ALIENS AND STARS, LIKE YOU AN...

By ____AinA____

720 2 0

A boy meets someone who can help him to fix his broken heart. Until one time he was going to help her to find... More

INTRODUCTION
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER TITLES
ww

CHAPTER 35

12 0 0
By ____AinA____

Ngayon na ang first day of school, kaya maaga ako nagising. Maaga ako nagluto ng almusal para samin ni Jas pati na din kay Faye pero, natutulog pa siya kasi mamaya pa namang gabi ang pasok niya sa school niya.  Pero ginising ko na din siya dahil may pasok naman siya sa cafe "Faye, gising na, mag bubukas ka pa ng cafe."

 Nag unat ng katawan si Faye at ang sabi "ito naa, babangon naa." Habang si Jas ay kumakain ng almusal ay inaayos ko naman ang bag ko. Tanong ko kay Jas "ayos na ba gamit mo?" 

Sagot niya "opo, ate, baon nalang ang kulang hihi." Sabi ko "oh etong baunan mo may kanin at ulam kana diyan pati na inuman." Sabi ni Jas "salamat ate."

Bumaba na si Faye at humikab na umupo sa lamesa. Sabi ko "ay nako, puyat ka na naman noh." Sabi ni Faye "di naman." 

Sabi ko "alas tres na ng umaga rinig ko pa din kayo naguusap." Sabi ni Faye "paano siya kasi eh, ayaw pa ibaba yung tawag eh." Sabi ko "okay, sabi mo eh." 

"Nakaligo kana?" tanong ni Faye. Sagot ko "yes, bakit?" Sabi niya "bilis niyong dalawang maligo ah. Ito suklay ko oh, gamitin mo baka matuyong buhol-buhol yang buhok mo." 

Kinuha ko ang suklay mula sa kanya at sinuklay ang sarili ko. Matapos kong magsuklay ay inayos ko ang mukha ko at pati na nag ipit ako. Nakayos na si Jas kaya ang sabi niya "ate tapos kana?"

Sabi ko "oo, ay teka! I.d ko?" Abot ni Jas "ito ate oh." Kinuha ko ang I.d ko mula kay Jas at isinuot iyon. 

Matapos nun ay nagpaalam na kami ni Jas kay Faye "oh diyan ka na ah. Maligo kana maya-maya baka malate ka pa sa pagbukas ng cafe." Sabi ni Faye "ay oo nga pala! Sige sige salamattt good luck sa first day niyo!" 

Matapos nun ay agad na pumasok siya sa banyo para maligo. Isinara namin ang pinto at umalis na. Inihatid ko muna sa school niya bago pa man ako pumasok sa university. "Bye ate!" Kumaway ako at nagpaalam, "sunduin nalang kita mamaya." Sabi ni Jas "wag na ate, malapit naman yung bahay natin dito eh." 

Sabi ko "eh paano ka-" Hindi pa man natuloy an sinsabi ko ay muling nagsalita si Jas "Ba bye!" Sabi ko "s-sige bye, mag-iingat ka ah!" 

Hanggang sa makapasok na ng tuluyan si Jas, nag-madali na din ako na pumunta sa university. Pagkadating sa university ay hinanap ko ang Classroom ko. Nang makapasok ng classroom ay nakita ko na may mga estudyante doon. 

Umupo ako malapit sa bintana at nanatiling tahimik lang doon. Nang magsisimula na ang klase ay nagpakilala na isa-isa hanggang sa may isa nalang estudyante ang wala pa doon. Biglang bumakas ang pinto at may lalaking pumasok "Good morning ma'am, I'm sorry I'm late."

"Next time agahan natin ah." sabi ni ma'am. "Yes po." sabi ng lalaki.

Napatitig ako sa lalaki at para bang namumukha ko na siya, pero hindi ko lang maalala kung saan. Maya-maya pa ang sabi ni ma'am sa lalaki "Since you are the one who hasn't introduced himself yet, start introducing yourself." Tumayo ang lalaki at ang sabi "yes po." 

Tumingin siya at humarap siya samin at nag simula na magpakilala "um, Hi! My full name is Gab Callisto Talino, you can call me Gab, I'm the captain of the basketball varsity here kaya kung gusto niyo mag try out, sabihan niyo lang ako."Nginitian niya kami matapos niyang magpakilala, wow grabe, sa panahon ngayon wala kang makikita na ganyang kaganda ang ngiti ngayong balik pasukan na. 

Matapos niya magpakilala ay umupo na siya sa upuan niya kung saan ay malapit sa tabi ko. Nang makaupo siya ay umiwas ako ng tingin baka sabihin tinitigan ko siya. Well...tinigtigan ko nga siya, kasi parang nakita ko na yung itsura niya eh, diko lang alam kung saan.

Nang mapatingin ako sa kanya ay nakita ko na nakatingin na siya sakin, "bago ka dito noh?" Sagot ko "oo eh." Sabi niya "sabi na eh, I mean matagal-tagal na kasi ako dito, kaya alam ko na kung sino-sino yung matagal at sa kung sino yung bago dito." 

Sabi ko "ah, kaya pala." Sabi niya "Gab nga pala." Binigay niya ang kamay niya na para bang makikipag shake hands. 

Kinamayan ko siya at ang sabi ko "My name is Sam." Sabi ni Gab "I'll show you around after ng class?" Sabi ko "Okay lang, hindi naman kailangan." 

Sabi niya "kailangan mo ng tour noh." Hindi ako nakaimik "wag ka na mahiya, wag mag-alala, hindi ka naman maliligaw dito kahit na malaki 'tong university." Sabi ko "okay." 

Sabi niya "mamaya ah?" Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. Maya-maya pa ay nagsimula na ang klase, 

Makalipas ang ilang oras at iilang subjects ay break time na namin. Naglakad ako papuntang cafeteria at nakita ko na madami-dami ding tao. Pumila ako sa bilihan at nang ako na ang bibili ay tinanong ko kung magkano egg sandwich nila dun "ate magkano po ito?" 

Sabi niya "ah yan, 120 pesos lang yan." Nagulat ako nang marinig ang sinabi ni Ate. Sabi ko "ah, ano nalang po tubig." 

Binigay niya ang bottled water at ang sabi niya "30 pesos." Binigyan ko siya ng 50 peseo at sinuklian niya ako ng 20 pesos. Grabe naman ganto kamahal mga paninda dito.

 Habang naglalakad ay kinawayan ako ni Gab "Sam! Come here." Lumapit ako sa kanya at ang sabi niya "umupo ka diyan, ipapakilala kita sa friend ko." Sabi ko "sure, kaba? Baka pangpasikip lang ako dito." 

Sabi niya "don't worry, dadalawa lang naman mga kaibigan ko. I know I'm one of the varsities pero ayoko naman ng sobrang madaming kaibigan." Sabi ko "ah, okay, thank you." 

Natamaan ko ang bottled water ko at nahulog iyon sa ilalim ng lamesa. Yumuko ako para abutin yun ngunit gumulong naman yun lalo. Sabi ni Gab "tulungan na kita." 

Sabi ko "hindi wag na kaya ko." Ano ba yan, bakit pa kailangan ko pa talaga maging clumsy ngayon. Yuyuko na dapat si Gab para tulungan ako ngunit narinig ko na may biglang kumausap sa kanya. 

"Hey, kanina ka pa diyan?" Sabi ni Gab "ikaw pala, hindi naman, kakabreak time lang namin." Tanong ng kausap niya "Where's Ryan?" 

Sabi ni Gab "ah, nasa klase pa niya, mamaya pa daw break time nila eh." Sabi ng kasama "ah, okay." Mukhang pamilyar yung boses ng kausap niya. 

Kaya pagkakuha ng bottled water ay inilagay ko yun sa ibabaw ng lamesa at inangat ko ang ulo ko at umayos ng upo. Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang kausap ni Gab. Sabi ni Gab "papakilala ko nga pala si-" 

"AA?!"  <<--->> "Sam?!"

"anong gingawa mo dito?!" sabay naming tanong sa isa't-isa. Nagtinginan kami habang nakakunot ang noo namin sa pagtataka. 

Sabi ni Gab "you already know each other?!" Mga ilang saglit ay katabi ni Gab si AA na nakaupo sa harapan ko. Sinusubukan kong umiwas ng tingin habang siya din ay sinusubukan na umiwas ng tingin. 

Sabi ni Gab kay AA "so siya pala si Sam na tinutukoy mo." Napalunok ako at napainom nalang ng tubig. Tinutukoy? Ibig sabihin ba nun pinaguusapan nila ako? 

Pagkainom ko ng tubig ay biglang nagtanong si Gab sakin "Tubig ka lang? Hindi ka kakain?"  Sabi ko "ah, ano kasi, nakalimutan ko mag baon. Eh bibili sana ako dito kaso ang mamahal pala ng pagkain dito." Maya-maya pa ay inilapit sakin ni AA ang tray niya, "it's egg sandwich, kailangan mo kumain." 

Napatingin lang samin si Gab habang may laman ang kanyang bibig. Pagakanguya ni Gab ay ang sabi niya "wow, bakit siya may libre." Tumingin si AA sa kanya at ang sabi niya "dahil siya ang gusto kong ilibre." 

Natahimik si Gab at matapos niyang sabihin yun bumalik na tumingin siya sakin. Sabi ko "hindi, okay lang ako-" Natigil ang sasabihin ko nang biglang mag salita si AA "tatanggapin mo o kakausapin kita?" 

Nagulat ako sa tanong niya kaya agad ko nalang na kinuha ang egg sandwich at agad na kumagat pagkabukas ko nun. Sabi ko "hmm, sarap ah." Tumingin ako sa orasan ko at ang sabi ko "Oh, nako tapos na break time, lagay ko muna'to  sa baga at mamaya ko nalang ubusin pag-uwi mamaya hehehe. Sige thank you dito ah." 

Kinuha ko ang egg sandwich at ang water bottle ko at dali-daling tumayos sa upuan. "Sandali!" Pinigilan ako ni Gab at napahinto naman ako napalingon sa kanya "sabay, ayoko masabihan na late uli ako sa klase." 

Dali-daling ngumuya at uminom si Gab. Napakunot ng noo si AA at ang tanong niya kay Gab "magkaklase kayo?"  Sabi ni Gab "yup!" 

Tanong ni AA "ibig sabihin magkasama kayo sa iisang klase?" Tumango si Gab at ang sabi "Yes...bakit? Inggit ka?" Nginitian ni Gab na parang inaasar niya si AA, umiwas ng tingin si AA at ang sabi "nagtatanong lang." 

Sabi ni Gab "okay sabi mo, sige, message nalang tayo pag tapos na klase ah." Maya-maya pa ay naglakad na kami papabalik ng classroom. Grabe, hindi ko akalain na dito din siya nag-aaral.

Bakit kasi sa dami-daming university sa pilipinas magkasama pa kami sa iisang university? Mukhang hindi nga ako kakausapin AA, base palang sa mukha niya, halatang umiiwas na din siya sakin. 

Hay nako Sam! Diba yan naman ang gusto mo? Ikaw 'tong nag sabi sa kanya na huwag kanang kausapin diba? 

Mas okay na din yun, para iwas na sa gulo, okay na wag na muna kami mag-usap.





AA's POV

I never thought I would see Sam here at the university. I wouldn't have thought that she would also study here. Mukhang ayaw niya pa din ako kausapin, base sa itsura niya, iniiwasan niya pa din ako.

Iniisip ko pa din kung ano nga ba nagawa kong kasalanan? Is it because hindi ako nagpakita ng ilang linggo sa kanya? I mean I didn't meant to, akala ko panaginip siya, napaniwala ako na panaginip lang siya.

well, at least I saw her again, wait.... ibig sabihin ba nun bumalik na siya dito for good? Bumalik na din kaya ang cafe? I'll just find out later. 

Bumalik ako sa klase matapos makapag isip-isip ng mabuti. Makalipas ng ilang oras ay natapos na din ang klase at naguwian na. Minessage ko si Gab at Ryan sa Gc at ang sabi ko "our class is over,  uwian na namin, tapos na din ba kayo?" 

