The Auditions

By DiabolicalWriters

20.6K 747 221

More

The Auditions
Buhay ng Patay
Hindi Ko Maintindihan
De 'Ja Vu
Orgmate
Please Stay
Renascence
Sa Jeep
The Game That I Just Played
The Gift
Sacrifice
Please, Take Care of Him...
The Lakhan
Those Days...
First Love Never Die
The Calm After the Storm
Longing for Love
Paano Ba Maging Isang Manunulat?
Gusto kong maging isang Doktor
Chat
Just a dream
Tamed
Dear Mr. Kupido
Unheard
Bakit?
Daring the Devil
Sa Lilim ng Saksing Puno
The Star Gazer Boy
Closure
Blissful Pains
All She Had
The Saviour and the Predator
What Summer Brings
Waking Up
Secret and Lies
Rooftop
black cat
First Anniversary
Withered me
The Art of Making Love
My Key To Survive
Best Man
Thirteen
Attack on Eren
Surpresa ng Maynila
Ang Kwentista
Demonyang Babae
How to Break Them
Flight
Alas Tres
Field Trip
Love Race
Swimming is Fun
Memento Mori
Dama De Noche
Ikaw Parin
Anew
Painful Vacation
Munting Tinig
Wake Up No More
The Vast Bird Bath
Ang Sepulturero
Consequence of Loving Him
Litrato
Wild Awake
Kung Sana
Oras Na
World of Chances
The End
Georgina
Sa Pag-uwi ni Kuya
Playlist
Erlking
Naupos na Boses
Kung Kailan
Of The Beast And The Flyings
PAINT MY HEARTACHE
Morose Ecstacy
Berto
Hummingbird Heartbeat
Tunog ng Dagat
Pangitain
Ang Alamat ng Ulan
last piece for tonight's feast
Mamatay Ka Na Sana
I love you, Goodbye
Melba and Her Happily Ever After
Transparent
Lianna
Broken
Pag-iral
Love and Sacrifice

Unspoken

268 17 4
By DiabolicalWriters

Genre: Non Fiction


Kailan lang nang mapanood ko ang pambatang super hero movie na isinalang ng pinsan ko sa dvd. Nakitambay kasi ko sa bahay nila para mag-alis ng badtrip. Hindi ko na maalala kung anong nangyari sa bida. Basta ang tumatak lang sakin e may isang anak na nagseselos sa kapatid niya. Sa kasaklapan pa ng buhay niya, nalaman pa niyang ampon siya. Tulad ng mga nakasanayan sa kwento, ang ampon magtatampo, magseself pity at manunumbat imbis na magpasalamat sa pagkupkop sa kanya.

"Ang bobo naman niyan! Bakit di na lang siya magpakabait, tutal arogante naman 'yung tunay na anak. E di sana sa kanya binigay yung trono! Bobo,"

"Kuya, wag ka ngang maingay," reklamo ng pinsan kong nagpapauto sa pinanonood.

Kailan lang 'yon. Mga tatlong araw bago ako naglayas ng bahay. Sa lahat ba naman ng kaparehong sitwasyon pwede kong maisip, yun pang nasa movie. Tang ina! Sa tinagal ko sa bahay na 'yon, bakit di ko nalamang ampon ako?

"Hello, Donna gising ka na? Papunta ako dyan," sabi ko sabay baba sa linya.

Di ko na hinintay ang sagot niya. Okay ng malaman kong gising na siya. Atleast na-inform ko siyang papunta ako sa apartment niya, gustuhin man niya o hindi.

Sakay ng motor, wala akong ibang dala kundi ang sling bag ko na ang tanging laman ay pera, cell phone, I.D at panyo. Hindi ako nag-empake ng mga damit. Gawain lang 'yon ng mga nagpapapigil. Kung ginawa ko yun nagkaroon pa sana sila ng chance na itago ang susi ng motor ko. Ayokong sumakay ng dyip na may dalang malaking bagahe.

Bumusina ako ng ilang segundo bago bumaba sa motor. Saglit lang ay dumungaw na si Donna sa pinto. Pumasok ako, diretso sa kwarto niya. Nahiga ako at pumikit na parang ako ang nakatira sa bahay.

