na mahal ko si Papa. Napakabuti niyang tao. Isang maligayang bati ang inihahandog niya sa bawat taong makakasalubong niya sa aming barangay. Kilala siya ng lahat dahil sa kanyang taglay na kabaitan. Mapagbigay rin siya lalo na sa mga nangangailangan.

Kaya hindi ko lubos mawaring may magtatangkang kumitil sa buhay ni Papa.

Tandang-tanda ko pa noong ipinangako niya sa aking kasabay ko siyang aakyat ng entablado kapag nakapagtapos na ako ng kolehiyo. Isa siyang Engineer kaya naman pinangarap kong maging Architect upang maisakatuparan namin ang dream house namin.

Ngunit isa-isang naglaho na parang apoy na sinabuyan ng tubig ang mga bagay na minsa'y pinangarap naming mag-ama. Noong nawala si Papa, tila halos nawalan na rin ng saysay ang lahat. Ilang gabi akong hindi makatulog at nagpapabalik-balik sa aking isipan ang unti-unting pagbitiw ni Papa sa aking mga kamay nang siya'y barilin. Nawalan ako ng ganang kumain at hindi narin gaanong nakakapasok sa eskwela. Naging matamlay na si Mama't pinagpapalagay nang wala sa katinuan. Araw-araw niyang binabanggit ang pangalan ni Papa habang umiiyak sa lapag ng kanyang silid. Naging madilim ang noo'y maaliwalas na bahay namin. Napabayaan ang buong bahay. Napuno ng mga hikbi't hagulgol at nag-uumapaw ang pagdadalamhati sa tahanan ng mga Fortalejo.

Bawat minuto kong naririnig ang palahaw ni Mama. Tila ako'y unti-unti naring nawawala sa katinuan. Kalunos-lunos ang kalagayan ni Mama kaya mas lalong nadudurog ang puso kong makita siyang nahihirapan at puno ng sakit. Ngunit kailangan kong magpakatatag para kay Mama at para sa kinabukasan namin. Habang ako rin mismo'y nagdadalamhati.

Isang tanghali matapos kong mamalengke't magluto ay nagdiretso ako sa silid ni Mama upang siya'y tawagin nang sabay na kaming mananghalian. Halos panawan ako ng ulirat noong naabutan kong nakahandusay ang aking ina sa kanyang silid katabi ng isang bote ng gamot na halos wala nang laman.

Wala na si Mama. Iniwan na rin ako ni Mama.

Pagod na siguro ang mga mata ko. Wala na halos luhang mailalabas pa ang mga ito. Pinipilit kong magpakatatag ngunit sadyang sinusubukan ako ng kapalaran. Iniisip kong sumunod nalang kay Mama at Papa upang matapos na ang lahat lahat ng sakit na dinarama ko. Nang matapos nang lahat ang problemang dulot ng masalimuot na mundong ito.

Napakaraming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan.

'Bakit kailangang mangyari ito sa buhay ko? Bakit ako nagdurusa? Masama ba akong tao? Anong kamalian ang aking nagawa upang matamasa ko itong patapong buhay na ito? Kung ito lang rin ang pala ang madaratnan ko sa mundong ito ay bakit pa ako inilabas sa sinapupunan ng aking ina?'

Kaya nama'y humantong na ako sa puntong wala na akong nakikita pang ni isang butil ng pag-asa upang mabuhay. Isang beses ay umakyat ako sa rooftop ng aming unibersidad. Walang pag-aalinlangang inakyat ko ang railings nito at handa nang tumalon upang lisanin ang mundong ito. Kung mundo parin ba itong matatawag o impyerno. Napaka-miserable kong tao. Wala narin namang nagmamahal sa'kin. Wala nang halaga ang mga pangarap kong matagal ko nang ibaon sa lupa. Wala narin naman akong kwenta. Baka sa kabilang buhay ay tumiwasay pa ang buhay ko roon. Wala narin siguro sa akin kung impyerno ang madaratnan ko. Ano pa bang ipinagkaiba noon sa buhay ko rito sa mundo?

Isang patak ng luha ang kumawala sa aking mga mata sa mga sandaling akala ko'y huli na, nang biglang may yumakap sa akin patalikod at hinila ako pababa ng railings. Pareho kaming tumilapon sa malamig na sahig ng rooftop.

Wala akong pakialam kung sino man iyong lalaking iyon basta't pinagmumumura ko siya imbes na magpasalamat. Kung siya ang nasa posisyon ko'y malamang mas pipiliin niya naring mamatay kesa mabuhay.

Ngunit hindi ko akalaing magmula ng araw na 'yon ay magsisimula nang lumabas ang araw sa buhay kong binabalot ng kadiliman.

