The Auditions

By DiabolicalWriters

20.6K 747 221

More

The Auditions
Buhay ng Patay
Hindi Ko Maintindihan
De 'Ja Vu
Orgmate
Please Stay
Renascence
Sa Jeep
The Game That I Just Played
The Gift
Sacrifice
Please, Take Care of Him...
The Lakhan
Those Days...
First Love Never Die
The Calm After the Storm
Longing for Love
Paano Ba Maging Isang Manunulat?
Chat
Just a dream
Tamed
Dear Mr. Kupido
Unheard
Bakit?
Daring the Devil
Sa Lilim ng Saksing Puno
Unspoken
The Star Gazer Boy
Closure
Blissful Pains
All She Had
The Saviour and the Predator
What Summer Brings
Waking Up
Secret and Lies
Rooftop
black cat
First Anniversary
Withered me
The Art of Making Love
My Key To Survive
Best Man
Thirteen
Attack on Eren
Surpresa ng Maynila
Ang Kwentista
Demonyang Babae
How to Break Them
Flight
Alas Tres
Field Trip
Love Race
Swimming is Fun
Memento Mori
Dama De Noche
Ikaw Parin
Anew
Painful Vacation
Munting Tinig
Wake Up No More
The Vast Bird Bath
Ang Sepulturero
Consequence of Loving Him
Litrato
Wild Awake
Kung Sana
Oras Na
World of Chances
The End
Georgina
Sa Pag-uwi ni Kuya
Playlist
Erlking
Naupos na Boses
Kung Kailan
Of The Beast And The Flyings
PAINT MY HEARTACHE
Morose Ecstacy
Berto
Hummingbird Heartbeat
Tunog ng Dagat
Pangitain
Ang Alamat ng Ulan
last piece for tonight's feast
Mamatay Ka Na Sana
I love you, Goodbye
Melba and Her Happily Ever After
Transparent
Lianna
Broken
Pag-iral
Love and Sacrifice

Gusto kong maging isang Doktor

297 13 14
By DiabolicalWriters

Genre: Humor


Bumungad sa akin ang maingay at mausok na kalye ng kamaynilaan. Madaling araw pa lang pero kailangan ko ng magbanat ng buto. Sa murang edad, sanay na sanay na ako sa buhay dito sa Maynila. Sino nga naman ang hindi masasanay kung limang taon ka pa lang ay laman ka na ng kalye ng kamaynilaan.

Hindi ako ulila katulad ng mga napapanuod ninyo sa mga telebisyon kapag ini-interview ang mga batang lansangan na katulad ko. May mga magulang ako, pero aanhin ko nga sila kung wala din naman silang kwenta, kung pinabayaan na nila kaming magkakapatid. Ang nanay ko, laman ng beerhouse dito sa maynila. Ibat-ibang lalaki ang pumupugad sa kanyang kandungan sa bawat gabi. Oo, isa siyang Pok-pok. Kalapating mababa ang lipad. Magdalena. Kaladkarin.

Samantalang ang aking tatay ay hindi ko kilala. Noong bata pa ako, usap-usapan sa lugar namin na si Ernesto ang tatay ko. Siga ng pitong-gatang. Sugarol. Kinatatakutan. Drug Addict. Drug Pusher. Snatcher. Mantitiktik ng metro ng tubig at kuryente. Sabi nga nila, match made in hell daw sila. Parehas salot sa lipunan.

Lima kaming mga magkakapatid, ako, si gelay, jeng-jeng, maki at ang bunsong si jun-jun. Lahat kami ay panganay, sabagay, sa dami ba naman ng lalaking kinakalantari ng aking Ina, hindi na nakapagtataka ito. Ako ang pinakamatanda sa amin, sa edad kong disisyete anyos ay hindi mo aakalain na sa bata kong pisikal na anyo ay kabaligtaran naman nito ang pananaw at pag-iisip ko na parang sa isang matanda na. Maagang pinaglipasan ng panahon dala ng kahirapan sa buhay. Maagang minulat na walang maganda sa mundong ito kundi puro kamiserablehan.

