CHAPTER 43

5 0 0
                                    

Pagpasok ko ay nakasalubong ko si AA, sabi ko sa kanya "Good morning!" Napalingon siya sakin at napangiti "Good morning." Napangiti din ako nang batiin niya ako pabalik.

Tanong niya "papasok kana sa classroom mo?" Nakangiti akong tumango sa kanya, sabi ni AA "I'll take you to your class." Umiling naman ako at ang sabi ko "wag naa, okay lang."

Napataas ang kilay niya at dahan-dahan siyang lumapit sakin at ang sabi "are you still avoiding me?" Napalunok ako dahil sa pagkakalapit niya sakin "H-huh? H-hindi ah! B-bakit naman kita iiwasan eh okay na tayo diba?" 

Dahan-dahan siyang napangiti at ang sabi "yes, kaya ihahatid na kita sa klase mo." Hindi nalang ako nakakibo at hinayaan nalang siya na ihatid nga ako sa klase ko. Pagkarating sa klase ay nakita siyaa ni Gab, kaya agad ito na lumapit samin. 

"Bro!" Pagkalapit ay napakunot siya ng noo at ang sabi "oh, bakit si Sam kasabay mo at hindi ako?" Napayuko at napngiti nalang ako dahil sa pagkukunwaring tampo ni Gab sa kanya.

Napasimangot si AA at ang sabi niya "Don't act like it's my fault, minessage kita kanina kung nasaan kana diba? Hindi ka naman nag reply." Napangiti si Gab at sabi "hehe oo nga eh, sorry, wala kasing signal dito eh."

Hay naku ganito ba talaga itong magkaibigan na ito? Sa bagay ganito din naman kami minsan ni Faye mag-asaran. Napatingin sakin si AA at ang sabi niya "mauna na ako, I have to go to my class." 

Sabi ko "ah sige, thank you sa paghatid." Nginitian ko siya at napangiti din siya sakin,  sinimangutan niya si Gab kahit na nginitian naman siya ni Gab. Lumingon sakin si AA at ang sabi "Sumbong mo sakin pag maingay 'tong lalaking 'to ah."

Napangiti at nagpigil ako ng tawa at tumango ako tanong niya. Matapos nun ay naglakad na nga siya papunta sa kalse niya. Nagkatinginan kami ni Gab at nginitian niya ako, sabi niya "Wag mo'ko isumbong sa kanya ah." 

Napahagikgik ako sa sinabi niya "Lagot ako dun pag sinumbong mo'ko." Sabi ko "wag kang mag-alala hindi kita isusumbong." Napangiti siya at ang sabi niya "nicee, thanks." 

Matapos nun ay napabalik na nga kami sa upuan namin. Pag-upo ay ramdam ko ang medyo pagkagaan ng pakiramdam ko dahil sa mga nangyari, tulad ng pagkaalam ng mga information about sa magulang ko at pagkakaroon ng understanding sa kwento namin ni AA sa isa't-isa. 

Except lang siguro kahapon, I mean oo, tinulungan nga ako ng isang lalaki na harapin at hulihin ang stalker ko kaso, siyempre, hindi naman pwede maging kampante lang. Hindi naman natin alam kung kailan ako maaring balikan ng stalker ko diba?

Nang magbreak na kami ay nauna na kami ni Gab na makaupo sa table. Habang kumakain ay inaantay namin si AA, nang makita ako ni Gab na uminom ng kape mula tumber ko ay ang  tanong ni Gab, "hm, what's that?" Pag-inom ko ay ang sabi ko "kape, gusto mo?"

Kinuha ko ang paper cup niya at nilagyan iyon ng kape, matapos nun ay kinuha niya ang paper cup at ininom iyon. Paginom ay ang sabi niya "Hmm, sarap ah, the coffee blend is delicious." Sabi ko "siyempre, ako gumawa niyan eh." 

Tanong niya "your own coffee blend?" Tumango ako at ang sabi ko "oo, nasanay na kasi ako gumawa kaya sumubok ako ng iba." Napakunot ng noo si Gab "what do you mean?" 

Sabi ko "um..Nagwowork kasi ako sa isang cafe, kaya nasanay na ako gumawa ng mga iba't-ibang klaseng kape." Sabi niya "ohh, that's cool! Turuan mo naman ako next time." 

Sagot ko "s-sige ba." Tanong niya "Ano ba ang pangalan ng cafe?" Pinakita ko sa kanya ang tatak ng tumbler ko, ang tatak kasi ng tumbler ko ay yung tatak ng cafe. Yung tumbler ko kasi ay galing sa cafe, nagbebenta din sila ng mga tumbler na kung saan ay may tatak ng cafe, nagkataaon lang na may extra kasi kaya nabigyan kami ni Faye ng tumbler ni Yuwan at Sir Cesar.

ALIENS AND STARS, LIKE YOU AND ME [COMPLETED]Where stories live. Discover now