ALIENS AND STARS, LIKE YOU AN...

Por ____AinA____

720 2 0

A boy meets someone who can help him to fix his broken heart. Until one time he was going to help her to find... M谩s

INTRODUCTION
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER TITLES
ww

CHAPTER 31

12 0 0
Por ____AinA____


WEEKS AGO 


Pagkadating ko, nakita kong may mga pulis sa labas ng bahay namin, may ambulansya din doon. Bigla akong nag-alala nang makita ko ang ambulansya at pulis na nasa labas ng bahay namin, pati na rin ang mga taong nagkukumpulan doon. Pilit kong pinagsiksikan ang sarili ko sa mga tao sa paligid at nang makalapit ako ay nakita kong may inilalabas na nakatakip na katawan. 

May mga pulis na humaharang sa mga tao pero sinubukan kong lumapit sa crime scene na iyon para hanapin si Jas. "Papasukin niyo'ko andyan ang kapatid ko!" pinagpipilitan ko. Sabi ng pulis "Pasensya na at bawal ang pumasok o makalapit dito." 

Ang sabi ko "Nasa loob ang kapatd ko!" Sabi ng pulis "pero.." Nakita ko si Jas na naglalakad habang umiiyak kasama ang isang babae pulis. 

"Jas!" Napatingin sakin si Jas "Ate!" inalis na ang pagkakaharang  ng pulis at hinayaan akong makalapit ako kay Jas. 

Nagmadali akong makalapit kay Jas nang maalis ng tuluyan ang pagkakaharang sakin ng pulis. Nang makalapit ay agad akong inakap ni Jas, at matapos kami mag-akapan ay nakita ko na may dugo sa damit ni Jas. 

Tanong ko "Anong nangyari? Bakit may mga dugo ka sa damit mo?" Sabi ni Jas habang umiiyak "A-ate, si Na-nay.." Tanong ko "Anong nangyari kay nanay?" 

Sabi ni Jas "Patay na si nanay." Lumaki ang mata ko sa gulat ng marinig ko ang sinabi ni Jas. Napatingin ako sa pulis ng marinig ko ito na magsalita "Ikaw ba ang kapatid ni Jas?" 

Sabi ko "Opo, ako nga."  Tanong uli ng pulis "so ikaw pala ang kapatid ni Jas?" Sagot ko "Opo." 

Tanong ng pulis "Ang ibig sabihin din ay anak ka din ng namatay na si Raquelle Lazaro, tama ba ako?" Sagot ko "O-opo, ano po ba talaga ang nangyari? Bakit at paano namatay ang nanay namin?" 

Tumingin sa paligid ang pulis at ang sabi "masasagot namin ang katanungan mo sa maayos na lugar." Nang maupo sa isang upuan kung saan ay malapit ay nagsimula na ako uli na magtanong "ano po? Ano na po ang nangyari?" Tanong ng pulis "May iba pa ba kayong kamag-anak?" 

Sagot ko "wala na po, kaming tatlo nalang ni nanay ang magkakasama." Tanong ng pulis "sigurado ka?" Sabi ko "opo, matagal na pong patay ang tatay naming si Jose Lazaro. Patay na din po ang magulang nila pareho." 

Sabi ng pulis "pwes, kung ganon ay maari ko namang sabihin na sayo ang nangyari." Nakatayo ang pulis at nagsimula na magpaliwanag "Ang nangyari ay pinatay ang nanay niyo ni Alvin Kalharo."

Nanlalaki lalo ang mga mata ko "paano po at bakit daw niya pinatay ang nanay namin?" Lumapit ang isang lalaki "Ako nga pala ay si Chris Ibara, isang investigator, tinanong ko ang kapatid mo sa nangyari at ang kwento niya sakin ay nakahiga daw siya sa kama sa kwarto mo nang biglang pumasok sa kwarto mo ang boyfriend ng nanay mo na lasing na naghahanap ng pera sa alkansya mo. Kaya daw nang sinubakan niyang pigilan ang boyfirend ng nanay mo na kumuha ng pera mula sa alkansiya mo ay itinulak daw siya sa ibabaw ng kama at nagtangkang gahasahin siya."

Napatingin ako kay Jas na natiling nakaakap sakin. 

Patuloy ni Sir Ibara "Hindi pa naman daw agad iyon na tuloy ng biglang pumasok sa kwarto niyo ang nanay niyo. Nang makita sila ng nanay mo ay, pinigilan agad ng nanay mo ang boyfriend niya. Kaya inaway ng nanay mo ang boyfriend niya at agad naman daw na lumabas mula sa kwarto si Jas, hindi nagtagal ay pati na ang nanay mo at ang kanyang boyfriend ay lumabas din mula sa kwarto. Nang hindi daw mapigilan ng boyfriend ng nanay mo sa patuloy na pagpapalo o away sa kanya ng nanay niyo ay kumuha ng kutsilyo ang boyfriend niya at itinakot ang nanay mo. Sinabi daw ng nanay niyo na lumabas at tumakas ang kapatid mong si Jas, kaya agad naman daw siyang lumabas at humingi siya ng tulong"

Nanatiling lumaki ang mga mata ko sa hindi makapaniwala sa nangyari. "Pagkahingi niya ng tulong ay nakita niya nakahiga na ang nanay  mo sa sahig ng sala niyong duguan. Nang makita niyang duguan ang nanay niyo ay agad na nagtakang tumakas ang boyfriend ng nanay niyo. Mabuti nalang at may pulis na agad na nakitang may dala-dalang kutsilyo at duguan si Alvin kaya't agad naman nila ito naihabol at nahuli." 

Umiiyak si Jas matapos magkwento si Sir Ibara, napatingin ako kay Jas at ang sabi "Wag ka nang mag-alala, nandito na si Ate." Sabi ni Sir Ibara "Ang bangkay nga pala ng nanay niyo ay inaasikaso na, puntahan niyo nalang kung ready na kayo. Pasensya na at maari ko muna kayong maiwan dyan dahil kailangan kong bumalik sa crime scene para ipagpatuloy ang pag iimbistiga. Tatawagin ko nalang ang isa kong kasama para masamahan at panatilihing ligtas kayo." 

Bumalik ang tingin ko kay sir Ibara at agad akong nagpasalamat "Maraming salamat ho." Matapos kong magpasalamat ay bumalik na si sir Ibara sa crime scene. Nang matagal ang pagkakaakap ni Jas sakin ay pinunasan ko ang kanynang mga luha at humingi ng tawad "Patawarin mo'ko, hindi agad ako nakauwi, kung nakauwi ako agad, hindi siguro ito mangyayari."

Napatingin lang sakin si Jas at ang sabi niya habang papalakas ang kanyang boses sa lungkot at galit "wala ka namang kasalan ate eh, yung BOYFRIEND NI NANAY ANG MAY KASALANAN!" Napaakap muli ako kay Jas habang sinisi ni Jas ang demonyong boyfriend ng nanay namin "YUNG BOYFRIEND NI NANAY! DAPAT SIYA ANG MAMATAY HINDI SI NANAY!" 

Patuloy ang pagluha at pagsasalita ni Jas, at habang patuloy niya ito ginagawa ay sinubukan kong pakalmahin si Jas. "Nanay! Nanay! Nanay! Nanay ko! Bakit pati nanay namin?!" hinigpitan ko ang akap kay Jas habang umiiyak ito. 

Habang naka akap ay hindi ko napigilan ang pagbagsak ng luha ko. Naawa ako at nalulungkot para kay Jas, dahil si nanay nalang ang magulang mayroon siya. OO hindi naging mabuti sakin si nanay, sinsaktan at manamaltrato ngunit nanay pa rin siya ni Jas at ayoko ding matulad sakin si Jas na kung saan ay mawalan ng magulang. 

Kasalanan ko din ang lahat dahil hinayaang kong piliin ang sariling kong kagustuhan kaysa manataili nalang na nasa tabi ni Jas. Hinaayaan ko ang sarili kong malayo sa kanya, hinyaan kong mas piliin ko ang paghahanap sa magulang ko kaysa makasama nalang si Jas sa bahay. 