Masakit para sa akin na magkaroon ng magulang na hindi ka binibigyan ng importansya. Para akong nangangapa sa dilim kung paano mabuhay sa mundo, kung paano itaguyod ang pilay na pamiyang meron ako. Walang gabay. Walang patnubay. Walang liwanag kahit na katiting.

Namataan ko ang isang ginang na marahil ay galing sa night shift sa kanyang trabaho. Puting uniporme ang suot niya, siguro ay kawani siya sa pampublikong hospital diyan sa kabilang kanto. Hawak-hawak niya ang kanyang mamahalin na cellphone habang nagpipindot. Nakasukbit naman sa kanyang braso ang mamahalin niyang bag. Mukhang branded pa. Napangisi ako ng mapagtantong tiba-tiba na naman ako ngayong araw.

Iniikot ko aking paningin sa paligid. Dahil nga sa maaga pa, kakaonti pa lamang ang mga tao ngayon. Perpektong oras para sa pagbabanat ng buto ko. Dalawang lalaki ang malapit sa kanyang kinatatayuan sa Waiting Shade. Naghihintay din siguro ng masasakyan pauwi ng kani-kanilang mga bahay.

Nagbilang muna ako ng tatlo bago kumaripas ng takbo papunta sa kinatatayuan ng ginang. Inagaw ko muna ang hawak niyang cellphone at marahas siyang tinulak. Tila isang gutom na gutom na tigre ang biglang sumibasib sa isang piraso ng karne. Gulat ang ekspresyon na makikita sa kanyang mukha. Hindi niya marahil napaghandaan ang biglaan kong pagsalakay. Nakaramdam ako ng kakaonting pag-kaawa sa kanya. Ganyan na ganyan ang ekspresyon ni Nanay sa tuwing sinasaktan at iniiwan siya ng kanyang mga nagiging nobyo. Humihingi ng tulong. Simpatya. Pag-alo. Bago pa ako lamunin ng konsensya ko, muli kong hinablot ang mamahalin niyang bag. Kasabay ng mabilis na pagtakbo. Tatlong rule lang ang sinusunod ko kapag nakasabak na ako sa giyera. Itapon ang konsensya. Tumakbo. Huwag lumingon.

Ganito ang buhay sa Maynila. Punong-puno ng mga ibat-ibang klase ng halimaw. Ibat-ibang anyo na hindi mo aakalain na may itinatago pa lang demonyo kahit ang isang inosenteng bata na katulad ko. Utak-talangka. Ganyang ang klase ng buhay na namamalakad sa lugar na ito. Hihilain ang ibang tao para umangat. Kug mahina ka, ikaw ang talo. Pero kung malakas ka, mabubuhay ka. Malayo pa ang lalakbayin ng isang tulad mo.

Habol ang aking hininga nang nakalayo na ako nang tuluyan sa lugar na 'yon. Sumisilip na si haring araw sa kalangitan. Paparami na din ang mga tao at traffic na din sa bawat kanto. Ganito ang araw araw na senaryo na laging masasaksihan mo kung laki kang Maynila. Magulo. Masalimuot. Maingay. Walang kapayapaan. Walang direksyon. Parang yung buhay ko, wala ng patutunguhan.

Hindi pa man ako nakalalapit sa aming kanto ng harangin ako ng dalawang lalaki. Malalaki ang katawan nila. Sila ang dalawang lalaki na malapit sa ginang na nabiktima ko. Parehas silang naghahabol ng hininga, masama ang titig sa akin. Mga pares na mga matang nagsasabing nakahuli sila ng malaking daga. Isang peste. Isang salot.

Napaurong ako, bu-bwelo sana para tumakbong muli. Malakas ang kabog ng puso ko, isang signos na may hinding magandang mangyayari ngayong araw. Bago pa man ako makatakas ay nadakma na ng isang lalaki ang leeg ko. Isang suntok naman sa sikmura ang natanggap ko sa isa. Hindi ako makahinga, nanlalabo ang paningin ko dulot ng sakit. Hinila ng isa ang suot kong baro dahilan para mapunit ito. Hindi sila tumitigil hanggang sa bumagsak ako sa malamig na semento, unti-unting nawawalan ng ulirat. Kinuha nila ang mga gamit na nakuha ko din sa ginang kanina, saka ako iniwanan na duguan.

"Si Makoy ba 'yan. Putcha, may nabiktima na naman siguro."

"Kawawa naman yung bata. Tulungan ninyo. Duguan na nga."

"Dapat lang 'yan sa kanya, mga salot sa lipunan kagaya ng haliparot niyang Ina."

Ibat-ibang komento ang naririnig ko. Ganito ba ako kasama para danasin ko ang buhay na'to. Ganito na lang ba ang wakas na kahihinatnan ko? Ayoko na nasasawa na ako. Sawa na akong lumaban kahit alam ko naman na talo pa rin ako pagdating sa dulo.

"Nakakaawa naman, masaklap na nga ang nangyari sa kapatid niya, nabugbog pa siya."

Awtomatikong nagising ang diwa ko pagkarinig ko sa mga katagang 'yon. Kapatid ko? Anong nangyari sa kanila. Unang pumasok sa isip ko si Jun-jun. May sakit siya sa puso, mula ng ipinanganak na siya ay pasan pasan na niya 'yon. Siya ang dahilan kung bakit ako napilitan na pumasok sa ganitong trabaho. Gusto siyang mapagamot. Gusto ko pang madugtungan ng matagal pa ang buhay niya. Gusto kong maging Doktor. Gusto ko pang magkaroon siya ng magandang buhay at mailayo sa ganitong klase ng pamumuhay, sila, silang mga kapatid ko.

Pinilit kong tumayo, nilalabanan ang sakit, kirot at hapdi sa mga sugat na natamo ko. Pupuntahan ko ang kapatid ko. Gusto kong makasigurado na mali ang iniisip ko. Okay lang si Jun-jun, okay lang siya.

Paika-ika ang lakad ko. Bawat hakbang, mas tumitindi ang hirap na nararamdaman ko. Masakit na nga ang buong pisikal ko pati ba naman ang kaloob-looban ko.

Pakiramdam ko, ang bagal ng oras. Sa bawat bahay na nadadaanan ko tila isang oras ang katumbas nito. Wala na akong pakialam kung ano ang ayos ko, kung pinagtitinginan man ako ng mga taong nakakakita sa ayos ko. Kung gula-gulanit at puro dugo ang damit ko.

Hindi pa man ako nakakarating sa bahay namin ay nakita ko na agad ang mga kapatid ko na nagmamadaling tumatakbo sa akin. Excited siguro sila dahil sa wakas ay makaka-almusal na naman sila na bihira lang mangyari. Isang beses lang sa isang buwan. Pero mali sila wala akong dala maski singko.

"K-kuya, kuya. Si J-jun-jun..Ku-kuya si jun-jun." humahagulgol na sabi ni jeng-jeng sa akin.

Ngayon ko lang napansin na madami palang tao na nakapaligid sa bahay namin. Nakikiusyoso sa kung anong meron doon. Bigla akong nanlambot sa naiisip ko. Ayoko! Ayokong isipin 'yon.

Nagtutubig ang mga mata ko. Nagbabadya ang mga luhang gustong makisimpatya sa nararamdaman ko. Alam kong posibleng mangyari, pero huwag ngayon. Huwag ngayon! Kumapit ka lang Jun-jun, malapit na si Kuya. Hahanapin pa natin ang Tatay mo. Please,Jun-jun. Bibilhan pa kita ng paborito mong pandesal. Wag mo kaming iwan, bunso. Ipapagamot pa kita, magiging doctor pa ako.

Continue Reading

You'll Also Like

95.5K 2.4K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
318K 473 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
403K 594 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
378K 6K 23
Sa pagpasok ni Jude sa mansyon ng mga Velasco ay mabubuksan ang mga panibagong sikreto ng nakaraan. Mga hindi pa rin mapigilan na kataksilan at ang p...