CHAPTER 36

9 0 0
                                    

Kinabukasan ay matamlay akong nagdrive papasok ng university. Pagkapark ko ay naglalakad ako papasok sa klase ko at nakita ako ni Kayla. She said, "Good morning!" 

Tinignan ko lang siya ng saglit at nagpatuloy lang na maglakad.  Napahinto naman din ako nang biglang siyang magsalita "hindi mo parin ako kakausapin?" Napalingon ako sa kanya at sabi ko, "Matapos mong magsinungaling at sabihin na hindi tayo naghiwalay. I don't think I could talk to someone who is a liar." 

Tinalikuran ko siya matapos kong sabihin yun, ang sabi niya, "Pero alam mong hindi ako nagsisinungaling nang sabihin kong may boyfriend na si Sam."  Kaya nanatili akong nakatayo at hindi nakaimik.  Pero hindi ko lang pinansin siya kaya pinagpatuloy ko na maglakad hanggang sa makapasok ako sa klase ko.

Nang makarating dun ay umupo ako at nanatilijjng tahimik. I don't know what to say to what Kayla said a while ago. Hindi ko naman pwedeng sabihing sinungaling si Kayla kung nakita ko naman din na totoo ang sinasabi niya.

I saw Sam with that guy, I mean hindi ko naman siya nakita before, and it all makes sense now why Sam doesn't want to talk to me anymore. At mas pipiliin ko nalang na irespeto at intindi ang desisyon niya dahil ayokong magkagulo at madamay siya dahil sakin. 

All I have to do is to stay focused and get distracted by something else. Maybe to focus on myself or to people who cares about like what Sam said. Pero...siguro gusto ko lang makisigurado muna na totoo nga ang sinsabi ni Kayla, kung totoo nga ang akala ko.

Makalipas ng ilang oras ay breaktime na namin, nagmessage si Gab sa Gc "Breaktime na namin!!! Kita nalang tayo sa dating pwesto." Reply ko "okay." Naglakad ako papuntang cafeteria, pagkarating dun ay nakita ko sila Gab at Sam.

Lumapit ako papalakad sa kanila at umupo sa tabi ni Gab na sa harapan uli Sam. Gab said "oh, diyan kana pala. Kain tayo!" Sabi ko "no, thanks I'm good." 

Napatingin ako kay Sam at nakita ko na may pagkain na sa harapan niya. I said "buti may pagkain kana." Napatingin siya sakin at ang sabi"ah o-oo, nagdala na'ko." Matapos nun ay natahimik ako.

She said "um.. salamat nga pala kahapon, yung sa egg sandwich. Masarap siya, naubos ko." I said "that's good." Ngumiti siya ng saglit at nawala naman iyon agad.

Si Gab naman ay nanatiling kumakain ng tahimik habang nakatingin sa aming dalawa. Habang nakayuko ay napaisip ako, "I should ask." sabi ko sa sarili ko. Napatingin sakin si Sam nang magsalita ako "Kahapon nga pala, napadaan ako sa cafe, nakita ko may kasama kang lalaki, ngayon ko lang siya nakita ah, bago lang ba siya?"

Sam said "lalaki? Ahh, si Yuwan." Sabi ko "so..Yuwan pala ang pangalan niya." Sam said "ah o-oo, medyo matagal na din siya dun. Nagbakasyon kasi siya, kaya hindi mo siya nakita nung nandoon ka." I said "ah..nakita kong mukhang super close kayo, is he... your boyfriend?"

Napatingin lang sakin si Sam at mukhang nagulat sa tanong. Nakatingin naman ako sa kanya na para bang nag aantay ng sagot niya. Napayuko na lamang siya at sumagot siya "Oo."

Nagulat ako nanatili lang na nakatingin sa kanya, maya-maya pa ay muli akong nagtanong "matagal na kayo?" Nanatili lang siyang nakayuko at hindi tumitingin sakin "Oo." she said.

Sagot ko "well...um..I'm happy..I'm happy for....for both of you." Napatingin siya sakin at ang sabi ko pagkatingin niya sakin "I'm happy for you." Matapos nun ay nanatili lang kaming nagtitinginan at hindi umiimik.

Napatingin ako sa orasan ko at ang sabi ko "op, ako naman ang tapos na ang breaktime. Kailangan ko na bumalik sa klase. Maiwan ko na kayo, just..enjoy your food." Binigyan ko sila ng ngiting alam kong hindi totoo. 

I sighed at naglakad nalang pabalik ng klase, pagkabalik sa klase ay nanatili lang akong nakaupo dun kahit na wala pa gaanong tao. Napayuko ako sa lamesa ko at ang sabi ko, "So..it's true. Tama si Kayla...tama ang akala ko." 

ALIENS AND STARS, LIKE YOU AND ME [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें