CHAPTER 41

7 0 0
                                    

Pagkauwi namin ay bago pa man nakakababa ng kotse ay nagpasalamat ako kay AA "thank you sa paghatid." Sabi ni AA "wala yun." Bago pa man ako bumaba ay pinigilan ako ni AA "wait."

 Napatingin ako sa kanya "I just want to apologize to you, if we didn't stay in Antipolo for so long, maybe nothing bad would have happened to your mother and Jas." Sabi ko "walang kang kasalanan sa nangyari, sadyang masama tao lang talaga ang boyfriend ni nanay."

Nanatiling tahimik si AA, "Ako nga dapat ang mag sorry sayo, dahil ikaw na itong tumutulong sakin sa paghahanap ng magulang ko tapos...ako pa ang nagsabi na wag mo na akong kausapin. Kaya....I'm sorry kung nainis ako sayo... at I'm sorry dahil hindi kita inintindi."

Sabi ni AA "It's okay, I understand." Nginitian ko siya at matapos nun ay bumaba na ako ng kotse at nagpaalam na sa kanya "Ingat ka sa pag-uwi." Nginitian niya ako at sabi niya "Salamat, mag-iingat din kayo." 

Matapos nun ay tuluyan na siya na nakaalis at ako naman ay umakyat sa building, hanggang sa makauwi sa loob ng bahay. Pag-uwi ng bahay ang sabi ko "andito na'ko." Nakita ko si Ate kara na naglilinis ng lamesa, "Sam!"

Agad niyang binitawan ang basahan na hawak niya at lumapit sa akin at agad akong niyakap. "Ate Kara!" Niyakap ko siya pabalik, pagtapos magyakapan ay ang tanong niya "kamusta ka? Pasenya na kung hindi ako nakadalaw sa inyo. At nakikiramay ako sa nangyari sa nanay niyo ni Jas." 

Sabi ko "salamat po, okay lang naman  po kami." Tanong ni Ate Kara "San ka galing?" Magsasalita na dapat ako nang bigla akong tawagin ni Jas "Ate Sam." Lumapit siya at ang sabi "ano yang dala mo ate?" 

Sabi ko "ah, ito nga pala." Inabot ko ang paper bag sa kanya ata agad naman niya yung kinuha, "Binili ng kuya AA mo para sayo." 

Sabi ni Jas "Wow! favorite ko'to ah." Maya-maya pa ay lumabas mula sa kwarto si Faye na nakauniform, "Wow! Kuya AA niya na pala ah."  Matapos niyang sabihin sakin yun ay nginitian niya ako.

Tanong ko "oh, bakit nanadito ka pa?" Sagot ni Faye "hello, maaga pa kaya po, tsaka inaantay ko lang kasi si Yuwan, hahatid niya daw ako sa school." Sabay naman ngumiti siya na parang kinilig.

Tanong ni Ate Kara "Kuya AA? Sinong kuya AA?" Ang sabi ko "ah si ano po-" Hindi naman ako nakasagot nang biglang sumabat si Faye habang nagsasapatos siya "Ay! Si AA ate? Naku, si sir pogi yun, siya yung tumulong kay Sam sa paghahanap ng totoong niyang magulang." 

Napakunot ng noo si Ate Kara at ang sabi "teka, siya ba yung nakita kong kasama mo nung binantayan ko si Jas?" Tumango ako at ang sabi ko "o-opo." Matapos kong sabihin yun ay itinabi ko ang sapatos ko sa tabi, at ibinaba ang bag ko sa upuan. 

Sabi ni Ate Kara "Ay oo nga! Siya yun! Pogi ng lalaking yun noh?" Sabi naman ni Faye "Diba? Pero mas pogi pa din ang Yuwan ko." Hinayaan ko silang pagusapan lang si AA, kaya nanatili lang akong natahimik at kumuha ng isang basong tubig.

Lumapit si Ate Kara sakin at nagtanong habang ako ay umiinom, "Teka, boyfriend mo na ba yun?" Nabuga ko yung tubig sa gulat nang marinig ko ang tanong sakin ni Ate Kara. Sabi ko "H-h-hindi ate ah!" 

Singit ni Faye "Hindi pa....sa ngayonn ahahaha." Tumawa si Faye na pang-asar sakin, sinamaan ko siya ng tingin at ang sabi ko naman kay Ate Kara "Hindi talaga ate, wag kang makinig diyan." Tanong ni Ate Kara "o-okay, san ka ba nanggaling?" 

Sagot ko "Sa Las Piñas po at pati na sa Antipolo. Sinubukan po uli namin hanapin yung Magulang ko po." Tanong ni Ate Kara "Namin? Sino kasama mo?"  Biglang sumilip si Faye samin na parang butiki nginitiaan ako habang inaantay ang sagot ko sa tanong ni Ate Kara. 

Sabi ko "Si...si AA po." Tanong niya "kayong dalawa lang?" Sagot ko "opo." Dahan-dahang napangiti si Ate Kara sakin at ang sabi "ahh."

Kinuha ni Ate ang basahang hawak niya at inilagay yun sa lababo, paglagay niya nun ay uminom siya sa baso, pag inom ay ang sabi niya "tama nga si Faye, Hindi pa yan....sa ngayon." Nagulat ako ng biglang napatawa ng malakas si Faye "AHAHAHA Sabi ko sayo eh." 

ALIENS AND STARS, LIKE YOU AND ME [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon