CHAPTER 18

10 0 0
                                    

Kinuha ko ang cellphone ko na inilagay ko sa nightstand ko. Pagkakuha ko ng cellphone ko ay agad ko na tinawagan si Gab. 

"hmm." sabi niya na para bang kakagising lang. "Natutulog ka na?" I asked.

"oo." Pagkatapos niya sabihin yun ay naghilik-hilikan siya. I said "dude come on, may sasabihin lang ako." He asked "ano ba yun?" 

"naaalala ko na!" I said. He asked "naalala mo na?" I said "yes! Naalala ko na!" 

"Wait, naalala mo na?" He said. I said "oo, naaalala ko na!"  He asked "naalala mo na kung bakit ka nasa Antilpolo?" 

"No, naalala ko na yung paguusap natin, nung sinabi ko sayo kung nasaan ako." I said. Maya-maya pa ay wala akong nariring na sagot o salita mula kay Gab. I asked "Gab? are you still there?" 

"Are you serious?!" He said with a tone of I think is an annoyance. "What?" I asked.

"Tumawag ka para sabihin sa akin na naalala mo na yung pag-uusap natin?! Yun lang?!" He asked. I said "y-yeah." He said "eh yun lang naman pala eh. Akala ko ba naman naalala mo na kung bakit ka nasa Antipolo. Edi hindi rin nasagot yung tanong ko sayo noh?"

I asked "tanong mo?" He said "oo, tanong ko." I asked "anong tanong?" 

He said "ang tanong ko sayo ay 'bakit ka nasa Antipolo'? Tinanong ko sayo yan nung tumawag ako sayo pagkatapos niyo na magdate ni Kayla ah." I said "o-oh, oo nga." He sighed and said "tumawag ka na lang sakin kapag may sagot kana sa tanong ko. Matutulog na'ko, bye." 

After he said that ay ibinaba niya na ang tawag. Mukhang nainis siya dahil sa nagising ko siya. I kinda felt sorry for him dahil nga sa nagising ko siya pero okay na din yun para naman yun na  ang bawi ko sa pagpapatagal niya na sabihin sa akin kung anong lugar na yon.  

Ibinaba ko na lang muli ang cellphone ko sa nightstand ko at muli naman ako na humiga. Paghiga ko ay nakatingin ako sa kisame at napaisip. 

"Ngayon na alam ko na nangyari yun, kailangan ko naman na malaman kung bakit ako nasa Antipolo. " Sabi ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim at ang sabi ko "bukas ko na lang siguro isipin yun." Maya-maya pa ay ipinikit ko na ang aking mata hanggang sa makatulog na ako ng tuluyan.

Nagising ako nang tumunog ang alarm ko, Ngayon ko lang narealize na naka alarm ako kahit wala naman akong pasok. I asked myself "why do I have an alarm? Wala pa namang pasok ah."

Pagkapatay ko ng alarm ko ay muli akong humiga at muli kong ipinikit ang mga mata ko. Habang nakahiga pa ako ay bigla ko na lang nalala uli ang pag-uusap namin ni Gab. Yung about sa pagsabi ko sa kanya na nasa Antipolo ako.

Dinilat ko ang mata ko at umupo ako mula sa pagkakahiga ko. "Wait, that conversation seems familiar." I said to myself. My eyes widened as I realized something. " I.... I had that conversation.... when.. I was with Sam in Antipolo!"

Napatayo ako at naglakad-lakad sa kwarto ko. "so... ibig bang sabihin nun ay totoong nakasama ko si Sam?! I mean, kung iisipin... it looks like... it's just a dream." I said to myself. 

Natigil ako sa paglalakad at and sabi ko "kung hindi yun panaginip... dapat puntahan ko siya. " Dali-dali akong pumasok sa banyo para maligo. Nagligo na kaagad ako kahit hindi pa ako kumakain. 

Well, I don't really care if I haven't eaten yet, pwede naman akong kumain doon eh. Maya-maya pa ay natapos na din akong maligo, pagtapos ko ay nagbihis na ako. After getting dressed, Inayos ko ang buhok ko sa salamin. 

I sprayed a little bit of a perfume to my neck and to all over my body. I put on my shoes, and after I put on my shoes I immediately picked up my car key on top of my desk. I got out and went straight to my car.

ALIENS AND STARS, LIKE YOU AND ME [COMPLETED]Where stories live. Discover now