CHAPTER 8

23 0 0
                                    

Nang makarating cafe ay agad kong pinatay ay kotse at bumaba mula doon. Sa likod ako ng cafe na nagpark dahil pansin ko na wala nang parking doon sa harap ng cafe. Naglakad ako palapit sa pinto sa likod ng cafe ngunit bigla naman akong napahinto sa paglalakad nang makita ko na may isang babae na lumabas mula doon at hila-hila ang isang malaking garbage bag.

Nagpatuloy akong maglakad palapit, and I frowned and said, "Sam?" Humarap ito sa akin, and I was surprised that it wasn't her. It was Faye, Katabaho ni Sam sa cafe.

I said, "Sorry, I thought it was Sa-." Hindi natuloy ang sasabihin ko na magasalit ito. She said, "Akala mo po ako si Sam?"

Tumango ako, and I said, "Yeah, sorry." Faye said, "Okay, lang yun sir." I asked, "Where is she?"

Faye said, "Ay, nasa loob po, wait lang po tawagin ko po." Nanatiling nakabukas ang pinto. I heard her saying, "Sam! Si poging sir, nasa labas hinahanap ka."

Maya-maya pa ay lumabas mula sa pinto si Faye at sumunod naman si Sam. She said while she's facing Faye, "Sinong poging sir?" Tinuro ni Faye and direksyon ko and Sam slowly turned in my direction. 

She said, "Ahhhh poging sir." Napakunot naman ako, I don't know if it's supposed to be a compliment or not. I mean, her tone said that was just different.

Hindi siya lumapit sakin, she said, "Bakit mo ako hinahanap?" I asked, "Are you busy?" She said, "Oo eh, madami kasing customers ngayon."

Maya-maya pa ay nagsalita si Faye; she said, "Ah sige, mag-usap muna kayo. Wala pa namang taong nagoorder eh. Chill lang sila sa mga pwesto nila. Basta 5 minutes lang ah." 

Humarap si Sam sa direksyon ni Faye, and she said, "Pero-." Hindi natuloy ang sasabihin nito ng magsalita si Faye. Faye said to her, "Ako na bahala okay? Sige na, tapon mo na din to ah, papasok na ako sa loob."

Sam said, "Kaya naman pala, ayaw magtapon ng basura." Faye just smiled at her and said, "Di kaya." Lumingon si Faye sakin, and she said, "Sir."

Tumango na para bang nagpapaalam sa akin na papasok na siya. I also nodded after Nun ay tuluyan na ito pumasok sa loob at naiwan kaming dalawa sa labas ni Sam. Dahan-dahang lumingon si Sam sa direksyon at ngumiti siya. 

I smiled at her too, and when she saw me smile back at her, napakunot noo ito habang nakingiti parin. She said, "Pilit yung ngiti mo ah." I stopped smiling, and I said to her, "Hindi ah."

Sam said, "Oh sige, sabi mo eh." Maya-maya pa ay naglakad ako para makalapit ako sa kanya at lumapit din siya akin habang dala-dala ang basurang dala kanina Faye. Nang makalapit ay, I looked at her.

Napahinto siya sa paglalakad nang magkalapit na kami. Napakunot ito ng noo sa akin and asked, "bakit?" I just looked at her at hindi ko sinagot ang kanyang tanong.

 Inulit niya ang tanong niya and asked, "Uy, bakit?" I didn't say anything again. Inaabot ko ang garbage bag, inilayo niya yun sa akin, and she asked, "Ano gagawin mo?"

I said, "Akin na, ako na magtatapon." She said, "Ha? Ikaw magtatapon? Ayoko nga, baka makita pa ako na ipinapatapon ko 'to, tapos baka mapagalitan pa ako." I said, "Walang tao dito."

Sam said, "Kita mo yung pinto na yun." She pointed at the door of the cafe, kung saan siya ay lumabas. I looked at it and looked back at her. 

Sam said, "Diyan, magkakaroon ng tao mula diyan dahil baka lumabas ang manager namin. Mapagalitan pa ako, kaya ako na magtatapon okay? At tsaka trabaho ko ito noh, hindi sayo. Mukhang balak mo pa atang nakawin ang trabaho ko ah."

I said, "No, I'm not. Why would I do that? Why would you think that?" Sam said, "Wala lang, sinabi ko lang naman yun para huwag mong kunin sakin 'to. Baka madumihan ka pa eh, ganda pa naman ng pormahan mo."

ALIENS AND STARS, LIKE YOU AND ME [COMPLETED]Where stories live. Discover now