Nag message si Ryan at ang sabi "oo eh, eh hindi ko na kayo naanytay kanina. Pinasundo kasi ako agad ni Dad ata agad na pinapunta sa company nila eh. Bawi nalang ako tomorrow." Sagot ko "It's okay, no problem, ingat ka sa byahe." 

Nag message naman si Gab and said "Tapos na din kami, antayin mo kami, palakad na sa hallway." Habang nakatayong nag-aantay ay nakita ko sa malayo si Gab na kasabay na naglalakad si Sam. 

"Hi babe!" Napalingon ako at nagulat ng hilahin ako. It was Kayla who called and pulled me.

Napkunot ako ng noo and I said "Don't call me that, wala na tayo." Napasimangot si Kayla at ang sabi niya "sino ba yung tinitignan mo kanina? Si Sam ba yun?" Nakakunot ako ng noo at muling napalingon sa kanya "how did you know her?" 

She said "well, pumunta lang naman ako sa Cafe na pinagtratrabahuhan niya kasama si Brittany." I asked "Anong ginawa niyo dun?" Sabi niya "ano pa ba? Edi bumili ng coffee...at tea. Well, speaking of tea, I have a tea to spill for you." 

Nanatili lang akong nakakunot ng noo at nakasimangot sa kanya. Pinakita niya ang picture sa cellphone niya at ang sabi "nakita namin ang boyfriend ni Sam sa cafe." I said "b-boyfriend?"

 Tinignan ko ng mabuti ang picture at nakita ko na ang lalaking katabi ni Sam. Sabi ni Kayla "bagay sila noh?" Tiniganan ko si Kayla at ang sabi ko "paano ka nakikisugaradong boyfriend nga yan ni Sam?" 

"Sinabi ng guy, sinabi ng guy na boyfriend siya ni Sam. Hindi naman nag deny si Sam nang magpakilala yung guy as her boyfriend." sagot ni Kayla sa tanong ko. Nanatili lang ako tahimik at tinignan si Kayla, I don't know if Kayla isa telling the truth or not. 

Maya-maya pa ay lumapit samin si Gab"andiyan ka pala, kanina pa kita hinahanap-" I asked "Nasan si Sam?" Sabi ni Gab "ah umuwi na, may kailangan pa daw siyang puntahan eh. Sayang nga dapat itutour ko siya dito eh-" 

Hindi pa man tapos na magsalita si Gab ay agad na ako nagpaalam sa kanila "I have to go." Habang papalayo ay ang sabi ni Gab "kala ko ba sabay umuwi?" Sabi ko "tomorrow nalang."

Nang makasakay ako ng kotse ay agad ko yun ipinanadar papunta sa dating puwesto ng cafe. Pagkadating dun ay ipinark ko sa gilid ang kotse at binaba ko ko nag kaunti ang bintana ko. Nakita ko na kakadating lang din Sam at nakalubos niya ang lalaking lumabas galing sa cafe. 

Sabi ni Sam "si Faye?" Sabi ng lalaki "ah, umuwi na, siya naman daw kasi ang papasok mamayang gabi sa iskwelahan niya. sinundo niya na  si Jas at umuwi na para makapaghanda na siya sa pagpasok niya mamaya." 

Yung lalaki, siya yung nakita ko sa pinakitang picture ni Kayla. Ang sabi ni Sam sa kanya "Tara na pasok na tayo? Para matulungan na din kita". "Tara, buti nalang maaga ka ngayon, medyo madami ding customers eh."

Mukhang close na close niya sila, nang makapasok silang dalawa sa loob ay itinaas ko ang bintana ko. Tinigan ko silang dalawa sa salamin at ang sabi ko "kaya ba ayaw mo na makipagusap sakin dahil...boyfriend kana?"

Napabunotng hininga ako at ang sabi ko "It kinda make sense now, dapat nga na lumayo na'ko kung may boyfriend kana pala." Tinitignan ko sila at mukhang masaya si Sam na kasama ang lalaking yun. I said "well, if he makes you happy, then I'm happy."

Sinabi ko yun ngunit parang nalungkot ako, hindi ko lang siguro inaasahan na may boyfriend na pala si Sam. Maya-maya pa ay agad na din akong umalis dun at pinaandar nalang kotse ko pauwi sa bahay. 

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 97.5K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...