CHAPTER 39

13 0 0
                                    

Maaga akong nakapasok sa unversity. Sabi ni Kuya Guard "Aga mo ata ah." Sabi ko "Siyempre, ako pa." 

Matapos nun ay nagpaalam na'ko sa kanya at dumiretso na sa klase. Habang nag kaklase ay ang napatulala ako "Sana, mahanap namin yung birth certificate ko." Makalipas ang ilang oras ay nagbreaktime na kami, habang nakaupo sa cafeteria ay lumapit si AA at umupo sa tabi ni Gab.

 Sabi ni AA "oh, tayong tatlo lang uli?" Sabi ni Gab "oo eh, si Ryan kasi eh, masyadong kinacareer ang pagiging masipag." Napangiti lang si AA sa sinabi ni Gab, tanong ko "marami ba siyang ginagawa?" 

Tumango si Gab at ang sabi niya "Oo eh, hindi lang dito nag-aaral si Ryan noh. Even in their company, he is learning how to run it." Nanlaki ang mata ko at sabi ko "Kumpanya nila?" Sabi ni AA "yup, they have their own company." 

Grabe, ganun talaga pag mayayaman noh, may mga sariling kumpanya. Tanong ko "kayo din ba meron?" Sabi ni Gab "kami? Siguro mga business? My mom owns many mooncake shops in different areas. Mga iilang branches lang naman." 

Tanong ko "ilang branches?" Nakamunot siya ulo at para bang nahihiyang sabihin kung ilan, sabi niya "Mga..84." Napanganga ako nang malaman ko kung ilang branches ang meron sila.

 Paano naging iilang branches lang' ang '84'? Sabi ko "Ang dami nun ah." Napangiti si Gab at medyo napayuko sa hiya. 

Tanong ko kay AA "kayo ba AA?" Sabi ni AA "kami?" Tumango ako at ang sabi ko "Oo, kayo?" 

Sabi ni AA "wala kaming business or company." Sabi ni Gab "Pero! Nagwowork ang magulang ni AA sa isang pinakakilalang kumpanya. 'The Lavian Corperations.' " Nanlaki mata ko sa gulat nang marinig ko ang sinabi ni Gab. 

Ang 'The Lavian Corperation' ang isang sa mga pinaka sikat na kumpanya dahil sa marami na ito na nakakapagpartnership ng iba pang sikat na kumpanya. Sabi ko kay AA "diba may partnership sila sa Axel corporations?" Tumango siya at napayuko lang. 

Mukhang wala siya pakialam sa kung gaano man kasikat ang pinagtratrabahuhan ng magulang niya. Kaya nanatili nalang ako natahimik matapos ko magtanong. Matapos na din ang breaktime namin ay bumalik kami sa klase. 

Pagbalik sa klase namin ay wala pang teacher dun kaya may naitanong sakin si Gab "So matagal na kayong magkakilala ni AA?" Sagot ko "medyo." Tanong niya "paano kayo nagkakilala?" 

Sabi ko "well, simula na pumunta siya cafe namin, ay siya nakapulot ng pin ko." Sabi ni Gab "ah, oo! Ikaw yung naikwento niya, about din sa Alien pin na napanaginipan niya diba?" Sagot ko "huh? Napanginipan niya?" 

Sagot ni Gab "Oo, kwento niya napanaginipan niya yun, so tapos, pano kayo naging close?" Sabi ko "Nagkita uli kami ni AA nang iligtas niya ako sa isan  g night club." Napakunot ng noo si Gab at nagtanong "iniligtas?" 

Sabi ko "One time kasi ako nga work bilang waitress sa night club, tapos may isa kasing lasing sa night club na yun na binabastos ako. Kaya ayon, mabuti nalang at iniligtas ako ni AA." Sabi ni Gab "Naku, buti nga nandun si AA, oh tapos ano nangyari?" Sabi ko "Matapos niya kasi akong iligtas, nawalan siya ng malay sa sobrang kalasingan. Kaya dinala ko muna siya sa cafe namin. Tapos napansin ko na heart broken nga si AA, kaya naisipan ko na tulungan naman siya bilang pasasalamat sa pagtulong niya sakin." 

Sabi ni Gab "ahh, tapos?" Sabi ko "ayon, tinulungan ko siya maka move on kay Kayla, hanggang sa isang gabi, naisipan niya akong tulungan na hanapin ang tunay kong mga magulang, para na din madistract siya sa kakaisip kay Kayla." Tanong niya "Nawawala magulang mo?" 

Sagot ko "Oo, ang totoo kasi niyan ay bata palang ako nang ampunin ako ako, kaya hindi ko alam kung bakit at kung sino tunay kong mga magulang." Tanong ni Gab "san niyo hinanap magulang niyo?" Sagot ko, "Una pumunta kami sa Las Piñas at sumunod naman sa Antipolo." 

ALIENS AND STARS, LIKE YOU AND ME [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora