CHAPTER 42

10 0 0
                                    

Hanggang sa makarating na ako sa convenience store, agad na pumasok ako sa loob at nagtago sa mga isle, habang patagong sumisilip sa isle ay may nakasanggi ako, "Tsk, watch where you're going."  Yumuko ako at ang sabi ko "pasensiya na po." Matapos kong sabihin yun ay inangat ko ang ulo ko sa kanya.

"You?! Ikaw na naman?! Are you stalking me?" nanlaki ang mata ko nang makita kung sino yun. Ang lalaking yun ay yung lalaki na nakita kong gumagawa ng ppt presentation at binigyan ko ng kape sa university. Sabi ko, "Ako? Iniistalk ka? Hindi ah!" 

Matapos kong sabihin yun ay nanatili pa din ako tinitignan kung nasaan ang lalaking sumusunod sakin. "Then what are you doing here?" muli akong napalingon at napatingin sa kanya, lumapit ako ng kaunti sa kanya at napalayo siya "Nagtatago ako." pabulong kong sabi sa kanya.

Nanatiling tinitignan ako ng masama at mas napakunot ang noo niya nang sabihin ko yun. Tanong niya "Nagtatago??"  Pabulong na sabi ko  "Oo, actually, ako ang inii-stalk." 

Nanatiling niya akong titignan ng masama, tinuro ko ang lalaki sa labas na nakahoodie at ang sabi ko, "Yan yung lalaking sumsunod sakin. Pupunta kasi ako talaga dito, eh habang naglalakad papunta dito ay naramdaman ko at nakita ko na sinsundan niya'ko." 

Napailing ang lalaki at ang sabi niya "Are you crazy? Wag kang feeling, baka parehas lang talaga kayong dalawa na pupunta dito sa convenience store." Matapos niya sabihin yun ay sinungitan niya ako, at dumirestso na siya sa counter para mag bayad ng mga napamili niya.

Tumayo na ako ng diretso at ang sabi ko, "Baka nga, baka nga nababaliw lang ako." Matapos nun ay dumiresto na'ko ako sa freezer ng ice cream at kumuha ng apat na ice cream. Matapos kong kumuha ay pumila na din ako sa cashier.

Habang inaantay na matapos ang lalaking nasa harap ko ay ang sabi ko sa kanya habang nakatalikod siya, "Sorry uli kanina, baka nga nag-aasume lang ako." Matapos niyang magbayad ay napalingon siya sakin. Pumasok ang lalaking sumusunod sakin kanina sa convenience store, napatalikod ako at nagbayad ng ice cream. 

Habang iniiscan ang mga napamili ko ay dahan-dahan akong napalingon sa lalaki nasanggi ko kanina. Nakita ko na hindi pa siya umaalis, nakakunot ang noo niya sa lalaking akala ko na sumsunod sakin kanina. Napakunot din ako ng noo, sa pagtataka.

Bakit niya tinitignan ng masama yung lalaki? Nang makapagbayad na'ko ay kinuha ako ang napamili ko. Nanatili akong nakatayo doon at napatingin sa lalaking patuloy na nakakunot ang noo habang nakatingin sa isang lalaki. 

Tanong ko sa kanya, "Bakit? Bakit tintignan mo ng masama yung lalaki?" Napatingin ang lalaki sakin, na naka kunot ang noo. Grabe 'tong lalaking 'to sa sorang kunot ng noo konti nalang parang lukot na papel na eh. 

Grabe katakot ang pagkasungit niya ah, pagtingin niya sakin ay bumuntong hininga siya. Ang sabi niya, "I think you're right."  Tanong ko, "Huh?" 

May narinig ako na camera shutter sound, kaya napalingon ako sa lalaking akala kong sumusunod sakin kanina na nakatayo na sa dulo ng isle. Sabi niya "Hold this." pinahawak niya sakin ang paper bag napamili niya. 

Nagtaka naman ako nang lumapit siya sa lalaking nakatayo sa dulo ng isle, paglapit niya ay kinuha niya ang braso ng lalaki at inangat niya ito. Sabi niya, "He's taking pictures of you, He is stalking you." Nanlaki ang mata ko sa gulat nang marinig ko ang sinabi niya.

Sinubukan niyang bawiin ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ng isang lalaki, ngunit hindi niya ito mabawi sa sobrang higpit ng hawak sa kanya. Tinignan niya ng masama ang lalaki at kinuha niya ang cellphone nito sa mula sa kanya. Ang sabi niya, "Why are you stalking her?" Hindi nakasagot ang lalaki, "You shouldn't just be taking pictures of..."

Tinignan niya ang cellphone ng lalaki "Her? Teka, why am I in the pictures?!" Tinitigan niya ng masama ang lalaki at nag-aantay ng sagot niya. "Bakit pati ako  pinicturan mo?" 

ALIENS AND STARS, LIKE YOU AND ME [COMPLETED]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα