CHAPTER 54

9 0 0
                                    

Papasok na dapat ako ng cafe nang nakita ko nalang na si Sir Cesar lang ang nasa loob ng cafe. Nagtaka ako nang wala pinto sa may stock room at nakita ko na ang mga ibang gamit ay nakakaalat sa lapag. Tanong ko kay Sir Cesar, "ano po nang nangyari dito?" 

Tumingin naman ako sa paligid at hinanap sila Faye at Yuwan, "Nasan po sila Faye at Yuwan? Ang sabi po kasi nila sakin na mauna na po sila sa cafe para sila nalang po ang magbukas ng cafe." Sabi ni si sir makita ako "oh, Sam, ah dinala ni Yuwan si Faye sa hospital." 

Nanlaki ang mata sa gulat nang marinig ko ang sinabi ni Sir Cesar "Po?! Bakit daw po? Anong po nanyari kay Faye?" 

Sabi ni sir Cesar "Nang magbubukas na kami ng cafe ay nasa harapan kami ng cafe ni Yuwan at si Faye naman ang ay nag-aayos ng supply. Nang papasok na dapat siya sa stock room, ay bigla nalang bumagsak ang pinto ng stock room." Hindi ako nagsasalita at seryoso lang akong nakinig kay Sir Cesar.

Pagpapatuloy ni Sir Cesar "Kaya nang mahulog ang pinto ay bumagsak ito kay Faye. Nang marinig namin ni Yuwan na parang may bumagsak sa loob, agad kaming pumasok sa loob at pagpasok namin ay nakita nalang namin na nabagsakan nga si Faye ng pinto. Pagkakita namin sa kanya ay agad namin tinayo at itinabi ang pinto." 

Tanong ko dahil sa pag-alala kay Faye "Kamusta po siya?" 

Sabi ni Sir Cesar "Nang tanungin namin siya ang sagot niya ay medyo okay lang naman daw siya, pero nang sagutin niya ang tanong namin ay bigla nalang na tumulo na dugo mula sa ulo niya." Tanong ko "saang hospital daw po dinala ni Yuwan si Faye?" Sabi ni sir Cesar "yung bagong tayong general hospital malapit sa munisipyo." Sabi ko "ah okay po." 

Bago pa man ako tuluyan na pumunta sa hospital kung nasaan sila Faye ay biglang may lumapit kay sir Cesar, Ang sabi niya "boss, kakakabit ko lang nitong pinto niyo nung isang araw ah. Tinibayan ko nga 'to eh para hindi mahulog eh. Tinesting pa nga natin to diba?" "Sabi sir Cesar "Yun na nga eh, ang alam ko nga din na matibay pa ang pagkakabit mo nun dito."

Tanong niya uli kay sir Cesar "may gumalaw po ba ng pinto niyo?" Sagot ni Sir Cesar "Hindi, hindi namin ginagalaw yan. Kaya nga nagtaka ako kung paano nalang yan biglang nahulog eh, dahil wala naman ang gumagalaw niyan." 

Pinakita ng lalaki ang hawak niya, "ito ho kasi yung bisagra at turnilyo ng pinto, nung chineck ko po kung anong problema ng pinto niyo ay nakita ko nalang nakabaklas ang bisagra ng pinto." Medyo sumilip ako sa hawak ng lalaki at ankita ko nga na magkahiwal ang turnilyo at ang bisagra ng pinto. Napakunot ng noo si Sir Cesar at ang sabi niya "sino naman ang magbabaklas o ang gumawa niyan dito?"

Sabi ng lalaki "hindi kaya ho may ibang taong pumasok dito at gumawa nito?" Napakunot ako ng noo ng sabihin ng lalaki yun, napaisip ako at ang sabi ko sa isip ko "Kung hindi nga namin ginalaw yan ay baka nga may nakapasok na ibang tao dito at sinadya na gawin yun. Pero...ang tanong ay sino at bakit naman niya sinadya na gawin yun?""

Maya-maya pa ay hindi na rin ako na nagtagal dun kaya agad na din akong pumunta sa hospital kung nasaan si Faye. Nang imessage ko siya ay nakita ko sa na nakaupo si Faye sa isang kama at nakatayo naman si Yuwan na nagbabantay kay Faye. Agad akong lumapit at ang alalang tanong ko "okay ka lang ba?" 

Sabi ni Faye "Oo, okay lang, masakit op course lalo na yun tahi sa ulo ko, pero ayos lang naman ako." Tanong ko "sigurado ka?" Sabi niya "oo, siguro ako, Helloo hindi ba halata sa ganda kona okay lang ko/" 

Sabi ko "Sira, nakuha mo pa talagang magbiro noh." Natahimik lang si Faye, sabi ko "buti nalang nandun sila Sir Cesar ng mabagsakan ka ng pinto." Sabi ni Faye "buti nga nandun ang hero ko."

Sabay tingin niya kay Yuwan, sabi naman ni Yuwan "Kasi eh, bakit ba bigla nalang bumagsak yung pinto?" Sabi ni Faye "hindi ko nga din alam eh, pagbukas ko nalang ng pinto, bigla nalang yun bumagsak sakin."

ALIENS AND STARS, LIKE YOU AND ME [COMPLETED]Where stories live. Discover now