"Sino na namang kaaway mo?" narinig kong tanong niya.

Wala akong planong maglabas ng sama ng loob. Gusto ko lang magpahinga at makatakas sa buhay kahit saglit lang. Inayos ko ang sarili sa mas komportableng posisyon. Sana makatulog ako at hindi na magising.

Hindi ko na narinig mang-usisa si Donna. Ang tanging kumukulit sa tainga ko ay ang maliliit niyang pagkilos. Ano kayang ginagawa niya at himalang walang kasunod na pagmumura ang tanong niya.

"Magbihis ka, wala ako sa mood."

Panty na lang ang suot niya pagdilat ko. Ano bang akala nito sakin? Hindi naman ako nagpupunta rito para lang tirahin siya.

"E anong ginagawa mo dito?!" Ang bilis talagang mapikon.

Hindi uli ako sumagot. Gusto ko rin namang ikwento sa kanya, tinatamad lang talaga ko. Ewan ko ba. May mga pagkakataong kinakatamaran kong magsalita. Kung sa bagay, hindi naman ako masalitang tao talaga. Madaldal ako sa isip. Kapag nilabas ko yun, paniguradong delikado at masusugatan kung sino mang makakarinig.

"Putang ina mo Sam, kung nakapatay ka wag ka dito sa bahay ko magtago,"

Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya.

"Gago lang ako. Hindi kriminal," sumagot na ko. Pabonus dahil napatawa niya ko.

Bakit ba ganito magmura ang tao? Laging patungkol sa ina. Siguro dahil sa pagitan ng mga magulang, ang nanay ang mas matimbang sa puso ng anak. Oo, dalawa ang nagpapakasarap sa paggawa, pero ang magdadala ng produkto ng siyam na buwan at halos mamatay sa panganganak, ang ina lang ang may pasan. Konektado na ang anak sa ina dahil doon siya galing. Kaya kapag narinig mo ang sinuman na tinawag ang ina mo na puta dahil nagawa ka niya, paniguradong ikapuputok ng litid mo. Pero bakit ganito na tumanggap ng mura ang tao? Bakit gano'n na lang kung makapagmura? Masaya't galit laging naka 'tang ina.

Sa kaso ko ngayon, walang problema kung pudpurin ako ni Donna ng kakaputa niya sa nanay ko. Malay ko ba kung sinong nagluwal sakin? Baka nga gano'n siya e. Matapos magpakasaya sa kama, buuhin ako at ilabas sa mundo, sa kalong ng ibang babae pala ako balak palakihin.

"O siya, pasok na ko? Bahala ka na dito. Wala akong pagkain dyan, mamili ka na lang," narinig kong pagpapaalam ni Donna. Di pa rin kasi ako kumikibo.

Naramdaman ko ang paghalik niya sa labi ko bago niya tuluyang gawing payapa ang paligid. Napakatahimik na at mga iniisip ko lang ang tanging naririnig kong nag-iingay. Hindi rin pala maganda ang ginugusto kong laging mag-isa. Kung ano anong naiisip ko. Wala akong katulong himayin ito kundi sarili ko. Walang ibang magsasabi kung tama o mali. Walang kokontra kung maisipan kong pumatay. Walang magliligtas kung gusto ko ng magpakamatay.

Ito na nga bang sinasabi ko e. Nagiging madrama at seryoso ako pagnag-iisa. Nakakatawa kasi! Kahit pa gustuhin kong seryosohin ang buhay ko, lalo pang naging joke. Hindi ako sinungaling na tao pero ang pagkatao ko ay isang kasinungalingan pala.

Isang umagang magiging madrama. Medyo maaga akong nagising kahit na madaling araw na ko nakauwi. Lasing pa nga ako no'n. Sadyang hindi ako pinatulog ng katotohanang nalaman ko. Paglabas ko ng kwarto, nagsisipag-almusal na sila sa kusina. Si Mama, si Papa, si Sarah, ang anak niyang si Tommy, at ang pesteng si Santi. Nakakatawa. Family in one picture na sila, sana bago ako lumabas pinatapos ko muna silang kumain. Kailangan ko tuloy sumingit.

"Saan ka galing Samuel? Inumaga ka na daw ng uwi kanina," matapang ang pagkakatanong ni papa. Normal niya 'yon. Akala mo laging galit. Kaya kung hindi ka sanay, masisira na agad umpisa ng araw mo.

Dumiretso ako sa may lababo para magtimpla ng kape. Inalala ko ang pag-uwi ko ng umaga. Sino kayang nagsumbong? Hinahalo ko na yung kape nang bumungad si Santi sa tabi ko. Speaking of, sino pa ba? Bigla niyang inilapit yung mukha niya sakin sabay layo. Sa lahat ng tao dito, siya talaga yung gago. Pumapangalawa lang ako. Nilagay niya sa lababo yung pinagkainan niya. Akala ko tapos na siya magpapansin.

"Pa, amoy alak si kuya."

Hindi pa pala.

"Uminom ka?" tanong uli ni papa.

Naupo ako sa tabi ni mama bago sumagot. Wala namang kaso kung uminom ako. Ang ayaw nila papa, yung wala akong pasabi.

"Napasarap po e," pero kulang pa. Hindi ko pa makalimutan yung nalaman ko e.

"Di ka man lang nagtext anak. Nakainom ka tapos nagmaneho ka?" Si Mama. Kabaliktaran siya ni Papa kung magsalita. Parang hindi nagagalit sa sobrang kalma.

"Di naman ako naglasing,"

"Kaya pala nagising ako kanina kasi may suka ng suka," ang entrada uli ng maepal.

Hindi ko siya pinansin ni ang tignan. Hindi ako nabubwisit sa kanya. Pareho kaming gago, pero kung may natitirang bait saming dalawa, ako lang ang meron. Ang totoo, maaawa pa ko sa kanya dahil hindi ko maisip kung anong gagawin sa kanya ni papa kapag sinabi ko kung anong narinig at nakita ko pag uwi ko ng madaling araw.

"Anong problema mo?! Hindi ka naman ganyan a. Ano, uuwi ka lang kung anong oras mo gusto?! Ba sabihin mo lang kung gusto mo na lumayas dito, hindi yung ganyang pinag-aalala mo kami ng nanay mo!"

At nagsimula ng lamatan ni papa ang umagang kay ganda. Hinawakan siya ni mama para pakalmahin. Tumayo na si Sarah at dinala ang anak niya. Si Santi, tapos ng kumain pero ang sarap pa rin ng pagkaka-upo. Nagugutom na ko pero hindi ako makaporma ng kain. Yung panenermon ni papa, nagsimula nang idamay pati mga utol ko. Yung 'ikaw' ay naging 'kayo' na.

"Di porke't malalaki na kayo pwede niyo ng gawin ang gusto niyo! Ano, lahat na ba kayo, bastos na talaga?!"

Hindi ako mahilig sumagot kahit gaano pa ko tadtarin ng sermon. Hindi ako palagamit ng po at opo ngunit hindi ibig sabihin no'n ay hindi na ko marunong gumalang. Hinahayaan ko lang si papa, kahit na may sama ako ng loob sa kanya dahil mas pinili niyang pag-aralin yung honor student kong kapatid na hindi rin naman nakapagtapos dahil nabuntis.

"Pa, baka broken hearted si kuya," pang-asar pang ngumiti si Santi sakin bago nagpatuloy, "Iniwan ka na ba nung inangkas mong chiks, ha kuya?"

"Ayus ayusin niyo lang mga buhay niyo! Sabihin mo kung gusto mo ng mag-asawa, hindi yung isang araw bigla ka na lang mag-uuwi dito ng babaeng buntis na!"

Doon na ko tumayo. May mga natapon pang kape sa lakas ng paglapag ko ng tasa. Sa ganoon ako napipikon. Hindi pa nga alam ang rason ng paglalasing ko, nagja-jump na into conclusion. Kung ano ano na lang maisermon na walang basehan kundi sa kabalbalan na kwento ni Santi.

"Tarantado ka Samuel a! Wag mo kong tinatalikuran pag kinakausap kita!"

Doon naman halos pumutok ang litid ni papa. Makipagsabayan ka na ng sigawan sa kanya, basta wag ka lang magwalk out at hahabulin ka talaga niya. Tumayo nga siya at sinundan ako sa sala. Napabalik tuloy si Sarah at Tommy sa kusina.

"Ano ba kasi pa? Naglasing lang ako! Tapos! Ano pang inaano niyo?"

Kakamot kamot pa ko sa ulo. Nakakairita na kasi. Maliit na bagay pinapalaki. Kung tutuusin ako dapat ang nanunumbat dahil sa kasinungalingan nila sakin e.

"E gago ka e! Wala ka ng galang na hayup ka! Nagkatrabaho ka lang, yumabang ka na! Tang ina ka! Kung alam ko lang na lalaki kang ganyan sana.."

"Na sana ano, pa?.." Mahinahon pa rin ako. Gano'n ako kapag gustong makabawi sa kahihiyan.

"Na sana, hindi niyo na ko inampon?"

At ganoon ang naging rebilasyon ko. Naiimagine ko nga ngayon kung anong magandang background music nung sinabi ko yun e. Lahat kasi sila natahimik. Ilang segundo rin ng katahimikan. Lumapit si mama para pigilan ang nasabi ko na. Akala niya nabingi lang siya pero may nagsabi talaga ng lihim nila, at ako yun.

"Sam, ano ba yang sinasabi mo, bata ka. Ano ka ba naman?"

Pasensiya kayo at may mga kamag-anak kayong pulos chismosa. Wala na silang ibang mapagdaldalan kaya ang lihim niyo naman ang hihimayin nila.

Pilit mang bawiin sakin ni mama ang katotohanang nalaman ko, hindi niya na magagawa. Hindi nagcooperate si papa e. Hindi siya tatahimik kung hindi totoo ang sinabi ko.

"Ma, hindi na ko bata. Ang tanda ko na! Bente kwatro na ko, wag na tayong maglokohan dito."

Kaswal lang nang sabihin ko yun. Ayoko nga kasi ng drama. Patunay lang na hindi ko talaga sila kadugo dahil sila talaga ang mahilig sa eksena. For example, nung nabuking si Sarah na buntis na pala siya nang ikatlong taon na niya sa kolehiyo. Panay iyakan pa sila no'n at umabot pa sa puntong hinagis ni papa mga damit niya sa labas. Lumayas na daw siya at wag ng babalik.

"E alam na pala ng lalakeng 'yan kaya ganyan na lang kung magsasagot satin," simula ni papa sa mas mababang tono. Palibhasa may alas ako kaya medyo kumalma.

"Ano ngayon, susumbatan mo kami? Sige sabihin mo na lahat! Sumbatan mo kami ng nanay mo dahil kinupkop ka namin!"

"Sino ba kasing gustong manumbat dito, ha pa?!"

Hindi na ko makatiis no'n. Sabi ko sa sarili lalayas na ko after ko masabi lahat. Damay damay na mga gago dito sa bahay.

"Kayo lang namang 'tong mahilig magsalita e! Naglasing ako dahil sa nalaman ko at umuwi pa rin ako dahil pinili kong kalimutan 'yon! Kaso, e 'to kayo ngayon, na isang pagkakamali lang ang nagawa ko, pati kapalpakan ng mga kapatid ko sakin niyo na isinusumbat!"

Nanlaki ang mga mata ni papa. Nakita ko ang kahihiyan sa mukha niya. Pero dahil sadyang mapride siyang tao, tono ng pagsasalita ko ang higit na napansin niya.

"Tang ina mo! Bastos ka!"

Napatakbo si Sarah mula sa kusina para tulungan si mama sa pagpigil kay papa na sugurin ako. Natakot sila kasi nakakuyom na yung kamao niya at namumutok na sa galit yung mga ugat niya sa leeg.

"Wag kayong mag-alala. Hindi ako nakapag-aral pero hindi ako tutulad sa kanila. Hindi ako tutulad sa iba dyan na desi sais anyos pa lang, nagdadala na ng babae sa kwarto!"

Lahat sila, napalingon kay Santi. Ang gago, hindi malaman kung paano ibabalik ang tingin sa kanya.

"Hindi niyo man ako tunay na anak pero kahit kailan hindi ko kayo binigyan ng kahihiyan."

Yun lang tapos ginawa ko na ang walk out drama ko.

Wala naman talaga akong balak lumayas. Nagpunta lang ako rito kay Donna para magpalamig ng ulo. Kung gusto kong lumayas, sana ginawa ko na noon pa. Regular na ko sa trabaho, may savings at pwedeng pwede ng bumukod. Pero sa kabila ng nakakademonyong ugali ni Santi at pagiging high blood lagi ni papa, pinili kong manatili sa pamilya. Hindi ko magawang umalis dahil anumang tigas ko, nangingibabaw ang pagmamahal para sa kanila.

Wala naman sakin yung mga sigaw at mura ni papa. Kung tutuusin, wala pa 'yon kumpara sa mga inabot na salita ni Sarah noon, at sa araw araw na kabulastugan ni Santi. Oo, aminado ako masama ang loob ko dahil itinago nila sakin ang katotohanan. Pero hindi ako katulad ng karaniwang nasa kwento. Hindi ako ang ampon na manunumbat at maghihiganti dahil lang nalaman niyang hindi siya tunay na anak ng mga taong buong buhay na umaruga sa kanya. Umuwi ako ng umagang 'yon dahil gusto kong maging normal lang ang lahat. Gusto kong uuwi pa rin ako sa pamilyang pinili akong maging bahagi nila.

Nakatulugan ko ang pagiisip. Hapon na pala. Chineck ko ang cell phone ko at baka may nagpapauwi na sakin. 25 Missed calls at sandamakmak na text. Mabuti naman. Gusto ko ng umuwi talaga e. Ayoko lang magkusa dahil ako 'tong naglayas.

KUYA SI MAMA NANDITO SA OSPITAL. INATAKE NA NAMAN.

Sabi ko na nga ba. Si mama lang ang makakapagpauwi sakin. Siya at anumang masamang mangyari sa kanya.

Si papa at Sarah lang ang dinatnan ko sa ospital. Okay na naman si mama kaya't nakahinga ako ng maluwag. Hospital bill at maintenance niya ang pinoproblema ng dalawa kaya kapwa bagsak ang mga mukha nila. Ako naman ang bahala do'n kaya hindi ko na pinoproblema. Ang tanging iniisip ko lang ay kung bakit inatake na naman si mama.

Sino pa bang sisisihin ko kundi ang sarili ko lang. Gusto ko lang makalimot. Akala ko posible. Naging maayos ako pero hindi ako nakalimot. Kundi ba naman ako bobo, mas pinagkatiwalaan ko pa yung alak kaysa matino kong pag-iisip.

"Sam,"

Napaanggat ako ng tingin. Si papa ang tumawag sakin. Gising na daw si mama kaya pinapasok niya ko sa loob. Tinabihan ko si mama. Naupo ako sa gilid ng kama kung saan siya nakahiga. Si mama talaga, kamumulat niya lang mula sa masamang pangyayari, heto't ang aliwalas na agad ng ngiti.

"Tignan mo ang nangyayari kapag may umaalis na anak sa pamilya."

Kumurot sa puso ko ang sinabi ni papa. Hindi niya ko binulyawan. Hindi rin matapang ang tono niya. Alam ko na 'to. Kung anong ingay naming magtalo talo sa bahay, kabaliktaran naman kapag nagkakaayos.

"Marunong naman hong bumalik yung anak," sabi ko.

Walang perpektong magulang. Wala rin namang perpektong anak. At alam ko, sa kabila ng pagkukulang nila sakin, pinalaki nila ko bilang kanila.

Tinapik ako ni papa sa likod. At alam kong sa simpleng ngitian namin, pinatawad na namin ang isa't isa.

Continue Reading

You'll Also Like

91.5K 116 12
This stories are not suitable for young readers.
133K 190 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞
311K 467 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
1.2M 30.5K 64
"Love is like war,easy to begin but very hard to stop." Alastair Gray McKlein- a wealthy young-man guy with an epitome of God except to his personali...