The Auditions

By DiabolicalWriters

20.6K 747 221

More

The Auditions
Buhay ng Patay
Hindi Ko Maintindihan
De 'Ja Vu
Orgmate
Please Stay
Renascence
Sa Jeep
The Game That I Just Played
The Gift
Sacrifice
Please, Take Care of Him...
The Lakhan
Those Days...
First Love Never Die
The Calm After the Storm
Longing for Love
Paano Ba Maging Isang Manunulat?
Gusto kong maging isang Doktor
Chat
Just a dream
Tamed
Dear Mr. Kupido
Unheard
Bakit?
Daring the Devil
Sa Lilim ng Saksing Puno
Unspoken
The Star Gazer Boy
Closure
All She Had
The Saviour and the Predator
What Summer Brings
Waking Up
Secret and Lies
Rooftop
black cat
First Anniversary
Withered me
The Art of Making Love
My Key To Survive
Best Man
Thirteen
Attack on Eren
Surpresa ng Maynila
Ang Kwentista
Demonyang Babae
How to Break Them
Flight
Alas Tres
Field Trip
Love Race
Swimming is Fun
Memento Mori
Dama De Noche
Ikaw Parin
Anew
Painful Vacation
Munting Tinig
Wake Up No More
The Vast Bird Bath
Ang Sepulturero
Consequence of Loving Him
Litrato
Wild Awake
Kung Sana
Oras Na
World of Chances
The End
Georgina
Sa Pag-uwi ni Kuya
Playlist
Erlking
Naupos na Boses
Kung Kailan
Of The Beast And The Flyings
PAINT MY HEARTACHE
Morose Ecstacy
Berto
Hummingbird Heartbeat
Tunog ng Dagat
Pangitain
Ang Alamat ng Ulan
last piece for tonight's feast
Mamatay Ka Na Sana
I love you, Goodbye
Melba and Her Happily Ever After
Transparent
Lianna
Broken
Pag-iral
Love and Sacrifice

Blissful Pains

149 5 1
By DiabolicalWriters

Genre: General Fiction


Sabi nila, ang araw ng kasal ang pinakamasayang pangyayari na maaring maganap sa tanang buhay ng dalawang taong pinaglapit ng Diyos. Sabay sila haharap sa altar upang tuluyang basbasan ng Diyos ang kanilang pag-iibigan at pagsasama.


Sabi sa akin ng aking ina, para siyang nasa mala-fairy tale na tagpo nang mga panahong niyaya siyang magpakasal ni Papa. Nasa gitna sila ng pamilya ng isa't-isa, tumutugtog ng romantikong musika kasabay nang pagluhod ni Papa sa harap ng pamilya ni Mama, at niyayang magpakasal.


Siguro nga, kinikilig pa rin ako dahil sa mala-fairy tale na kuwento ng mga magulang ko. Kinikilig rin ako sa tuwing nababasa ko ang mga kuwento ng isang mahirap na babae na nagkagusto sa mayamang lalaki na kung saan sa huli, nagkatuluyan sila. O hindi naman kaya, isang playboy/playgirl na nagkagusto sa isang cold na babae/lalaki na nagbago dahil sa pag-ibig sa isa't-isa.


Tama nga siguro sila, masyado akong nagpapaniwala na lahat tayo ay may sariling fairy tale na kuwento. Na lahat ay may happy ending at walang iiyak sa huli.


Pero nakalimutan kong may kasabihan pala na, "You will only truly understand the essence of something unless you have the chance to experience a part or whole of it."

Dahil sa kuwentong ito, hindi ko man maipagmalaki sa lahat na malafairy tale ang buhay ko, ngunit mayroon akong isang bagay na natutuhan na hindi natutuhan sa mga babasahin, hindi nababase sa mga eksperto.....


Kung hindi sa karanasan ko kasama ng taong minsang pinahalagahan ko.


Anim na taon na rin ang nakalipas simula ng maikasal ako sa taong mahal ko. Napakasaya dahil sino ba naman ang taong ayaw maikasal sa taong mahal nila diba?


Nasa third year high school ako nang magtransfer siya mula sa ibang school. Lalaking hindi maikakailang may itsura, matangkad, matalino, may sikat na banda at mabait kaya sino ang hindi mahuhulog sa kaniya. Akala ko kabaduyan iyong sinasabi nilang love at first sight pero nabahag ang dila ko, nang ako mismo ang nakaranas.

Tinanong ko mismo ang sarili ko kung paano ko minahal ang taong hindi ko pa nakakausap kahit isang segundo man lang. Hindi niya nga siguro alam na nag-eexist ang isang tulad ko.


Hanggang sa tumuntong ako sa ikalawang taon ko sa kolehiyo. Akala ko makakalimutan ko na siya dahil baka nagustuhan ko lang siya dahil sa panlabas na anyo, pero sa apat na taon, mas lalong lumalim ang nararamdaman ko sa kaniya

Umiyak ako sa kuwarto ko dahil hanggang ngayon, hindi niya pa rin ako nakikilala kahit man lang sa pangalan. Masakit dahil hanggang sa pagmamasid na lang ako sa kaniya sa malayo. Hindi ko alam kung paano ko ipapakilala ang isang Arianna sa isang taong iniidolo at tinitilian ng karamihan.


"Umiiyak ka nanaman. Dahil nanaman ba sa kaniya?" lumingon ako at nakita kong papalapit sa akin si Papa. Nanatili akong tahimik habang patuloy pa rin sa paglandas ang mga luha mula sa mga mata ko.


Narinig ko siyang bumuntong hininga, "Mahal mo ba talaga siya ng sobra kaya kahit hindi ka niya kilala ay iniiyakan mo pa rin siya." tumango ako ng marahan. Bigla niya akong niyakap ng napakahigpit at sinabing, "Huwag ka ng umiyak, sasaya ka na.... sa piling niya."

Nagising na lang ako nang ikakasal na ako kay Aries, sa taong mahal ko. Hindi ko maikubli ang sayang nararamdaman ko sa mga panahong iyon dahil makakasama ko na siya. Wala na akong pakialam kung bakit kami ikakasal, parang nablangko ang utak ko dahil sa presensiya niya sa harap ng aking pamilya at mga kaibigan.


Alam ko mahal niya ako. Pinapaniwala ko ang sarili ko na hindi niya ako papakasalan kung hindi niya ako mahal dahil isa itong sagradong pag-iisa sa taong nagmamahalan sa isa't-isa.


Parang kahapon lang na umiiyak ako sa harap ni Papa dahil sa pagbabaka-sakaling mapansin niya ako, pero ngayon, handa siyang sumama sa akin para bumuo ng pamilya at magsama habang buhay.


Hindi maipag-kakaila na kabado ako noon na baka umayaw siya pero parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang narinig kong sinambit niya ang 'I do.'

Nakikita ko mula sa labi niya ang ngiti na sumisimbolo na masaya siya sa mga nangyayari ngayon. Hindi man niya ako hinalikan sa labi, ramdam kong magigi kaming masaya.


Pero, mga akala lang pala ang lahat ng iyon. Na akala ko mahal niya talaga ako pero ako itong si tanga, naniwala na pinakasalan niya ako dahil sa pagmamahal, doon ako nagkakamali.


Sa loob ng anim na taon naming pagsasama, para lang akong hangin sa paningin niya. Na hindi niya ako kakausapin kapag hindi ko siya kinakausap. Masakit sa parte ko dahil ramdam kong ayaw niya ito... ayaw niya itong pagsasama naming dalawa. Na nagtitiis lang siya sa akin....

Alam kong pinaki-usapan siya ni Papa na pakasalan ako kapalit ng pagmana niya sa kompanya namin upang pamahalaan. Masakit, dahil napilitan lang pala siya. Pero hindi, hindi ko kaya magreklamo.


Dahil kung nagreklamo ako, baka tuluyan siyang mawala sa akin.

Kaya ginawa ko ang lahat para maging mabuting asawa sa kaniya. Araw-araw ko siyang pinaghahandaan ng pagkain, pinipilian ng susuoting damit at tinutulungang ibsahin ang pagod niya mula sa pagtatrabaho.


"I love you, Aries." paulit-ulit ko sa kaniyang sinasabi. Sa araw-araw na ginawa ng Panginoon, oras-oras kong sinasabi ang pagmamahal ko sa kaniya. Na mahal ko siya kaya pinipilt kong kilalanin pa siya, na darating rin ang panahon na mamahalin niya rin ako.


Binaba niya ang tasa ng kape mula sa kamay niya at nginitian ako ng tipid. "Love you too." at lumabas na siya ng bahay para magtrabaho.


Dapat ba akong matuwa? Dahil sinasagot niya pa rin ako? Pero bakit ang sakit? Parang kumikirot ang puso ko.


Ito kasi ako, si tanga. Umasang mahal niya na rin ako sa loob ng anim na taon. Na masasabi niya na ring mahal niya na ako. Na mayroon ng 'I' sa tuwing isasaad niya rin ang pagmamahal niya sa akin. Parang gusto ko na lang sumuko, dahil marami na akong oras na iginugol para sa kaniya. Na baka sa huli, mapunta lang ang lahat ng ito sa wala.

Hindi. Hindi ako dapat agad na sumuko. Alam kong mamahalin niya rin ako. Kailangan ko lang mas maiparamdam ito sa kaniya.


Kaya gumawa ako ng sorpresa sa kaniya. Tamang-tama, nasa meeting siya ng mga kliyente niya. Sobra ko itong pinaghandaan na kinuntsaba ko pa ang sekretarya niya para tulungan ako sa sorpresa ko sa kaniya.


"Naku maam, sigurado matutuwa nito si Sir. Ang sweet niyo naman pong asawa." napangiti ako sa sinabi ni Ree, ang sekretarya ni Aries. Sana nga magustuhan niya ito, na sana mahalin na niya ako.


Kaya nang buksan niya ang pinto, agad nagsigawan ang mga empleyado niya. "SURPRISE, SIR!" nagulat siya kaya agad akong pumunta sa harapan niya. Kinakabahan man ako, nagsimula na akong kumanta. Sa mga nababasa ko, natutuwa iyong mga lalaking bida kapag kinakantahan sila ng mga babae kaya gusto kong gawin ito sa kaniya at maiparamdam ang pagmamahal ko sa kaniya.


You just know

Sometimes you feel it in your bones

Though we've heard that hearts can still be wrong

Something's telling me that you're the o-


"GET BACK TO YOUR DEPARTMENTS NOW!" napatigil ako sa pagkanta ng sumigaw siya ng napakalakas. Nabigla kaming lahat. Agad na umalis ang mga empleyado niya at pinukulan ako ng nakakaawang tingin. Aalis na sana si Ree nang hatakin siya ni Aries.


"Just stay here." tumingin siya sa akin. "What the fuck is this Arianna? Are you making a shit out of my office? And what's with singing in front of my employees? You are just making yourself stupid." binaling niya ang paningin niya kay Ree at nabigla akong hinalikan niya ito... Naghahalikan sila sa mismong harapan ko.


Agad na nagunahan sa pagtulo ang mga luha sa mga mata ko at tumakbo na ako ako paalis sa kompaniya.


Akala ko matutuwa siya. Akala ko magiging masaya rin siya kapag kinantahan ko siya katulad ng mga nangyayari sa mga kuwentong nababasa ko.


Pero nakalimutan ko nanaman.....


Na wala kami sa isang teleserye.....

Na nasa realidad kami, na ang mga bagay na nangyayari sa mga libro at telebisyon ay produkto lamang ng kagustuhan ng mga manunulat sa pangarap nila na mangyari sa kanilang buhay.

Bakit nga ba nagsusulat ang mga tao ng mga magagandang istorya? Bakit ito nagugustuhan ng mga tao?


Dahil sinisimbolo ng bawat istorya ang katauhan o mga karanasan ng mga manunulat sa kani-kanilang buhay. Na ang mga pangyayari sa isang kuwento ay sumasalamin sa pagkatao at mga pangarap niya para sa sarili, sa kaniyang pamilya o sa sangkatauhan.

Hindi ako makapaniwala na hindi pa ako sapat para sa kaniya. Na kahit ginagawa ko naman ang lahat, pinili niya pa ring humanap ng tutugon sa mga pangangailangan niya na hindi ko kayang maibigay sa kaniya.


Patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa may mabunggo ako. "Miss, bakit ka umiiyak. Gusto mong paligayahin kita?" umigting ang takot sa sistema ko. Hindi ko alam ang maaring mangyari sa akin. Lasing siya at alam kong wala siya sa katinuan para pigilang ang sarili niya.


"W-Wag po please." pero parang wala siyang naririnig at bigla akong hinila sa madilim na eskinita. Sa isip ko, dinadalangin ko na sana dumating si Aries para iligtas ako. Kahit na ngayon lang, maramdaman ko ang pagpapahalaga mula sa kaniya kahit ngayong sandali lang.


Pero masikit. Dahil umasa ako sa wala. Pero mas masakit na wala akong kalaban-laban para ipagtanggol ang sarili ko mula sa pananamantala ng taong ito.


"T-Tama na. Maawa ka." hindi ko na mapigilan ang paghikbi ko nang tuluyan niya na akong pagsamantalahan at kunin ang bagay na pinakaiingatan ko. Na ibibigay ko lang sa taong mahal ko... kay Aries.


Bigla na lang siyang umalis pagkatapos niya akong pagsamantalahan. Napayakap na lang ako sa sarili ko at napahagulhol. Ano ba ang ginawa kong masama para parusahan ako ng ganito? Wala naman akong taong sinaktan pero natatakot ako. Natatakot ako kapag nalaman ito ni Aries.

"TANGINA!? Buntis ka!?" umalingawngaw ang boses niya sa kuwarto naming dalawa. Hindi ko na mapigilang mapahikbi. Masakit dahil nagbunga ang pangbababoy sa akin pero hindi ko kayang hind imaging masaya dahil binigyan ako ng Panginoon ng kakampi, ng taong pupunuin ko ng pagmamahal. Pero mas nangingibabaw ang takot, takot kay Aries.


"Malandi kang babae ka!" sinampal niya ako sa kanang pisngi. Napaupo ako dahil sa lakas ng pananampal niya sa akin. Parang tinutusok ng mga karayom ang puso ko dahil sinaktan niya ako... sinaktan ako ng taong pinakamamahal ko. Pero nangangamba ako sa dinadala kong bata, mahalaga pa rin siya sa akin kahit sa mali ang paraan ng pagkabuo niya.


"A-Aries, makinig ka. N-Narape ako! Please, mahal kita." hindi ko mapigilang umiyak. Niyakap ko ang mga binti niya habang lumalandas ang mga luha mula sa mga mata ko. Alam kong malaki itong pagkakamali pero hindi ko kayang iwanan niya ako.


"Tangna lang na buhay 'to! Umalis ka sa harap ko, nakakadiri ka." tinulak niya ako ulit ng malakas. Napahikbi ako dahil hindi niya na ako matatanggap. Na ang tingin niya sa akin, isa akong maduming babae. Na ako na nga ang nagawan ng masama, ako pa iyong pinagbintangan at tinapunan ng masasakit na salita.


Gusto kong magalit.

Gusto kong magalit kay Papa dahil pinilit niyang pakasalan ako ni Aries kahit wala siyang nararamdaman para sa akin. Gusto kong magalit sa ama ng anak ko dahil pinagsamantalahan niya ako na nag-ugat sa pagtakwil sa akin ni Aries. Gusto kong magalit kay Aries dahil hindi niya napapansin ang lahat ng bagay na ginagawa ko para sa kaniya. At gustong-gusto kong magalit sa Diyos dahil sa kaparusahang tinatamasa ko ngayon.


Pero hindi eh. Hindi ko kayang magalit sa kanila. Dahil lahat sila ay may ibinigay sa akin para sumaya ako kahit na may halong sakit.


Kaya bubuhayin ko ang anak ko. Dahil bigay ito sa akin. Na sa kaniya ko ibibigay ang lahat ng pagmamahal at pag-aaruga ko na hindi kailanman nasuklian ng taong pinakamamahal ko.


Pero habang tumatagal, mas lalo akong nawawalan ng pag-asa para ipagpatuloy ang buhay ko.