Sabi ko sa kanya "Pangako, hinding-hindi na ako lalayo sa tabi mo. Hinding-hindi ko na hahayaang may masamang mangyari sayo."  

Makalipas ng ilang araw ay nailibing na si nanay at nakalipat na kami Jas. Pinaalis ang cafe sa pinagrerentahan niyang lugar kaya't napunta kami sa Antipolo para dun tumira at magtrabaho na din don dahil doon napunta ang cafe. 

Kaya ayon, Yun siguro ang dahilan kung bakit ko pinatiggil si AA sa pakikipaguusap sakin. 







"Ito na po ang salted caramel coffee niyo, have a nice day!" 

"salamat."

Lumapit sakin si Faye at ang sabi "hayst! salamat last customer of this day!" Sabi ko "Pasalamat ka talaga at maaga tayong pinauwi ni SIr Cesar." Matapos nun ay nag linis at nagsara na kami ng cafe, Nagbihis na kami at kinuha ang gamit namin at agad na umuwi.

Pag-uwi namin ay agad kaming sinalubong ni Jas. "Hello bebe!" bati ni Faye kay Jas.
"hello ate Faye." 

Inakap niya ito at inakap din ako "hello atee!" Sabi ko "hello dinn." Matapos sa pag-aakap ay ang sabi ni Faye "wow! Ang linis ng bahay ah!" Sabi ni Jas "na bored po kasi ako kaya nag-linis nalang po ako." 

Sabi ko "sana ma bored ka uli next time." Napangiti naman si Jas "Nako, sana oll ganyan din pag nabored." Sabi ni Jas "nagsaing na din pala po ako para sa hapunan natin." 

Sabi ni Faye "ay sige,  bago pa man ako mag bihis ng pambahay ay bili nalang muna ako sa labas ng ulam natin para hindi na magluto." Sabi ko "sige, kami na maghahain." Nang makalabas si Faye ay maghahain na dapat ako ngunit pinigilan ako ni Jas "ate ako na po dyan, magbihis ka na po sa itaas. 

Sabi ko "Sigurado ka?" Sabi ni Jas "opo." Sabi ko "Sipag mo ata ngayon ah, oh sige bihis lang ako saglit." 

Matapos nun ay agad na umakyat ako para mag-bihis. Pagbihis ko ay may napansin akong kahon sa baba ng kabinet. Kinuha ko ang kahon at isinara ko ang kabinet. 

Pagbukas ng kahon ay napansin ko na ang laman na yun ay mga ibang gamit na naiwan ni nanay. Nalungkot ang mukha ko at napabuntong hininga, bago pa man isara ang kahon ay napansin ko ang isang papel na natatabunan. Kinuha ko ang papel mula sa kahon at napakunot ako ng noo sa nakita ko.  

"Birth certificate?" Isang birth certificate iyon at nakita ko  na nakalagay ang pangalan ko doon. Nawala ang pagkakatig ko sa birth certificate nang bigla akong tawagin ni Jas. 

"Ate." Gulat ko nang makita siya na nasa likod ko,  Ibinaba ko ang pagkakahawak sa birth certificate ko at ang sabi ni Jas "kain na tayo ate." Sabi ko "ah s-sige, susunod na'ko. Ibabalik ko lang 'tong mga gamit." 

Sabi ni Jas "sige po." Lumabas ng kwarto si Jas at itinago ko muna sa gamit ko ang birth certificate at ibinalik ko nalang muna ang kahon sa loob ng kabinet. Matapos nun ay bumaba na agad ako at pag baba ko ay nagsimula na kami kumain.

Makalipas ng ilang oras ay natapos kaming kumain. Si Jas ay nasa taas ng kwarto natutulog na at ako naman ay naghuhugas ng mga pinggan. Habang naghuhugas ng pinggan ay natulala ako at iniisip pa din ang birth certificate ko. 

"Huy!" Nawala ang pagkatulala ko ng gulatin ako ni Faye. "baliw ka ba?" sabi ko sa kanya.

Sabi niya "ikaw kasi tulala na naman eh...dahil ba yan kay ano.." Sabi ko "Hindi dahil kay AA okay?" Sabi ni Faye "oh wala akong sinabing si AA yun." 

Napalingon ako sa kanya at tinigan siya ng masama "hindi mo nga sinabi si AA yun pero alam kong siya naman yung tinutukoy mo noh." Sabi ni Faye "hehe, eh bakit ka ba kasi tulala dyan?"  Sabi ko "ano kasi.." 

Sabi ni Faye "ano?" Itigil ko ang paghuhugas ng pinggan at lumingon ako kay Faye "kanina kasi pagbihis ko, nakita ko yung birth certificate ko." Sabi ni Faye "Ano?!" 

Tatakpan ko sana ang bibig ni Faye kaso may sabon ang dalawa kong kamay kay hinugas ko muna ang dalawa kong kamay at itinakip ko ang bibig niya "Wag kang maingay, natutulog na si Jas." Pag-alis niya sa pagkakatakip ng bibig niya ang mga kamay ko ay ang sabi niya "kala ko ba wala kang birth certificate kasi diba inampon ka lang tapos tapos tapos p-paano magkakaroon ka ng birth certificate? Totoong birth certificate mo ba yan?" 

Sabi ko "hindi, hindi ko totoong birth certificate yun, nakalagay kasi don ang pangalan ni nanay at tatay eh. Hindi ang tunay kong mga magulang." Sabi ni Faye "so..ang ibig sabihin non ay hindi mo parin alam kung sino ang tunay mong magulang?" Nakasimangot ako at napatango nalang sa tanong ni Faye. 

Napalungkot din si Faye ngunit agad naman agad din naman nawala nang may naisip siya "Uy, dahil meron kanang certificate, pwede ka na mag-apply sa college." Napangiti siya matapos niyang sabihin yun. Sabi ko "Faye, hindi pwede yun." 

Sabi ni Faye "uy papayagan ka naman mag college niyan." Sabi ko "Faye, paano si Jas? Hindi ko naman pwede iwan nalang uli siya noh." Natahimik si Faye.

"Mas kailangan ko magtrabaho para masuportahan ko kung ano ang mga kailangan ni Jas." pagpatuloy ko. Sabi ni Faye "mas maganda ang magiging trabaho mo at mas masusuportahan mo ang mga kailangan ni Jas kung makakapagtapos ka ng kolehiya." 

Nanatiling lang akong tahimik at tinignan lang si Faye. Sabi ni Faye sabay lagay niya ang kanyang kamay sa balikat ko "Sam, hindi na mauulit yun kay Jas okay?" Nanatiling akong nakatingin sa kanya.

Pag papatuloy niya "hindi natin hahayaang maulit uli yun kay Jas, kaya wag kana mag-alala ah." Sabi ko "pero..kailangan ko magtrabaho-" Inalis ni Faye ang kanyang kamay sa balikat ko at ang sabi niya "ganito nalang, pag-uwi mo galing school tsaka kana dumiretso sa cafe." 

Hindi ako nakakibo "pang gabi naman pasok ko eh, ganon sched ko sa nursing. Oh edi mababantayan ko si Jas, habang nasa school ka sa umaga at nasa cafe ka ng hapon." Matapos sabihin yun ni Faye ay tinignan niya ko na parang nag-aantay ng sasabihin. 

Napayuko nalang dahil sa hindi ko alam ang sasabihin. Tumaas din naman ang tingin sa kanyang ng muling mag salita si Faye "Sam, gawin mo'to para kay Jas...o kahit na para sayo."

Gusto ko sana na makapag-aral at makapagtapos ng kolehiya ngunit natatakot ako na baka may mangyari na naman. Nangako kay Jas na hinding-hindi na ako lalayo sa tabi niya, hinding-hindi ko na hahayaang may masamang mangyari sa kanya. Nagsalita muli si Faye "pag-iisipan mo muna ah, take your time." 

Ngumiti siya sakin matapos niya sabihin yun, tama pag-iisipan ko muna ng maiigi siguro yun.




Seguir leyendo

Tambi茅n te gustar谩n

183K 5.9K 49
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
237K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
1.5M 34.8K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...