CHAPTER 56

5 0 0
                                    

Habang nagtrarabaho ay napansin ko  ay iilan lang ang customers na nandun, sabi ni Yuwan "naku, mukhang hindi kailangan ng kape ng mga tao ngayon ah." Nag-aantay lang kami sa counter ng mga papasok na customers, sabi ko "Meron yann, antay lang tayo." Sabi ni Yuwan "eh tatlong oras na tayo nag-aantay dito noh. Tapos dadalawang tao palang customers natin." 

Tumingin ako sa kanya at ang sabi ko "ano gusto mo? Magsara na tayo?" Natahimik siya saglit at ang sabi niya "kung pwede." Sabi ko "eh hindi naman pwede diba? Kailangan antayin natin sila, baka meron yan noh. Diba minsan naman akala din natin na wala ng cutomers na bibili pero maya-maya naman ay paunti-unti silang pumapasok at bumibili satin."

Matapos ang ilang saglit ay ang sabi ko "wait lang, basain ko lang 'tong basahan para mapunasan ko yung counter." Pagkapasok ko sa likod ay binasa ko nga ang basahan at nilagyan ko nga yun ng sabon para bumango, habang ginagawa ko yun ay ang sabi ni Yuwan "Sam!" Sabi ko habang may ginagawa "bakit?!" 

Sabi niya "tama ka nga, may bagong papasok na tayong cutomer!" Sabi ko "Sabi ko sayo eh! Basta kailangan lang na mag-antay tayo!" Matapos kong sabihin ay binalikan ko na si Yuwan, pagkabalik ko dun ay ang sabi ko "Ano daw ang order n-niya?" 

 Natigil ako at ang sabi ko "Oh, R-Ryan?" Sabi ni Ryan "Hi." Sabi ni Yuwan "Siya, siya yung customer natin na kailangan ng coffee." 

Sabi ni Ryan "He's right, I do need coffee."  Sabi ni Yuwan "kailangan ka daw este yung coffee mo." Nginitian ako ni Yuwan na para bang nangaasar ng sabihin niyan. Napakunot ako ng noo "Coffee ko?"

Sabi ni Yuwan "Yung timpla ng coffee mo." Sabi ko "a-ahh, o-okay." Sabi ni Yuwan "sige, maiwan ko muna kayo." 

Tanong ko kay Yuwan "san ka pupunta?" Sabi ni Yuwan "imemessage ko lang si Faye, KAILANGAN ko din siya eh." Matapos nun ay ngumiti siya at umalis na siya. 

Nang makaalis na siya ay ang sabi ko sa kanya, "so...kailangan mo ng coffee ko?" Sabi ni Ryan "Yup, your coffee blend." Tanong ko "Yung timpla ko kay Gab? Para ba ulit kay Gab yung coffee?"

 Sabi niya "No, the coffee blend you brewed for me, the coffee is for me." Sabi ko "aba, nagustuhan mo ah." Sabi niya "well, I just think I need it. Like what you said, 'kailangan mo ng coffee, kailangan mo ng caffeine para mabuhayan ka'." 

Napangiti ako sa sinabi niya "sinabi ko lang naman yun dahil maraming kang ginagawa nun." Natahimik lang siya, napakunot ako ng noo at sabi ko "Sandali, marami ka ulit na ginagawa? Pinag-aaralan mo ulit yung kumpanya niyo ng gantong oras?" 

Tumango siya at ang sabi niya "Yes." Sabi ko "Oh akala ko ba okay na kayo ng parents niyo, akala ko sabi mo nagkausap na kayo." Sabi niya "We are okay, and my parents and I have talked, they understand me and they have reduced their strictness with me." 

Sabi ko "eh bakit-" Hindi natuloy ang sasabihin ko nang magsalita siya, "They changed my schedule okay? I only needed three days to go to the company to learn about the company. I'm on schedule right now that's why I'm doing what I have to do. Don't worry, I'm about to finish, I just needed coffee, I needed caffeine that's why I'm here."

Sabi ko "ahh, okay." Maya-maya pa ay hindi naman na nagtagal ay nagbayad siya at agad na ginawa ko na ang order niya. Pagkagawa ko ng order niya ay inabot ko yun sa kanya "Here's your caffeine sir."

Nginitian ko siya matapos kong iabot yun sa kanya. Pagkaabot ko ay kinuha niya yun at pagkakuha niya nun ay napatanong ako "Ano 'to?" Sabi niya "That's for you."

Pagkakuha ko nun habang nakakunot pa din ng noo sa pagtataka ay ang sabi niya "That's food." Nawala ang kunot sa noo ko at ang sabi niya "I heard from Gab earlier that you're  hangry." Tanong ko "Hangry?" 

ALIENS AND STARS, LIKE YOU AND ME [COMPLETED]Where stories live. Discover now