Araw-araw kong nakikita ang asawa kong may inuuwing babae sa bahay namin. Na hindi na ako nakakatulog sa tabi niya dahil may iba na siyang katabi at pinagkakaabalahan.


Iyong sakit na nararamdaman ko parang hindi na mawawala. Gusto kong magalit sa kaniya , pero tangna lang eh, mahal na mahal ko pa rin siya na kahit mangaliwa siya mananatili akong nasa tabi niya. Na hindi ko kakayanin kung mawala siya sa buhay ko.

Pero hindi mo naman mapipigilan ang tadhana. Na darating rin ang oras na may babawiin siya.

Binisita ko ang puntod niya. Habang papalapit ako sa kaniya, nangingilid nanaman ang luha sa mata ko. Parang nakasanayan ko na ang pag-iyak dahil sa kaniya.


Hinaplos ko ang pinaghihimlayan ng taong minsang minahal ko sa kabila ng hindi niya pagpansin sa nararamdaman ko, na hanggang sa huli niyang hiniga, hindi niya pa rin masuklian ang nararamdaman ko para sa kaniya.


"A-Aries, ni minsan ba minahal mo ako? Kahit katiting lang?" tanong ko sa kaniya habang nakaratay siya sa kama at nakatingin sa kawalan. Binalot kami ng katahimikan na agad naman niyang binasag pagkatapos ng ilang sandal.

"I-I'm sorry Arianna." napahinga ako ng malalim. Masakit pala na maramdaman ko ito sa mga ikinikilos niya, pero mas masakit nang marinig ko mismo sa bibig niya. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"I'm sorry Arianna. I don't deserve your love. Alam kong hindi naman ako magtatagal sa mundong ito dahil sa sakit ko. Pero hindi ko pa rin magawang suklian ang pagmamahal mo. Sorry din dahil nasasaktan kita ng pisikal at harap-harapan dahil ayokong matali ka sa akin habang-buhay. Na baka hindi mo ako makalimutan." hindi ko mapigilang mapaiyak.

"P-Pero, mahal kita. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kung mawala ka." ngumiti siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Tiningnan niya ako sa mata at hinaplos ang tiyan ko.

"Magiging masaya ka. Maging masaya ka para sa anak mo. Thank you sa pagmamahal mo Arianna. Thank you sa lahat ng panahong inalay mo ang pagmamahal mo kahit hindi ko masuklian."

Hindi ko na mapigilang mas lalong humikbi. "Hindi, thank you Aries. Dahil binigyan mo ako ng pagkakataong makasama ka. Tandaan mong mahal na mahal kita." at iyon ang huling pagkakataong nakausap ko pa ang isang Aries Aragon, ang taong una kong pinukulan ng pagmamahal.


Napangiti na lang ako sa mga alaala ng nakaraan. Apat na taon na rin pala ang nakakalipas. Nakakalungkot pa rin na lumisan na siya sa amin. Mahirap ang pinagdaanan ko sa mga panahong iyon pero may isang taong bumuo ulit sa akin.


"M-Mommy! Why are we here?" tanong sa akin ni Alice, ang anak ko.


"Nothing baby, we're just visiting someone." niyakap ko siya ng napakahigpit. "I love you baby."


"I love you too mommy." at hinalikan niya ako sa pisngi.


Magkahawak-kamay kaming umalis sa lugar kung saan inilibing si Aries. Lumingon ulit ako at ngumiti. Siguro nga marami na akong napagdaanan na sakit sa nakaraan pero napalitan ito ng saya... saya kasama ng aking pinakamamahal na anak.


Continue Reading

You'll Also Like

11.3K 811 26
Esmeray is a money-loving woman but hard-working person who have many jobs and barely sleeps. One night after leaving her last job, she got in a car...
160K 2.7K 48
ON-GOING Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid...
1.1M 45.9K 39
Head shall bow, knees shall kneel, look into eyes, you shall die! ABSOLUTE adjective abΒ·soΒ·lute \ˈab-sΙ™-ˌlΓΌt, ˌab-sΙ™-ˈ\ : complete and total : not li...
134K 191 108
This story is not mine credits to the real owner. πŸ”ž