Si Albert Quizon, ang lalaking nagbigay sa akin ng rason upang manatili sa mundong ito kahit gaano ko man gustuhing mawala na lamang. Ang lalaking sumagip sa'kin sa pagkakalunod sa madilim at malalim na karagatan ng kawalan ng pag-asa. Hindi ko akalaing mamahalin niya ako sa kabila ng aking kalungkutan at pagdadalamhati. Ginabayan niya ako't hindi niya nagawang lisanin ang aking tabi kahit na ilang beses ko siyang itinulak palayo. Minahal niya ako kahit sinasabi ko sa kanyang hindi naman ako karapat-dapat sa pagmamahal niya. Na marami pang ibang babae ang nararapat para sa kaniya't hindi ako 'yon. Dahil sino nga ba naman ako? Isa lang akong hamak na babaeng walang ginawa kundi saluhin ang bawat mapapait at masasaklap na problemang binabato ng mundong ito. Ayaw kong pati siya ay madamay sa masalimuot kong buhay.

Naisip kong kalauna'y mapapagod rin siyang intindihin ako't makinig sa walang hanggang pag-iyak ko at pagbuhos sa kanya ng aking mga problema. Akala ko magsasawa rin siyang ipaalala sa aking mahal na mahal niya ako't habang-buhay niya akong aalagaan. Akala ko rin ay mapapagod akong ipagtabuyan siya palayo.

Akala ko lang pala.

...At napakaswerte kong dumating siya sa buhay ko't ipinakita sa akin na palaging may bahaghari gaano man kalakas ang delubyo. Na may pag-asa pa sa buhay, na kaya kong bumangon at mayroong siya na magmamahal sa akin at handang pumigil sa bawat pagkakataong pakiramdam ko'y gusto ko nalang bumalik sa rooftop at ituloy ang balak ko naman talagang gawin. Inalalayan niya ako sa buong taon ko sa kolehiyo hanggang makapagtapos ako at maging ganap na Architect. Siya naman ay Engineer. Totoo pala ang sinasabi nilang "happy ending" at hindi lamang ito sa mga pelikula o libro nangyayari.

Pinahid ko ang mga luha aking mata at pisngi. Huminga ako ng malalim at ibinalik ang picture frame sa dati nitong kinalalagyan.

"Sana masaya na po kayo kung nasaan man kayo, Mama at Papa. Sana rin ay masaya kayo para sa akin."

Tumayo ako sa aking kinauupuan at inihanda na ang sarili para sa ika-limang taong anibersaryo namin ni Albert. Kinuha ko ang kahon na may lamang relo na alam kong matagal niya nang gustong bilhin. Balak ko itong iregalo sa kanya ngayon.

Pinapapunta niya ako sa rooftop kung saan ako nagtangkang magpakamatay. Hindi ko alam kung bakit pero malakas ang kutob kong may kinalaman ito sa anibersaryo namin. Ang ipinagtataka ko lang ay sa dinami-rami ba naman ng lugar ay bakit doon pa? Hindi ba't pinagbawalan niya akong pumunta doon magmula noong araw na nakita niya akong nakapatong sa railings?

Pumara ako ng taxi at ilang minuto lang ay narating ko na rin ang unibersidad namin. Dali-dali akong bumaba at nagtungo sa rooftop.

Nang makarating ako roon ay nadatnan kong nakatalikod sa akin si Albert. Nakatingin siya sa itaas na tila pinagmamasdan ang bughaw na kalangitan. Nakasuot siya ng puting t-shirt at itim na skinny jeans. Ang porma niyang paboritong-paborito ko. Tingin ko kasi'y bagay na bagay ito sa kanya. Napangiti naman ako kaagad at marahang inilagay ang kaunting hibla ng buhok sa aking kaliwang tainga. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kanya upang takpan sana ang kanyang mga mata at sorpresahin.

Ngunit bago pa man ako makalapit ay bigla na siyang nagsalita. Humarap siya sa akin at ikinagulat ko naman ang pagkapula ng kanyang mga mata na halos kagagaling lang sa pag-iyak. Kumirot kaagad ang puso ko. May problema ba siya?

Hahakbang pa sana ako upang lapitan siya ngunit ipinahinto niya ako.

"May problema ka ba?" Nauutal kong tanong sa kanya. Hindi ko maintindihan. Masaya naman kami kahapon lamang. Wala naman akong nababalitaang may masamang nangyari sa kanya o sa pamilya niya.

Umaasa akong lalapit siya't yayakapin ako ngunit parang wala siyang narinig. Lumalakas na ang kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero malakas ang kutob kong hindi maganda ang kahahantungan nito. Base palang sa kanyang kilos ay tila isang panibagong Albert na ang nasa aking harap.

"Mahal kita Althea." Ramdam kong galing sa kaibuturan ng kanyang puso ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig. Ngunit bakit siya umiiyak? At tila parang ayaw tumugon ng aking dila sa kanyang sinabi. Ngayon lang ang unang beses na nasaktan ako sa pagsabi niya sa aking mahal niya ako.

Tumungo siya saglit saka niya iniangat ang kanyang ulo upang harapin ako.

"Mahal kita Althea, ngunit mamahalin mo parin ba ako sa kabila ng katotohanan?" Tumagos sa aking kaluluwa ang kanyang mga titig matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Halatang nagpapakatatag lang siya kahit bakas sa kanyang mukha na kaunting minuto lang ay bibigay na siya.

Nakaawang ang bibig ko. Gusto kong magsalita pero ni isang salita ay walang gustong lumabas sa aking bibig. Pakiramdam ko'y gusto ko nalang takpan ang tainga ko't lumayo na lamang.

"Ang iyong ina, ang tanging babaeng minahal ng lubos ng aking ama." Panimula niya at wala akong nagawa kundi umiling. Bakit niya ito sinasabi sa akin?

"Matalik na magkaibigan ang aking ama at ang iyong ama. Naging tulay siya sa pag-iibigan nina Tatay at ng iyong ina." Pananalaysay niya habang ako ay naguguuhan parin.

"Hanggang isang araw ay ikinagulat na lamang ni Tatay na pinagbubuntis ka na pala ng nanay mo, at si Zandro Fortalejo ang ama." Nangilabot ang aking balat nang makita ko ang matalas na titig sa'kin ni Albert na parang isang bulkang malapit ng sumabog. Kumikirot ang puso ko sa nakikita ko. Unti-unti naring bumabagsak ang mga luha ko.

"Halos mabaliw si Tatay.." Malungkot niyang sabi kasabay ng pagkawala ng mga luhang kanina niya pa pinipigilan. "Nagmahal lang naman kasi siya. Ngunit ano ang kanyang napala? Sakit at pang-gagago ng taong pinagkatiwalaan niya ng lubos at halos pamilya niya naring maituturing."

Napaluhod ako't nagtakip ng tainga. Hindi. Hindi ganoon si Papa. Napakabuti ni Papa. Hindi niya 'yon kayang gawin. Naniniwala ako kay Papa. Sinungaling ka, Albert. Bakit mo ako pinahihirapan ng ganito?

Akala ko ba'y anibersaryo namin ngayon. Bakit humahantong sa ganito ang lahat?

"...kaya nama'y pinatay niya ang iyong ama bilang paghihiganti." Walang patawad niyang sabi ng malinaw at malakas na halatang sinadya upang marinig ko.

Hindi na ako nakapagpigil. Parang balewala na ang limang taong pinagsamahan namin. Ni hindi ko na kilala ang demonyong nasa harap ko ngayon. Dahil sa kanyang ama naging miserable ang buhay ng pamilya namin.

"Isa kang malaking gago, Albert!" Sigaw ko sa kanya matapos dumampi ang mga palad kong nagpupuyos sa galit sa kanyang mukha. Pinaghahampas ko siya sa dibdib at walang patawad na mura ang ibinabato ko sa kanya. Napaka-walanghiya niya at ng kanyang ama.

Hinawakan niya ang magkabila kong kamao at buong pwersang itinulak ito hanggang matumba ako sa mainit na semento ng rooftop.

"Nakonsensiya ang aking ama sa kanyang ginawa kaya nama'y binaril niya na rin ang kanyang sarili dulot ng takot at sakit. Sumabay pa ang pagkawala ng aking inang nagpakamatay dahil mahal parin ni Tatay ang iyong malanding ina kahit sa huling hantungan nito!" Halos lamunin ako ng mga titig ni Albert matapos niyang isigaw sa 'yon sa akin. Kaagad namang napawi ang naglalagablab niyang titig at napalitan ng halakhak.

"Hayop ka, Albert!" Nagpupuyos sa galit kong sigaw sa kanya.

Tatayo na sana ako upang bigwasan siya nang bigla siyang lumuhod siya sa aking tabi at hinaplos ang aking mukha. Bumalik ang matatamis niyang titig at awa sa kanyang mga mata. Ang mga titig na nakapagpatibok ng aking puso. Ang Albert na mahal ko.

"Nakabawi naman ako sa pagkamatay ng aking ina, nang painumin ko ng lason ang iyong ina, mahal kong Althea." Sumilay ang isang mala-demonyong ngiti sa kanyang labi at kaagad na sinunggaban ang aking labi. Isang mapusok at mapangahas na halik na punung-puno ng galit ang aming pinagsaluhan habang walang patawad ang pagdausdos ng mga luha sa aming mga mata. Nang humiwalay siya'y hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi at tinitigan ang aking mga mata. "Mahal mo parin ba ako sa kabila ng katotohanan?" Tanong niya na nakapag-pangiti sa akin.

"Mahal parin kita, Albert." Tugon ko sa kanyang tanong habang pinagmamasdan ang kanyang katawang naliligo sa kanyang sariling dugo, limampung talampakan mula sa rooftop.

"Mahal na mahal."

繼續閱讀

You'll Also Like

1.2M 23.4K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
1.2M 30.5K 64
"Love is like war,easy to begin but very hard to stop." Alastair Gray McKlein- a wealthy young-man guy with an epitome of God except to his personali...
475K 19.6K 58
Nagsimula lahat magbago ang takbo ng buhay ni Sven Samañiego the moment na magpunta sya sa Manila to attend her brother's wedding. How well she'll co...
1.1M 45.9K 39
Head shall bow, knees shall kneel, look into eyes, you shall die! ABSOLUTE adjective ab·so·lute \ˈab-sə-ˌlüt, ˌab-sə-ˈ\ : complete and total : not li...