CHAPTER 46

9 0 0
                                    

Habang nag-aantay ako sa upuan ay napansin ko na hindi pa pumapasok si Gab. Hanggang sa mag umpisa na ang klase ay napansin ko ay wala pa din si Gab. Ang sabi ko "Baka nalate lang siguro siya."

Nang makalipas ang ilang oras ay  breaktime na, mukhang absent na talaga si Gab ah. Pag-upo ko sa upuan at lagay ng pagkain ko sa lamesa ay hindi naman nagtagal ay may umupo din sa tapat ko, at yun ay si Ryan "hey." Sabi ko "uy."

Sabi ko "ah, absent si Gab eh, kaya ako lang-" Bigla siyang nagsalita "I know, He messaged us, hindi siya pumasok kasi may sakit siya." Sabi ko "ahh, okay." 

Tanong ko "si AA?" Sabi niya "May kinausap  lang sa telopono niya." Sabi ko "ah, okay." 

Sabi ko "kamusta klase?" Sabi niya "ayos lang." Sabi ko "okay, kamusta yung kapeng binili mo sa cafe." 

Sabi niya "um..." Sana nasarapan siya sa coffee na ginawa ko, naku special kaya yung mga gawa namin sa cafe noh. "good, I liked it, the coffee blend is just right." 

Mabuti naman at nagustuhan niya, kala pati yung kapeng ginawa ko sisimangutan niya din. Sabi ko "mabuti naman kung ganon." Nginitian ko siya matapos kong sabihin yun. Maya-maya pa ay lumapit at umupo na din si AA samin. 

Sabi niya "hi, sorry may tumawag lang sakin." Sabi ko "okay lang." Tanong ni AA "so, ano pinaguusapan niyong dalawa?" 

Sabi ko "ah, yung ano lang..yung coffee." Nagtakang tanoning ni AA "Coffee?" Sabi ni Ryan "I bought coffee where Sam works." 

Sabi ko "pumunta kasi si Ryan sa Cafe at bumili ng coffee kagabi, kaya tinanong ko sa kanya kung nagustuhan niya yun inorder niya."  Sabi ni AA "oh, so..alam mo na pala kung saan nagwowork si Sam?" tanong niya kay Ryan. Tumango si Ryan at ang sabi niya "yup, pinaorder kasi ako ni Gab dun eh. He said he likes Sam's blended coffee." 

Tanong ni AA "What about you? Did you like it?" Sabi ni Ryan "I liked it." Sabi ni AA "Okay." 

Maya-maya pa ay tinanong ni Ryan si AA "What about you?" Sabi ni AA "What about me?" Sabi ni Ryan "yes, what about you? do you like.."

Nanatiling nakatingin si AA kay Ryan, tanong ni AA "Sam's coffee blend?" Sabi ni Ryan "Yup Sam, Sam's coffee..blend." Nginitian ni Ryan si AA matapos niya tanungin yun.

Sagot ni AA "well.." Naku, teka lang, wag mo sabihin hindi niya nagustuhan yung mga timpla ko ng kape. Sana magustuhan din niya, nakakahiyang kung hindi niya nagsutuhann sa kanya.

Sabi ni AA "of course, I liked it." Sabi ni Ryan "okay." Nginitian ni Ryan si AA at napakunot naman ng noo si AA dahil sa pagkakangiti sa kanya ni Ryan. 

Tanong ni Ryan sakin, "so.. ano naman ang gusto mo?" Tanong ko "gusto ko?" Sabi ni Ryan "Yes, what are your likes?" 

Sabi ko "hmm, marami eh." Sabi ni Ryan "like?" Sabi ko "tulad ng mga Aliens, the color blue, anything that relates to astrology-" 

Natigil ako sa pagsasalita nang biglang nagsalita si Ryan "what about coffee? Do you like coffee?" Sabi ko "Oo naman, gusto ko ng mga coffee." Sabi ni Ryan "do you play sports?" 

Sabi ko "um, marunong ako pero hindi ko naman siya nilalaro araw-araw." Tanong ni Ryan "ano bang sports yun?" Sagot ko "basketball." 

Nanlaki ang mga mata niya nang marinig niya ang sinabi ko "Basketball?!" Tumango ako, Sabi ni AA "Yup, she is good at playing basketball." Natahimik si Ryan at hindi makapaniwala sa sinabi ni AA.

Grabe naman, bakit ganun siya makapagreact? Ngayon lang ba siya nakakita ng babaeng marunong mag basketball? Sabi ni Ryan "well, kung ganon, good for you."

Huh? Good for me? Ano ang ibig sabihin niyang good for me?

Maya-maya pa ay nagpaalam na si AA "well, I have to go, maiwan ko na kayo. My breaktime should have ended early because I still have a lot to do in my next subject." Sabi ko "okay." Sabi ni Ryan "see you later."

ALIENS AND STARS, LIKE YOU AND ME [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें