CHAPTER 33

7 0 0
                                    

Habang naglilinis lames ay ginulat ako ni Faye "uy!" Sabi ko "oh, bakit?" Tanong niya "nakapag apply kana ba ng college?" 

Sagot ko ""hindi pa." Sabi ni Faye "Ano ka ba naman, mag apply kanaaa." Sabi ko "eh hindi ko pa alam kung anong kolehiyang papasukan ko." 

Sabi ni Faye "sa Herbert Unversity? Diba matagal mo ng dream school yun?" Napalingon ako at napakunot ng noo kay Faye "ano ka ba mahal doon noh." Sabi ni Faye "edi mag apply ka ng scholarship, matalino ka naman ah."

"sa tingin mo ba abot itong talino ko sa ganong paaralan? Sa tingin mo....tatanggapin kaya nila ako?" tanong ko. Sagot ni Faye "yes and Yes! Of course naman tatanggapin ka nila noh, eh masipag, matalino, mabait, at maganda ka kaya. Siyempre tatanggapin ka talaga nila for sure."

Hindi ako nakakibo at tinignan lang si Faye na para banag inaantay ako. Sabi ni "tsk, alam mo, umalis kana kaya." Kinuha niya ang basahan mula sa kamay ko at tinutulak ako sa staff room. "Mag-bihis kana ata mag-apply hangga't hindi ka pa napagsasaraduhan." 

Pinigil ko siya pagtutulak sakin at ang sabi ko "teka, paano ka?" Sabi ni Faye "helloo, nakabalik na si Yuwan galing sa bakasyon niya noh, kaya papasok na siya maya-maya para tulungan at samahan ako dito sa cafe. Kaya mag bihis kana bago ka pa man maubusan ng oras." 

Tanong ko "sure ka ah?" Sagot ni Faye "sure." ngumiti siya sakin matapos niyang sabihin iyon. Matapos nun ay napangiti ako at inakap ko siya at nagpasalamat "maraming salamat."

Pagkayakap ko ay agad na akong nag bihis, pagkabihis ko ay nagpaalam na ako kay Faye at kay Yuwan na kung saan ay kakadating niya palang sa cafe. Pagkapaalam ay agad akong umuwi sa bahay para kunin ang mga requirements ko sa application. Matapos nun ay pumunta ako sa isang library malapit samin at hiniram ang tatlong librong subjects na pwede ko aralin para sa pageexam ko kung sakaling pasagutin ako para sa scholarships. 

Sumukay ako ng bus at pag-andar pa lamang ng bus ay nagsimula na ako mag review. Nang makarating dun ay tinignan ko muna ang gate ng university at sabi ko "this is it." Pagtapos nun ay papasok palang sana ako ng biglang ako pigilan ng guard. 

"Ops miss, wala kang id?" Sabi ko "um ano po, mag aapply palang po ako ng applications dito." Sabi ng guard "ahh, sige, lakad kalang diyan ng kaunti tapos kaliwa ka. Nandoon ang registrar office." 

Sabi ko "maraming salamat po." nginitian ko siya matapos kong magpasalamat at nginitian niya ako. Matapos nun ay naglakad na ako papuntang registrar office. Nang makarating dun ay biglang nakalagay salamin nila ay 'lunch break'. 

Sabi ko sa sarili ko "nako, naabutan pa ng alas dose." Lumapit ako sa butas ng salamin nila nagtanong "um excuse me po, mga hanggang anong oras po lunch break niyo po?" Lumapit ang isang babae ata ang sabi "mga 1:30." Sabi ko "ah okay po, thank you po." 

Naglakad ako papalabas ng gate, nang makita ako ng guard ang sabi niya "oh, bakit ang bilis mo ah?" Sabi ko "lunck break pa daw po nila eh." Napatingin ang guard sa kanyang orasan at ang sabi niya "nako, oo nga ah, naabutan ka pa ng alas dose. Kung ako sayo kung kumain ka muna sa masarap." 

Sabi ko "hindi ko po afford sa masarap eh." Sabi ng guard "ako afford ko." Sabay turo sa lalaking nagluluto ng fishball, kikiam, at chicken ball. 

Sabi ko "aba yan ang masarap na afford ko din, salamat kuya ah." Lumapit ako sa lalaking naluluto at nagsimula na mamimili ng tusok-tusok. Matapos nun ay inalok ko kay manong guard, sabi ng guard "oh?" 

Sabi ko "para sayo kuya, sabayan mo'ko at pasalamat na din po sa pagiging mabait mo." Sabi ng guard "nako sigurado ka ba? Nakakain naman nako." Sabi ko "edi kain ka po uli." 

Sabi ng guard "nako sige na nga." Ngmiti ito at kinuha ang hawak kong plastic cup. Bumalik ako uli sa lalaking nagluluto at namili uli ng tusok-tusok. 

ALIENS AND STARS, LIKE YOU AND ME [COMPLETED]Where stories live. Discover now